Kabanata 6
Highlighted
•••
Nagdeklara ng break time ang prof namin. Nagpaiwan kami ni lycka sa room at nakisuyo na lamang kami na magpabili sa mga kaibigan namin na bumaba upang bumili ng pagkain sa cafeteria.
"Ayy, naipasok ko pala sa bag 'yong diary ko...akala ko iyong attendance at file list namin sa internship ito, eh." sambit ko habang inililigpit ang aking gamit sa bag.
"Pareho ba naman kasing notebook ng papemelroti 'yan! Baka malito ka niyan?" sabi ni lycka na inilalabas ang kaniyang silver na tumbler.
"Hindi 'yan...iba naman design, eh! Iyong diary 'yong pusang nakasakay sa bike...iyong sa internship 'yong may quotes."
"Bakit kasi ayan 'yong notebook niyo? Ikaw ba bumili?"
"Ako nga bumili...may extra naman kasi ako at kailangan din namin sa storage room para mas organize iyong list at bilang babae, ako dapat gumawa no'n!"
"Oo na! Coffee jelly, gusto mo?" alok ni lycka sa akin habang inaabot ang kaniyang silver na tumbler.
"Ayy, oo naman!" Agad ko ito kinuha at binuksan. "Daya, konti lang ginawa!" pagreklamo ko.
"Nabigyan ko na 'yong iba, ikaw lang hindi. Tagal mo kasi dumating kanina! Late ka pa!"
"Pasensya na, hirap makasakay sa jeep...inaabot ako ng rush hour palagi."
"Baka kamo kasi may hinihintay kang kasabay na umuwi?" sabi ni lycka na para bang nang-aasar pa dahil sa tono ng kaniyang pagkakasabi no'n.
"Sira...sabay lang kami hanggang sa elevator, noh! Yayamanin ang isang 'yon, nagpapa-grab! I-grab ko kaya siya para naman malaman niya ang pakiramdam na nasa tamang tao? Hahahaha!" pagbibiro ko.
"Baliw ka na, beh."
"Alam mo 'yan, friend!"
Tumikim ako ng kaunti sa inaalok ni lycka na coffee jelly. Gustong gusto ko talaga ang gawa niyang coffee jelly na palagi kong hinahanap sakaniya kapag nilalabas niya ang kaniyang tumbler.
"Bet ko talaga coffee jelly mo!" pagpuri ko.
"Alam ko, ubusin mo na 'yan."
"Salamat, the best ka talaga!"
Katahimikan na sanay na kaming dalawa. Inubos ko ang inumin na binigay sa akin at hinayaan na lamang siya sa ginagawa niyang pagsusulat ng notes na hindi niya pa tapos kopyahin sa board.
"Hindi ako makakapasok next week." bigla niyang sambit.
"Bakit?"
"Pa-pa check up ako sa doktor...pasabi na lang pala kay ma'am, ha?"
"Anong sakit mo? Lalagnatin ka ba next week?" natatawa ko pang bigkas.
Matanda sa akin si lycka, bente-singko na siya. Chubby ang pangangatawan at malabo ang mata kaya may suot na salamin. Straight ang itim na buhok na lagpas dibdib, mapula ang pisngi dahil sa visible na mga pimples at mahilig sa liptint. Hindi magarbo kung siya'y manamit...simpleng long tee, black leggings at kung anong bet niyang sneakers na suotin...hindi lang siguro mawawala sakaniya ang relo. Palagi siyang may suot na relo dahil para sakaniya ay napakahalaga ng bawat oras lalo na at may trabaho rin siya sa isang parlor ng kaniyang tiyuhin na girl at heart. Ganiyan na siya no'ng una kong makilala at hanggang ngayon, ganiyan pa rin siya.
"PCOS." tugon niya.
"PCOS? Ano 'yon parang sa lotto?"
"Gagu, hindi! PCSO 'yon!" natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako. Akala niya siguro nagbibiro ako pero wala talaga akong idea sa sakit niyang 'yon bukod sa anxiety depression na parehong mayroon kami.
"PCOS...polycystic ovary syndrome. Hindi dinadatnan tapos parang may bato sa ovary kaya mahihirapan ang kagaya namin na mabuntis."
"Ahh..." tangi ko na lamang nasabi.
"Hindi ka siguro pamilyar sa gano'ng sakit, noh?"
Umiling iling lang ako bilang sagot. Wala yata sa mga kamag-anak ko ang nababalitaan ko na may gano'n dahil karamihan naman sakanila ay normal lang at may kakayahan na magdalang tao pa nga.
"Mahirap din magkaroon ng pcos...hindi alam ng karamihan ang tungkol sa sakit na 'to. Ang dami naming puwedeng maging sakit...lalo na type 2 diabetes, beh! Mahirap! Lalo na kung 'yong mga sintomas hindi mo rin masyadong mapapansin!" sabi niya habang patuloy pa rin sa pagsusulat sakaniyang notebook.
"Gaano? Gaano kahirap? Ngayon ko lang kasi narinig ang tungkol dito." sambit ko.
"Sabihin na natin na para bang...nakakaramdam ako ng pagod buong araw kahit gaano ako katagal matulog. Ibigsabihin lang no'n kailangan kong harapin 'yong mga pagbabago sa hormonal mood swings ko araw-araw. Ibigsabihin din no'n na kahit gaano ko subukan magpapayat, eh, hindi umuubra dahil hindi ako nababawasan ng timbang. Dagdag mo pa 'yong hindi mo alam kung kailan ka dadatnan ng pagkababae mo...habang iyong ibang babae nagrereklamo sa masakit na puson at sana hindi na lang sila magkaroon ng menstruation, eh, hindi nila alam na may mga babae na kagaya namin na hinihiling na sana magkaroon na kami kasi nakakatakot din kapag hindi dinadatnan. Nakakaloka nga, eh."
"Hindi ko alam na gano'n pala 'yon...pero paano kayo hindi nababawasan ng timbang?"
"Insulin Resistance...ayon ang tawag do'n, beh."
"Ano 'yon? Educate me, ma'am lycka!" nakangiti kong sabi.
"Adik," natatawa niyang bulalas sa akin. "Insulin resistance para bang iyong blood sugar namin mataas. Kumbaga mas madami kaming insulin sa katawan na nagiging sanhi ng pagtaba namin, paglobo ng tiyan, bilbil, gano'n."
"Ahh..."
Wala akong masabi dahil hindi ko alam kung anong puwede kong sabihin sakaniya...hindi ko naman alam kung anong nararamdaman niya dahil wala naman akong gano'ng sakit.
"Mag tu-twenty-six na ako tapos alam mo 'yon...gusto ko rin magkaroon ng anak balang araw pero dahil may pcos nga ako parang imposible ng mangyari 'yon sa'kin." sambit pa niya.
"E di mag ampon ka...puwede naman 'yon 'di ba?"
"Gusto mo ba mag ampon, sining?"
"Siguro...mas makakatulong ako kapag gano'n...sa bata, sa gobyerno, sa pamilya no'ng bata at siguro sa sarili ko rin?"
"Maganda ngang idea 'yon pero hindi mo ba gusto magkaroon ng anak na galing mismo sa'yo? Sarili mong dugo? Tapos mararanasan mo 'yong pagbubuntis? Oo, tatawagin ka pa rin na magulang o ina o mama o nanay kahit mag ampon ka pero hindi ba't mas maganda maranasan mo rin 'yong pagiging totoong nanay? Iyong pagluwal ng isang sanggol sa sarili mo? Maranasan 'yong isa sa mga sakripisyo ng isang ina?"
Hindi ko pa rin alam kung anong isasagot ko. Hindi pa naman sumagi sa isipan ko ang mabuntis at magkaroon ng sariling anak dahil bata pa ako at alam kong may tsansa naman akong magkaroon ng anak balang araw kung kailan ko gusto.
"Oo, lycka, ibang pakiramdam siguro 'yon." tanging nasabi ko na lang upang maramdaman niyang nauunawaan ko siya.
"May pcos ako, wala akong anak at baka hindi na nga magkaroon pero gusto kong maging isang ina balang araw." malungkot niyang sabi habang nagsusulat.
Natahimik na lamang ako...nag-iisip ng mga salitang puwede kong sabihin sakaniya na puwedeng magpagaan ng kaniyang loob pero nahihirapan ako mag-isip.
"To educate you more, sining, PCOS is a hard disease to live with. Everyday is a battle. Hindi mo alam kung anong mararamdaman mo sa susunod na umaga. Mula sa kirot at sakit sa katawan hanggang sa dagdag na timbang na naman at emotional distress...hindi 'yon tumitigil. Walang lunas at paliwanag sa kung bakit ito nangyayari maliban sa puwede itong mamana...genetic, gano'n." sabi niya.
Inayos ko ang aking pagkaka upo at pinapanood ang pagsusulat ni lycka sakaniyang notebook ng notes na nakasulat sa white board. Konti lang kaming nandito sa room...mga pito lang yata at iyong dalawa nandoon pa sa bandang pintuan habang iyong iba malayo sa puwesto namin.
"Kahit anong diet mo hindi ka papayat?" bigla kong tanong.
"Hindi naman...kailangan ko rin magdiet...kailangan ko lang mag-iwas sa mga matatamis...ayon ang pinaka kailangan kong gawin at syempre iyong pagpapacheck up."
Halata kay lycka na may tinatago pa siyang hinanakit. Halata sa mata nito kahit pa makapal ang grado ng kaniyang suot na salamin.
"Ano pa iniisip mo, lycka? Puwede mo naman sabihin 'yon sa akin. Nandito lang ako para makinig sa'yo palagi." sabi ko.
"Walang kuwentang bagay..."
"Kung iyong bagay na 'yan ay bumabagabag sa isipan mo, hindi 'yan walang kuwenta lang!"
"Oo na, oo na, sasabihin na sa'yo!"
"Good! Ano ba 'yon?"
"Naisip ko lang kasi...gusto ko magkaroon ng anak pero single naman ako? Paano kaya 'yon? Parang tanga 'di ba? Tapos wala pang nagkakagusto sa akin kasi mataba ako at panget! Madaming tigyawat pa! Hindi kagaya ng iba na nakikita ko sa facebook, ig, twitter na halos sambahin ng kalalakihan kaya sino magkakagusto sa akin no'n? Standard na ngayon ang sexy at makikinis ang mukha...out ako do'n!"
Hinampas ko si lycka ng malakas na napa-aray pa nga siya at napatingin sa akin ng masama pero binaliwala ko lang 'yong naniningkit niyang tingin sa akin.
"Maganda ka! Hindi dahil sa sinet na standards ng mga tao sa social media o sa mga tao sa paligid mo na sinasabi kung paano ka dapat kumilos at mag ayos para magustuhan nila...maganda ka dahil sa paraang totoo ka sa sarili mo at hindi mo kailangan magpanggap para lang matanggap nila! Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para lang mahalin ka at tanggapin ka! Huwag mong bibigyan ng pansin ang nakikita at nababasa mo sa social media dahil hindi lahat ng nandoon ay totoo! Hindi lahat ng nandoon ay tama! Hindi lahat ng nandoon ay handa kang mahalin!"
"Okay, okay, galit na galit?" aniya na napatigil pa nga sa pagsusulat gawa ng paghampas ko sakaniya kanina.
"Medyo, kasi hindi ka pangit! Sila ang pangit! Wala silang taste sa babae, like, hello, coffee jelly mo pa lang panalo na, eh!"
"Baliw..." natatawa niyang sambit.
Tapos para bang kusang lumabas sa bibig ko ang salitang narinig ko kay pol-sci na sinabi din niya sa akin.
"We are not everyone's cup of tea...at wala dapat tayong pake ro'n." sabi ko na medyo mahinahon na.
"Tama ka nga ro'n, sining."
"Magtiwala ka lang, ibibigay rin ni lord iyong hinahangad mo. Hindi man siguro ngayon pero naniniwala akong dadating 'yon...tiis na lang muna."
•••
Sa hapag kainan, magkakasabay kaming kumain. Ito ang maganda sa bahay, kailangan sabay-sabay kapag kakain kaso hindi mo kailangan magsalita...isang tao lang dapat ang magsasalita palagi.
"Puwede ko po bang gamitin 'yong e-bike ko sa internship? Masyado kasing hassle 'yong biyahe minsan kapag commute po." bulalas ko sa gitna ng pagkain.
First time ko lang magsalita sa oras ng pagkain...hindi ko alam kung anong kaluluwa ang sumapi sa akin para gawin 'yon.
"Bakit? Baka mapaano ka naman no'n, sining? Baka hindi umabot 'yong charge ng battery no'n hanggang do'n sa law firm?" pag-aalala ni mama.
"Mag commute ka na lang muna, sining. Gamitin mo na lang iyong e-bike mo kapag papasok ka lang sa school." sabi ni papa.
"Tuwing sabado ko lang magagamit 'yon..." mahina kong sabi.
"Marami na ang nadidisgrasya sa kalsada sa panahon ngayon, sining. Kahit e-bike lang 'yan, kahit mabagal pa takbo niyan, ang disgrasya nasa paligid lang! Kaya magcommute ka...text mo kami ni mama mo kapag magagabi ka ng uwi para hindi kami mag-alala." sabi ni papa.
Kahit din naman sa commute delikado rin...pero bigla akong napangisi sa sinabi ni papa na 'yon.
Pag-akyat ko sa kwarto agad kong ibinagsak ang aking sarili sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong short at agad na kinonekta ito sa wifi ng bahay.
Sining Fedeli: Lycks! May good news ako!
Lycka Salamanca: Ano un?
Sining Fedeli: Gala tayo bukas? 3pm out ko sa ojt e! Tapos puwede kong gawing rason na pinag o-t ako nung visor namin kay papa! Puwede ako gabihin!
Sining Fedeli: pero hindi gabing gabi ah!
Lycka Salamanca: Wow improving yan sining pero may nakakalimutan ka yata?
Sining Fedeli: wala naman
Lycka Salamanca: Night shift ako di ba?
Napahampas ako sa noo no'ng maalala ko na night shift nga pala ang schedule ni lycka sa ojt niya.
"Malas naman...kung kailan puwede na, eh!"
Napaayos ako ng higa iyong cellphone ko nakapatong sa akin tiyan. Nakatingin lang ako sa kisame at sa umiikot na ceiling fan. Bukas pa ang ilaw sa kwarto pero hindi naman ako nito nasisilaw.
"Kailan kaya makikisama sa akin ang ikot ng mundo? Ang malas naman."
Bigla kong naalala 'yong librong pinahiram sa akin ni pol-sci. Kinuha ko ito sa ilalim ng aking unan, binuklat ko ang naka-bookmark na pahina...nakakatuwa ang bookmark na mayroon siya dahil halatang DIY ito. Itim na printed quotation; Born to argue...back to back at Laminated din ito.
Hindi talaga nawawala ang mga highlighted phrases sa bawat pahina at minsan nakakasabik basahin ang susunod na page...kung ano ro'n ang importanteng sentence na nakakuha sa atensyon niya.
Andie had things too good to want to run away.
Andie ang pangalan ng isang character sa libro, ang babaeng nawawala at iniimbestigahan ng bida na parang detective dahil sa unsolved case na nagpaintriga sa kuwento.
Pero sa highlighted part ng page na ito ay kakaiba...dalawang beses na-highlight-an ni pol-sci ng kulay neon green ang part na iyon pero hindi kasama 'yong pangalang Andie.
...had things too good to want to run away.
"Bakit ganiyan ka, pol-sci..." mahina kong sabi sa sarili ko habang tinitignan ang naka-highlight na sentence sa libro. "Ganito ako, ganiyan ka, bakit parang pareho lang tayo ng gustong mangyari?"
Lord, kung hindi rin siya para sa akin...puwedeng paki-double check? Kasi malakas ang kutob ko na kailangan namin ang isa't isa!
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro