Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

Steno, ASCII, and Pol-Sci

•••

Pagkatapos ng klase sa ethics ay iniwan ko muna sila lycka sa pila dito sa cafeteria. Bitbit ang binili kong giniling at isang libro na nakaipit sa aking kili-kili at ang aking tote bag. Nakita ko si jaq na mag-isa sa usual spot nila at nagseselpon lang. Akala mo naman may ka-chat, baka nag ke-candy crush lang siya...kaya naman nilapitan ko na ang puwesto niya. Feeling ko naman kasi wala na 'yong awkwardness namin sa isa't isa.

"Huy!" pag-gulat ko sakaniya na hindi naman tumalab.

Umupo ako sa kabilang puwesto sa harap niya at ibinaba ang gamit ko sa table.

"Oh, sining!" wika niya no'ng bigyan niya na ako ng pansin.

"Nasaan 'yong iba?" pagtanong ko at tumingin sa paligid baka makita ko si lance at niccolo nagkakaroon ng tampuhan sa gilid-gilid.

"Bumibili sa labas ng pagkain." Sabi niya.

"Ahh..."

Ako at si jaq, hindi na kami tulad ng dati. Pero this time para bang nag reverse ang lahat. I can feel like I can honestly tell him my thoughts and problems now. I don't want to get drowned by my own thoughts kasi it's scary. Gusto ko rin magbago at gusto ko hindi ko na kinikimkim ang lahat ng saloobin ko. Gusto ko marinig din nila ang side story ko kaya sinabi ko na lang din sakaniya ang problema ko tungkol sa pamilya ko na alam ko naman na maiintindihan niya.

"Okay ka naman ba? Walang peer-pressure?" tanong niya.

"Mawawala ba 'yon?"

"Hindi?"

"Puwede pero depende?" natatawa kong sabi at natawa naman siya sa sinabi ko.

"Kumusta na 'yong the moves mo ro'n sa pol-sci?" tanong niya sa akin. Pag-iiba ng usapan namin.

"Alam mo sa totoo lang...feeling ko walang talab."

Ginugel ko na yata lahat ng Cheesy pick-up lines for crush pero ni isa sa mga 'yon walang effect kasi kulang iyong isang 'yon sa tamis ng buhay. Sabagay wala rin palang sense of humor ang isang 'yon. Kapag ginagawa ko 'yon palagi niya akong tinatawag na boang.

"Eh, iyong hula-hula? Na-try mo ba sakaniya?" sabi ni jaq.

"Hindi, noh! Kakahiya kaya 'yon!"

"Meron ka pala no'n? Bakit sa akin wala kang gano'n?"

"Grabe ka! Hello! Hindi naman yata kasi uubra 'yon! Sa'yo nga hindi umubra, eh?"

"Sabi sa'yo iyong mga hula-hula mo ng kulay ng brief sa akin lang tumatalab!"

Ewan ko ba, nakakahiya kasi. Kapag nga bumabanat ako, ako na lang din napapahiya sa sarili ko kaya medyo iniisip ko muna iyong binabato kong pick-up lines kasi ibang lalaki si pol-sci kaysa kay jaq.

"Ewan ko ba jaq pero sa tingin ko akala niya baliw ako?" nagpangalumbaba ako at sabay nag nguso. Naaalala ko kasi iyong expression ng mukha ni pol-sci kapag nahuhuli niya akong nakatitig sakaniya...hindi maipinta. Nakapoker face pero nakakunot ang noo.

"Maharot ka kasi baka akala niya trip mo lang siya...kagaya ng akala ko sa'yo dati. Cheer up! Kung hindi ka niya gusto hayaan mo na, madami pa naman iba riyan!"

Bahagya siyang nakangiti sa akin. Nakakapanibago...hindi ako sanay. Napaka bihira lang niya ngumiti dati.

"Nagpaparinig ka na ba? Gusto mo ba tayo na lang for real?" pagbibiro ko sakaniya. Pinitik niya naman ang noo ko ng may kalakasan.

"Awts!" Hinaplos haplos ko ang noo ko dahil sa sakit. Hindi man niya napapansin pero palagi niya akong sinasaktan.

"Tanga!" natatawa niyang sabi sa akin.

Naaalala ko palagi niya akong tinatawag na tanga dati...iyong isa naman boang. Mukha ba akong tanga at boang?

"Oo na naging tanga na ako sa'yo and I won't repeat it this time! I swear, cross my heart, hope to die!" panata ko.

"Pero baka maging malungkot ka kapag gano'n? Maniwala ka sa'kin...malungkot ang gano'n."

Nakakatuwa lang malaman na si jaq ay nag-aalala sa akin. If everything was like in the past, I would still fall for him. Pero dahil sakaniya, I know what kind of man I don't want. I don't want to fall in love with someone who isn't in love with himself or his life. Toxicity is scary.

"Alam mo madami akong motto sa life, isa na ro'n iyong...huwag mong ikulong 'yong sarili mo sa lungkot, lumandi ka!" pagbibiro ko.

Natawa siya sa sinabi ko kaya natawa na rin ako.

"Siraulo ka talagang babae ka!" aniya.

Kung iisipin...about kay Pol-sci...baka infatuation lang ito? I kinda admire him dahil masyado siyang seryoso sa buhay. He has goals na halos pareho lang din yata sa akin...to make our parents proud. Yes, his cold sometimes towards me but he's just like xowie, he's a combination of good and bad but in a nice way.

Nakakatuwa rin malaman na ayos na ang pamilya ni jaq. Kasapi na muli siya sa pamilya niya at ngayon unti-unting tinatanggap ang lahat.

"...pero bigla-bigla na lang din ako dinadapuan ng kalungkutan. Alam mo 'yon? Iyong bang parang nagpa-flashback pa rin sa akin 'yong nakaraan." Mahina niyang sambit pero sapat upang aking marinig.

Gano'n naman talaga, kahit ako rin. Iyong pakiramdam na mag-isa kang nakaupo o nakahiga sa kuwarto tapos ang lalim ng iniisip mo. Iyong tipong hindi ka naman umiiyak pero bigla mo na lamang mararamdaman na parang ubos ka na tapos sobrang lungkot mo pa. Tapos sabay magpa-flashback iyong mga memories from the past na sinusubukan kong tanggapin at ayusin na para bang hinahamon ako kung gumagaling na ba talaga ako o hindi.

Inabot ko ang isang kamay ni jaq at dahan-dahan hinaplos ito.

"Siguro sa sobrang tagal na natin nararamdaman iyong mga gano'ng bagay, eh, nasanay na lang din tayo, ano? But I know everything will be fine. Kakayanin natin hanggat kaya pa...gano'n dapat." Kalmado kong pagkakasabi sakaniya then I smiled at him, my usual bright smile.

Napag-usapan din namin 'yong tungkol sa kaibigan niya na ongoing pa rin 'yong kaso. Isang bagay na nadismaya ako dahil hindi niya sinabi sa akin ang tungkol doon dati. I should've helped him back then. Hindi sana siya mag-isa noon.

"Ehem...public display of affection?" Napatingin kami ni jaq sa nagsalita. Hindi namin napansin si xowie na kakarating lang at may bitbit na supot na marahil ang laman ay 'yong nabili niyang pagkain sa labas. Agad naman hinawi ni jaq 'yong kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"Bakit jaq ko? Si xowie lang 'yan!" pagbibiro ko.

"Why?" pagtataka ni xowie at umupo sa tabi ko. "May relasyon ba kayo?" tanong niya na parang wala lang.

"Nako bakit mo naman natanong 'yan, xowie?" sabi ko.

Nagseselos ba siya? Naninigurado marahil?

"I don't know...last sem kasi you invest so much effort kay jaq."

"Hahahaha sinong tanga 'yong mag iinvest ng time and effort tapos wala naman palang label?" natatawa kong sambit.

Syempre ako! Tanga ako noon, eh! But it was all in the past and it's just a funny joke now. Natatawa na lang ako sa katangahan kong 'yon.

Napansin ni jaq ang librong dala ko na nakapatong sa table. Kinuha niya ito at hinusgahan ang cover. Iyong librong dala ko ay ang pinahiram ni pol-sci sa akin na nais ko ng matapos para maibalik ko na rin sakaniya agad.

"May balak ka bang pumatay?" tanong niya habang pinapakita iyong front cover ng libro.

A Good Girl's Guide to Murder.

"Oo, balak kitang patayin...sa pagmamahal ko hahahaha!" pagbibiro ko.

Pinitik ni jaq ang aking noo at akin itong hinaplos haplos. Mas okay na iyong ganitong relasyon sa aming dalawa...friends with benefits siguro ang tawag dito? Benefits na, we can lean on each other during a breakdown.

Sinubukan ko rin irekomenda 'yong librong pinahiram ko kay pol-sci kay jaq kahit na alam kong wala siyang hilig sa mga libro at pagbabasa...halata kasi sa mga tropa niya. Ang nakakatuwa pa rito ang biglang pagsabat ni xowie sa aming usapan patungkol sa libro. Halata naman kay xowie na mahilig siya magbasa dahil na rin matalino ang isang 'to pero feeling ko nagseselos siya sa nasasaksihan niya sakaniyang tabi't harapan kaya nakikisapaw.

Inabot ni xowie ang isang meal box kay jaq. Aking inobserbahan ang kanilang pag-uusap na halos ngayon ko lang din napansin...lalo na't kaming tatlo lang ang nandito. Iyong inaakto ni xowie ay medyo out of character, alam ko 'yon dahil tulad niya, babae rin ako.

Kinuha ko ang isang bond paper sa aking bag pati na rin bolpen at palihim na nagsulat ng steno;

Inabot ko ito kay jaq at nang kaniyang makita ito ay tinignan niya ako saglit ng may pagtataka. Nginitian ko lamang siya dahil it brings back memories.

Bakas ang pagtataka ni xowie sa aming secret message ni jaq. Hindi binary ang ginamit niyang reply...ASCII code raw sabi niya para mas madali.

Gusto ko lang sabihin kay jaq ang napapansin kong pagkagusto ni xowie sakaniya dahil bilang babae, instinct na namin yata 'yon. Halata rin naman kay jaq na may gusto siya kay xowie...bakit hindi ko 'to napansin dati? Dahil ba naka focus lang ako masyado kay jaq noon na halos hindi ko na rin nakikita iyong bagay na nakikita niya sa paligid? Pero ano naman para sa akin 'yon? Ano naman kung may gusto siyang iba? Sa pagkakataon na 'to gusto ko siyang suportahan. Deserve rin naman niyang magmahal ng isang taong mahal niya talaga.

Inabot ko kay jaq ang huling mensahe ko na nakasulat sa ASCII code. No'ng mabasa niya iyon, he smiled.

089 101 115 044 032 115 101 114 121 111 115 111 032 097 107 111 046 032 119 097 108 097 110 103 032 100 117 100 097 046 032 099 111 110 102 101 115 115 032 119 104 101 110 032 105 116 039 115 032 116 104 101 032 114 105 103 104 116 032 116 105 109 101 046 073 039 108 108 032 115 117 112 112 111 114 116 032 121 111 117 032 106 097 113 046

(Yes, seryoso ako. Walang duda. Confess when it's the right time. I'll support you jaq.)

Nakita ko ang pagkaway sa akin ni lycka sa isang extrang upuan. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at binitbit ang aking gamit.

"Osya, alis na ako. Doon na ako sasabay kumain kina lycka." Pag paalam ko sa dalawa at tuluyan ko na nga silang iniwan.

•••

"Huy sining! May perya ro'n malapit sa amin, tara puntahan natin?" pag-aya ni ellen, isa sa mga kaibigan ko bukod kay lycka.

"Nice! Masaya 'yon! Tara sining sama ka?" pag-aya rin ni lycka sa akin.

"Pass. Nagtext sa akin kanina si papa...umuwi raw ako agad pagkatapos ng klase. Atsaka 'di ba may ojt ka pa, lycka?"

"Meron nga pero mamaya pa 'yong ten o'clock. Eight-thirty pa lang naman may oras pa para magsaya! Sa ortigas lang naman 'yon medyo malapit lang...kaya ng isang sakayan sa FX."

"Hindi ka ba talaga sasama, sining? Bihira ka lang namin makasama, ghorl!" sabi ni ellen.

"Gusto ko man pero baka ano isipin ng tatay ko, eh! Pagbintangan na naman ako no'n na may boyfriend! Kayo na lang dalawa muna...next time na lang ako."

"Hindi ka na highschool-er para lagyan ng curfew hours sa pag-uwi, ghorl!" reklamo pa rin ni ellen.

"Wala ng next time sining!" sabi ni lycka.

"Second chance nga meron, next time pa kaya?" tugon ko.

"I mean, next time kasi baka hindi na kami 'yong kasama mo sa perya."

Sabagay...kailan ba kasi iyong next time na 'yon? Parang ang tagal. Sa sobrang tagal baka nga iba na ang makasama ko no'n...hindi na sila.

"Pasensya na talaga lycka at ellen...gabi na rin kasi. Bawi na lang ako next life!" pamamanata ko sa dalawa habang natatawa pa sa huli kong sinabi.

"Siguraduhin mo lang na sa next life, eh, kami pa rin kaibigan mo, 'di ba?" sabi ni ellen.

Hindi rin ako sure. Hindi ako sure kung gusto ko pa ngang mabuhay sa next life bilang tao, eh. Masyado kasing mahirap. Ang daming requirements na kailangan ipasa para lang masabi na belong ka. Ang dami ring exam na kailangan ipasa para maging proud sila. Madaming taong dadating upang kilalanin ka pero hindi upang kilalanin ka ng lubusan at manatili ng pangmatagalan. Babawi ako next life? Hanggang kailan ako magbabayad ng utang?

"Enjoy na lang kayo, ha?" sambit ko sakanila at aking pinagmasdan ang kanilang paglakad palayo sa akin.

Sana ako rin, puwede.

Pag-uwi ko sa bahay, wala naman nagbago. Sa hapagkainan isang tao lang ang bida at boss.

"Sining, nagre-review ka naman ba para sa civil exam?" tanong ni papa.

Sinusubukan ko isingit 'yan sa mga natitira kong libreng oras kaso lang hindi bumabaon sa utak ko ang binabasa ko.

"Opo, tuwing break time sa ojt po at kapag gabi." pagsisinungaling ko.

Busy ako sa thesis kapag gabi...halos nakakalimutan ko na importante pala ang isang 'yan sainyo.

"Pagpatuloy mo lang 'yan, sining. Siguraduhin mong papasa ka r'yan...o ihanda mo na lang din ng sarili mo dahil kapag may latin honor ka hindi mo na kailangan 'yon pero kailangan mo raw mag exam para makapasok sa isang government work."

"Opo."

Paano kung hindi ako pumasa? Sa lahat ng nais mo? Anong gagawin mo?

Pagkatapos maghugas ng pinagkainan ay agad akong umakyat ng kwarto. Umupo sa upuan, binuklat ang laptop at binuksan ito. Madami pa akong kailangan gawin at isa na roon ang thesis namin. Habang naglo-loading pa ang windows, kinuha ko ang aking diary at nagsimula na naman magsulat.

12-17-18

21:38

Ito na naman ako...nagsusulat ulit. Habang nasa internship pinipilit ko naman din magreview para sa civil service exam (medyo?) kaso hindi ko natutuloy dahil nahihiya ako kay pol-sci. Nasa internship ako para magtrabaho hindi para magreview. Malaki ang expectation nila mama at papa sa akin na makakapasa ako...yung iba kasi ilang beses nagretake bago makapasa.

I'm doing my best kahit na napapagod na ako. Sobra. Pero sabi nga ni uncle ben sa spider man; with great power comes great responsibility. And my power is strength. Kaya ko 'to...kayang kaya ko 'to...kakayanin ko hanggang sa matupad yung pangarap nila...at hanggang sa maging proud naman sila sa akin at palayain na ako.

- Sining.

Pagkatapos ko magsulat ay ibinalik ko na sa aking bag ang notebook. Pumukaw naman sa aking atensyon ang libro ni pol-sci at akin itong kinuha't binasa.

Sa pahina na aking binabasa ay may naka-highlight na naman na phrase. Pol-sci likes to highlight quotes sa librong ito. And it feels like, it speaks to me at parang pareho kami ng nais sabihin.

The people you love weren't algebra: to be calculated, subtracted, or held at arm's length across a decimal point.

Mabagal kong sinusundan ang highlighted phrase na iyon ng libro gamit ang aking daliri sa hindi ko alam na dahilan kung bakit ko iyon ginagawa. Napatingin ako sa aking laptop at napabuntong hininga na lamang. Isinara ko ang libro at itinabi. Uubusin ko na naman ang natitira kong enerhiya sa thesis na ito at sa isang tab ay ang aking reviewer para sa civil service exam o ro'n sa government exam na nadownload ko online.

"Hays, baka naman kasi marami pang magandang mangyayari...kaya kailangan kong magpatuloy?"

Ipinikit ko ang aking mata, dalawang kamay ko ay magkaugnay.

"God, give me strength para kayanin pa ang lahat ng laban na ito at sa paparating pa."

Kakayanin. Lalaban. Mananalangin.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro