Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kulam

Adriel's POV

Hindi parin talaga ako makapaniwala na wala na si Bea. Namatay siya sa isang iglap. Sino kayang tao ang kayang pumatay sa kanya ng ganun kabrutal. Ang alam ko lang is may suspetsya ko na may kinalaman yung gayumang yun sa pagkamatay ni Bea. Sinabihan ko na naman siyang walang maidudulot na maganda yun pero hindi siya nakinig saken. Oh? Magaalas-dose na pala, makapaglunch na nga. Tetext ko na si Kevin, gusto ko sabay kaming maglunch today. Habang naglalakad ako sa cafeteria, nakita ko siya na nakapila. Agad akong lumapit sa kanya. Kinalabit ko siya sa kanyang likuran, agad naman siyang napatingin sa akin.

Adriel:" Kevin, sabay tayong maglunch today ah?" Mahina kong sinabi at nagpout. Ngumiti naman siya saken, binaba niya ang hawak-hawak niyang tray at niyakap ako.

Kevin:"Sige ba, antayin mo na lang ako dun sa may table naten." Tumango ako at umupo dun sa sinabi niyang table. Agad naman siyang dumating dala ang lunch namen. Masaya kameng nagkwentuhan kung kamusta ang araw ng bawat isa. Nang matapos kaming kumaen, tumingin siya sa mga mata ko. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya napayuko ako habang nakangiti. Ewan ko ba, basta ang alam ko lang ay kinikilig ako sa bawat galaw niya. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

Kevin:"A-adriel? May sasabihin ako sayo... " Pautal-utal niyang sinabi at mukhang seryoso siya dito. Natanggal ang nararamdaman kong pagkakakilig at biglang bumigat ang aking pakiramdam. Napatingin ako sa kanyang mga mata.

Adriel:"Ano yun?" Tanong ko sa kay Kevin. Yumuko lang siya at para bang hindi alam kung paano niya sasabihin. Napalunok ako dahil parang feeling ko na makikipagbreak na siya saken. Nagulat ako dahil bigla niyang binitiwan yung pagkakahawak niya sa dalawa kong kamay.

Kevin:"Break na tayo Adriel, may mahal na kong iba." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko kay Kevin yun. Hindi to pwede, ayokong mawala saken si Kevin. Akin lang siya at wala ng ibang babae ang karapat-dapat sa kanya kundi ako lang. Alam kong nagjojoke lang siya kasi kahapon masaya naman kaming magkasama eh.

Adriel:"Hahahaha! Nakakatawa ka talaga, alam mo tara na nga! Ayoko ng ganyang mga klaseng biro Kevin. Hindi siya nakakatuwa." Sagot ko kay Kevin, isinukbit ko na yung slingbag ko sa balikat ko at tumayo pero hinawan ni Kevin ang braso ko, tinitignan niya ko pero hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Kevin:"Hindi ako nagbibiro Adriel, wala nang tayo. Ayoko na, sorry pero may mahal na kong iba" Agad nanginig ang buo kong katawan at parang nanghina. Hindi ko alam pero para bang huminto sa pagikot yung mundo ko. Hindi ko matanggap at hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. Hindi niya pwedeng gawin to saken, ipapangako ko sa sarili ko na hindi sila magiging masaya. Akin ka lang Kevin at wala nang iba pang pwedeng magmay-ari sayo.

Adriel:"Tandaan mo tong ginawa mo Kevin. Sinisigurado kong pagsisisihan mo to." Agad akong tumakbo palabas ng cafeteria at umiyak. Ayokong makita ako ni Kevin na umiiyak sa harapan niya. Ayokong maramdaman niya na kawalan siya saken dahil parang ipinakita ko na rin na mahina akong tao. Sumandal ako sa isang puno ng balete na matatagpuan sa may likuran ng campus. Nakita ako ni Nam na umiiyak, agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

Nam:"Oh? Ano? Ok lang ba?" Nagaalalang tanong ng kaibigan. Hinawi ni Adriel ang kanyang buhok at tumango. Tumingin si Adriel kay Nam na para bang may binabalak ito.

Adriel:"Bakit ganun Nam? Ginawa ko naman ang lahat para maging masaya at stable yung relationship namen pero nagkaganito paren. It's so unfair! It's so unfair! " Mangiyak-ngiyak niyang sinabi sa kaibigan.

Nam:"Alam mo pagdating sa pag-ibig, kelangan mo maging handa kapag dumating ang araw na iwan ka niya. Ipakita mo sa kanyang kaya mong mabuhay ng wala ka at marami ka pang lalaking makilala, hindi lang si Kevin ang lalaki sa mundo Adriel." Pinunasan ni Adriel ang kanyang mga luha at para bang nagbingi-bingihan sa sinabi ng kaibigan. Tumayo ang dalaga at para bang hinatak si Nam sa may sakayan.

Adriel:"Kelangan kong gawin ang lahat para bumalik saken si Kevin. Tulungan mo ko Nam, ikaw na lang ang kaibigan ko sa St. Venille. Gusto kong pagsisihan ni Kevin ang ginawa niyang pag-iwan sa akin. Kilala mo ba kung sino yung babae niya?" Sunod-sunod na sinabi ng dalaga sa kaibigan. Napayuko naman si Nam at hinawakan ang kanyang pendant.

Nam:"S-si Irish, ang pagkakaalam ko pero Adriel makinig ka, huwag kang magpapalamon sa galit mo. Masama lang ang kahihitnan mo kung gagawin mo to." Babala niya kay Adriel. Tinignan ni Adriel si Nam ng masama. Makikita sa kanyang mukha na para bang wala na itong pinapakinggan kundi ang kanyang sarili. Galit na galit siya sa ginawang pagiwan sa kanya ni Kevin. Hinawakan ni si Nam sa kamay.

Adriel:"Dalhin mo ko sa sinasabi mong manghuhula." Seryoso nitong pagkasabi.

Nam:"Pero kasi Adriel delika-" Pinutol ni Adriel ang sasabihin ni Nam

Adriel:"Kaibigan ba kita o ano? Tulungan mo ko, please?" Nagmamakaawang sinabi ng dalaga. Nagbuntong-hininga si Nam at dinala ang kaklase sa sinasabing manghuhula. Tuloy-tuloy lang si Adriel na para bang hindi ito natatakot sa kung anong posbileng mangyare sa kanya. Bago pa man sila pumasok ay hinawakan ni Nam sa braso si Adriel.

Nam:"Sigurado ka na ba dito sa gagawin mo?" Tanong niya na halatang natatakot para sa kanyang kaibigan. Napalunok si Adriel at tumango. Pumasok sila sa loob at nadatnan ang nasabing manghuhula.

Manghuhula:"Anong maipaglilingkod ko sayo iha?"

Adriel:"Gusto ko pong magsisi ang boyfriend ko sa ginawa niyang pagiwan sakin. Gusto kong kulamin mo ang babaeng pinagpalit niya saken." Seryoso niyang sinabi sa manghuhula, hinawakan ni Nam sa balikat si Adriel.

Nam:"Itigil mo na to Adriel, walang magandang maidudulot ang paghihiganti." Hindi ito pinansin ng dalaga at itinuloy ang paguusap. Inutusan siya ng manghuhula na kelangan niyang makakuha ng isang piraso ng buhok sa kukulamin niya. Agad kumilos si Adriel at bumalik sa St. Venille. Hinanap niya agad si Irish at para bang nakipagrambulan ito. Nakita naman ito ni Kevin, inawat niya ang dalawa.

Irish:"Tanggapin mo na kasi na hindi ka na mahal ni Kevin. Ako na ang mahal niya at wala ka nang magagawa dun."

Adriel:"Aba-aba? Sigurado ka ba jan sa mga sinasabi mo? Tandaan mo, kaya kitang patalsikin sa school na to kung gugustuhin ko. Isa ata ang pamilya namen sa top contributors ng school na to. Huwag mo kong susubukan Irish, hindi mo kilala kung sino kinakalaban mo."

Kevin:"Adriel tama na, ayoko na ok? Kahit anong gawin mo, si Irish na yung mahal ko." Matapang nitong sinabi. Hindi naman makatingin si Adriel kay Kevin at nagwalk-out na lang. Ang importante sa kanya ay may nakuha siyang buhok mula sa pagkakasabunot niya kay Irish. Palihim siyang bumalik sa manghuhula at ibinigay ang kailangan nito. Kumuha ng isang basahang manika ang manghuhula at tinali ang nakuhang buhok ni Irish sa leeg nito, biglang dinasalan ito ng kung anu-ano. Kinabahan si Adriel sa ginawa ng manghuhula kaya umalis na agad ito. Bumalik siya sa St. Venille para magpahinga. Kinabukasan, dumiretso siya sa court dahil may laro sina Kevin ng basketball, nang matapos ang 1st quarter ay lumabas ang mga cheerleader. Isa dito si Irish, habang ginagawa nila ang routine ay masama namang nakatingin si Adriel dito.

Adriel:"You'll regret doing this to me." Mahina niyang sinabi sa sarili, nagulat siya ng biglang nagsisigaw si Irish. May lumalabas na buhok mula sa kanyang bibig at unti-unti siyang tinutubuan ng mga peklat sa katawan. Hinawakan ni Irish ang buhok at para bang hinatak-hatak ito malabas, nang nakita niyang wala na yung buhok sa kanyang bungaga ay bigla naman siyang nagsuka ng dugo. Tuwang-tuwa naman si Adriel sa nangyari kay Irish. Lumapit siya rito at para bang ipinamukha pa sa dalaga na mali ang kanyang ginawa.

Adriel:"That serves you right! Sa susunod, tandaan mo kasi na masama ang mangagaw ng hindi sayo. Kung ano yung sayo, makuntento ka! Iyan tuloy, kung ano-ano nangyayare sayo." Mataray niyang pagsabi rito. Napalayo siya ng biglang sumuka ulit ng dugo si Irish, pagkatapos niya itong sinabihan ay biglang natumba ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Adriel ng makitang nawawalan na ng buhay si Irish. Dumiretso siya sa dorm B at nilock ang pinto. Hindi niya alam kung anong nangyare. Hindi niya alam kung iyon ba ang epekto ng kulam. Umupo siya sa sofa na para bang inaantay lumipas ang oras. Napalunok siya at biglang may naramdamang kakaiba na para bang merong gumagalaw sa loob ng kanyang bibig. Hinawakan niya ito at unti-unting nilabas. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang buhok ito, mayroon ding mga tumubong maiitim na peklat sa buo niyang katawan. Nagpanik siya at nagsisigaw sa loob ng dorm. Dumiretso siya sa banyo at ilock ang pinto. Nagdesisyon siyang maghilamos para mahimasmasan, iniisip niya na lahat ng nangyayare ay purong kathang-isip niya lamang. Habang naghihilamos ay napilitan ang malinis na tubig ng dugo. Pagangat niya mula sa lababo ay nagulat siya sa kanyang nakita sa salamin. Puro dugo ang kanyang mukha, pero mas lalo siyang natakot ng makita ang matanda na nasa likuran niya.

Manghuhula:"Buhay ang kinuha mo, buhay rin ang kapalit nito." Agad sumigaw si Adriel ng "tulong" pero wala naman nakarinig sa kanya. Hinawakan ng matanda ang buhok ni Adriel at hinampas ang kanyang mukha sa salamin. Agad namang nawalan ng malay si Adriel dahil sa mga nakatusok na bubog sa kanyang mukha, nagdulot ito ng malalaking sugat sa kanyang mukha. Nang nagising si Adriel, wala na siya sa dorm niya at nasa 2nd floor na siya ng Academic Building. Hingal na hingal ito at tuloy parin ang pagdanak ng dugo sa kanyang mga sugat. Sinubukan niyang tumayo at humingi ng tulong. May nakita siyang isang babaeng nakauniporme.

Adriel:"T-tulungan mo ko, maawa ka saken." Nagmamakaawang sinabi ni Adriel. Nilapitan lang siya ng babaeng nakauniporme at kinuha ang kutsilyo sa kanyang bulsa. Ngumiti ito kay Adriel at tuluyan ng pinatay ang dalaga. Dinala niya ang bangkay ni Adriel sa isang lumang classroom na may sign na "Off Limits". Kakatapos lang ng bakasyon ng mangyari ang insidenteng yun. Agad naging usap-usapan sa buong campus ang nangyare kay Adriel pero lahat ay walang alam kung sino ang gumawa nun sa dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #oneshot