Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage One




May hatid mang lungkot, takot at pag-iisa ang dilim,
wag mag-alala, darating din ang umaga
na may hatid na bagong pag-asa.

~ Ms. J





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

George's Rage

"Dilim"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍






ISANG madilim na gabi na natatanglawan ng mapusyaw na buwan na bahagyang natatakpan ng manipis na ulap na siyang nagsisilbing malamlam na ilaw sa kahabaan ng maalikabok at mabatong kalsada na parang pinagtampuhan ng panahon. Walang kahit na isang ilaw sa mga poste ng kuryenteng nakatirik sa gilid nito na kung meron sana ay mas magbibigyan ng liwanag ang daan.

Makikita sa kalsadang ito ang balingkinitang bulto ng isang babae na naglalakad sa direksyon na patungong bayan. Sa di kalayuan ay makikita ang apat na lalaking tahimik at walang ingay na naglalakad din, nakasunod sa babae.

Natural lang ang mga lakad na yun, walang malisya, walang panganib. Ang totoo niyan, sa bayang ito, mas gusto pa ng mga taga-rito ang maglakad kahit saan man sila magpunta o kahit saan nila gustong pumunta, natural na lang ito sa mga taga-rito.

Kadalasan na itong makikita sa bayang ito. Marami palagi ang naglalakad sa kalsadang ito bilang pinaka pangunahing daanan patungo sa hacienda at sa lahat ng bahagi ng lupain na pag-aari ng mga ito at bahay-bahay ng mga magsasaka at katiwala nito ay hindi rin naman nalalayo kahit na magkakalayo ang mga bahay ng mga ito ay di naman masasabing estranghero sila.

Walang krimen na naitala sa baryong nasasakupan ng Hacienda Rosita. Simula't simula pa lang at walang may maglakas loob na gumawa ng katarantaduhan sa mga taga-rito, maging dayu man o taga-rito sa malaiit na baryong ito. Walang nakawan, walang hold up-an, walang patayan, kahit mahihirap lang sila.

Ang dahilang ng kanilang pagkakakontento sa buhay ay ang kinikita nila sa haciendang sinasaka ng mga ito dahil hindi naman pabaya ang mga amo nila. Mas nakalalamang pa nga sila kumpara sa mga trabahador sa ibang hacienda sa mga karatig bayan ng Santo Dionisio.

May isang elementarya at isang high school dito na hindi naman nahuhuli sa teknolohiya. Sa mga nagtapos ng high school at gustong magkolehiyo ay nagagawa din naman sa sentro. May malaking jeepney na pumapasada dito mula apat hanggang anim na beses sa isang araw para magdala sa mga estudyanteng kolehiyo, sa tulong na rin ng mga amo nila.

Makalipas ang mahabang sandali, sa di kalayuan sa bukana, sabay-sabay na naglaho ang mga ito, parang bulang nawala at hindi na nakita pa. Kung saan man napunta ang mga yun ay wala nang nakakaalam, para bang nilamon sila ng dilim ng gabi at tanging ang liwanag na taglay ng buwan lang ang tanging saksi sa kanilang pinatunguhan.

Kinabukasan, isang makulimlim na kalangitan at parang kay bigat ng umagang sumalubong sa lahat. Hindi magkamayaw ang taga-Hacienda Rosita sa sobrang pagkahindik sa nakita nila.

Higit silang natakot nang may isang sunog na bangkay ng isang hindi makilalang babae ang natagpuan sa di kalayuan sa bukana ng Hacienda Rosita, kung saan nagsasanga ito. Isang patungong hilaga, sa lumang imbakan at ang isa ay patungo sa kanluran kung saan makikita ang mansion ng mga Faulkerson at opisina ng hacienda.

Nagkakagulo ang lahat ng taga-hacienda, dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ng mga taga-looban at taga-labas ng hacienda ay may isang karumaldumal na krimen na nangyari.

Maliit lang na bayan ang Santo Dionisio. Ni minsan, mula pa sa kanunu-nunuan ng mga Faulkerson ay hindi man lang nabahiran ng kahit na maliit na krimen o hidwaan, kahit magkakapitbahay na nagkakasagutan at hindi nagkaintindihan ay wala sila nito dahil lahat ay nireresulbahan kaagad ng tagapamahala ng hacienda, ang mga Mendoza.

Agad na nagsimula ang imbestigasyon, ngunit parang mga wala silang alam kung paanong uumpisahan ang lahat o kung saan mag-uumpisa. Bago ang lahat ng pangyayaring ito sa mga taga-rito.

Inaalam ng pamunuan at pulisiya ng bayan ng Santo Dionisio kung paanong magsisimula at kung saan magsisimula. Una na nilang kinuha ang bangkay at dinala sa nag-iisang punerarya ng bayan.

Matapos magawa yun, naghanap ang mga ito kung may makakatulong ba sa kanila para makilala ang biktima. Ngunit bago pa man dumating ang tulong ay nadiskubrihan ng mga taga hacienda na hindi naman pala nalalayo sa kanila ang biktima dahil ito ay ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Anastacio at Luningning Mendoza... si Gina Mendoza, 21 anyos, bunso sa limang magkakapatid.

Nakalulunos ang sinapit nito sa kamay ng kung sino mang mga halang ang bitukang gumawa nito sa dalaga. Hindi nakontento ang mga salarin na patayin ito, sinunog pa nila ang dalaga para hindi na siguro matukoy ang pagkakakilanlan nito. Para siguro hindi na makuhanan pa ng karagdagang ebidensiya sa kung sino man ang gumawa ng krimen na ito.

Ang mas higit sa lahat ng kintatakutan ng lahat ay maaaring ito ay walang awang napagsamantalahan pa. Bagay na iniiwasang isipin ng lahat dahil si Gina ang pinag-uusapan nila. Siya ay kaibigan ng lahat, matanda man o bata.

Sa di kalayuan, kung saan natagpuan ang sunog na bangkay ay may mga punit na damit na naglipana... damit ng isang babae. Mga gamit na siyang dahilan kaya nila nakilala kung sino ang pobreng nilalang na maagang kinitlan ng buhay sa ganoong kahindik-hindik na paraan.

Ayon sa mga kapatid na lalaki ni Gina, yun ang suot nitong kagabi nang pumunta ito sa opisina at pinatunayan ito ng mga magulang ng dalaga. Ayon naman sa mga taga-roon ay hindi nakita ng mga ito si Gina kaya inisip na lang ng lahat na baka hindi maganda ang pakiramdam ng dalaga kaya hindi na pumasok.

Nagluksa ang buong hacienda sa pagkawala ng kanilang nag-iisang mutya sanhi ng pangyayaring yun. Mahal na mahal ng buong Hacienda Rosita si Gina, maging ng kalakhan ng Santo Dionisio na nakakakilala sa dalaga at mahal din ito dahil napakabait at napakagalang ng dalaga kahit na kanino.

Makalipas ang tatlong araw na pagkakaburol sa dalaga ay pinipilit ng mga taga-hacienda ang umahon sa pagdadalamhati. Ang katuwiran nga ng nakararami, kailangan ipagpatuloy ang inog ng buhay ng mga naiwan sa likod ng lungkot at pighati. Bagay na hindi sang-ayon ang ibang mga nakakakilala sa dalaga.

Sa buong durasyon ng burol, hindi na nila binuksan pa ang ataul na pinaglagakan ng labi ni Gina dahil hindi maatim ng kahit na sino, lalo na ng pamilya ng dalaga na makita pa o masulyapan man lang ang kalunos-lunos na sinapit ng dalagang minahal ng buong hacienda.

Hindi makahinga sa sobrang lungkot ang pamilya ng dalaga, lalo na ang ina nitong si Aling Luningning kaya ang mga ka-hacienda na lang nila ang kumikilos para mag-asikaso ng mga bisitang nakikidalamhati at pati na pagluluto para sa pamilya, para sa lahat.

Masasakit na pagtangis ng mga naulilang ina at ama ang tanging maririnig sa buong lamay. Tahimik lang namang nakaupo sa kabilang gilid ang apat na nakatatandang mga kapatid na lalaki ni Gina, umiiyak. Naaawa ang mga kapitbahay sa buong pamilya dahil hindi nakikipag-usap ang mga ito.

Kung naaawa ang mga ito sa butihing ina ng dalaga, mas di hamak ang awa ang kanilang nararamdaman sa sinapit ng napakabait at puno ng saya na dalaga. Hindi nila matanggap na ito ang nakaranas ng napaka-brutal na krimen.

Sa ika-apat na gabi ng burol, dumating ang pamilya Faulkerson. Tumatangis na dumating si Donya Rosita dahil sa lungkot sa sobrang lungkot sa pagkawala ng paborito nitong sekretarya. Nakasunod dito ang istrikto at ubod tapang na asawang si Don Magus. Hindi nito napigilang hindi ipakita ang lungkot sa lahat. Tahimik lamang ang nag-iisang anak na binata ng mag-asawa.

Lumapit si Donya Rosita kay Aling Luningning na tahimik na umiiyak sa di kalayuan sa kabaong. Kahit na ito ay amo nila, matalik na magkaibigan naman si Luningning at Rosita mula pa ng elementarya, nagkawalay lamang ang dalawa nang magkolehiyo na ito at napunta na sa America, kaya hindi pwedeng hindi ito pupunta para damayan ang matalik na kaibigan.

"Luning, nakikiramay ako, kaibigan ko." Lumuluhang sambit nito sa kaibigan. Nagyakap sila, nagdaop-palad naman ang pareho nilang mga esposo.

"Wala na ang bunso ko, Rosing." Panay pa rin ang pagluha nito. "Wala na ang inaanak mo." Dinig na dinig ang lungkot pagkawala ng minamahal na bunso. Kita ang sakit sa mukha at mga mata ng ginang.

"Patawad, aking kaibigan. Kung alam ko lang na papasok siya ng gabing yun hindi ko na lang sana ipinagpilitang siya ang tumao para sa akin sa opisina." Mas naging masagana ang pagluha ni Donya Rosita. Sinisisi pa ang sarili. "Patawad, Ningning. Kung hindi ako nag-inarteng napapagod, malamang buhay pa siya ngayon at hindi niya sasapitin ang ganitong trahedya." Dugtong pa nitong inakap ang kaibigang. Gumanti din naman ng akap si Aling Luningning sa kaibigan.

Magsasalita pa sana si Aling Luningning ngunit hindi na nito nagawa pa. Nasulyapan nito ang anak na binata ng kanyang kaibigan.

Nakatayo sa harap ng nakasarang kabaong na pinaghihimlayan ni Gina ay ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng meron ang mga Faulkerson, si Magnus Rager Faulkerson, mas kilalang tawaging Rage ng mga taga-hacienda. Nagtatagis ang mga bagang nito, mahigpit na nakakuyom ang mga kamao at namumuti ang bawat bukong ng daliri nito. Masaganang umaagos ang luha nito.

Namumula ang mga tenga at ilong na kahit na may kalayuan pa ito sa kanila ay kitang-kita at kapansin-pansin talaga. Hindi nga lang makita ni Aling Luningning ng lubusan ang mga mata nito ngunit panigurado siyang umiiyak ito dahil sa pagtaas-baba ng mga balikat ng binata na sinamahan pa ng paminsanang pagyugyog at pagsinghot.

May kung anong humaplos sa puso ng ina ni Gina nang tumama ang isang realisasyon dito. Napatanong tuloy ito sa sarili. Umiiyak siya? Umiiyak si Rage para kay Gina. Nagluluksa din siya? Mahal ba nito talaga ang anak ko? Kaya ba hindi siya tumututol kahit pinipilit ito ni Rositang ikasal sa aking anak?

Ipinilig ni Aling Luningning ang ulo, puno ng panghihinayang kung bakit hindi niya kaagad yun napansin nung gabing nandito ang pamilya Faulkerson para mamanhikan. Pero wala na. Huli na ang lahat. Wala na si Gina. Wala na ang bunso niya.

"Rosing, may naikwento ba sa iyo ang binata mo?" Tanong nito sa kaibigan. Nangunot ang noo ng ginang sa tanong ng kaibigan.

"Wala naman. Bakit?" Tanong din nito pabalik sa kaibigan.

"Sa nakikita ko sa binata mo ngayon ay parang mahal talaga nito ang dalaga ko." Pahayag nito. Nilingon ni Donya Rosita ang anak, nakita nito ang nakita ni Aling Luningning kani-kanina lang.

"Oh my God!" Malakas nitong sambit, agad naman napasapo ng bibig nang makitang naglingunan ang mga naroroon sa lamay sa direksyon nila.

"Bakit, Rosing?" Tanong ni Aling Luningning.

"Tama ka, Luning." Halos mapalundag ito sa kinauupuan ng mapagtanto ang ibig sabihin ng kaibigan. "Bakit ba hindi ko nakita yan nung gabing kami ay namanhikan?" Turan nito.

"Naalala ko, nung gabing namanhikan kayo, nakita kong malungkot ang aking dalaga sa pag-alis ninyo. Natulog itong hindi man lang nakapaghapunan." Malungkot na kwento ni Aling Luningning.

"Napakasuplado kasi ng batang yan, mana sa ama. Hindi man lang nagsalita o kinausap ni Gina." Saad ng donya. "Nung sinabi namin ng Daddy niya ipakakasla namin siya kay Gina, sa ayaw at gusto niya, hindi man lang yan kmibo, hindi rin tumutol. Kaya nga hindi ko alam kung bakit hindi niya man lang kinausap ang dalaga mo." Dugtong pa nito.

"Hindi ko lang masiguro kung may namamagitan ba sa dalawang yan." Wala sa loob na nasambit ni Aling Luningning.

"Yang mga binata mo ba ay wala ring alam?" Nakatingin si Donya Rosita sa direksyon ng apat na magkakapatid na malungkot na nakayuko, hindi man lang nag-uusap. Napabuntong-hinga sila ng sabay ni Donya Rosita.

"Hayaan mo, matapos ang libing ni Gina, kakausapin ko ng masinsinan itong aking hudyong anak." Batid sa tinig ng donya ang galit at panghihinayang.

Madilim pa sa gabing walang buwan na mabigyan katuparan ang pangarap nilang magkaibigan. Wala na si Gina Mendoza. binawi ng dilim ang hiram nitong buhay sa brutal na pamamaraan.












___________
End of GR  1: Dilim

Thank you for reading the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO ALL MEDIA USED.

The story may be the writer's original idea/creation, the photo used as a cover is not owned by the writer, so please be kind and be respectful to the original owner the media used and let's enjoy the story.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18

George's Rage
©All rights reserved
September 20, 2018
November 20, 2018


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro