Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Eighteen

Owtor's Nowt: Eto and simple kong iniisip ngayon, dahil nawala ang chapter 18 ko, I hope na na-replicate ko ang original.na chapter. Feeling ko kasi sabaw ito eh. Parang filler lang ang labas at hindi kaparte ng kwento. Why, oh why????

Okay. Ayaw ko na give up na ako. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng chapter 18. Naiinis ako kay Ava.












-------------------

















"Sige, ako na bro ang bahala dito. Susunod na lang ako mamaya diyan." Sabi ni Levi sa kausap sa kabilang linya.

"Gago bro, siguraduhin mong makakarating tayo doon bago mag-almusal." Paniniguro naman ng kabilang linya. Mahihimigan mo ang sobrang excitement na pagkapikon sa kausap.

"Atat lang? Brennan, alas dos pa lang ng madaling araw, magpatulog ka nga muna." Reklamo ni Levi sa kaibigan. Wala pang dalawang oras na nakakatulog siya, dahil nga kagagaling lang naman nila sa condo ni Rage tapos eto na ngayon at nanggigising na agad-agad. "Ano ba kasi ang ipinagmamadali ni Rager at kailangang sa SBMA pa gagawin na pwede namang dito na lang sa Manila?" Dugtong pa nito.

"Nabuhay daw ang patay!" Yun lang ang sinabi ng kaibigan na nagpatayo ng balahibo niya. Napaisip si Levi. Nawala tuloy ang antok niya. Nagpatayo na siya ng tawag.

"Ano bang katarantaduhan ni Rager na may pa-nabuhay ang patay pa siyang nalalaman." Sumasakit ang ulong napapailing na lang si Levi. Lumabas siya ng kwarto niya at bumaba papuntang kusina nang biglang naisip ang ibig sabihin ng kaibigan niya. "Nabuhay ang patay... nabuhay ang patay... nabuhay ang patay. You mean..." Biglang parang bumbilyang umilaw ang isang ideya sa isip niya.

"Oh damn, di nga?!" Naibulalas niya ng malakas at mabilis na nagpalinga-linga sa paligid. Mabuti na lang at tulog na ang lahat ng tao sa bahay nila. May malapad na ngiting namutawi sa labi nya. Kung tama ang hinala niya, natutuwa siya para sa kaibigan. Matagal na rin namang nagtiis, nasaktan at nananabik ang kaibigan sa pagkakataong makasama ang minamahal.

Mabilis siyang napalingon ng pagdating niya sa pinakababang bahagi ng hagdan ay bumukas ang pinto. Napatda pa siya sa taong biglang pumasok. Napatingin siya sa wall clock na nakapaskil sa ibabaw ng pinto. Ala-dos kinse. Ala-dos kinse ng madaling araw. What fu...

"Hi, cousin! I'm baaack!" Pakantang bati ng bagong dating. Pinanliitan ito ni Levi ng tingin.

"What the hell are you doing here, Ava! Go back to your husband!" Singhal ni Levi, um-echo sa buong kabahayan ang boses niya. Sumimangot na nagpapaawa ang mukha nitong nakatibi pa ang mga labi, pero hindi siya magpapadala dito.

"Awww. Is that how you greet your favorite cousin? I came here all the way from New Jersey and that is how you are going to talk to me? I am hurt." Sabi nito na sapo-sapo ang dibdib at nagkunwaring nasasaktan. Napailing na lang si Levi.

"Ava, what are you really doing here? Why are you not with your husband and your kid?" Magkasunod sila pumasok sa kusina. Si Levi ang nauna ay nakasunod lang si Ava. Binuksan ng binata ang fridge at hinugot ang isang pitsel ng tubig.

"He's on a trip with his executive assistant in Morocco for a business whatever, I didn't go. I don't want to be the scorer for my husband and that b!tch." Mabilis na napalingon si Levi sa pinsan. Napataas ang isang kilay. Kilala niya ang asawa ng pinsan, hindi ito katulad ng pinsan niyang baliw. May hindi sinasabi ang pinsan niya sa kanya.

"Is that right." Hinarap niya ito habang hawak ang isang basong tubig. Paalis na sana siya papunta sa kung saan niya kakatagpuin si Brennan para sundan si Rage kung saan man ito ngayon. At dahil nandito ang pinsan niyang baliw, kailangan niyang gumawa ng ibang dahilan o dibersyon. Para bang pusa na dapat iligaw.

"What's that supposed to mean?" Nakataas ang kilay nitong tanong.

"You know what I mean, Ava. I know you... really well. Ano ang totoo?" Tinitigan niya ito na parang nananantiya. Hindi man lang kumurap ang pinsan at makipagtitigan din ito.

"I am just kidding. I'm only here on vacation for a couple of weeks, uuwi din ako kaagad. I just have a business that I need to take care of - a business that is long over due." Sagot nito ng hindi inaalis ang tingin sa kanya at kinuha ang baso sa kamay niya at tinungga ito. Napailing na lang si Levi. Kilala niya ang pinsan, mabait sa mabait at natural na malambing, pero parang may hindi tama sa kilos nito, lalo pa at may toyo din kung minsan ay kung Ni ang ginusto ay siyang gagawin.

"Kung galing ka pa ng New Jersey, bakit ngayon ka lang nakarating dito sa bahay? Di ba usually hapon pa lang nandito ka na?" Kailangan niyang tantiyahin ang pinsan, ang sasabihin nito, ang gagawin nito, at ang lahat tungkol dito. Hindi na kailangang maulit pa ang nangyari noon sa kaibigan niya dahil pipilipitin na niya ng leeg ng babae. Oo nga at pinsan niya ito, kadugo niya, pero mas pipiliin niya si Rage at ang kaligayahan nito kesa sa pinsang minsan ng nakasira ng samahan.

"I went and visit an old friend. Bakit ba?" May kapilyahang ngiti nito. Nag-init ang ulo ni Levi.

"Anong napala mo doon sa friend mo?" Pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib niya, nakataas ang kilay at sinusupil na inis.

"Na-delay ang flight ko from China, I was suppose to be here around 5 in the afternoon, but our flight didn't leave till six in the afternoon and it is a five hour drive. We got to the airport at about Eleven. There was a delay on my luggage kaya nga almost midnight na ako nakalabas to get my car rental. By the time I got to my friends it was past one, kasi para namang nakipag-connive ang universe kaya nagka-delay-delay ang mga flights ko. Alam ko naman na baka tulog na kayo kaya doon na ako tumuloy, but I guess he wasn't there. I thought he might have went home to his parents' because it is a weekend, so I just drove here. Good thing wala namang traffic kaya I was able to get here in a fraction of time." Pabagsak itong sumalampak ng upo sa upuan, nasa kusina pa rin sila. "I know what you're thinking, Levi. Yes, doon ako dumiretso. And no, hindi gulo ang hanap ko. I just want to get what was mine." Napailing siya. Gusto niya itong sakalin.

"You shouldn't have gone there. You did something in the past that almost cost him his happiness tapos magpapakita ka pa uli doon? Ang tanga lang, Ava. May asawa at anak ka na, pwede bang tumino ka! May asawa na rin siya." Wala na sa loob na nasabi ni Levi ang hindi niya dapat sabihin.

"M-may asawa na siya?! Kelan pa?" Nakita niya ang pamumula ng mata nito. Parang gusto pa yatang umiyak.

"Kahapon lang. Nasa honeymoon sila ngayon ng asawa niya. And don't ask me where dahil kahit alam ko ay hindi ko sasabihin sa iyo." Binirahan niya ng talikod ang pinsan. Iniwan niya ito sa kusinang nakanganga.

Mabilis na tinungo ang sariling kwarto, naligo at nagbihis. Nag-empake ng mangilan-ngilang damit. Dadaanan niya pa ang kanyang girlfriend at didiretso na siya sa kung saan man siya pinadidiretso ni Brennan.

Bago pa man siya makalabas ng kwarto ay tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito mula sa bulsa at sinagot na makilala ang tumatawag.

"Bro." Tipid niyang sagot.

"Asan ka na? Kailangan nating makaalis ng Alas tres y media." Napapailing na lang siya sa pagkaatat ng kaibigan.

"Hoy, Brennan, dadaanan ko pa si Cheska. Ano ka ba." Pasuplado niyang sagot dito.

"Gagi! Dito ka na dumiretso. Magkasama si Lexi at Cheska at kasama ko na sila. You have to leave now..." Napansin niya ang pag-aalinlangan sa boses ni Brennan.

"Is there anything wrong, bro?" Tanong niya kahit parang alam na niya ang gusto nitong sabihin.

"Anton called. She here." Yun lang ang sinabi nito.

"I know, she's in the living room right. She already had gone to his unit, mabuti na lang at wala na doon ang dalawa. I'll send her to her room tapos aalis na ako." Narinig niyang napamura si Brennan. Nagpaalam na siya at pinatay na niya ng tawag. Ibinaba ang backpack na dala sa gilid ng pinto sa loob ng kwarto at bumaba para tingnan ang pinsan.

Nakita niyang tahimik itong nakasandal ang ulo sandalan ng mahabang sofa sala, nakatangila at nakapikit ang mga mata. Alam niyang hindi ito tulog at mukhang malalim na nag-iisip. Yung iniisip nito ngayon ang kailangan niyang maunahan.

"Ava, go upstairs in the room that you always occupy. Take a rest. I'll see later." Pagkatapos niyang sabihin yun ay bumalik na siyang muli ng second floor ng bahay nila at dumiretso sa kwarto niya.

Nakiramdam siya kung kumilos nga ba ang pinsan o hindi. Nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto sa kabilang kwarto ay mabilis siyang lumabas ng sariling kwarto, bitbit ang backpack niya, dumiretso siya ng kusina, labas sa garahe. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya at agad naman siyang pinagbuksan ng gwardiya nila.

"Manong, wag na wag nyong papayagang umalis si Ava nang hindi ako nakakauwi. Paki luwagan na lang po ng isa sa mga terminal ng battery ng mga sasakyan niya." Tumango ang gwardiya nila na binilinan niya.

"Opo sir." Sagot nitong sumaludo pa.

"Kapag nagpilit, tawagan nyo ko kaagad. Bukas pa ng hapon uuwi sila mommy, pakisabi sa kanya na hintayin sila mommy bago pumunta sa kung saan. Sasamahan ko lang ang girlfriend ko sa Laguna." Sinadya niyang magsinungaling sa gwardiya nila para mailigaw ang pinsan. Hindi niya pa alam kung ano ang motibo ng pag-uwi nito sa Pilipinas at kung naggaling na ito sa condo ng kaibigan, hindi yun maganda.

"Wala pong problema Sir. Kami na po ang bahala kay Ma'am Ava." Sagot ng gwardiya nila. Pinatakbo na ni Levi ang kotse pagkalabas sa malaking gate. Bahagya pa siyang napatda dahil nag-ring ang phone niya. Hindi niya sana ito papansinin. Napakunot ang noo nang makitang si Anton ang tumatawag.

"Cous..." Pilit niyang pasiglahin ang sagot kahit na naiinis siya. Gusto niya kasi itong sigawan dahil sa sinabi ni Ava kanina.

"Is she there now?" Napakunot ang noo niya at napaisip siya klase ng tanong nito, hindi yung tanong talaga kundi yung paraan ng pagkakatanong. Puno ng pag-aalala at pananabik.

"What is going on? Why is she here?" May katagalan bago makasagot ang kabilang linya. Narinig niya ang paghugot ng malalim na paghinga at ang pagbuga niyo ng hangin.

"She ask me if she can come home to fix something. She told me that she had messed up someone's relationship in the past and she wants to make amends with them lalo pa at nakita niya yun babae more than two years ago." Mapait na napangiti si Levi kahit na hind nakikita ang mukha ng bayaw sa pinsan ay nakikini-kinita na niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Gago ka ba? Hanggang kelan mo hahayaan na gawin niya sa iyo ito? Anton naman, mag-isip ka nga kahit konti lang! Ikaw ang lumalabas na masama dito kahit biro lang yun mula sa kanya." Dahil sa nagmamaneho siya papunta kay Brennan at nanginginig ang kamay niya sa inis sa pinsan ng kaibigan at sa mismong pinsan niya na rin, lalo na sa pinsan niya, pinatay niya ang tawag na yun.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila Brennan mula sa kanila. Pare-parehong nasa iisang exclusive na subdivision ang bahay nilang tatlo, pero mas pinili ni Rage na tumira sa condo niya sa labas ng subdivision.

Nakita niyang nakatayo na sa labas ang tatlo at naghihintay na sa kanya. Pinatakbo niya ang kotse sa tabi ng kotse ni Brennan at sinalubong siya ni Cheska na halik sa pisngi, nag-fist bump naman sila ni Brennan at nag-side hug naman si Lexi sa kanya.

"What's with the long face?" Malambing na tanong Cheska sa kanya. Umiling lang siya at pabulagsak ng bumuga ng hangin.

"Si Anton tumawag. Sinisiguro ng nandito na si Ava. He said that she asked him to come home so she can fix the problem she left before that caused someone's relationship go sour. But what the told.me is what made me worry. Sabi niya, she will get what was hers. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng yan. Hindi naman siya dating ganyan." Halata ang iritasyon sa boses nito. Napailing na lang si Brennan.

"Bro, matanda na yang pinsan mo at ganun din ang pinsan ko. Hayaan mo sila sa mga problema nila, basta tayo, protektahan na lang natin ang pwede nating protektajan. But first, we need to get going baka tuluyan ng mabaliw si Rage." Kinabig nito ang kasintahang si Lexi. "I'll leave my car here. Yang kotse mo na lang gamitin natin papuntang SBMA." Dugtong pa ni Brennan.

"Dito na kami sa likod ni Lexi. Kayo na lang ni Levi sa harap, alam ko namang may pag-uusapan pa kayo." Pahayag ni Cheska.

"Oo nga. Itutuloy na lang namin ni Cheska ang pagtulog." Tumango lamang ang dalawang binata sa suhestiyon ng mga kasintahan nila. Inaalalayan ng dalawang binata ang kani-kanilang kasintahan sa likod ng kotse. Matapos ipagsara ng mga pinto ang dalawa ay sumakay na rin sila sa harapan. Si Levi muna ang magda-drive

"Alam mo ba ang sinasabi ni Rage na patay na buhay?" Tanong ni Levi. Hindi kasi makuha ang ibig sabihin ni Brennan yun kanina.

"Hindi ko rin maintindihan. Basta ang sabi niya sa akin kanina ng tawagan niya akong. Get everything ready for plan B." Sagot ni Brennan at itinaas ang folder na dala niya.

"Plan B? Eh Paanong mangyayari yun, eh di ba namatay nga si Gemini." Napailing na lang si Levi. Hanggang ngayon ay Gemini pa rin ang tawag nito kay George.

"Not unless... hindi talaga siya yun." Napasok ng breaks si Levi at mabilis na nilingon ang girlfriend niya.

"What do you mean by that?" Mabilis na tanong ni Levi.

"Oh guys, you three are so dumb and stupid sometimes. Don't tell me hindi niyo alam na hindi lalaki yung assistant/driver ni Rager?" Natatawang naiinis si Cheska.

"Wow. You guys are so dense. Minsan lang naming nakita si Georgina at sa picture pa at si George ay parang spitting image ni Georgina, kung hindi lang talaga lalaki siyang manamit at sasabihin kong kambal sila. But what made me think that she is just hiding behind that male facade, kasi yung klase ng pasimpleng tingin nito kay Rager minsan ay nakakakilig, I thought George was gay at first but the girl power prevailed than our gaydar, and if I am not mistaken, nalaman na ni Rager na si George at Georgina ay iisa." Mahabang pag-aanalisa ni Lexi. Tahimik lang na nakikinig ang dalawang binata.

"Imagine Georgina's face the last time you two saw her. Her eyes. Her lips. Her nose. Her mannerisms. Don't tell me mas madali naming na-spot ang difference between the male George from the female Georgina, ayon lang sa mga kwento niyo tungkol sa kanya? Wow. Akala ko nga alam nyo na eh, kasi the fact na hindi na kayo lumalabas para mag-bar during boy's night out ay dahil nandiyan na si Georgina." Nagkatinginan si Levi at Brennan. Hindi makapaniwala sa narinig na analisasyon ng dalawang dalaga.

"Hello." Nagulat silang napalingon sa likuran. Nasa telepono si Lexi.

"Hello? Lexi? Bakit?" Naka-speaker phone ito. Si Rage ang kausap ng dalaga.

"Nasaan ka? Sino ang kasama mo?" Kaswal na tanong ni Lexi. Pigil hininga naman si Cheska, at nakatunganga ang dalawang binata sa harap. Itinigil ni Levi ang kotse sa gilid ng kalsada para maki-osyoso.

"The Villas, Moonbay Marina. Kasama ko si George. Bakit? Nasaan na kayo? May nangyari ba?" Balik tanong nito. Kampante ang boses ng binata sa kabilang linya kahit na may bahid ng pag-aalala. Napangiti si Lexi at Cheska.

"Kasama mo yung assistant mo?" Patay-malisya ng tanong ni Lexi. Gusto nilang di Rage Ang magsabi sa kanila ng diretso.

"Yeah. Kasama ko ang fiancee ko." Natahimik na nagkatinginan ang apat. Napangiwi si Levi. Tipid na ngumiti si Brennan. Pigil naman ang kinikilig ang dalawang dalaga sa likod.

"You mean si George, yung driver mo?" Natahimik si Rager sa kabilang linya. Humugot ng buntong hininga ito at nagsalita.

"Yes. Georgina is alive and she is George. I'll explain later." Sagot nito. "Bilisan nyo. Tumawag si Anton sa akin, nandito daw sa Pilipinas ang asawa niya, is it true? Don't answer it. I just got her back I am not going to lose her again this time because she's here. Just get here please and be safe." Dinig ang determinasyon at pag-aalala sa boses ni Rage. Nagkatinginan ang apat. Iisa lang tumakbo sa isip nila, sa likod ng kilig na nararamdaman ng apat, mas nangibabaw ang kaba at ang gulong maaaring mangyayari. Hindi kasi nila alam kung bakit talaga nandito si Ava.















--------------------

End of GR 18

Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.20.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro