Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Nineteen

Owtor's Nowt: Alam kong marami na ang gustong sumakal, pasagasaan at kung ano-ano pa si Ava. Pagbigyan nyo na muna siya. Pagakatapos ngnvhapter na ito, malalaman na natin ang totoong nangyari sa mga nakaraan. Pagdamutan nyo muna ang aking nakaya.

Kapit lang ADN. May liwanag ang bawat umagang dumadating sa buhay natin. Maging ano man ang kalalabasan ng mga nangysyari, believe it will be for the best. Walang iwanan. Isipin nyo na lang ang samahan, bayanihan, pagkakaibigang nabuo simula ng naging nasyon ang AlDub, that should be enough for us, ADN... for now. Aldub you all!

Shout out nga pala sa La Liga Laquacheras, kilala nyo kayo hahahaha At sa aking new found friend na ubod ng talented, nakakaadik ang mga kwento niya. hahahaha @magbmara thank you, sorry to blast you out. Hehehe Pinakilig mo kasi ako eh hahahaha pakikiligin din kita. Hahaha 😍😍😍











-------------------









"Love, we're here." Gising ni Rage kay George. Pupungas-pungas na gumising ang dalaga. Napangiti siyang nakatunghay sa dalaga. Gumanti din ito ng ngiti sa kanya.

"Here, where?" Balik-tanong ni George ng maalalang nasa sasakyan nga pala sila at bumabyahe.

"Our temporary home for a few days." Mabilis na sagot ni Rage sa dalaga. Nilingon siya ni George at pinaningkitan ng mata. "Okay. Okay. We are here in Brennan's province. Dito tayo magpapakasal." Nanlaki ang mata ni George sa isinagot sa kanya ni Rage.

"Magpapakasal?! Are you out of your mind?!" Halos pasigaw na niyang tanong dito. Mabilis itong tumayo ng tuwid at nagpalinga-linga. Maayos at malinis ang paligid, halos walang sasakyang gagala-gala.

"No. Why would I?" Naguguluhan namang sagot ni Rage kay George. "Not unless you don't want to marry me katulad na lang ng dati mong sinabi, then I'll be out of my mind." Nakakunot ang noo at salubong ang mga kilay nitong dugtong. Napanganga si George. He is really out of his mind.

"Ang dami mong sinabi." Asar na sagot ni George. "Hindi natin hihintayin ang mga magulang natin?" Dugtong pa niya. Ayaw man niyang umuwi, hindi naman ibig sabihin ay lalapastanganin niya ang kanyang mga magulang . Kailangan pa rin nilang humingi ng bendisyon ng mga ito.

"Nope. Nanay and Tatay gave me permission already, remember. Namanhikan naman na kami di ba?" Maaliwalas ang ngiti ng binata. Para tuloy siyang naiinggit sa ganda ng ngiti nito. Ngiting walang problema. Kakaiba sa ngiti nito kahapon. Ngiting tagos hanggang bone marrow.

"I know that. But that was quite a while ago." Sangga niya sa sinabi niyo. "Ang labas parang itinanan mo ako." Dugtong pa niyang pinamumulahan ng pisngi.

"Tanan. Yun ba ang tawag dito? Akala ko eh, outing lang." Ngumiti ng may kapilyuhhan. Pagkamangha ang makikitang ekspresyon sa mga mata ng dalaga. Hindi makapaniwalang biglang labas ng kakulitan ni Rage na matagal na matagal na niyang hindi nakikita. Biglang naging makulit at mapilyo.

"Ganun? Ni hindi sila nag-react na itinanan ng isang Magnus Rager Faulkerson ang nag-iisa nilang anak na babae at bunso pa?" Nakangiting sabi ni George. Alam naman niyang nagbibiro lang si Rage kaya sinakyan na rin lang niya kesa ubusin niya ang lakas na makipagtalo dito, eh parang gusto din naman niya ang balak ng binata.

"Nope. Basta ang sabi Ni Tatay at ni Nanay na alagaan daw kita. Nagbilin din si Mama at Papa na wag daw kitang iuuwi hangga't wala daw tayong apong maipakilala sa kanila." Nag-init ang pisngi ni George, pinamulahan siya. Bigla itong nakaramdam ng kaba at nakita yun ni Rage kaya ibinaling niya ang tingin sa labas ng sasakyan.

Pinagmasdan ang establisimentong nasa harapan nila na pansamantala nilang tutuluyan ng kahit na ilang araw lang bago bumalik ng Manila. Hindi man nabago ang mood ni Rage ay mas minabuti na lang ni George na ibahin ang usapan dahil maging siya ay hindi kaintindihan ang nararamdaman. Nae-excite siya na di mawari. Tumikhim na muna siya bago oa magsalita.

"Nasaan na ba tayo?" Tanong ni George. Nakatingin din ito sa labas ng kotse. Pilit na inaaninag ang pangalan ng building.

"Olongapo City. SBMA to be exact. Eto yung dating Subic Naval Base, ginawang freepot zone nooong umalis ang mga Amerikano after nung pumutok ang Mt. Pinatubo. The government of Olongapo maintained it the way it was but made it better." Paliwanag ni Rage. Tumango-tango lang siya. In-unlock ng binata ang kotse at lumabas. Umikot pala ito sa kabila niya at pinagbuksan siya ng pinto ni Rage. Inilahad ng binata ang kamay sa kanya para alalayan siya. Inabot naman niya ang kamay ni Rage at lumabas.

"Taga-Olongapo si Brennan?" Tanong nito. Tumango naman si Rage.

"Yup. Pero wala na silang bahay dito. Lahat kasi ng pamilya ni Brennan ay nasa America na maliban na lang sa kanya. May bahay na nabili sa Makati ang mga parents niya bago pa pumutok ang Pinatubo, doon na tumira ang mga ito. Doon naman sa America ipinanganak yan, kaya lang umuwi siya dito dahil mas gusto niyang kasama ang mga Lolo at Lola niya. Doon sila tumira kaya naging magka-kapitbahay kaming tatlo. Nung mamatay ang Lolo niya, college na kami, kinuha na ng Mommy at Daddy niya ang kanyang Lola. Ayaw niyang sumama sa ito kaya siya na lang mag-isa ang naiwan sa bahay na yun." Mahabang kwento ni Rage. Pansin ni George na parang kinakabahan ang binata kaya ginagap niya ang kamay niyo at nagpatay-maling walang ginawa.

"Ganun ba? Wala bang balak na umuwi ng America si Brennan?" Wala sa loob na tanong ni George.

"Pumupunta siya doon every Christmas dati, pero ngayong graduate na siya ng college, every six months yan kung umuwi doon tapos two weeks lang balik na uli dito." Paliwanag ni Rage. Tumango lang siya. Nagtataka man kung bakit ayaw sa America tumira ng binata ay hindi na niya kinulit pang muli si Rage.

"Nandito na ba siya?" Tanong na lamang niya. Hinawakan niyang paakap ang braso ng binatang nakahawak sa kamay niya.

"They will be here in a little bit. Tara. Pasok na tayo sa loob. Pwede pa tayong magpahinga bago pa sila dumating." Bahagya siyang hinila ni Rage papuntang lobby. Nagpatianod siya sa binata.

"Online reservation for two, under Magnus Faulkerson." Anunsyo ni Rage paglapit na paglapit nila sa receptionist. Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis. Nagsalubong ang kilay ni George. Ay maharot pala ang babaeng ito eh. Kita ng may kasama eh, nagpapa-cute pa.

Hindi alam ni George ay nakamasid pala sa kanya si Rage at sinusupil ang ngiting gustong lumabas sa mga labi. Alam ng binata na nagseselos si George pero syempre alam din niya na hindi aamin ang dalaga at hindi ito kukulitin, maging siya ay magiging ganun din, hindi siya aamin na nagseselos pero paniguradong makakasuntok siya ng tao kapag nakita niyang may tumingin, ngumiti o kahit sumulyap man lang sa direksyon ni George.

"Sandali lang po, Sir." Nagpipindot ito sa keyboard ng computer na nasa harapan nito ng nakangiti pa rin. Kanda-usli ang nguso ni George dahi lsa inis sa babae na nakatayo sa kabilang bahagi ng counter. Gustong-gusto niyang burahin ang bibig nito para hindi na ngumiti pa kay Rage.

"Wag ka ng magselos. Hindi naman ako nadadala ng mga ngiti niya." Bulong ni Rage kay George. Pinanayuan siya ng balahibo ng maramdaman niya ang mainit na hininga ni Rage sa may bandang leeg niya. Bahagya niya itong itinulak.

"Tumigil ka! Maharot ka!" Pabulong niyang singhal sa binata. Natawa naman ito. Mas lalo siyang nainis hinarap niya ang babae.

"Miss, matagal pa ba yan? O gusto mo lang talagang titigan ka nitong kasama ko?" Hindi na siya nakatiis ng may ilang minuto na ring nagtagal. May pa-ipit-ipit pa ito ng buhok sa likod ng tenga nito. Batuhin ko kaya ito ng sapatos ko. Inis niyang bulong sa sarili sabay halukipkip. Pinamulahan ng mukha ang babae.

"Miss, paki bilisan lang dahil inaantok pa ang misis ko. Baka mamaya ako ang gawin nitong sunny side up." Nagpakaseryoso si Rage. Kilala niya si George mula ng mga bata sila. Alam niya ang hangganan ng pasensiya nito at kakaiba magalit ito. Umabot nga ng anim na taon bago sila umabot sa araw na ito at hindi na niya hahayaang bumalik sila doon.

"Sunny side-up mo yang mukha mo!" Pinamulahan ng pisngi si George sa narinig na lumabas sa bibig ni Rage kaya tumahimik na lang siya sa gilid at pilit na wag tumingin sa receptionist. Ang daming may hidden desire sa lalaking ito, kakayanin ko bang maging Mrs. Faulkerson? Napakunot ng noo si George sa takbo ng isip niya. Kaya nga ba niya?

"PWEDE ba tayong mag-usap?" Tanong ni Nikko sa dalagang hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kalsadang tinahak ng kotseng minamaneho ni Mark.

"Meron ba tayong pwedeng pag-usapan?" Tanong ni Cecilia na hindi man lang nililingon ang binata. Malamyos na hinawakan ni Nikko ang siko na dalaga para paharapin siya ng binata sa kanya. Napadiin ang pagpikit ni Cecilia. Hindi pa rin nagbabago ang epekto ng binata sa kanya. Dahan-dahan niyang hinarap si Nikko.

"Ceci, I'm sorry for being so stupid. I'm sorry for being careless, for being so inconsiderate of how you feel, for being irresponsible and insensitive." Hindi tinitingnan ni Cecilia si Nikko dahil ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang bumigay pero hindi yata pwede yun. Matapang siya, pero marupok siya pagdating kay Nikko.

"Nikko, bakit?" Halos hindi niya mailabas ang tinig niya. Kasali na rin siya sa liga ni Neneng Utal, Inday Piyok at Nene Harot.

"Dahil tanga akong nagtiwala na kaibigan ka niya at hindi siya gagawa ng ikasasakit ng puso mo. Dahil gago ako para itago sa iyo para hindi ka masaktan. Ang bobo ko kasi, inisip ko na kung hindi ko papansinin ang ginawa niya she'll take a hint na wala siyang epekto sa akin, na iisipin niyang tapos na yun. Hindi ko naman akalain na uulitin pala niya at ang masakit pa ay sinadya niyang maabutan mo yun. Kung hindi lang siguro ako naging duwag na harapin ang katarantaduhan niya umpisa pa lang, baka hindi na umabot pa sa ganito. Siguro kasal na tayo ngayon at may anak na." Ramdam ni Cecila ang sensiridad at sakit sa tinig ni Nikko. Sabi nga nila 'tagos hanggang bone marrow' ang sensiridad ng binata. Ang tanong, bibigay na ba siya? Wag muna.

"Nasaktan ako nung nakita ko ang ginawa nyo. Parang bumaligtad ang mundo ko. Nadurog ang puso ko. Pakiramdam ko nagkamali ako ng pinagkatiwalaan ko ng pagmamahal ko. Pero eto pa rin ako, isang tangang umiibig pa rin sa 'yo." Nag-init ang pisngi ni Nikko sa sinabi ni Cecilia. Gusto na niyang sunggaban ng akap ang dalaga pero hindi niya gagawin yun. Kulang ang pasakit niya kumpara sa pasakit na dinaanan ng dalaga. Magtitiis siya hanggang kelan pumayag si Cecilia na malapitan niya ito ng mas malapit pa.

"Alam kong masakit ang nagawa ko at hindi ko inaasahang patawarin mo ako kaagad. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko. Hindi ko pwedebg ipasa lahat kay Ava ang pagsisisi at pagkakamali dahil meron din akong kasalanan. Kung noong una pa lang niyang ginawa yun ay nagsalita na ako, sana kinumpronta ko na kaagad siya, disin sana'y hindi na yun naulit pa. Ceci, I am very, very sorry. I have no excuse for it, all I have now are regrets. Patawad." Kating-kati na siyang akapin ang dalaga pero hindi niya gagawin yun hindi porke hindi niya magawa, hindi niya gagawin kasi yun ang gusto niyang, por respeto kay Cecilia at sa lahat ng maling nagawa niya dito. Dagdag parusa na rin yun para sa sarili dahil siya naman talaga ang dapat na sisihin.

"Hindi lang din naman ikaw ang may pagkakamali, Nicky. I didn't give you a chance to explain, basta na lang akong umalis at magpakalayo-layo. I didn't even confronted her, fearing that I will loose it and hurt me more in the process, and that I can not afford." Tumulo ang ilang butil ng luha sa pisngi ni Cecilia. Naalarma si Nikko sa biglang pag-iyak ni Cecilia.

"Ssshhh... I'm sorry." Naiiyak na rin siya ngunit mas minabuti na lang niyang pigilin yun. Hindi niya pwedeng sabayan ang dalaga sa lungkot nito, wala siyang karapatan. Mahal niya ito at tama lang na tiisin niya ang sakit lalo pa't siya ang dahilan ng mga luhang yun.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Kalaunan ay kinabig paakap ni Nikko si Cecilia. Pagdaka pa'y inakap na rin ang dalaga sa kanya. Bahagyang nakahinga ng maluwag si Nikko dahil kahit papaano ay nakausap na niya ang dalaga at gumanti pa ito ng akap sa kanya, pero hindi ibig sabihin ay napatawad na siya nito. Hindi pa rin siya titigil ns suyuin si Cecilia. Alam niyang aabutan ng isa pa uling pagba-blood moon bago siya mapatawad at tuluyang pagkatiwalaang muli ni Cecilia ay ayos lang sa kanya. Kung yung ang magpapasaya sa dalaga yun ang gagawin niya. At kahit ng sakaling hindi man siya mabigyan uli ng isa pang pagkakataon ni Cecilia ay tatanggapin niya, ang mapatawad lang siya ng dalaga ay sapat na sa kanya. Hindi na siya maghahangad ng mas higit pa doon. You had your chance Nikko, and you blew it. Paalala niya sa sarili.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may anim na paris ng mga matang nakangiting nakamasid sa kanila. Masaya ang mga ito na kahit papaano ay nag-uusap na ang dalawa. Kahit yun na lang ay ikinatutuwa na ng pamilya ni Nikko habang nananalangin ang tiyahing si Donya Rosita na sana ay simula na uli ito ng masasayang araw para kay Cecilia. Wala na kasi itong pamilya maliban sa kanilang mag-asawa ng Rage at...

"Tingnan mo yung dalawa. Sa palagay mo, magkakaayos na sila?" Tanong ni Magus sa kanyang may-bahay.

"Sana nga, Magus. Sana nga." Malungkot ngunit puno ng pag-asang sagot ni Donya Rosita sa kanyang esposo.














--------------------

End of GR 19

Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.23.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro