George's Rage Five
Owtor's Nowt: Kapit lang. Kahit walang masyadong interaction ang ating mga bibis, isipin nyo na lang na minsan kailangan din nilang sineryoso sa kani-kanilang projects, parang si Rage at George. Kailangan nilang pagtuunan ng pansin ang kani-kanilang sitwasyon. Tara, sundan natin ang takbo ng kwento ng dalawang ito.
--------------------
“GEORGE, redi ka na?” Masiglang salubong ni Jose sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag.
Nakaputing pulo shirt ito, naka-itim na pantalon, naka-men’s spadrielle na itim at naka-shades pa. Gwapong-gwapo ito sa sarili na parang isa itong Rogelio.
“Mukhang ang gwapo natin Kuya ah.” Nakangiting bati ni George dito kahit na kinakabahan pa rin siya. Umikot pa ang lalaki sa harapan niya at nagpa-Mr. Pogi pose pa. Napapailing na natatawa si George dahil napansin niyang bukas pala ang likurang bahagi ng sakong ng spadrielle nito.
“Oh bakit ka natatawa?” Sita ni Jose sa kanya na nakataas pa ang isang kilay nito. Umiling lang si George at nagpilit na wag tumawa.
“Wala po, Kuya.” Kunwari’y seryoso nitong sagot.
“Ayos na ba tayo, Jose?” Pareho pa silang nagulat na dalawa sa biglang pagsulpot ni Donya Rosita sa likuran nila.
“Ayos na po, Ma'am.” Nakangiting sagot ni Jose na paporma-porma pa. Napatingin ang donya sa lalaki ngunit nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng makita ang sakong ng sapatos nito. Walang sabi-sabing napabunghalit ito ng tawa at hindi na rin napigil ni George ang sarili at sinabayan na ang amo. “Is der a mater to me, My lovely Senyora?” Pa-english pa nitong tanong. Umiling na lang ang donya at tinapik na sa balikat si Jose.
“Tara na, Jose, baka gabihin pa tayo. Alam mo namang ma-traffic na sa Manila.” Sumaludo pa si Jose bago sumakay sa driver side. Pinagbuksan ni George ng pinto sa likurang bahagi ng sasakyan ang donya. Kumaway si George kay Dean bago sumunod sa amin para alalayan ito.
“Maraming salamat, hija… este, hijo.” Sambit ng matanda pagkaupo nito sa likuran. Ngumiti at napailing na lang si George ngunit hindi na kumibo. Sumakay na siya sa harapan sa tabi ni Jose pagkatapos maisaayos ang ginang.
“Are we redi?” Nakangiting tanong ni Jose na nakalabas ang dimple nito. Napailing na lang si George. Sumasakit na ang ulo niya sa ka-e-nglish ng lalaki. Bilang Gina ay paminsan-minsan niya itong naririnig na mag-english noon pero nginingitian na lang niya, bilang George, madalas na niya itong naririnig kaya kadalasan ay nakakasakit na ng ulo.
Nilingon ni George ang ginang sa likuran, nakapikit ito at mukhang natutulog na. Nakangiti siya, payapang itong nakaupo at mahimbing sa likod. Ang laki talaga ng tiwala nito kay Jose.
“Wag kang mag-alala, mabait yang si Senyora Rosita.” Tahimik na saad ni Jose. Napalingon siya dito.
“Alam ko.” Mabilis ngunit tahimik niya ring sagot.
“Alam mo? Akala ko ba hindi ka taga-rito?” Magkakasunod na tanong ng lalaki. Lihim na nataranta si George.
“Oo nga.” Mabilis niyang sagot. “Kuya, nakaka-ilang buwan na ba ako dito sa hacienda? Lahat ng tauhan ay yan ang sinasabi.” Mabilis siyang nakaisip ng isasagot. Kamuntik na siya doon.
Ilang beses na rin niyang nakikitang titig na titig ito sa kanya, kaya nga lalo silang nag-iingat ni Dean kapag nag-uusap dahil matalas pa sa tenga ng elepante ang tenga ng lalaking ito.
“Sabagay, totoo yan. Mga taga-ibayo lang naman ang nag-iisip na masasama ang ugali ng magpamilya na yan eh. Hindi kasi mahilig sila Senyora na magpupupunta sa mga kasiyahang naiimbitahan sila.” pagkukwento nito habang banayad na nagmamaneho.
“Hindi ko alam ang mga kwento tungkol sa kanila at kung meron man wala namang hindi maganda.” Sagot ni George. Sa tagal ng pagkakakilala niya ang mga Faulkerson, mula pagkabata, wala siyang maipintas sa mag-asawa, sa anak lang meron dahil nuknukan ito ng hambog, yabang, babaero at akala mo kung sinong gwapo kung umasta. Siya na ang may kasalanan siya pa ang ayaw makipagbati at magpaliwanag.
“Si Magnus, gaganyan-ganyan lang yan pero ang totoo niyan, broken hearted yun, mahal niyang tunay yung babae pero natatakot siyang pursigihin dahil nga nalaman niyang kung ano-anong kwento na ang narinig nito sa mga nagpupunta sa Manila at nang nakabalik na dito. Ang masakit pa pati yata yung kapatid ay nagkwento pa ng sobra sa katotohanan. Kaya ayun, sa tuwing uuwi siya dito ay hindi na siya kinakausap nito. Iniiwasan siya.” Kwento ni Jose. Hindi na nagtanong pang muli si George dahil ayaw niyang maririnig pa ang iba nitong sasabihin.
Wala naman na siyang paki di ba. Patay na si Gina. Si George na siya ngayon. Syempre, kakampihan mo ang babaerong yun dahil amo mo yun, at sino naman yung mahal nun dito sa hacienda? May iba pa pala?
Tumahimik na lang siya buong biyahe ay ipinikit na lang ang mata para hindi na siya kausapin ni Jose. Nang makarating sila sa Makati pagkatapos ng ilang oras, ginising na siya na Jose.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa unit ni Magnus ay ibinalita sa kanya ni Donya Rosita na dito siya titira dahil siya na ang magiging driver ng babaero nitong anak at para maging espiya na rin ng ginang, in short, babysitter na, taga-sumbong pa.
Inis na inis siya kaya walang habas siyang tumutol sa gustong mangyari ng ginang. Hindi siya natakot dito kahit ano pa ito ng buo niyang pamilya. Hindi man siya nagbigay ng solidong dahilan, katakot-takot pa rin ang ginawa niyang pagtutol.
Bakit kamo? Una, natatakot siya sa lalaki, babae pa rin naman siya 'no. Pangalawa, natatakot siya sa anak ng amo dahil baka… BASTA TAKOT SIYA! Pangatlo, nabanggit ba niyang natatakot siya kay Rage? Oo. Natatakot siya. Natatakot siyang muling mahulog dito at alam niyang masasaktan lang uli siya. Nag-alala siya dahil alam niya na mainit ang dugo ni Magnus sa kanya bilang George, hindi man ito magsabi pero ramdam niya, ang sama kasi kung makatingin sa kanya palagi.
Lingid sa kanya, natatakot din ang mga kapatid niya dahil baka magkabistuhan na. Takot din ang mga magulang niya sa kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nabuko siya ni Magnus. Hindi man alam ng mga kapatid niya na alam na ng mga magulang nila na siya si Gina na nagpapanggap bilang George.
Matiim na parang kakainin ng buo ni Magnus habang tinititigan niya si George. Hindi niya alam kung bakit ganito ang pitik ng puso niya kaya naiinis siya. Maliit lang ito at may pagka-moreno, makinis ang balat na parang hindi lalaki. Tingin niya, parang itong walang alam sa buhay at malamya, parang liliparin ito ng hangin kung lumakas lang ang ihip nito ng bahagya. Higit sa lahat, kumukulo ang dugo niya dito. Bakit? Dahil naaalala niya ang dalaga minamahal sa binata.
Naghihinanakit din siya sa dalagang yumao dahil simula ng bumalik siya galing ng Manila ay nanlamig na ito sa kanya at hindi na siya nito kinausap. Iniiwasan siya nito na parang hindi sila magkakilala, na parang wala silang pinagsamahan, na parang wala silang ipinangako sa isa't isa. Gayun pa man ay hinayaan na lang niya. Iniisip niya kasi na kakausapin din siya nito kapag naglumamig na ang usap-usapan, ngunit hindi yun nangyari hanggang sa tuluyan na ngang nawala ang dalaga sa kanya.
Naiinis man siya dahil sa tindi ng pagtutol ng binata na dito magtrabaho sa, pumayag na lang siya sa gusto ng kanyang Papa at Mama dahil sa totoo lang, mas mukhang maaasahan pa niya ito kumpara sa dalawa nilang driver na si Jose at Walter, puro patawa at walang kaseryosohan sa buhay ang dalawang yun. Palagi pa siyang nasesermunan at palaging ipinapaalala nung dalawa sa kanya na siya ang dahilan ng panlalamig sa kanya ng dalagang si Gina. Si Dean sana ang ipinapakita niya sa pwesto ni George kahit galit yun sa kanya, pero hindi pumayag ang Mama niya. Napabuntong-hininga na lang siya at hinayaang ang desisyon ng mga ito. Hindi rin naman siya mananalo sa Mama niya.
“Magnus Rager, iiwan ko dito si George bilang driver mo. Irereport niya sa amin ng Papa mo ang mga ginagawa mo dito. Hindi mo lang siya magiging driver, siya na rin ang iyong personal assistant at secretary mo." Galit man si Magnus at nagrerebelde ang kalooban niya dahil matanda na siya para tratuhin pa na parang bata ng mga magulang ay wala na rin naman siyang magagawa pa, kaya tinanggap na lang niya ang lahat ng sinasabi ng kanyang ina. Magtutuos na lang sila ni George pag-alis ng Mama niya.
Ginapangan ng takot ang dibdib ni George sa sama ng tinging ipinukol sa kanya ng binatang dating minahal at minamahal pa rin.
Ano ang mangyayari sa kanilang dalawa ngayong pagsasamahin sila sa iisang bubong?
--------------------
End of GR 5
Please tap the star, drop a comment or just simply say “Hi”, share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
November 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro