Kabanata 7
Over time
•••
Hindi maganda ang awra sa office. Halata kay ma'am nej ang pagiging stress dahil sa eyebags nito na akala mo, eh, buntis.
"May problema po ba ma'am?" tanong ko sakaniya.
Nandito kami sa may office mismo, sa table ng mga intern at nasa harapan lang namin si ma'am nej. Balik na naman kami sa aming gawain na puro mga documents at pag-stamp ng official seal at pag dry-seal pero halos ngayon kakaiba dahil lahat talaga sila ay busy.
"Madami lang inaasikaso na dapat tapusin ngayong araw." ani ma'am na parang balisa.
"Baka kailangan niyo po mag coffee break ma'am? Pahinga po muna kayo?" pag-aalala ko.
"No, sining. This is not the time to take breaks, we all have works and papers to be done today! Have you finish with yours?"
"No ma'am, not yet."
"Do it first and finish it properly! There's no room for mistakes here!"
"Yes, ma'am."
Galit na galit? Nag-aalala lang, eh! Tss!
Lalo pang nagkumpulan ang mga papel sa table namin dahil lapag ng lapag lang sila ma'am. Meron pa ngang sinigawan ni ma'am dahil sa simpleng typo at kung ano-ano pang mali sa mga documents. Hindi siya si ma'am nej na nakilala ko no'ng first day ko rito...ibang ma'am nej ang nandito sa office!
Ang tanging break lang ng mga empleyado ay tuwing magba-banyo sila...kaya kami ni pol-sci hindi na lang din nag coffee break...mismong lunch break pinalipas na muna namin upang matapos ang gawain ngayong araw. Seryoso ang mga tao sa office halata na may hinahabol silang due date na hindi ko alam kung tungkol sa ano...kahit kami kasi hindi nila pinagsasabihan ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho nila.
Sabay kami ni pol-sci na sumakay sa elevator pababa sa lobby. Isang oras kami pinag over time rin ni ma'am nej at hindi na lang din kami naka-hindi kahit na gutom na gutom na kami at kanina pa nagwawala ang mga paru-paro ko sa tiyan.
"Ngayon ko lang sila nakita na gano'n ka-seryoso..." sambit ko habang nakatingin sa numero sa loob ng elevator.
"Akala ko talaga no'ng una si ma'am nej napakabait pero kanina...grabe siya! Simpleng pagkakamali lang sinisigawan niya na 'yong co-worker niya porket mataas siya sakanila." Dugtong ko.
"Well, business, that's the true nature of work fields. Normal lang ang gano'n sa reyalidad...kaya nga sinabi nila na once you finish college you'll enter the real life. Kung toxic na sa school, puwes, malamang, mas toxic sa work."
Napanguso ako sa sinabi niya habang nakatingin pa rin sa numero na nasa taas ng pintuan ng elevator.
"You just have to learn how to survive in that toxic world. You have to swallow your pride and cry later...lalo na kung baguhan ka lang. Parang zoo ang mundo ng trabaho kaya kung ikaw 'yong mga mahihinang nilalang hindi ka nababagay sa lugar na 'yon. Trust no one...especially at work." Dagdag pa niyang sabi.
"Gusto ko talaga magkaroon ng sariling business balang araw..." sabi ko.
"I bet you will."
Tumingin ako sakaniya, sinisilayan din niya ang pag andar ng numero. Nasa loob ng kaniyang bulsa ang kamay niya, formal attire na naman ang kaniyang suot...puting long sleeves na naka-tuck in sakaniyang pantalon. Backpack niya pa nga ay kulay itim na Hawk ang brand...may parang keychain sa maliit na bulsahan...Iron Man pa nga. Sa akin Heartstrings Myel na kulay gray kaso walang mga palawit-palawit...bumili na rin kaya ako? Parang mas bagay kasi sa bag tignan.
"Oo nga pala, tandaan mo 'yong sinabi ko sa'yo na kapag nagkaroon na ako ng sariling business...kapag naging lawyer ka na ikaw kukunin ko upang protektahan ako!" sambit ko.
"Bakit? Illegal ba ipapatayo mong business? Pass ako riyan."
Hinampas ko pa siya ng medyo mahina sa braso.
"Hindi, ah!"
Natawa lang siya pero mahina. Unti-unti natatawa na rin siya sa mga walang kuwenta kong sinasabi.
Paglabas namin ng elevator ay bigla na lamang nag-ingay ang mga alaga kong paru-paro...hindi ko alam kung paru-paro nga ba o dragon 'yon dahil feeling ko narinig ni pol-sci, eh.
"Gutom na ang dragon..." sabi ko habang tinatapik ang tiyan ko.
Nauunang maglakad si pol-sci sa akin, baka dumating na 'yong grab na binook niya...madalas naghihiwalay kami sa tapat ng law firm...ako pakaliwa siya pakanan papuntang parking lot.
"Osya, ingat sa pag-uwi na lang, ha?" paalam ko.
Maglalakad na sana ako palayo...paalis...pero bigla niya akong pinigilan.
"Wait!" aniya.
"Bakit?"
"Nagugutom din ako."
"Gano'n ba...kain muna tayo? Saan mo gusto kumain? May mall na malapit dito 'di ba? Gusto mo ba ng kanin?"
"Anything. Kung saan ako madatnan ng gutom ko ro'n tayo kakain."
Nauna siyang naglakad ulit at sumunod na lamang ako. Handa na sana ako tumawid...jay-walking pa nga papunta sa kabilang kalsada kung saan makikita ang mall na malapit pero bigla niya akong hinila sa bag ko.
"Masyado pang maaga para mamatay ka." sabi niya sa akin.
"Nakikita mo 'yong overpass? Doon tayo tatawid." aniya sabay turo sa overpass na medyo may kalayuan pang lakarin.
"Sigurado ka ba r'yan? Gutom na ako, eh!"
"Dalian mo na...lakad na." utos niya at pinauna akong maglakad, hawak-hawak niya ang dalawang balikat ko at nasa likuran ko lamang siya medyo tinutulak ako.
"Hindi mo man alam pero mortal enemy ko ang mahabang hagdan." sambit ko no'ng marating namin ang overpass at nasa unang hakbang pa lamang kami.
"Importante ang bawat hakbang patungo sa paroroonan." aniya at nagsimula na ngang umakyat.
Sumunod na lamang ako habang nakabusangot. Nauuna siya sa akin at ilang hakbang ang layo pero hindi nawawala ang paglingon-lingon niya sa akin...na para bang sinisigurado na sumusunod ako.
"Wala ka na bang ibabagal?!" reklamo niya.
"Kung buhatin mo kaya ako, 'di ba? Puwede rin piggy back ride mas bet ko 'yon!"
"Ano ka, sinuswerte? Mukha ka kayang mabigat...halata sa malaki mong balakang." aniya sabay talikod sa akin.
Tsss ang attitude niya rin minsan...gano'n siguro kapag mayaman na only child.
"Mahilig kasi ako sa kanin!" depensa ko no'ng masabayan ko na siya.
"Sabi mo, eh."
Pagkababa namin sa overpass pareho nang kumalam ang aming tiyan. Nagkatinginan kaming dalawa...siya seryoso tapos ako nakanguso ng kaunti.
"No choice..." aniya at nagsimula na nga maglakad sa isang malapit sa aming tinatayuan na isang food cart...Hong Kong Style Noodle.
"Mas okay 'to sa'yo...no rice." seryoso niyang sabi na alam kong nang aasar.
"Libre mo ba ako?" tanong ko.
"Asa ka." agad niyang tugon.
"Rich kid 'di nanlilibre? Kuripot ka?"
"Kasalanan ko bang wala kang pambili?"
"Meron akong pambili, noh!"
"Ayon naman pala e di bumili ka ng iyo."
"Pero kasi feeling ko kapag libre mo 'yong pagkain mas masarap! Tapos feeling ko mabubusog talaga ako na halos makakalimutan ko 'yong pagod kanina sa office!" masaya kong sabi.
Sana gumana ang pang-uuto kong 'to! Gusto ko talaga malibre para minus gastos sa araw na ito at nang makapag ipon naman ako para sa mga nais ko sa buhay hindi 'yong palagi ko lang naiipon ay sama ng loob.
Bigla niya na lamang pinitik ang aking noo na hindi naman kalakasan.
"Ouch ha!" bulyaw ko.
"Hindi mo ako mauuto."
Tinignan niya ang mga menu na nakadisplay sa harap ng stall.
"Anong gusto mo?" bigla niyang tanong.
"Huwag mo ko tanungin kung 'di mo naman ako balak ilibre."
"Ayaw mo ba?"
"Seryosa ka ba talaga, pol-sci? Baka joke time mo lang 'to, ah? Medyo takot na ako umasa sa mga lalaki!"
Napakamot ito sakaniyang batok at medyo napangiwi ang kaniyang labi.
"Do I look like a clown para magbiro sa'yo?"
"Hmm, hindi, sabagay...mukha ka palang walang sense of humor." pang-aasar ko. "Ate pabili po ako!" agad kong tawag sa tindera dahil baka bawiin pa ni pol-sci ang panlilibre niya.
"Ano ho 'yon?" tanong ni ateng tindera.
"Isa nga pong HK Jumbo 1 at isang black gulaman." sambit ko.
"Sainyo po, sir?" tanong ng tindera sa kasama ko.
"Ahmm, HK Jumbo 2 and one black gulaman please."
"Okay po, pakihintay na lang po."
Habang busy si ate tindera sa order namin at nagpapatugtog siya ng isang awitin sakaniyang sound system, kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking bag upang i-text si papa na over time ako sa ojt dahil alam ko na baka gabihin na ako ng uwi dahil baka makapunta na ako sa terminal ng jeep, eh, mahaba na ang pila tapos dagdag pa ang matinding traffic dahil rush hour.
"Updating someone?" biglang sambit ng katabi ko with mababang tono ng boses.
"Si papa...sinabihan ko lang na..."
"Na ano?"
"Na kakain ako ng madami sa labas kasi may gwapong binata na manlilibre sa akin." natatawa kong sabi kaso hindi yata bumenta sakaniya ang pambobola ko.
Tinignan ko lang siya habang kaniyang kinukuha ang iPhone niya sa bulsa ng kaniyang pantalon.
"Updating someone rin? Hmm?" panunukso ko.
"Yeah, my mom. Sasabihin ko lang na may..."
Tinignan niya ako sa mukha at pababa sa paa ko. Bigla akong nailang sa ginawa niya.
"Na may ano?" wika ko.
"Na may panget na nag-alok sa akin kumain sa labas." sabay balik niya ng pansin sakaniyang hawak-hawak na iPhone.
"Wow, ha! Ako? Panget? Baka cute!" bulyaw ko.
"Haaa? Cute?"
"Yes!"
"Panget...na malaki balakang."
"Nagpapatawa ka ba? Hindi sense of humor tawag diyan kundi less manner!"
Napangiwi ako at medyo nagtatampo. Bakit naman ako nagtatampo? Dahil ba sinabihan akong panget? Dahil ba sinabihan akong malaki ang aking balakang na totoo naman? Hay nako...mood swing! Baka magkakaroon na ako this month...hay nako!
Napatingin ako kay pol-sci ng masama dahil sa palihim nitong paniniko sa akin na no'ng kinauna, eh, hindi ko pinapansin.
"Ano ba 'yon?" tanong ko na medyo may pagka inis na tono.
"Sorry..." aniya.
Nakatingin lang siya kay ate tindera na naghahanda sa binili namin habang 'yong dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsahan ng kaniyang pantalon.
"Haaaa?" pagreact ko.
"I said I'm sorry."
"Pfffft, hindi ako tumatanggap ng sorry...dessert puwede pa!"
"Gusto mo?"
"Oo naman!"
"Sumabog mukha mo?"
"Nagpapatawa ka na naman ba?" naniningkit ang aking dalawang mata pagkasabi sakaniya no'n.
Unti-unting lumilitaw ang dimple niya sa kaliwang pisngi at kasabay nito ang medyo malakas nitong pagtawa.
"Tama 'yan, matuwa ka sa'kin...sa'kin ka lang sasaya ng ganiyan." pagbibiro ko.
"Hindi nga?"
"Heto na po order niyo..." pagsapaw sa moment namin ni ateng tindera.
Sa stall lang din kami kumain, medyo nahihirapan lamang ako sa pag gamit ng chopstick dahil first time ko lang yata gumamit ng ganito.
"Struggling I see..." sabi ni pol-sci.
"Laking pinoy kasi ako, pasensya na po!"
"Tulungan kita..."
Lumapit siya sa akin at kinuha ang kanan kong kamay. Dahan dahan kung kaniyang hawakan ang aking mga daliri upang ipakita sa akin ang tamang paghawak sa chopstick. Seryoso lang siya sa pagtuturo pero 'yong mga alaga kong paru-paro sa tiyan ay sumasayaw na naman...feeling ko may nagba-back-flip pa nga!
"Nakikinig ka ba?" bigla niyang tanong na nagpagising sa diwa ko.
"Oo naman po, sir!"
Hinawi ko ang aking kamay at sinimulan nang kumain gamit ang chopstick...struggling pa rin talaga.
Tumawa si pol-sci hindi naman gano'n kalakas pero ayon na yata iyong malakas na tawa niya na narinig ko. Tinignan ko na lamang siya ng masama habang kinakain 'yong siomai na tinusok ko na lang sa chopstick.
"Tikman mo 'tong japanese siomai..." aniya sabay lagay ng isa sa cup ko.
"Kapag kinain ko ba 'yan magiging japanese na 'ko?" pagbibiro ko.
"Hindi, matututo ka lang magchopstick."
"Matututo ako kung palagi tayong kakain dito 'di ba?"
"Ang layo. Ikaw na lang mag-isa matuto."
"Tsss...malungkot kumain kapag mag-isa!"
Puwes, malungkot din naman kumain kahit hindi mag-isa kung hindi tamang tao ang kasama mo...kahit pamilya pa 'yon.
Tahimik na lang namin kinain 'yong hong kong style noodles namin dahil si ateng tindera kanina pa napapangiwi sa amin...single siguro siya?
"Mahilig ka ba sa zagu?" tanong ko kay pol-sci pagkatapon ko ng paper cup sa basurahan.
Tapos na kami kumain at ayoko pa talagang umuwi.
"Libre mo?"
"Oo libre ko naman ngayon kaso 'yong medium size lang, ha?"
"Okay."
Tinungo namin ang hindi kalayuan na stall ng Zagu. Umorder ako ng dalawang cookies & cream flavor...hindi ko alam kung ginaya niya lang ba 'yong order ko o sadyang gusto rin niya ng cookies & cream?
"Salamat po." wika ko pagka abot sa amin ng inumin no'ng tindero.
"Thanks." sabi ni pol-sci sa akin pag-abot ko ng inumin sakaniya.
"Salitan tayo sa gastos para fair, 'di ba?"
"Medyo fair...eighty-two pesos 'yong halaga ng kinain mo samantala ito fifty pesos lang."
"Pasensya na po, ayon lang kinaya ng budget ko, eh, tssss."
E di ikaw na mayaman! Ampunin niyo na lang din ako para sumaya naman buhay ko?
"Baka kasi mangulangan ka ng pamasahe pauwi...nagco-commute ka 'di ba?" aniya.
"Nag-aalala ka sa'kin? Wow! Magulang ko nga hindi nag-aalala, eh."
Naglalakad na kami pabalik sa may overpass. Hindi na namin pinagpatuloy ang pagpunta sa mall para kumain dahil nakakain naman na kami ng noodles at siomai.
"Mukhang uulan pa yata..." sambit ko dahil nakatingin ako sa ulap...makulimlim ang langit.
"May payong kang dala?" tanong niya.
Meron akong dalang payong sa bag, palagi kasing pinapaalala ni mama 'yon sa akin.
"Wala nga, eh. Pambata lang kasi 'yon." pagsisinungaling ko.
"Wala rin akong payong...umaambon na rin. Dalian mo maglakad at sumilong muna tayo sa overpass."
Iyong overpass kasi ay may silong kaya puwedeng magpalipas oras kapag malakas ang ulan.
Ang lakad niyang mabilis ay parang takbo na sa akin. Mahaba kasi ang biyas niya na parang pang ramp model kumpara sa cute size kong biyas.
Pumuwesto kami sa may bandang gitna at tinanaw ang pagdaloy ng sasakyan na halos mabagal ang pag-abante dahil sa traffic. Ni-reach out ko ang isa kong kamay upang maramdaman ang ulan.
"Gusto ko talaga kapag umuulan, ikaw pol-sci?"
"I don't like rainy season."
"Ahhh..."
"Ang lungkot kasi sa pakiramdam."
"Hindi kaya...ang saya kaya sa pakiramdam lalo na kapag naligo ka pa sa ulan!"
"Pambatang gawain lang 'yon."
"Sabagay...pero masaya pa rin."
Komportableng katahimikan na naman ang namamagitan sa amin pero napapaligiran kami ng ingay mula sa lumalakas na ulan at mga sasakyan sa kalsada. Madami ring tao ang sumilong sa overpass pero hindi naman gano'n kadami upang wala ng maraanan sa gitna.
"Lahat ng magulang nag-aalala sa anak nila...gusto ko sana sabihin sa'yo 'yon kanina." sambit niya.
"Tama ka nga, anak lang naman ang galit sa magulang kaya kung ano-ano nasasabing masasama..."
"When you think about it more deeply, parents act so strong for us, that we often forget just how fragile they are. We, as their child must learn to care for them as much as they care for us."
"Even if...they're controlling your life?"
"Let's be real, business. There will be no perfect family nor perfect parents nor perfect child. As we grew older life will hit us more rocks...think of it as...your parents are teaching you how to be strong and how to trust yourself. Hindi ba't kaya lang naman nila ginagawa 'yon sa atin ay para sa ikabubuti lang din naman ng buhay natin sa hinaharap?"
Nakatingin pa rin ako sa mabagal na pag-usad ng mga sasakyan sa kalsada. Nakikita ko naman sa peripheral vision ko si pol-sci na nakapangalumbaba.
"Kaya naniniwala ako na nag-aalala rin sa atin ang mga magulang natin...hindi lang nila kayang ipakita, iparamdam, o mapaunawa 'yon...o baka dahil siguro hindi natin sila binibigyan ng pagkakataon na unawain din sila? Atsaka my mom, she's strict, yes. She sometimes wouldn't let me go to hangout or go to nightouts. But also, she never touched my phone. There, I know the difference between being protective and being possessive."
Gano'n din si papa...he wouldn't let me go kahit overnight pa pero he never touched my phone...hindi rin niya puwersahang kinukuha sa akin. Difference between being protective and being possessive, ha?
"Gano'n na nga siguro...sabi mo nga walang pamilyang perpekto." sabi ko.
"Puwera na lang kung ayon apelyido niyo e di meron na."
Napatingin na ako sakaniya at hinampas siya sa braso. Kitang kita ang smirk niya dahil na rin sa kumakamusta niyang dimple sa kaliwang pisngi.
Tahimik man minsan ang kaniyang mga salita, tikom man minsan ang kaniyang bibig...pero kapag siya'y nagsalita na at nakabuo na ng mga salita...gustong-gusto ko siyang pakinggan.
"Tara na?" aya niya. Nag-unat muna siya sabay nanguna sa paglalakad patungo sa may hagdan.
"Teka! Umuulan pa, eh?" wika ko 'nong makahabol sakaniya.
"Ahh, oo nga pala..."
Iniharap niya ang kaniyang bag sa sarili at naglabas ng isang jacket na kulay dark blue na may hoodie at may tatak na FUBU sa harapan.
"Ayan...gamitin mo na muna 'yan. Anong oras na rin...mahirap na maabutan ng rush hour ang isang babaeng nagco-commute." sabi niya.
Nagsimula ulit sa pagsayaw ang mga alaga kong paru-paro sa tiyan...madami na rin yata ang natututo mag back flip!
"Oo nga pala...pero anong gagamitin mo? Mababasa ka...gusto mo ba share na lang tayo sa jacket mo pangsilong hanggang sa sakayan ng mrt? Mag MRT kasi ako hanggang guada..."
"No need," sabay labas niya naman ng isang payong na kulay black. "May payong ako."
Nauna siyang naglakad pababa at ako ay nasa likod lang niya nakasunod habang sinusuot ang jacket. Sira ulong lalaking 'to...panira ng k-drama moment, eh!
"Hindi lang pambata ang payong, dapat palagi kang handa sa lahat ng pagkakataon lalo nang 'gaya ngayon. Kailangan mo ng payong upang may proteksyon ka laban sa posibilidad na sakit...prevention is better than cure." dagdag niyang sabi na para bang ang deep ng ibigsabihin.
Kung alam mo lang na may payong din akong dala...nakatago rin sa bag ko...pero wala nang silbi 'yon ngayon.
Sinisilayan ko lang ang kaniyang likod, ang kaniyang pagbaba ng hagdan. Iyong way ng paghawak niya sa kaliwang strap ng kaniyang bag. Iyong dahan-dahan na pag galaw ng magulo niyang buhok...wavy style.
Napatigil siya at napalingon sa akin na medyo nagpa-ilang sa akin.
"Bakit?" sabi ko.
"Wala..." tinignan niya 'yong suot kong jacket, "Pakilabhan na rin kapag isosoli mo...hindi ko pa napapalabhan 'yan."
Ayon na naman ang paglitaw ng dimple niya sa kaliwang pisngi...sinabayan pa ng kaniyang pagtawa na unti-unti, eh, nasasanay na ako sa tunog. Dagdag pa nito ang unti-unti ring pagngiti ng kaniyang mga mata...ang simple lang pero nagagawa niya palaging pasayawin ang mga paru-paro ko sa tiyan.
Nais kong marinig mo ang sinasabi ko sa sarili ko tungkol sa'yo.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro