Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Seven


Owtor's Nowt: So, may prod number ang mga bibis natin. Mabuti naman kasi 147 days ago na yung huli silang nag-prod, Grease pa yun. Hindi naman na nagpapaka-nega ako, pero feeling ko ano eh... Ano... Ah basta. Feeling ko lang talaga. Parang katulad nitong si George at Rage, feeling din. Si George, hindi lang nagtatago ng feeling, literal din siyang nagtatago... In plain sight pa. Dios Mio, Marimar. Tara na basa na tayo, all the way to the end po. 🙂🙂😉










--------------------




































MAHABANG apat na buwan na naman ang mabilis na lumipas. Naging routine na lang ang araw-araw ni Magnus simula ng araw na mabalitaan niya ang malagim na sinapit ng babaeng minamahal. Simula ng araw na yun, mag-iisang taon na ang nakakaraan.

Gigising siya sa umaga, maliligo ng malamig na tubig para mamanhid ang buo niyang katawan na kung pwede pati ang puso niya mamanhid na rin. Mag-aalmusal ng kung anong ihanda ni George na hindi niya inirereklamo dahil masarap naman magluto ito, tapos magtatrabaho na siya mula alas otso ng umaga hanggang alas siete ng gabi, didiretso sila ng club, mambabae kung meron, may VIP rooms naman sa loob ng bar, kung wala naman ay okay lang. Uuwi ng condo ng lasing na lasing. Para na siyang robot simula ng mawala si Gina sa kanya, yun ay dahil sa kanya, kaya ayos na rin na ganito ang buhay niya. Isang buhay na patay.

Kinabukasan. Gigising uli, magpapamanhid sa malamig na tubig, mag-aalmusal, magtatrabaho mula alas otso ng umaga hanggang alas siete ng gabi, didiretso ng club, mambabae kung meron, kung wala naman ay okay lang. Uuwi ng condo ng lasing na lasing. Si George? Magpapaiwan sa kotse, as usual.

Kinabukasan, ulit na naman. Gising, ligo, trabaho. Club, alak, babae. Kadalasan hanggang upo lang tapos paaalisin niya kapag nalalasing na siya. Si George? Ganun pa rin.

Kinabukasan uli. Gigising, kung pwede, maliligo ng yelo, mag-aalmusal, magtatrabaho mula alas otso ng umaga hanggang alas siete ng gabi, diretso ng club, iinom tapo uuwi ng condo ng lasing na lasing. Si George? Tulog sa naka-lock na sasakyan.

Kinabukasan na naman.Trabaho. Club, alak, bab... Wag na. Ayaw na niya. Paulit-ulit na lang. Nakakasuka na. Maging siya ay nagsasawa na. Hindi naman kayang mambabae. Hindi niya pa rin mapalitan ang dalaga sa puso niya.

As usual, lahat ng yun ay nakikita ni George at mas lalo siyang nasasaktan kasi bumabalik na naman ang nararamdaman niya para sa lalaki, hindi niya kayang pigilan kahit na ano pang kanyang gawin. Araw-araw na lang sa loob ng halos apat na buwan ay yun at yun ang nangyayari, siya at siya ang nakikita niya. Para din naman siyang masokista na ipipikit na lang ang mga mata at nagpapanggap na wala lang, magpapanggap na ayos lang, dahil doon naman siya magaling eh, ang magkunwari, ang magbalatkayo, ang manahimik, ang magtago ng nararamdaman niya imbis na harapin ito katulad ng dati, katulad ngayon...

Routine niya sa loob ng mahigit na apat na buwan? Gigising ng maaga para ipagluto ang mahal na hari ng agahan nito. Maliligo at aasikasuhin ang sarili bago ito gisingin. Ipaghahanda ang kakainin, hahabol siya ng kain habang naliligo ang hari ng kaharutan. Magliligpit at maghuhugas ng pinggan, tapos ay ipagda-drive ito sa opisina o di naman kaya sa mga outside meetings nito. Hindi lang yun, ipagda-drive pa niya ito sa kung saan-saang bar ayain ng mga barkada nitong sina Brennan at Levi. Maghihintay siya kahit antok na antok na siya, tapos ipagda-drive niya ito pauwi kahit na halos makatulog na siya sa manibela bago pa sila makauwi sa condo nito.

Kinabukasan ganun uli. Gising ng maaga. Luto ng agahan. Gigisingin ang mahal niyang hari. Ipaghahanda ang sasakyan. Drive, drive, drive. Hintay, hintay, hintay. Antok, antok, antok. Drive, drive uli. Sa wakas... condo na. Nahihirapan na siya, nasasaktan, pero sige lang. Wala eh, mahal niya. What??

Kinabukasan... Gising ng maaga. Luto ng agahan. Gigisingin ang mahal niya. Ipaghahanda ang sasakyan. Drive, drive, drive. Hintay, hintay, hintay. Antok, antok, antok. Drive uli. Sa wakas... condo na naman. Nahihirapan na siya. Talagang masakit na. Paulit-ulit eh. Araw-araw ganun na lang. Nakakasawa na at nakakapanghina na rin. Parang pakiramdam niya tatrangkasuhin na siya. Naisip niya, magpapahinga na lang siya total Sabado naman bukas.

Dalawang buwan pa ang itinakbo ng ganun nilang gawa. Routine na routine lang ang lahat. Si Magnus ay parang robot na de baterya habang si George ay parang robot na de susi. Parang silang mga patay na buhay. Isang gabi, inaya siya ni Magnus na sumali sa kanila ni Brennan at Levi na mag-inuman at mambabae.

"Halika sa loob. Inuman tayo. You earned it today." Sabi pa nito sa kanya. Umiling siya.

"Sorry. Hindi ako umiinom." Sagot niya. "At hindi rin ako naman nambababae." Kinabahan kasi siya. Hindi naman kasi niya hilig ang mga ganitong night life dahil hindi siya ganun pinalaki ng mga magulang niya kahit mahirap lang sila at hindi siya lalaki para mambabae. Kung tatanungin siya ng binata, isa lang isasagot niya...

"Bakit? Bakla ka ba?" Panunudyo ni Magnus na nag-alis sa kanya sa pagmumuni-muni. Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Pagak itong tumawa at umiling.

"Hindi ako umiinom dahil hindi ako ganyan pinalaki nila Nanay at Tatay, tsaka magda-drive pa ako mamaya." Sagot niya na nakatitig lang kay Magnus. "And besides, meron akong iniwang mahal sa probinsiya namin." Pinagtawanan lang siya ni Magnus. Kung pikon na siya noon pa sa lalaki, mas pikon siya ngayon dito. Ang masakit ay kinokontra siya ng puso niya. Ang masakit ay mahal niya ito ng totoo.

Nagpahatid na ang binata sa kanya sa condong tinuluyan nila dahil hindi na sila natuloy na mag-inuman. Nawalan yata ito ng gana dahil sa sinabi niya. Nakita ang paguhit ng sakit sa mga mata nito nung sinabi niyang may iniwan siyang mahal sa probinsiya. Wala silang imikan, walang kibuan, mas gusto niya na yung ganito, tahimik. Hinayaan na lang niya tutal ayaw din niyang kausapin ang lalaki dahil natatakot siya na kapag ibinuka niya ang kanyang bibig ay bigla na lang siyang iiyak.

Kinabukasan, Sabado. Tinanghali na ng gising si Magnus. Nagpapagising sana siya ng maaga kay George dahil may kailangan siyang tapusin sa opisina, plano pa naman niyang buong araw magbabad sa sementeryo at tumunganga lang doon.

Padabog siyang bumangon at galit na galit na tinungo ang kwarto ni George. Nakita niya itong nakatalukbong at parang sarap na sarap ito sa pagtulog. Nilapitan niya ito at niyugyog ng todo ngunit hindi ito magising. Mas lalo siyang napikon.

"Ano ba, George!" Sigaw niya. Hinablot niya ang kumot na nakabalot dito. "Hindi ka ba gigi---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin pa dahil nalantad sa kanya ang hitsura nito. Naladlad ang mahaba at makintab nitong buhok nung hinila niya ang makapal na kumot na nakabalot dito at parang wala itong malay. Nanginginig ngunit walang malay.

Napaatras si Magnus. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya sa nakita. Magalit ba siya o matatakot. Dahan-dahan niyang nilapitan ito para titigan ang babaeng kinasasabikan. Inilapat niya ang kanyang kamay sa pisngi ng dalaga para haplusin ito. Gin--- oh shit! She's hot. Doon niya lang napansing inaapoy ito ng lagnat. Nanginginig pala ito hindi dahil sa lamig ng kwarto kung hindi dahil sa taas ng lagnat nito. Hindi naman kasi ganun kalakas ang aircon sa kwarto ni George, pinagpapawisan din ito ng butil-butil.

Natataranta niyang tinawid ang kwarto ni George at kwarto niya para kumuha ng bimpo, at pagkatapos ay tumakbo sa banyo para kumuha ng gamot pagtapos ay mabilis na tumuloy sa kusina. Nilagyan niya ng sapat na tubig ang isang bowl at ng konting yelo. Nagmadali siyang bumalik sa kwarto nito. Naabutan niyang mas lalong itong nanginginig at nakabaluktot pa rin. Doon lang niya naalala na tinanggal nga pala niya ang kumot nito at hindi man lang niya naibalik yun.

Mabilis niyang pinunasan ito ng malamig na bimpo para kahit paano ay bumaba ang temperatura ng katawan nito. Maingat siyang wag itong mabastos. Umupo lang siya sa tabi nito at tinitigan itong mabuti. Hinaplos ang noo ng dalaga. Napahugot siya ng hininga.

Napaisip siya... "What made you do this, Gina. Why? I missed you, you know." Humugot uli siya ng hininga. Muli niyang hinaplos ang noo ng dalaga patungo sa nakaladlad nitong buhok.

"I love you... so much." Bulong niya at hinalikan ito sa noo. Kailangan na niyang lumabas na ng kwarto nito bago pa siya may magawa sa dalaga. Napangiti siya dahil sa tinakbo ng mahalay niyang utak. Na-estatwa siya ng marinig ang tinig ng dalaga.

"R-rage..."


























--------------------

End of GR 7

Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
November 20, 2018

www.facebook.com/TheLadder89

Blessings. Blessings. Blessings. Hindi matapos-tapos na blessings. Basta may pananalig sa Diyos at ginagawa mo ang lahat ng may pagmamahal, bibiyayaan ka talaga ng sobra. Thank you po, Lord. To God be the Glory. Amen.




























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro