Kabanata 8
Feelings
•••
Gabi na ako nakauwi sa amin. Bago pumasok sa bahay ay itinago ko muna ang jacket ni pol-sci sa aking bag upang hindi na magtanong pa si papa kung kanino ko nakuha iyon...tama na siguro ang isang kasinungalingan sa araw na ito.
"Traffic sa bandang street light?" tanong ni papa pagkapasok ko.
"Opo, sa bandang pa-buting. Medyo natagalan po ro'n iyong biyahe."
"Osya magpalit ka na at kumain ka na rito!" wika ni mama.
"Sige po."
Umakyat ako sa kwarto, ipinatong ang aking bag sa may upuan. Tinignan ko ang maliit na orasan sa study table ko...pasado alas nuebe na rin pala. Binuksan ko ang aking bag upang kunin sana ang diary ko na palagi ko ng binibitbit ngunit ang jacket ni pol-sci ang aking kinuha at aking nilanghap ang amoy nito...hindi iyong creepy-weird way pero inamoy ko lang.
"Mabango...matagal niya ng hindi pinalaba pero kapit na kapit iyong amoy niya."
Kumuha ako ng isang hanger at isinampay ang jacket sa hawakan ng kabinet.
"Matangkad, moreno, matalino, mayaman, mabango, gwapong minsan masama ugali...walang sense of humor. Lalaking medyo pinagpala sa lahat, ah?" sabi ko habang tinitignan ang nakasampay niyang jacket. Mga kamay ko'y nakahalukipkip pa nga.
Matagal ko tinignan ang jacket...unti-unting nagugustuhan ang disenyo nito.
"Arbor na 'to!" natatawa kong sabi sa sarili ko.
"Sining! Kakain na!" sigaw ni mama sa baba.
"Oho! Sandali lang po!"
Agad akong kumuha ng damit pamalit, hinayaan ang jacket na nakasabit atsaka bumaba sa hapagkainan.
"Grabe ba mga trabaho ro'n at kailangan kasama ka sa overtime kahit ojt pa lang?" tanong ni papa.
"Opo, kulang po kasi sila sa tao at madami po talagang ginagawa."
"Pagbutihan mo lang diyan para alam mo na puwede mong gawin kung sakaling diyan ka magtrabaho."
Kung alam mo lang papa na hindi roon ang lugar para sa akin...ginagawa ko lang ang trabaho na 'yon dahil kailangan kong gawin hindi dahil para ro'n ako magtrabaho...hindi rin dahil gusto ko ro'n. Sayang ang lahat ng kaya ko pang gawin sa lugar na 'yon.
"Opo." tangi kong nasabi.
Pagkatapos kumain ay naghugas muna ako ng plato bago umakyat sa kwarto. Umupo ako sa upuan at kinuha ang notebook kung saan sinusulatan ko ng mga drama ko sa buhay.
"Haayy, hindi na pala ako masyado nakakapagsulat dito."
Kumuha ako ng isang bolpen sa lagayan ko nito na nakapatong sa study table. Unipin .04 ang nakuha ko pero wala naman akong pake ro'n dahil mahaba pa ang ikukwento ko sa notebook na ito.
12-16-18
10:47PM
Madami na akong hindi naikwento sa iyo, notebook. Sa pagkakataon na ito mukhang maiiba ang storya at daloy ng mga salita ngayon...hindi kagaya ng dati...ng nakasanay mo siguro?
Sisimulan ko roon sa lalaki na nakilala ko sa internship. Pol-sci tawag ko sakaniya kasi nakalimutan ko pangalan niya...hindi ko maalala kung binanggit ba niya, eh? Pasensya na! Anyway, medyo pinagpala siya ng panginoon. Medyo lang kasi wala siyang sense of humor tapos feeling ko mahiyain siya. Long story short pareho lang kaming dalawa ng kwentong pamilya pero...siya...tanggap niya...ako? Hindi. Mahusay rin siya sa mga salitaan. Ang gaan sa loob niya minsan kausap at kasama. Feeling ko siya iyong nagsisilbing tainga ko sa mga dinadamdam ko sa pamilya ko. Hindi ba't ang saya no'n? Sa wakas, may isang taong handang makinig sa akin.
- Sining.
Tinakpan ko ang notebook at ibinalik ito sa aking bag. Nagmuni muni muna ako saglit bago ko maisipang basahin iyong libro ni pol-sci na hindi ko matapos tapos dahil sa dami na rin ng aking gawain sa ojt at school...sa thesis pa pala.
"Hay nako! Thesis pa pala!" wika ko sabay bukas ng laptop na nakapatong lang din sa study table ko. Isinantabi ko muna ang libro upang unahin ang thesis. "Revision na naman pala...hay...paulit-ulit na pa ulit-ulit na lang. Walang katapusang revision. Walang katapusan na pagkakamali."
Tinignan ko ang aking sarili sa munting salamin sa aking harapan. Medyo magulo ang humahabang itim na wavy hair ko na lagpas balikat na. Kitang kita rin sa salamin ang bareface ko na medyo dry pa nga ang lips at iyong eyebags akala mo buntis.
"Kumusta ka na? Kayanin mo lang lahat...konting tiis na lang...konti na lang..." sabi ko at kasabay nito ang aking pagngiti na maya-maya ay mapapalitan.
"Happy...sad...happy...sad...happy...sad...it's okay to feel both, sining. It's normal." pagpapaalala ko sa aking sarili.
"Sining! Matulog ka na! Maaga ka pa bukas! Kaya ang hirap mo gisingin sa umaga lagi ka nagpupuyat! Tigilan mo na 'yan at matulog ka na!" sigaw ni papa...papunta na yata sa kwarto nila ni mama.
"Tsss...kung puwede nga lang matulog na lang...gusto ko na rin matulog...kaso takot ako sa bangungot."
Nag-inat ako at binuksan ang ms word at file ng thesis namin. Ako kasi ang tumatakbong lider sa grupo namin kaya halos lahat ng gawain sinasalo ko na rin. Para akong isang punching bag na isinasalo lahat ng sakit tapos hindi ipinahahalata na nasasaktan na.
"Konting tiis na lang, sining. Konti na lang. Kayanin mo...kaya mo 'yan. Fighting!"
•••
"Late ka, ah?" wika ko sa late comer na si pol-sci.
Nandito ulit kami sa aming office—ang storage room. May mga papel na naman na i-o-organize.
"Better late than early." sabi niya na naka poker face pa nga.
"Wow! Nice motto to live by, ha? Sinapian ka ba ng espiritu ng katamaran today?"
"Sinapian ako ng puyat."
"Haayy mahirap iwasan 'yan! Buti ako puyat pero maaga nagigising!"
"Pffff!"
"Bakit? Oo kaya! Sleep routine ko na yata ang gano'n, eh?"
"Ingat-ingat ka bawas life points 'yon."
Tumabi siya sa akin at binawasan ang nakapile up na mga documents sa harapan ko. Naka-indian sit ako sa lapag at gano'n rin ang ginawa niya. Inilapag din niya ang kaniyang iPhone katabi sa aking smart phone. Seryoso lang kami sa aming ginagawa.
"Oo nga pala...narinig ko kanina pagpasok ko sa may elevator na malapit na raw ang christmas party dito tapos required daw magperform lahat!" sabi ko.
"Tapos?"
"Hindi ka man lang ba kinakabahan na baka kailangan pati tayo may ipeperform?"
"Ano 'yon p.e? Nandito ko para mag internship hindi para sumayaw o kumanta."
"Aysuuus! Hindi ka lang yata talented, eh?"
"I can sing and play the guitar."
"Sample nga ng pagkanta!"
"Ayoko."
"Aysuuus sa cr ka lang yata songerist, eh! Ako artista naman ako sa cr hahahaha!"
"Artista? You cry while taking a dump? Gano'n ba 'yon?"
"Hindi naman habang tumatae! Grabe ka naman mag-isip! Minsan bago maligo...nag-iisip muna ako parang gano'n."
Bakit ba nadadala na naman ako ng kadramahan ko ngayong umaga? Umay na sa drama! Alam kong drama ang kakalabasan ng usapan na ito!
"Ano iniisip mo?" tanong niya.
Pareho lamang kaming nakapokus sa aming ginagawang trabaho hindi na pinapansin ang isa't isa pero paminsan minsan sumusulyap ako sakaniya...pero seryoso pa rin siya sa trabaho. Seryosong tao talaga siya!
"Mga bagay bagay gano'n..." sabi ko.
"Tulad ng ano?"
"Wala lang...bakit ako ganito...bakit sila ganiyan...mga walang kuwentang bagay minsan na ginagawa kong big deal sa cr."
"Hmm, what's the resolution?"
"Huh?" napatingin pa ako sakaniya habang nakataas ang isang kilay. "Resolution? Kapag new year lang 'yon uso, eh!" dagdag kong biro.
"Instead of overthinking negatively bakit hindi mo subukan mag overthink ng resolution? Resolution sa walang kuwentang bagay na kung bakit ka ganiyan, bakit sila ganiyan, bakit ako ganito."
"Ehh?"
"Tell me, ano ba talaga madalas mo iniisip? Sa pamilya mo? How controlling they are?" aniya.
Napatingin ako sa mga papel na nasa aking harapan na medyo napanguso pa nga ako habang tinititigan ang mga ito.
"It's not a bad thing...overthinking about problems you can't resolve. Gano'n din naman ako. We're the same, business. We both are being controlled pero..." napatigil siya.
"Pero ano?"
Nagkatinginan kaming dalawa. Medyo lumapit siya sa akin at ito'y naging dahilan ng pagbilis sa tibok ng puso ko. Ang gwapo niya kasi kapag dalawang dangkal ang pagitan ng mukha niya sa akin.
"Stop being afraid of what could go wrong and start being positive about what could go right." aniya sabay mahinang pagkaltok sa ulo ko.
At ayon na naman 'yong ngiti niya...kitang kita ko ang dimple niya. Hinampas hampas ko ang aking baba ng mahina habang nakatingin pa rin sakaniya at siya naman ay nakatuon na ulit ang pansin sa mga papel.
"Psst, pol-sci."
"Bakit?"
"Bakit ka ganiyan?"
"Pinagsasabi mo?"
Tinuro turo ko pa siya na parang isang magulang na sinasabihan ang kaniyang anak.
" Your mind...your words...it amaze me sometimes you know?" sabi ko.
"Now I know. Thank you for the compliment."
Baka hindi talaga kami magkatulad? Baka medyo naiiba siya sa akin. Pareho lang kami ng sitwasyon pero magkaiba kami ng way kung paano i-handle 'yon? Ganito ako...ganiyan siya...medyo magkaiba.
"Bilib talaga ko sa'yo. Akala ko pa naman magkapareho tayo! Akala ko soulmate na kita, eh, hahahaha biro lang!" sabay hampas ko sakaniyang braso.
"We're just the same, business." aniya habang ginagawa ang trabaho. "Pero pinipili ko lang lawakan ang pang-unawa ko kasi hindi lahat ng tao katulad ng takbo ng isip ko." dugtong niya.
"How to be you po? Teach me your ways master pol-sci!"
Medyo inilingon niya ang kaniyang ulo sa akin na may seryosong titig na medyo nag paalarma sa akin dahil bigla akong nanginig ng palihim.
"Boang." sabi niya habang nakapoker face.
"Wow makapagsabi ng boang, ah? Without knowing na I like you? Pfff!"
"Mega boang ka na." aniya sabay balik sa trabaho at gano'n rin ang ginawa ko.
"Huwag ka ngang ganiyan! Naudlot pag self-love ko nang dahil sa'yo kaya umayos ayos ka diyan aba!"
Natatawa na lang ako sa pinagsasabi ko sakaniya lalo na kapag nakikita ko 'yong expression niya na parang naiirita dahil sa pagngiwi ng kaniyang labi at kilay.
"Pinagtitripan mo ako, ano?"
"Hindi, ah! Hahahaha! I like you and I think God sent me here to color your world with 650 named colors!"
"Ano 'ko coloring book? Hindi ba parang ikaw ang nangangailangan na magkukulay sa buhay mo gamit ang 650 named colors? Not me."
Bakit ba kasi ganiyan ka? Bakit kaya mong basahin ang kaluluwa ko? Kainis. Ang unfair. Nababasa mo ang kaluluwa ko pero 'yong iyo hindi ko mabasa. Duga!
Hindi ko namamalayan na tulala na pala ako sa kawalan habang hindi ko maintindihan ang ginagawang expression ng mukha ko. Nararamdaman ko ang pagkunot ng noo ko at bahagyang pagnguso sa hindi ko maintindihan na dahilan.
"Hoy, business, boang!" sabi niya na nagpagising sa aking diwa.
"Huh bakit?"
"I knew it...my friend was right."
"Huh?"
"He told me, if you understand why pizza's made round...packed in to a square box and eaten as a triangle... then you'll understand women."
"Tapos?"
"I don't understand it."
"Wow, ha! Bakit parang kasalanan pa namin? Atsaka napapaligiran ka ba ng mga words of wisdom na mga kaibigan?"
"Oo, dito lang hindi."
"Napaka mo naman talaga."
At natapos ang usapan namin sa palihim na ngitian sa harap ng aming gawain...tapos biglang pumasok si ma'am nej upang magdagdag na naman ng gawain para sa amin na wala man lang sense. Hindi talaga ito ang gusto kong gawin sa buhay ko. Sa totoo lang, nag aaksaya lamang ako ng oras at karunungan dito...buti na lang nandito si pol-sci. Siya lang yata ang may sense dito.
•••
"Lahat tayo ay alipin. Kaya nag-aaral kayo ngayon upang maging mas mataas na uri ng alipin!" sabi ni sir francisco, prof namin sa ethics.
Alas tres ako nag-out sa office dahil may klase kami ngayong araw.
"Tumpak do'n si sir, noh? Alipin tayo habang buhay ng buhay." mahina kong sabi kay lycka na katabi ko.
"Akala ko pa naman edukasyon ang susi sa pagyaman...mataas na uri ng alipin lang pala bagsak natin sana hindi na lang ako nag-aral."
"Diploma kamo ang susi sa pintuan patungo sa pagyaman. Diskarte talaga ang tunay na magpupunta sa atin sa kayamanan."
"Peste naman 'yon, beh, hindi pala knowledge...diskarte pala."
"Madaming mapera na madiskarte lang pero walang diploma. Alipin nga 'di ba pero hindi dapat hanggang doon lang...boss dapat."
"Eh ikaw, balak mo ba talaga mag civil exam agad?" tanong ni lycka habang nakatingin kay sir francisco na nagtuturo sa harapan.
"Oo, ayon gusto nila, eh? Anong magagawa ko? Alipin nga 'di ba..."
"Tapos papa mo boss?"
"Hindi, mataas na uri ng alipin lang 'yon. Iyong pinsan ko ang boss. Siya ang mas mapera, mas madaming sources, at mas matalino. Sakaniya mas may utang na loob."
"Buti sila mama at kuya medyo nagbabago na pagkatapos no'ng nangyari sa akin last sem. Takot na lang yata sila na gawin ko ulit 'yon."
"Anong nagbago sakanila?"
"Iyong pakikitungo nila sa akin naging mahinhin. Si mama hindi na bine-baby si kuya nagiging pantay na 'yong pagtrato niya sa aming dalawang magkapatid. Si kuya may trabaho na rin...ako na binibigyan niya ng baon. Posible rin pala ang pagbabago, noh? Mabagal pero nangyayari."
Paano kaya kung mangyari rin sa akin 'yong nangyari kay lycka? Bakit hindi ko subukan baka sakaling magbago ang pananaw ng magulang ko sa buhay. Sa akin. Sa lahat. Pero hindi ba kapag ginawa ko 'yon...parang ako pa rin ang may kasalanan? Ako pa rin ang sisisihin? Ako pa rin ang may mali? Ako pa rin ang hindi malaya.
"Pero pinipili ko lang lawakan ang pang-unawa ko kasi hindi lahat ng tao katulad ng takbo ng isip ko."
Bigla ko na lamang naalala 'yong sinabi ni pol-sci sa akin kanina pero hindi naman lahat ng tao parepareho ng pag-iisip kaya paano nila ako maiintindihan?
Sinusubukan ko naman mahalin ang sarili ko araw-araw, palagi, pero ang hirap din mahalin ang sarili...madali lang siyang sabihin. O baka kasi sobrang lungkot ko kaya hindi ko kayang mahalin ang sarili ko? Para bang kahit anong gawin kong paraan para maging masaya, eh, kakainin pa rin ako ng lungkot.
"Kaya ikaw sining, pagbutihan mo lang. Gawin mo 'yong bagay na sa tingin mo ay makakalaya ka. Hindi ba't lagi mong paalala, kakayanin habang kaya pa?" mahinang sabi ni lycka sa akin.
Si jaq...ngayon pati si lycka...nagbago na sila. Hindi na sila 'yong dalawang taong kailangan kong iligtas kasi naligtas na nila ang sarili nila. Kaya nilang iligtas 'yong sarili nila sa hindi nakikitang kalaban. Sana ako rin. Sana kagaya rin nila ako...sana kagaya nila may lakas ako ng loob para iligtas ang sarili ko. Kaso bakit kasi ganito ako kahina?
Nakatingin lamang ako sa harapan, sa prof namin na nagkukwento tungkol sa naging buhay niya dati na hindi ko alam kung may sense pa ba sa subject na ethics o kung masasama ba ito sa quizzes o exam namin na palaging essay.
"Pero palagi niyong tatandaan na sasang-ayon din sainyo ang ikot ng mundo! Magtiwala lang kayo sa kakayahan na mayroon ang sarili niyo. Matuto kayong magtiwala sa sarili niyo at maniwalang dadating din ang oras para sainyo. Trust the timing of your life dahil baka sa ngayon ay bumubwelo pa ito!" sabi ni sir francisco sa harap na medyo nagpabigay ng kaunting pag-asa sa aking sarili.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro