George's Rage Nine
Owtor's Nowt: Hindi ko kayo matiis. Isa pa uling update just for you.
-------------------
SA LABAS, sa Salas, kung saan naiwan si George. Laglag ang panga niya sa narinig mula sa amo. Hindi siya makapaniwalang basta na lang ito tumalikod at parang balewala lang, na parang walang siyang maling nagawa, na parang hindi siya pumalpak. “Anong nangyari? He didn’t raise hell at me.” Mukha siyang tangang bubulong-bulong na kausap ang sarili. Dahan-dahan siyang pumasok pabalik sa kwarto niya at nagpainot-inot na tumuloy ng banyo. Nag-iisip pa rin siya na bakit parang balewala lang dito na hindi ito nakaalis kanina. Hindi pa rin niya napansin na May kakaiba sa kanya ngayon.
Iwinaksi ni George sa isip ang nangyari. Mabilis niyang inasikaso ang sarili, naligo siya at nag-ayos ng sarili. Balik pusod ng buhok at sabay ng baseball cap. Kailangan niyang lumabas para magluto ng hapunan. Napansin niya ang maliit na plangganang nakapatong sa ibabaw ng kanyang night stand. Napaisip siya. Mataas nga siguro ang lagnat niya kanina dahil hindi na niya naalala na kinuha niya ito para punasan ang sarili. Alam niyang kaya niya itong gawin dahil ilang beses na niyang nagawa ito dati dahil na rin sa kwento ng Nanay niya. Ayaw niya kasing nag-aalala ang mga magulang sa kanya kaya hangga’t maaari ay ayaw niya itong nalulungkot, ayaw niyang maging pabigat.
Bitbit ang maliit na planggana, lumabas na siya ng kwarto para magluto ngunit nagulat siya na nandun na ang binata, naghihiwa ng sangkap ng kung ano man ang plano nitong iluto.
“Hi, George.” Bati niyo sa kanya. Sumikdo ang puso niya ng masilayan ang ngiti nitong labas ang nakakalunod na dimple nito sa isang pisngi. Muntik siyang pa siyang matalisod sa sariling paa dahil sa umiral ang kayang katangahan at pagkabaliw sa lalaki. Hindi niya napigil ang pagtambling ng kanyang puso. Letse naman, heart, umayos ka nga! Sermon niya sa sarili.
“H-hi…” Nautal pa siya. Lihim siyang nagagalit sa sarili dahil hindi lang siya siguro mukhang tanga, tunog tanga pa. Muling nalalag ang kanyang puso kasabay ng kanyang… nevermind, dahil ngumiting muli si Rage sa kanya. Tang! Inang! Umayos ka nga, Georgina! Mabubuko ka ng dahil sa kalandian mo eh. Kung pwede nga lang niyang sapakin ang sarili dahil sa inaasal niya ngayon ay ginawa na niya.
“From now on, wala tayong trabaho during weekend, wala na ring night life. Nakakasawa na.” Napanganga siya sa deklarasyon ni Rage.
“S-sir…” Iniangat nito ang palad sa harapan niya, senyales na pinatitigil siya nitong magsalita.
“Please. From now on, just call me Rage.” Napaubo siya dahil sa sinabi nito. Well, isama mo na rin yung napatunganga siya dito bago niya natagpuan ang boses nito.
“W-why?” Gusto niyang dagukan ang sarili dahil hindi niya napigil ang mautal. Hindi rin niya mapigil ang psghuhuramintado ng kanyang puso. Matiim at malambing siyang tinitigan ni Rage. Teka, b-bakit ganyan siya makakatitig? Dios mio, Marimar, nagbabakla na ba si Rage? Pati sa kanyang isip ay nauutal siya, nagwawala ang bawat nucleus sa kanyang utak.
“Anong why? Let's just say… you earned it.” Simpleng sagot nito na bumalik sa paggayat ng karne. “We’ve been together for more or less six months, siguro naman pwede na tayong magturingan na magkaibigan. Two bachelors in one pad.” Dugtong pa nito. Sumilay ang makalaglag panty nitong ngiti. Nalilito na talaga si George. Ano ba ang nakain ng lalaking ito at ganito ito makaasta na harapan ngayon? Bipolar lang ang dating? Parang kanina lang mas malamig pa sa yelo siyang kumakausap nito tapos ngayon pa-Mr. Congeniality na.
Nagulat si Rage nang biglang tumalikod at mabilis na lumabas ng kusina si George. Mabilis siyang naghugas ng kamay at saka sinundan ang dalaga. Naabutan niya ito sa salas na nakaharap sa floor to ceiling ng glass door. Hindi niya ito nilapitan bagaman tinitigan niya lang ito. Nakatutok lang ang mga mata nito sa labas. Naramdaman siguro nitong sumunod siya. Nagsalita ito ng hindi siya nililingon.
“Ano ang catch! S-sir M-magnus?” Tahimik na tanong ni George. Gusto niya itong takbuhin at yakapin ngunit pinigil niya ang sarili. Hindi pa panahon.
“Wala. Walang catch, George.” Simpleng niyang sagot. “I just want us to be friends. That’s all. Pagod na akong magsungit. Pagod na akong magalit sa mundo.” Dugtong pa niya. Humarap si George sa kanya. Halos malaglag ang puso niya sa nakitang lungkot sa mga mata nito. Again, gusto niya itong takbuhin at akapin, halikan at pawiin ang lungkot na yun.
“Bakit ngayon lang? Bakit hindi pa nung simula pa lang?” Hindi siya kaagad nakasagot dahil hindi niya alam kung saan at anong simula ang tinutukoy ng dalaga. He played safe and cautious this time.
“I don’t know. Maybe because I was stupid. Maybe because I was a jerk, a fool, an asshole. Maybe because I didn’t know how precious it was until it was gone.” Siya naman ngayon ang biglang nalungkot ng sobra. Gusto niyang sugurin at siilin ng halik ang labi ng dalaga, pinigil na lang niya ul ang sarili. Hold your horses, Rage. Hold your damn horses.
“Yeah, you are.” Pagak na tumawa si George. Tawang may bahid na pait, gslit at sakit. Parang dinaklot ang puso niya. Damang-dama niya ang nararamdaman sa boses at tono ng pananalita ni George mula sa tatlong katagang sinambit nito. This it, Rage.
“Let me make it up to you, George.” Bigla niyang nasabi. Mabilis siyang tinapunan ng tingin ni George.
“Make it up to me? Why? How? S-sir M-magnus, you lost your chance long time ago.” Parang itong punyal na tumarak sa puso niya. Masakit na masakit yun para sa kanya. Hindi niya alam kung saan pa huhugot ng lakas para makaharap pa ang dalaga. “S-ir, marami ka ng kaibigan, you don’t need me anymore. Okay na ako sa kung ano ako ngayon sa iyo, driver/PA/secretary. And it should stay that way.” Malumanay ang pagkakasabi ni George. Sa sobrang lumanay ay dama mo ang walang pagkagana at lamig sa tono nito. Mas masakit pa pala ito kesa sa pagkamatay ni Gina. Hindi niya alam kung si George na Pa/driver/secretary pa rin ba ang kausap niya o ang nasaktan niyang si Gina na, kasi iisa lang ang nasisiguro sa tinatakbo ng usapan nila, either one ay ayaw sa kanya. And he's still wants to try.
“I still want us to be friends.” Kung noon ay hinayaan niyang wag magsalita para ituwid ang mga binibintang sa kanya, ngayon ay hindi na. He will not take this sitting down. Kung kailangan niyang ipaalam dito na alam na niya kung sino ito ay gagawin niya ng walang kakurap-kurap at bahala na lang si Ironman mamaya. Hahanap na lang siya ng paraan para hindi ito makaalis sa poder niya. Kung kinakailangan niyang ikulong ang dalaga dito sa loob condo niya ay gagawin niya wag lang mawala uli ito sa kanya. Ipapadala niya dito ang pagmamahal na dapat nitong nadama noon pa sana.
Nagkasukatan sila ng tingin. Walang may nagbaba, walang may kumurap. Sa isip ni Gina; You can never, ever have me. Itaga mo yan sa bato. Pero alam niyang hanggang salita lang yun dahil matagal na siyang hulog dito. Lunod na lunod na, dimple pa lang. Sa isip ni Rage; Oh, how I loves those eyes of yours, Georgina. He can get lost in it and he doesn’t wanna be found. He wanted to get lost in her, ganun siya kabaliwan kay George.
Minsan na siyang nawalan ng Gina, hindi niya hahayaang pati si George ay mawawala rin sa kanya. Ang minsang kamatayan ng kanyang puso at ng puso ng dalaga ay hindi na niya hahayaang maulit na muli.
HE WILL WIN HER BACK. Come hail, rain or shine.
--------------------
End of GR 9
Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro