Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

George's Rage Eight

Owtor's Nowt: Sino ang nag-enjoy sa inyo sa production number ng ating mga bibis. Ewan ko lang ha, pero after 147 days, muntik akong naubusan ng oxygen. Hahaha Eeeeiiiii!!!! Kilig ako much. Parang ang ating chapter ngayon. Sana kiligin din kayo katulad ko. hihihi. Tiyaga lang ADN sasaya din tayo. Keep holding on. Stand Strong ADN! Walang bibitaw. Walang iwanan.




















-----------















"I love you." Bulong niya dito at hinalikan ito sa noo. Kailangan niyang lumabas na ng kwarto nito bago pa siya May magawa sa dalaga. Napangiti siya dahil sa tinakbo ng mahalay niyang utak. Na-estatwa siya ng marinig ang tinig ng dalaga.

"R-rage..." Napatda siya sa narinig na lumabas sa bibig ni George.

"Gina..." Iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng Rage, si Gina. Ngayon, sigurado na talaga ako. Totoong si Gina ka nga. Napangiti siya. Gayun pa man ay hinayaan niya itong matuloy sa pagpapahinga. Tsaka na lang niya ito kokomprontahin tungkol sa pagkukunwari.

Nag-isip siya, paano kayang naisipan ni Gina ang magpanggap tao tapos nataon pang may krimeng nangyari sa hacienda nila. Kung si Gina ito, sino ang nakalibing sa Sto. Tomas? Naguguluhan siya. Gusto niyang gisingin si George para makapagpaliwanag ito, mas maganda na rin sigurong pinigilan niya ang sarili. Nalilito siya pa kasi siya. Bigla, naisip niya si Mark.

"Tama. Si Mark nga ang dapat kong kausapin. Maaaring may makuha akong sagot sa kanya." Si Mark lang ang hindi galit sa kanya sa apat na kuya ni Gina na talagang ipinagtataka niya.

Pinunasan niya ang binata... este dalaga, hanggang sa medyo humupa ang panginginig nito. Hindi na niya ito pinalitan ng damit. Nag-iwan na lang siya ng isang basong tubig sa night stand nito pati na ang gamot matapos niyang masigurong humupa na ang lagnat nito kahit papaano. Nang masigurong maayos na niyang naibalik sa dating ayos si George, bumalik na siya sa kwarto niya. Hahayaan niya ang pagpapanggap ng dalaga.

Nangingiti siyang hindi niya mawari. Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa ginawa ng dalaga o matutuwa dahil buhay ito. Buhay na buhay.

Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan sana si Mark. Habang hinihintay niyang sumagot sa kabilang linya, hindi maalis sa isip ni Magnus ang ginawa ng dalaga. Nagtataka man siya at nagugulahan kung bakit kailangang magpanggap ito bilang ibang tao? Ganun ba talaga kagalit si Gina sa kanya? Ganun ba talaga kalaki ang kasalanang niyang dito? Ano ba talaga ang nagawa niyang mali? Oo nga't May nagsasabing may kasama siyang babae pero iisa lang ang alam niya kasama niya palagi at walang iba kundi si... Hayst! Sakit ka sa ulo, sakit ka rin sa puso. Damn! Naalala niyang pinilit niyang ipaliwanag ito sa dalaga noon, kahit nga kay Nikko at Mark nagpaliwanag siya, pero si Mark lang ang nakinig sa kanya.

Marami pang katanungan ang pumasok sa isip niya ngunit isa lang tumimo sa utak niya, ibig sabihin ayaw pala talaga siyang pakasalan ni dalaga? Nasaktan siya ng sobra sa naisip na maaaring naging dahilan kung bakit nagawa ito ni Gina. Ganun ba talaga siya kagalit sa akin? Napahugot siya ng malalim na paghinga. Nasasakal niya babaeng dahilan ng pag-iwas ni Gina kanya.

Dinayal niya uli ang numero ni Mark. Hindi pa rin ito sumagot sa pangalawa niyang tawag... at sa pang-apat... at sa panglima, kaya ibinaba na lang niya ang cellphone sa side table niya. Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa kwarto niya habang minamasahe ang kanyang sentido. Mukha na ngang nakagawa na siya pathway sa carpet niya. Nasa ganoon siyang porma ng matinong ang pagtunog ng kanyang cellphone. Kaagad siyang napalingon dito. Mabilis niya itong dinampot at sinagot nang makitang si Mark ang tumatawag..

"Mark?! Sorry to bother you, salamat kong gabi May trabaho ka." Agaran niyang sagot.

"Oh Rage, napatawag ka? May problema ba kay Gi--- uhm... I mean, George?" Halata ang pag-aalala sa tinig ni Mark. Napangiti ng lihim si Magnus. Alam na niya ang sagot sa isa niyang tanong. Isa si Mark na tumatawag sa kanya ng Rage. Sila kasi ang pinaka-close dati pa.

"Wala naman. May gusto lang akong malaman mula sa iyo. Sa apat kayo, ikaw lang naman ang hindi masyadong galit sa akin." Panimula niya. Natahimik ang kabilang linya. Pinakiramdaman niya ang kausap kung nandiyan pa. "Mark? Are you still there?" Tawag niya dito.

"Yeah, nandito pa ako." Seryosong sagot nito. "Ano ang gusto mong malaman?" Seryoso pa rin ito.

Alam niyang sa apat na magkakapatid na lalaki, si Markus ang pinakatahimik at seryoso sa lahat pero ayos silang dalawa nito. Mabiro din ito kung gugustuhin nito kaya sila nagkasundong dalawa at ito lang ang hindi nagtanim ng galit sa kanya. Isa pa nga si Mark sa tumulong sa kanya nung nasa kalagitnaan ng... humugot na lang siya ng malalim na paghinga. Mas pinakinggan nga lang ni Gina si Nikko at Paolo.

"Gusto ko lang malaman kung bakit nagalit sa akin si Gina maliban doon sa sinabi mo noong dahilan? At kung kelan ito talaga nag-umpisa?" Direkta niyang tanong. Tahimik lang ito sa kabilang linya. Magsasalita na sana siya ng marinig niyang tumikhim ito sa kabilang linya.

"Bakit pa gusto mong malaman? W-wala na siya. It's no use" Napailing si Magnus na may ngiti sa labi. Lumabas siya ng kwarto niya at lumipat sa kwarto ni George. Tumayo siya sa hamba ng pintuan at tinitigan itong mahimbing na natutulog. Napakaganda talaga ng dalaga para sa kanya. Ang hugis ng mukha nitong hindi nakakasawang titigan, mga labi nitong kay sarap halikan... Bakit ba hindi niya naisip na si Gina nga ang lalaking napapanggap na pinsan, dahil yan ang labing minsan na niyang natikman nung high school pa sila. Bakit hindi niya napansin ang mga mata niyo? Tanga! Because you don't even bother to look at her, stupid! Kastigo niya sa sarili.

"W-wala lang. Gusto ko lang malaman. Dadalaw sana ako sa puntod niya at gusto kong humingi uli ng tawad sa kanya kahit huli na, kahit alam kong hindi na niya ito maririnig pa. Para at least, kahit papaano ay makapag-move na ako." Tumulo ang kanyang luha, tumalikod siya at mabilis ngunit mahinang sinara ang pinto at umalis ng makitang kumilos ang dalaga.

"Aren't you a little too late for that?" Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Mark.

"I know. I have no reason nor any excuse, basta ang alam ko ay gusto ko lang malaman." Narinig niya ang muling pabuntong-hinga ni Mark sa kabilang linya. "At least kahit papaano malaman ko ang sakit na naidulot ko sa kanya. Para kahit papaano ay maiwasan kong gawing muli." Totoo yung sagot niya. Mula yun sa puso.

"Okay. If that's what you want." Sagot nito at nagtuloy na ito sa pagkwento. "Kuya Nikko saw you kissing a girl, Levi's cousin, dumalaw sila ni Gina sa condo mo to surprise you sana, namilit kasi si Bunso na puntahan ka dahil hindi ka nakauwi ng pasko, sabi, hindi naman daw yun nakita ni Bunso, but I think she did. Later on nagkwentona rin si Kuya. We know for a while in denial pa si Bunso, kaya hinayaan namin hanggang sa hindi na napag-usapan pa sa bahay, pero alam kong simula noon nag-isip na si Bunso ng kung ano-ano, lalo na't simula ng magtransfer ka ng Manila napapadalang na rin ang pag-uwi mo dito sa atin. Naulit lang uli ang kwentong yun when Dean was ask to accompany Kuya Jose para may kasama ito sa biyahe, nakita ka daw niyang may kasama kang babae at naka-abresiete ito sa iyo, same girl I guess, ang sweet nyo nga daw eh, doon na kami naniwala na balewala na si Bunso sa iyo kasi the Christmas break before she graduate in high school, nagpilit siyang sumama kay Dean at Kuya Walter ay siya na mismo ang nakakita sa iyo na may ka-holding hands na babae at sweet daw kayong masyado at ang sabi ni Kuya Jose, pinsan pa rin ni Levi. Kung natatandaan mo, napag-usapan na natin ito dati. Ito yung..." Sa hinaba-haba ng sinabi ni Mark, isa lang ang narinig niya... may babae siya. Tumulo ang luha niya. Mabilis siyang sumagot.

"Salamat, Mark." Yung lang ang nasabi niya at pinatay na ang tawag. Hindi na nakapagsalita pa si Mark. Pumasok siya uli sa kwarto niya at iniyak ang lahat ng sakit na idinulot niya kay Georgina, ang kanyang si Gina. Ang natatanging babaeng minahal niya mula ng kindergarten siya at ang masakit pa ay patuloy nitong nakikita ang lahat ng ginagawa niya sa araw-araw dahil isa siyang walang kwentang tao. Nakatulugan na niya ang pag-iyak.

NATATARANTANG lumabas ng kwarto niya si George nang magising siya, pagabi na. Natitiyak niyang mapapagalitan siya ni Magnus dahil hindi niya ito ginising, may gagawin pa mandin ito ngayong araw. Hindi siya nagising sa tamang oras, hindi niya alam kung bakit siya tinanghali nggising. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na niya naisip na tingnan ang sarili sa full size na salalming nadaanan niya at ang pupuntahan niya. Nagulat pa siya ng may mabangga siya. Parang kagigising din lang nito.

"Gi-George..." Nagulat ang binata ng may kung anong bumangga sa kanya. Mabilis niyang niyakap si George dahil muntik na itong matumba. Nakita niya ang pamumula ng pisngi ng dalaga. "What happen?" Tanong niya dito sa malamig na boses. Humiwalay ito sa pagkakaakap niya at tumuwid ng tayo. Pasimple niyang kinalma ang sarili. Stoic ang datingan.

"Ahm... Si-Sir M-magnus..." Muntik na siyang mangiti dahil sa pagkakautal nito. Pinatigas niya ang kanyang ekspresyon katulad ng dati niyang ginagawa dahil iritado siya, ngunit ngayon ay ibang na ang dahilan niya. Gusto niya itong yakapin pero kailangan niyang magpigil. Kung gusto ni George na patuloy na magkunwari, magkukuwari din siya. Sasabayan niya ang trip ng dalaga hanggang sa ito na ang magsawa.

"What's the problem, George?" Tanong niya sa pinalamig na boses. Stoic nga eh, pero napataas yata ng bahagya ang boses nito dahil nakita niyang napaatras, napangiwi at napayuko ito. Gusto niya itong dambahin ng yakap kaya lang hindi pwede. Hindi pa pwede. Katakot-takot na pagpipigil ang ginawa niya para lang wag itong gawin. Lihim siyang nangiti. Hindi na niya papakawalan pa si Gina... George or whatever. Come hail and high waters, akin ka na. I will play your games this time, my love, but I will make sure I will win it this time. I will make sure to win your heart back.

"P-pasensiya na po, Sir. Napahaba po kasi ang tulog ko, hindi ko na po siansadyang hindi ko kayo nagising kanina." Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. Tinitigan niya ito tsaka niya lang napansin na hindi nakatago ang mahaba at makintab nitong buhok. Nakapajama pa rin ito at babaeng-babaeng tingnan. Tumalon ang puso niya. Gandang-ganda siya sa dalaga. Ayaw niyang isipin ni George na nabuko na niya ang pagpapanggap nito kaya mabilis siyang tumalikod dito.

"Don't worry about it. Wala rin naman akong ganang umalis ng bahay." Sagot niya at isinara na ang pinto ng kwarto niya ng may malapad na ngiti. Kinilig siya. Hindi niya akalain na kinikilig din pala ang lalaki. Nakakabakla ang pakiramdam niya pero masaya.

"Hindi na kita isosoli sa inyo, George. I will make sure that you will love me again, my love. I promise that."

























--------------------

End of GR 8

Please tap the star, drop a comment or just simply say "Hi", share the story to your friend and give good vibes.

💖 ~ Ms J ~ 💖
10.18.18

©️ George's Rage
September 20, 2018
www.facebook.com/TheLadder89




















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro