George's Rage Fourteen
Owtor's Nowt: Nakita ko kanina na mukhang seryoso ang baby girl natin sa panel... Hmmm. Bakit kaya? Parang katulad lang pala ni George at Rage. Tara, basa na.
Pero bago po ang ano pa man, plugging lang po muna tayo. Promote-promote po pag may time at dahil po meron, ito na po. Please support po. Thank you.
-------------------
Matapos ang makabagbag-damdaming sagutan ng magkapatid. Pinagpahinga na lang muna ni Rage si George. Iniwan niya ito sa kwarto ng dalaga para pumasok sa sariling kwarto. Kinuha niya ang kanyang phone at nag-text kay Mark na gusto niyang makausap ang mga magulang nila ni George. Ilang sandali lang siyang naghintay at tumunog naman agad ang phone niya. mabilis niya itong sinagot.
“Magnus…/hijo...” Halos sabay na sambit ng mga magulang ni George.
“Nanay Luning, Tatay Tasyo, pasensiya na po kayo kanina, hindi ko po sinasadya na.magtaas ng boses kanila. Pasensiya na rin po na pinatayan ko kayo ng tawag kanina. Nay, Tay, hindi naman po sa pagkawala respeto peeo hindi ko na po iuuwi si Georgina sa inyo. Kung gusto nyo po siyang dalawin pwede naman po kahit anong oras at araw, pero hindi ko na po hahayaang lapitan siya ng kanyang mga Kuya. Patawad po kung ilalayo ko po siya sa kanila. Patawad po, Nay, Tay.” Matapang at puno ng sama ng loob na sabi ni Rage sa pamilya ni George. “Mark, salamat sa pagkakaibigan natin. Salamat sa paniniwala sa akin.” Madamdamin niyang dugtong.
“Magnus, mag-usap muna tayo. Wag mo namang ilayo si Bunso sa amin.” Pakiusap ni Mark. Bago pa man siya makapagsalita ay narinig niyang nagsalita ang Tatay nila George.
"Alam mo naman na pwede mong tawagan si George kahit na anong oras, pwede ka ring dumalaw dito. Isama sila Nanay at Tatay. Pero sorry talaga. Hindi ako papayag na malapitan pa siya ni Nikko at Paolo. Maybe sa ngayon, wag muna." Hindi naman na nakasagot pa si Mark.
“Sige na, Magnus. Papagpahingahin mo na muna si Georgina. Ako na ang bahala sa kanila dito. Ipangako mo lang sa amin ng Nanay nyo na aalagaan at mamahalin mo ang bunso ko ng tunay at buo.” Seryosong sabi ng Tatay Tasyo nila. Ngumiti si Rage kahit hindi siya nakikita ng Tatay ng dalaga.
“Opo, Tay. Pinapangako ko po, higit pa sa buhay ko po.” Naluluha niyang sabi. Pinatay na ni Tatay Tasyo ang tawag. Naging magaan ang dibdib ni Rage dahil sa binigyan na siya ng pahintulot ng magulang ni George. Binasbasan na sila ni Tatay Tasyo.
Totoo sa puso ang ipinangako niya sa Tatay ni George. Aalagaan at mamahalin niya ang dalaga ng walang halong pagkukunwari at paglalaro. Mamahalin niya ito ng higit pa sa sariling buhay dahil ang dalaga naman talaga ang buhay niya simula nung sila ay mga bata pa.
Binalikan niya ang dalaga sa kwarto nito at binuhat niya ito habang patuloy na umiiyak patungo sa kanyang kwarto. Kinuha niyang muli ang kanyang cellphone at may tinawagan.
“Bro, I need you.” Bungad niya sa kausap. Iniwan niya si George sa kanyang kama at tinungo ang kanyang closet. “I need you get me the things I told you to do a few years back as plan B.” Dugtong pa niya habang kinukuha niya ang isang folder na maayos na nakapinid sa ilalim ng kanyang mga damit. Kinuha din niya ang kanyang wallet, susi ng kotse at ilang importanteng gamit.
“Now? Paano? Akala ko ba patay na siya?” Sunod-sunod na tanong ng kausap niya.
“I'll explain later.” Matipid niyang sagot at pinatay na ang tawag.
“George, my love. I need you to change clothes, we are going somewhere.” Napatingin si George sa kanya. Nagulat pa ang dalaga dahil sa lapit ng mga mukha nila. Hinaplos ni Rage ang pisngi ng dalaga. Hinawi pa niya ang iilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa maganda nito mga mata na ngayon ay namumungay na at inipit nito sa tenga ng dalaga.
Naiinis siyang nagagalit at gusto niyang manapak dahil sa lungkot na nakikita niya sa mga mata ng dalaga. Mahal niya si George ng totoo, ano pa man ang pangalan nito. Ni minsan ay hindi niya naisip na tumingin sa iba, ni hindi nga siya tumikim ng babae kundi nito lang nakaraang taon dahil sa kagustuhan niyang mawala ang sakit ng pagkawala nito at pinagsisihan niya yun. Mas nabwisit pa siya sa sarili.
“Saan tayo pupunta?” Napukaw ng tinig na dalaga ang kanyang malalim na pag-iisip.
“I am taking you to a place that no one could hurt you anymore. Just trust me, my love. I will make you happy, from now on, hindi ka na iiyak, sisikapin kong hindi na sasama ang loob mo. And if you do, it will be because you are happy, it is because you are loved and it is because of so much joy. From now on you will only shed happy tears.” Namalisbis ang luha ni George sa gilid ng kanyang mata. Natutuwa ang puso niya sa mga sinasabi ng binata. Madiing inilapat ng Rage ang labi nito sa noo niya. Napapikit na lamang si George at ninamnam ang init na hatid ng mga labi ni Rage sa kanyang noo. Parang napuno ng kung anong saya ang puso niya dahil sa ginawa ng lalaki.
“Take me anywhere you want, Rage, sasama ako.” Halos pabulong niyang sambit. Oh God, please. Give the strength to withstand the living temptations in front of me, kahit hanggang sa makasakay muna kami. Ginawaran siya ng halik ni Rage ngunit sandali lang.
“Tsaka na kita hahalikan ng matagal. Pakakasalan muna kita.” Ngumiti ito sa kanya na umabot hanggang mata nito, lumabas ang napakalalim na dimple nito na pinakagusto nya sa lahat, well, maliban sa lalaking nasa harapan niya na nagmamay-ari ng dimple na yan.
“Talaga? Pakakasalan mo ako?” Matamis siyang ngumiti sa dalaga. “Kahit na umalis na ako noon at nagtago, pakakasalan mo pa rin ako?” Nakahiga pa rin siya ng patagilid sa kama ng binata, nakaluhod naman ito sa harapan niya. Muli itong ngumiti. Hay, Dios mio, Marimar! Wag kang masyadong ngingiti sa akin, Rage. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi para supilin ang sumisibol na kapilyahan.
“Ugh! Don’t do that please. Marupok ako, George pagdating sa iyo, baka mabuntis kita ng wala sa oras bago kita mapakasalan.” Puno ng panggigigil na sambit ni Rage. Nandilat ang mga mata ni George. Ipinangako niya sa sarili noon na hinding-hindi siya gagawa ng bagay na susuway sa batas ng Diyos. Nangako kasi siya sa harap ng Diyos na pipilitin niyang maging puro hanggang sa ikasal siya.
Inayos ang sarili ng bahagya at inilayo ng ilang pulgada ang mukha sa binata dahil nga nakaluhod ito sa sahig at nakadukwang na napakalapit sa kanyang mukha. Probinsyana man siya, alam naman niya ang ibig sa bihirang ni Rage.
“Pakakasalan mo ako? Eh di ba may iba kang mahal?” Pigil ang hiningang tanong niya sa binata.
“Wala po akong ibang minahal, ikaw lang. Opo. Pakakasalan pa po kita. Natatandaan mo yung pangako ko sa iyo noon pagkatapos kitang halikan sa loob ng simbahan? Di ba sabi ko sa iyo sa susunod na hahalikan kita dapat sa kasal na natin?” Matamis ang ngiti iginawad ng binata sa kanya na tagos na tagos sa ksnysng puso.
“Sigurado ka? Di ba nga umalis ako. Hindi ka ba galit sa kin dahil doon?” Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni George na mabilis namang nakita ni Rage. Pinakatitigan niya muna ang dalaga bago na pang minememorya ang bawat kurba at detalye nito bago nagsalita.
“Opo, mahal ko. Kaya humihingi ako ng sorry sa iyo kasi nahalikan kita uli sa labi, tatlong beses na, kaya hindi na ito pupwede. Abuso na di ba. Kaya dapat pakasalan na kita, ngayon na mismo.” Hindi niya akalain na matatandaan pala ni Rage ang pangakong yun sa kanya. Hindi na nga niya naalala pa yun, pero ang binata ay talagang pinahalagahan ang katagang binitawan nito noon sa kanya.
Natutuwa siya dahil kakaibang Rage ang nasa harap niya ngayon. Na-miss niya ang Rage na ito. Ito yung Rage na nakilala niya nung mga bata pa sila. Yung Rage na minahal niya dahil parang walang problema, parang walang pakialam sa sasabihin ng iba. Yung Rage na basta kapag sinabing ngimiti, ngingiti talaga ito ng walang pag-aalangan at pakiramdam niya ay nagliliwanag ang paligid ng binata, katulad ngayon.
“Bakit hindi ka nagpilit na magkausap tayo noon?” Tanong niya dito. Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito. Ang bilis magbago ng moods at expression sa mukha ng binata. Talagang namamangha siya dito.
“Kasi sabi nila Nikko at Paolo, bigyan daw kita ng panahon para makapag-isip at mag-mature. They said that when you come around, you will be the one to come and talk to me. Naisip ko na maaaring tama sila dahil kapatid mo sila. Sinabi din nila na kailangan ko ring makapag-isip at mag-mature muna kaya yun ang ginawa ko. Sinunod ko sila dahil akala ko yun ang nararapat para sa iyo, para sa atin, dahil alam kong mahal ka nila, kapatid ka nila eh, kaya ginawa ko ang sinabi nila.” Napansin niyang hindi na nito tinatawag na Kuya ang dalawa niyang Kuya. Well, hindi naman nito dating tinatawag na kuya ang mga kapatid niya, nagsimulang lang yun nung mag-first year high school siya, second year si Rage at naging sila, pero ni minsan ay hindi nito tinawag na Kuya ang Kuya Dean niya, mas lalo na si Mark. Noon pa man ay sanggang-dikit na talaga ang Kuya Mark niya at si Rage.
“At isa ka namang uto-uto na sumunod ng hindi man lang ako nakakausap? Ang tanga lang ha, Magnus Rager.” Nagulat siya sa pagbuo ni George ng pangalan niya, gayun pa man ay ang ganda sa pandinig niya at ang hot nito tingnan dahil magkasalubong ang mga kilay nito at nanlilisik ang mga magaganda nitong mata. Humugot siya ng malalim na paghinga at lumamlam ang tingin niya sa dalaga.
Mabilis na napaupo ang dalaga sa kama ni Rage. Nakita niya ang pagnanasa sa mga mata ng binata at nabalot siya ng kaba at kilig. Dalawang pakiramdam na hindi magandang kombinasyon para sa kanya. Hindi niya alam kung bakit basta yun ang ramdam niya.
“I just realized one thing though, my name sounds good when you are the one saying it. Kahit na pagalit mong sinasabi, ang hot ng dating.” Ngumiti pa ito ng mas malapad at pagkamahalay.
Pinanayuan ng balahibo si George, para siyang kinilabutan sa sinabi ng binata pero hindi naman siya natakot. Parang katulad lang kanina, kaba at kilig, ngayon naman ito. Ipinagtataka pa nga niyang parang excited pa siya sa ikinikilos at sinasabi ng binata. Lumayo nga siya pero para bang hinihintay niya rin ang susunod na gagawin ni Rage. “Tayo ka na diyan. You need to change and get ready, pakakasalan muna kita bago ko pa gawin ang kanina ko pa gustong gawin sa iyo o gawin ko na muna bago kita pakasalan?. Either way, George, panalo ako. Mapakakasalan pa rin kita. But the downside is, hindi matutupad ang pangako ko sa altar sa simbahan ng Santo Tomas.” Ang haba ng sinabi ng lalaki at iisa lang ang tumimo sa isipan ni George, yung gagawin sa kanya ni Rage. Mabilis siyang tumayo at lalabas na sana ng kwarto ng binata para magbihis ngunit mabilis siya nitong nahuli.
“Natakot ka 'no?” Naging malikot ang mga mata ni George. Gustong matawa ni Rage dahil sa pinagsamang pagkataranta at pagkasabik na nakikita sa mga mata ng dalaga. “Don't worry, you'll experience Magnus Rage later, Mrs. Faulkerson.” Mas lalong ikinamulat ng mga mata ni George ang huling sinabi ng binata. Parang hinalukay ang kanyang laman-loob kaya pilit niyang kumawala mula sa binata. Pigil ang tawang dinampian siya ng halik sa tungki ng kanyang ilong.
“R-rage…” Ngayon na ba magagapi ang Bataan. Maisusuko na ba ito ni George?
--------------------
End of GR 14
Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.19.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro