George's Rage Eleven
Owtor's Nowt: Well, nakatulugan ko ang EB kagabi, kaya wala akong alam sa ganap. Ang alam ko lang suot ni Bibi gurl ang singsing. Eto kayang George, makapagsuot na ba siya ng singsing?
Wait! Bago yang singsing na yan, alamin muna natin kung magsasabi na ba ng totoo si George. "Let's talk" daw eh sabi ni S-sir M-magnus. Nauutal na eh ayaw pa rin?
Sige na basahin na natin. Grabe tong dalawang to makapag-taguan ng feeling... Ay ewan. Let's go, let's read it na lang. Unedited ito, so medyo pa-highlight na lang para makontrol ko.
---------------------
**Continuation of Flashback...
Nagpatuloy ang gabi sa pag-iinuman ng tatlo kasama siya. Paminsan-minsan siyang binibigyan ni Brennan ng beer pero sinasalo lahat ni Rage. Siguro nga ay lasing na rin ang binata kasi kung makatitig sa kanya ay parang may kakaiba itong gustong sabihin. Isang pa ay nagpaalam na rin yung dalawa. Humanga siya dalawang yun, ang lakas ng tolerance ng mga yun sa alcohol. Kung hindi ba naman malakas eh, pare-pareho lang ang tatlo sa dami ng nainom pero itong amo niya ay lasing na lasing na. Iniligpit na muna niya ang mga basyo ng bote at ang mga platito at mangkok na ginamit nila para sa pulutan. Inimis niya ang kusina at sala, hinugasan ang dapat hugasan at binalikan ang amo para tulungan itong umakyat sa taas.
Naramdaman ni Rage ang pagpapabalik-balik ni George mula sa kusina at sala, naririnig niya ang pingkian ng mga bote at platito, kutsara, tinidor at mangkok na mga ginamit nila. Kapag hindi nakaharap ang dalaga sa kanya ay idinidilat niya ng bahagya ang kanyang mata para panoorin ang pagpapabalik-balik nito sa sala at kusina. Ang lahat ng ginagawa nito pati na ang paghuhugas nito ng mga ginamit nila ay kitang-kita niya mula sa kanyang kinaupuan. Sinadya niyang dito maupo mula kaninang nagluluto ang dalaga ng dagdag na pulutan para sa kanila.
Lihim siyang natatawa kasi simula ng malaman niyang ito ang dalagang mahal na nagpapanggap na lalaki, mas nakikita na niya ngayon si Gina kesa sa ipinakilalang George sa kanya dati. Kung hahayaan lang siya ay matagal na niyang sinabi sa dalaga na alam na niya kung sino ito. He would tell her that he loved her yesterday, he loves her today and he will love her tomorrow. And he will keep on loving her everyday. Hindi siya magsasawa, pero ang tanong ay kung kelan niya masasabi sa dalaga na nabuko na niya ito, matagal na.
Sa buong isang taon na magkasama silang apat nila Brennan at Levi ay hindi pa rin napapansin ng dalawa ang kakaibang kilos ni George sa typical na lalaking kagaya nila. Ni hindi nga ito gumagamit ng banyo sa labas ng condo na ito o sa labas ng opisina niya. Kahit na nakikita niyang hirap na hirap na ito minsan sa pagpipigil. Isa lang ang ikanatatakot niya, baka sa sobrang pagpipigil nito sa paggamit ng banyo ay magkasakit ito sa bato o di naman kaya ay magka-indigestion ang dalaga. Kaya ipinaalam niya dito na kung gusto nitong gumamit ng banyo ay mas madali para dito na gamitin ang banyo sa loob ng opisina niya. Mabuti na lang at pumayag nag dalaga.
Nakita niya ang pagbalik na dalaga sa harapan niya at nagkunwari uli siyang tulog. Inangat ni George ang isa niyang braso para isampa sa balikat nito. Bahagya siyang umungol para kunwari ay gising siya kahit papaano para hindi gaanong mabigat para sa dalaga. Muntik pa siyang mapasinghap ng maramdaman ang lambot ng katawan ng dalaga at malanghap ang natural na bango ng dalaga. Mas nalasing pa yata siya doon kesa sa alak na nainom niya.
"Naku, Rage. Pasalamat ka talaga at... at..." Hindi natuloy ng dalaga ang sasabihin. Nakangiti siya dahil sa tawag sa kanya ni George. Kapag nagkaalaman na sila, hindi na siya papayag na baguhin pa ang pagtawag niya sa dalaga. Dahil mula ngayon ay George na ang itatawag niya dito. Bagay sa personalidad nito. "Humakbang ka naman, please. Ang laki-laki mo at ang bigat-bigat mo, ang liit-liit ko kaya maawa ka naman." Nakaramdam nga siya ng awa dito kaya medyo kunwari ay umungol siya at kunwari ang nagising siya.
"Shaan mo akho dadalyin?" Palasing na sabi dito. Konti na lang talaga at tatawa na siya ng malakas.
"Sa kwarto mo." Sabi niya dito sa George na boses. "Dios Mio kang lalaki ka. Bakit ba kasi umiinom ka?" Pabulong niyang sabi. Muntik nang natawa si Rage dahil bumalik ang matamis na boses ni George, yung boses Gina. Parang binundol sa lakas ng biglang pagpintig ng kanyang puso. Oh God, I love this woman.
"Halam moh George, mahal nah mahal ko sya." Sumikdo ang puso ni George sa tinuran ni Magnus. "Mahhal nah mahhal ko." Dugtong pa nito. Hindi niya laam kung yung bilis ng pintig ng puso niya ay dahil bigat ni Rage o dahil sa tindi ng tibok ng puso niya.
"Heart naman, please wag ngayon. Hindi pa ako handa. Wag kang magkakamaling sambitin ang pangalan ko at baka iba ang magawa ko sa iyo." Bubulong-bulong na salita ni George. Gusto na talagang matawa ni Rage pero hindi magawa. Gusto na niyang mahuli ang pagpapanggap ni George. Matagal na ang isang taon at kalahati na pagluluksa niya. Anim na buwan na niyang alam ang tunay na pagkatao ng babaeng ito pero ang tindi ng pagpapanggap nito. Silyadong-silyado. Kandadong-kandado. Hindi niya mabuksan. Hindi man lang nadulas.
"Kashalanan kho, George. Kashalanan ko. Hang tanga ko, mhen." Isa lang ang hindi napaghandaan ni Rage, Hindi niya napigil ang maiyak. Hindi niya napaghandaan ipakita ang sakit na nararamdaman niya ng malamang nasaktan pala ang dalaga ng dahil sa kanya. Nasaktan din siya dahil umayaw ang dalaga sa kasal, pero mas masakit palang malaman ang dahilan kung bakit ito umayaw at kinailangan pa nitong magpanggap. Akala niya, sa pagbabalik niya sa Hacienda Rosita ay matutuwa ito dahil matutupad na ang pangako niya sa dalaga. Akala niya ay masusurpresa niya ito, ngunit siya pala ang nasurpresa dahil tahasan siyang inayawan ng dalaga. Para naman nakaramdam ng awa si George sa nakikitang paghihirap ng damdamin nito. Naiiyak na rin siya.
"Bakit mo ba kasi ginawa yun?" Wala sa loob na naitanong ni George kay Rage na hindi naman tinutumbok kung ano ang ibig niyang sabihin. Nasa kwarto na sila ng binata. Inihiga siya ni George.
**End of Flashback.
"Why?" Naguguluhan siya. Hindi niya maintindihan kung ano ang gustong pag-usapan ng binata. Wag naman sanang sabihin nito na kailangan na niyang umuwi sa hacienda, na tapos na ang pagsisilbi niya sa binata dahil paniguradong aalisin niya ang maskara ng nagkukubli kay Georgina.
"Anong why?" Pilit niyang pinakakalma ang kanyang puso. Pilit niyang pinatitigas ang kanyang ekspresyon. Pinipilit niyang maging George, pero mukhang mahirapan yata siya lalo pa't matiim itong nakatitig sa kanya. Yung titig na nakakatunaw. Yung titig na ano... Ay leche, George!
Tumayo ito lumapit sa kanya, tumungo ito ng paluhod sa harapan niya. Mas lalo siyang kinabahan dahil hindi na talaga siya makakalabas mula sa pwesto niya. Nagulat siya ng bigla ngunit banayag na hinawakan ni Rage ang kanyang magkabilang pisngi at malambing na tumitig sa mga mata niya, at walang sabi-sabing siniil siya nito ng halik. Hindi nakahuma si George. Matagal ang halik na yun, masarap, banayad matamis. Matagal, mas matagal kesa sa una nilang pinagsaluhan nung high school sila.
Tinanggal ni Rage ang gupit-panlalaking wig na suot ng dalaga habang hinahalikan niya ito, bumagsak ang mahaba at maalong buhok ni George, isa ito sa mga bagay na nagustuhan ni Rage kay Georgina, ang mahaba at mabango nitong buhok na kahit na nabilad na sa araw ay mabango pa rin.
Sumabog sa kanyang pang-amoy ang sanyo na itinatagong bango ng buhok nito, strawberry-vanilla. Hindi nakapagsalita si George, huli na para pigilan niya ang pag-alis ni Rage ng kanyang pagbabalatkayo. Tiningnan maigi ng binata ang bawat sulok at bahagi ng mukha ng dalaga. Ang mga mata nitong nakapang-aakit, ang ilong nito na gustong-gusto niyang pagmasdan at pisilin kahit na noon pa. Ang matamis nitong mga labi na dalawang beses na niyang natikman a patuloy na gusto niyangmahalikan. Ang kabuuan ng maganda nitong mukha. Ang kabuuan ni George.
Halos maubusan sila ng hinga ng sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi. Doon lang nila napansin na pareho silang hilam sa luha.
"I'm sorry, Gin--George. I'm sorry at hindi ko nilinaw ang usap-usapan sa hacienda. I'm sorry for being so insensitive of your feeling." Paghingi ni Rage ng tawad sa kanya. Pakiramdam niya, mas lalong sumikip ang dibdib niya, parang ms lalong hindi siya makahinga dahil sa sinabi ng binata.
"R-rage..." Hindi alam ni George kung ano ang sasabihin. Hindi na siya magkukunwari pa. Tama na. Ito na ang takdang panahon para tapusin na ang pagtatago. Ito na ang panahon para harapin ang dapat ay noon pa niya hinarap. Hindi na lang sana siya nagpadala sa Kuya Nikko at Kuya Paolo niya. Sana sa Kuya Mark na lang niya siya nakinig.
"George..." Sambit ni Rage ngunit hindi naituloy dahil iyak lang ito ng iyak.
"I'm sorry, too, Rage."
--------------------
End of GR 11
Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.
💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18
©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro