Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Gayuma

Bea's POV

Ako nga pala si Bea Ramos. Ako ang tinaguriang "dead kid" ng klase. Nagaaral ako sa St.Venille at kabilang sa seksyon 3. Nagmamadali kami ng mga kaibigan kong tumakbo papuntang court. May laro kasi yung crush kong si Kenzo.  Hindi ako masyadong kilala sa school namen. Ako kasi yung babaeng walang imik, matipid magsalita pero matalino. Hindi rin naman ako kagandahan katulad ng ibang mga babae sa school namen. Maikli lang ang aking buhok, nakasalamin, may mga tigyawat sa mukha in short hindi ako attractive. Nakapangalumbaba ako habang pinapanood ko siyang maglaro ng basketball. Makikita mong halos lahat ng babae eh chinicheer siya. Nagbuntong hininga si Bea habang nakatingin kay Kenzo. 

Bea:"Haist! Ang gwapo niya talaga no? " 

Adriel:"Hmmp! Tigilan mo na nga yang pagi-ilusyon mo." Pabirong sabi nito sa kaibigan.

Nam:"Tch! Madali lang sabihin yan para sayo Adriel, palibhasa may boyfriend ka kasi." 

Adriel:"Sus! Teka nga, asan na nga ba yun?" Umalis si Adriel sa court para hanapin ang kanyang boyfriend. Nang matapos ang laban sa court ay naiwang nakaupo ang dalawang magkaibigan. Tumayo si Bea at parang sumensyas na lumabas na ng court.

Bea:"Tara na Nam! Magrereview pa ko." Anyaya niya

Nam:"Gusto mo ba talaga si Kenzo?" Nagulat si Bea sa tanong ng kaibigan. Ngumiti siya at yumuko. 

Bea:"Malamang? Hindi ba obvious?"  Nginitian lang siya ni Nam

Nam:"Alam mo? May kakilala kong manghuhula, sa pagkakaalam ko gumagawa siya ng gayuma eh." Nanlaki ang mga mata ni Bea nang marinig ang sinabi ni Nam. Lumapit ito at tumabi sa kinauupan ni Nam.

Bea:"Effective ba yan?" Tumango lang si Nam bilang sagot na "Oo" sa tanong ni Bea. Pagkatapos nang klase nila ay agad silang dumiretso sa nasabing manghuhula. Napunta sila sa isang sulok ng palengke. Nang makarating na sila sa lugar ay biglang nagsitaasan ang mga balahibo ni Bea. Hinawakan niya ang kanang braso ni Nam upang pigilan dahil sa mabigat nitong pakiramdam.

Bea:"Huwag na kaya tayong tumuloy?" Pagaalinlangan niyang sinabi sa kaibigan.

Nam:"Gusto mo ba si Kenzo o ano?" Tanong niya kay Bea habang nakapamewang

Bea:"Syempre gusto." Pagpasok nila sa kwarto ng manghuhula ay makikita mong napapalibutan ito ng iba't-ibang mga bagay. May mga lamang-loob ng hayop na nakadisplay sa mga jar. May mga pangkontra sa kung ano-anong mga bagay. Napalunok si Bea at umupo sa harapan ng manghuhula.

Manghuhula:"Anong maipaglilingkod ko sayo iha?" Tanong niya nang may mahinahong boses.

Bea:"May gusto po akong lalake, actually gustong-gusto ko po talaga siya. First day palang ng klase crush ko na siya." Paliwanag niya sa manghuhula.

Manghuhula:"Ahh! Alam ko na ang sagot sa problema mo, Pag-ibig ang kailangan mo, pag-ibig rin ang makukuha mo." Sagot niya kay Bea, nasundan naman ito ng tawang nakatakot. Maririnig mong parang may demonyong tumatawa sa kanyang harapan. Tumalikod ang matandang manghuhula at may kinuha sa isang lumang kahon. May inilabas siyang maliit na bote. Nakapaloob rito ang isang kulay lilang( violet ) likido. Iniabot niya ito kay Bea. 

Manghuhula:"Gayuma yan iha, Ilagay mo lang yan sa kanyang inumin at makukuha mo na ang gusto mo. 48 na oras lang ang itatalab niyang gayumang yan. " 

Bea:"T-talaga po?" Tumango ang matanda bilang pagsang-ayon sa tanong ni Bea. Bago sila umalis ay nagpasalamat muna si Bea sa manghuhula. Sinubukang magbigay ni Bea ng pera bilang bayad sa serbisyo ng manghuhula pero hindi ito nagpabayad. Sinabi niyang sa susunod na lang daw silang dalawa magkita maniningil. Kinabukasan ay may laro nanamang basketball sina Kenzo. Nang ilalagay niya palang ang gayuma ay nakita ito ni Adriel. 

Adriel:"Ano yang ginagawa mo?" Tanong nito kay Bea. 

Adriel:"Gayuma to no? Naniniwala ka ba jan sa mga yan? Peke naman yan eh, niloloko mo lang sarili mo." Paalala niya sa kaibigan. Hindi niya pinakinggan ang paalala ni Adriel at itinuloy niya ang kanyang plano. Nilagay niya ang kulay lilang likido sa inumin ni Kenzo. Natapos ang basketball match nang magaalas-sais ng hating gabi. Nang makita niya si Kenzo ay agad iniabot ni Bea ang tubig. Agad naman itong ininom dahil sa sobrang uhaw. Wala mang isang minuto ay nanlaki ang mata ni Adriel nang bigla nalang niyakap ni Kenzo si Bea. Ngumiti si Bea na makikita mong kilig na kilig siya sa nangyayare.

Bea:"Sabi ko sayo effective eh," Bulong niya sa kaibigan. Halos buong gabi rin silang magkasama. Kinabukasan ay nagulat ang buong St.Venille sa kanilang nakita. Hindi sila makapaniwala na magkasama ang dalawa. Maririnig mo ang mga bulong-bulungan at nagtataka sa mga nangyayare.Niyayakap-yakap ni Kenzo si Bea pero habang tumatagal ay naguiguilty si Bea sa kanyang ginawa.

Bea:"Kenzo, kahit anong mangyare mamahalin mo parin ako ah?"

Kenzo:"Syempre naman, ikaw yata ang pinakamagandang babae dito sa buong school. I love you babe."  Bulong niya kay Bea sabay halik sa mga pisngi nito. Nandidiri naman ang mga nakakakitang studyante sa kanilang dalawa. Isang araw na naman ang lumipas na magkasama silang dalawa nang buong araw. Kinabukasan, habang nasa girl's locker room si Bea ay bigla nalang may nanabunot sa kanyang likuran. Eto ang dating kaMU ni Kenzo, siya si Xyza ng section 6. Kilala siya bilang "The Campus Girlfriend" dahil papalit-palit lang ito ng kasintahan dahil sa kanyang kagandahan.

Xyza:" Sh*t kang babae ka! Anong ginawa mo kay Kenzo?" Mataray niyang tanong kay Bea habang nakataas ang kilay nito. 

Bea:"Layuan mo nga ko, trying-hard ka kase eh! Besides, huwag mo nga kong hawakan at baka madapuan pa ko nang kung anong kademonyohan ang ginagawa niyo sa seksyon 6. " Lumabas si Bea sa locker room at agad nakita si Kenzo. Hinabol naman siya ni Xyza.

Xyza:"Aba? Lumalaban ka na ah? Kaya mo na ba buto mo?" Maangas nitong tanong sabay tinulak si Bea sa sahig. Nahulog ang salamin ni Bea kaya nahirapan itong makakita. Nakita naman ni Kenzo ang ginawa ni Xyza kaya agad itong kumaripas ng takbo at pinagtanggol si Bea.

Kenzo:"Ano ba problema mo? Huwag mong sasaktan yang mahal ko!" Pasigaw niyang sinabi kay Xyza. Tumalikod lang si Xyza at dumiretso sa Dorm B. Tinulungan niya si Bea na tumayo at tinanong kung ok lang ito. Tumango lang si Bea bilang "oo". Nang nasa baba na sila ng Academic Building ay biglang tumunog ang orasan sa tapat nila. Nakita niya na alas-sais na nang gabe , naalala niya ang sinabi nang manghuhula na 48 na oras lang ang itatalab ng gayuma. Napatingin si Kenzo sa kanya na para bang litong-lito.

Kenzo:"Sino ka? Ba't kita kasama?" Tanong niya kay Bea.

Bea:"Ako to babe, Hindi mo ba ko nakikilala?" Tanong niya 

Kenzo:"Babe? Are you kidding me? Tss!" Sabi nito nang may maangas na boses. Iniwan niya si Bea sa ere. Umuwi naman siyang luhaan papuntang Dorm B. Nakasalubong niya si Adriel sa daanan.

Adriel:"Oh? Ano napano ka?" 

Bea:"Wala na kame." 

Adriel:"Sabi ko kasi sayo bogus lang yang mga yan eh." Paliwanag niya kay Bea. Hinatid niya na ito sa dorm nila at sinabihang magpahinga. Kinabukasan, naging laman ng usap-usapan ang nangyareng pag-iwan ni Kenzo kay Bea. Hindi niya naman ito binigyang pansin at nagpanggap na parang walang nangyare. Siya ang inatasan na lalaban sa gaganaping Quiz Bee kinabukasan kaya nagpasya siyang isubsob na lang ang sarili sa pagaaral kesa iyakan ang lahat nang nangyare. Inabot siya ng magaalas-sais ng gabi sa library. Siya na lang ang natitirang tao dito, iniwan narin ng librarian ang susi sa kanya upang siya na rin ang maglock. Nang tumunog ang orasan bilang sign na alas-sais  ay may naramdaman siyang malamig na hangin. Hinawi niya ang kanyang buhok at isinarado ang pintuan. Kakaupo niya palang ay biglang may narinig siyang tatlong katok mula sa pintuan. Binuksan niya ito , dumungaw sa kaliwa't kanan pero wala siyang nakitang tao. Bumalik ulit siya sa kanyang upuan upang magaral. Wala pang isang minuto ay may kumatok nanaman ng tatlong beses. 

Bea:"Stop joking ok? You're just making yourself look like sh*t." Sigaw niya, hindi tumigil at palakas nang palakas ang katok. Kinalibutan si Bea at inayos ang kanyang gamit. Nagdesisyon siyang magaral nalang sa kanilang dorm. Pagbukas niya nang pintuan ay wala paring tao rito.  May narinig siyang may sumisitsit sa kanyang likuran. Palakas ito ng palakas na para bang lumalapit sa kanya ito.Dahan-dahan niyang tinignan kung sino ang sumisitsit. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang manghuhula. Puno nang dugo ang buong katawan nito at may hawak-hawak na gunting sa kanang kamay.

Manghuhula:"Naalala mo ba nung sinabi kong sa susunod tayong magkita na lang ako maniningil? Ngayon na ko maninigil iha, magbayad ka na. " Sabi nito na nasundan nang nakakatakot na tawa. Paatras na humakbang nang tatlong beses si Bea. 

Bea:"What do you want from me! " Sigaw nito sa matanda. Nanlaki ang kanyang mata nang makita niya na ilabas ng matanda sa kanyang bag ang ulo ni Kenzo. Punong-puno ito nang dugo at tila tuloy-tuloy parin ang pagdanak ng dugo sa leeg nito. Napasigaw siya sa kanyang nakita at tumakbo papalayo sa matanda. Sa sobrang bilis niya ay bigla siyang nadapa at tumama ang kanyang kanang binti sa semento. Nang makalapit ang matanda kay Bea ay agad nitong hinawakan ang leeg ni Bea. Dahan-dahang tinusok ng matandang manghuhula ang gunting sa gitna ng lalamunan ni Bea. Sigaw siya ng sigaw ng "tulong" ngunit walang nakakarinig sa kanya. Pinutulan si Bea nang leeg at inilagay ito sa kanyang bag. Maririnig mo rin ang nakakapanindig balahibong tawa nito habang pinapatay si Bea. Nakita naman ni Nam ang lahat nang nangyare kay Bea. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang wala nang buhay ang kaibigan. Maya-maya ay tumingin sa kanya ang manghuhula na tila ba'y may hawak na isang bote.  

Manghuhula:" Ikaw? Anong magpaglilingkod ko sayo iha?" 

End

______________

A/N : 

Sorry kung medjo fail, first time ko kasing gumawa ng one-shot.  

Hahahahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #oneshot