Kabanata 4
Getting to know us
•••
Pagkatapos ng klase namin sa ethics dumiretso kami nila lycka sa cafeteria. Nagpasabay na lamang ako sakaniya ng pagkain dahil wala ako sa mood na pumila...takot kasi ako humarap sa mga counter at cashier, hindi ko alam kung bakit.
Papalapit na sana ako sa isang empty table upang mapwestuhan namin nila lycka at para na rin mailapag ang bitbit kong mga photocopies ng docu at ang libreng zagu mula kay lycka dahil late siya pumasok kanina at natabihan ko ng upuan. Naglalakad ako at malapit na sana sa empty table nang biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Hoy sining!" sigaw ni lance at nakita ko sila sakanilang paboritong puwesto.
Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi dahil nandoon din sa table na 'yon si jaq...kumpleto sila. Si lance at niccolo kumakaway pa na parang bata sa akin at sumesenyas na lumapit ako sakanila kaya wala akong nagawa kundi lumapit para maiwasan ang awkwardness.
"Huy musta na kayo?" bati ko sakanila no'ng makalapit ako.
"Hi, sining." bati ni jaq na medyo kinagulat ko dahil hindi ako sanay na batiin niya...ako kasi palagi ang unang bumabati sakaniya dati.
"Hi, Jaq!" nginitian ko na lamang siya.
Sumiksik na lamang ako sa tabi nila xowie dahil nakakailang ng sobra kung tatabi pa ako kay jaq pagkatapos ng eksena naming dalawa noon.
"So, anong pinag-uusapan ninyo? Idamay niyo naman ako r'yan!" wika ko.
Nakakamiss din silang kasama tuwing break time na halos dati, eh, sakanila ako sumasabay imbis kina lycka. Nagkuwento si lucas tungkol sakaniyang supervisor sa OJT, tungkol sa problema nito sa pag-ibig at career. Kung ako kaya nasa gano'ng posisyon, ano kaya ang pipiliin ko? Bakit ko pa ba tatanungin ang sarili ko no'n? Simple lang naman ang sagot, e di ang magulang ko!
Nagkaroon pa nga ng kaunting asaran sila at nakakatuwa talaga silang panoorin. Masasabi ko na ang saya nila kasama at maging kaibigan, buti na lang ay nakilala ko sila kahit na wala naman talaga akong intensyon na makilala sila dati...kusa na lang talaga nangyayari ang mga bagay-bagay. Maaaring hindi man kami ni jaq sa huli dahil napapansin ko ang umuusbong na pagtitinginan nila ni xowie na baka hindi nila napapansin pa pero na-pi-feel ko. Ayos lang naman sa akin 'yon, tinanggap ko na lang ang katotohanan na hindi kami ni jaq ang para sa isa't isa...hindi kami 'yong magpapahilom sa sugat ng bawat isa. Hindi pala kayang iligtas ng isang defect ang kapwa niya defect din.
Hindi rin ako nagtagal sa puwesto nila dahil no'ng makita ko si lycka na tapos na bumili ay lumipat na ako ng puwesto.
"Okay na kayo?" tanong ni lycka, tinutukoy ay si jaq.
"Okay naman kami...siguro? Binati niya nga ako kanina. Gulat ako."
Tinignan ako ni lycka ng may pagdududa.
"Hindi kami gano'n ka-okay, okay? Medyo siguro nagkakailangan pa lalo na't hindi pa naman gano'n katagal na panahon no'ng na-busted ako. Ang fresh pa kaya no'n sa utak ko! Nasayang 'yong oras at effort pero natutuno naman ako ayon ang importante." pagsasabi ko sakaniya ng totoo.
"Natuto ka nga ba? Alam mo, sining, malungkot ka kasing tao kaya madali ka rin umibig lalo na kapag nakukuha no'n ang interes mo. Sana nga natuto ka na." pangangaral ni lycka.
"Oo, malungkot ako pero kasi...malungkot na nga ako at mag-isa tapos hindi pa ako magmamahal? Deserve ko rin naman mahalin 'di ba? Atsaka piliin?"
"Akala ko ba pipiliin mo muna sarili mo?"
"Let's be real, lycka, hindi ko naman kayang piliin ang sarili ko. Palaging pipiliin ko ang iba tsaka na siguro iyong sarili ko kapag naibigay ko na lahat sakanila. Ganito siguro ako nilikha ng Diyos."
"Ganiyan ka hanggang maubos ka?"
"Hindi naman ako mauubos, kapag napagod e di magpahinga tsaka magpatuloy ulit." natatawa kong pagsagot.
Napatigil kami sandali at nakatingin na lamang ako sa mga docu na nasa mesa. Si lycka naririnig kong ngumunguya ng kaniyang biniling pagkain.
"For me, I would always pick myself, always. Pero hindi ba't masaya rin sa pakiramdam kung pipiliin din ako?" sambit ko sa seryosong tono.
"Sabagay, hindi mo na nga maramdaman pagmamahal ng magulang mo, bihira mo rin maramdaman pagmamahal mo sa sarili mo, kahit siguro sa kaibigan bihira rin...kaya siguro patuloy tayong naghahanap ng pagmamahal sa ibang tao kasi malungkot tayo." aniya pero hindi pa rin ako sakaniya nakatingin.
"Malungkot kasi kapag mag-isa lang, kailangan mo rin ng kasama, karamay, sandalan at kakampi."
"Totoo 'yan pero maiba na nga tayo, kumusta naman ojt mo?" tanong niya kaya napatingin na ako sakaniya. Hawak-hawak ko ang zagu chocolate flavor at iniinom ito.
"Ahm, ayos naman. Close na siguro kami no'ng isang intern...pinahiram niya rin ako ng libro, hindi ko pa nga nababasa, eh."
Nakapangalumbaba ako at pinapanood si lycka sakaniyang ginagawang pagchibog sa pagkain niyang chicken teriyaki.
"Pero alam mo, lycka, what if makilala mo 'yong isang lalaki na parehong-pareho kayo ng sitwasyon?" tanong ko.
Tinignan lamang ako ni lycka na nakataas ang kanang kilay at patuloy pa rin sa pagnguya ng kaniyang kinakain.
"I mean...pareho niyong priority iyong pangarap ng magulang niyo...gano'n? Parang sinadya ng universe na magkakilala kayo para malaman mo na hindi ka nag-iisa?" dugtong ko.
Gano'n pa rin ang tingin ni lycka sa akin ngunit dalawang kilay na ang bahagyang nakataas na nalalagpasan ang kaniyang suot na salamin.
"Bakit?" natatawa kong tanong.
"Feeling ko, beh, crush mo 'yong ka-partner mo na 'yon." aniya na medyo napasinghap pa ako.
"Hindi, ah! Hindi ko nga kilala masyado 'yong taong 'yon, eh! Ang ilap kaya niya sa akin, akala mo kakainin ko siya ng buhay!"
"Gano'n din naman 'yong kay ano, 'di ba?" sabay pagnguso niya sa isang puwesto kaya napalingon ako...sa table nila jaq.
Binalik ko ang tingin ko sakaniya na medyo naniningkit pa nga ang aking mata.
"Please, magkaiba sila...iba si jaq at si pol-sci."
"Pol-sci?"
"Nakalimutan ko kasi pangalan niya! Tawag niya kasi sa akin business kaya natatawag ko rin tuloy siya sa kurso niya!"
"Puwes, malaking possibilities na magkagusto ka sa lalaking 'yon. Walang duda, beh! Kahit magpustahan pa tayo!"
"Grabe ka naman sa'kin, lycka! Hindi naman ako gano'n ka bilis mafall---" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil agad na sumabat na si lycka.
"Beh, halos apat na taon na tayo magkakilala at sa tingin ko mabilis mahulog ang loob mo sa mga taong sa tingin mo ay pareho nang nararanasan mo sa buhay!"
Tama nga siya ro'n, bakit ba ang bilis mahulog ng loob ko sa mga taong kagaya ko? Defect, sira, nawawala at mukhang walang pag-asa sa buhay!
"Sining, hindi mo naman kailangan ng ibang tao para sumaya ka, eh, hindi ba nga love yourself? Kaya love your self!" pangangaral niya sa akin.
Nginitian ko na lamang si lycka, iyong pilit. Iyong hindi halatang pilit. Kasi bakit gano'n? Hindi niya ako maintindihan kahit na dapat naiintindihan niya rin ako. Sa totoo lang sanay naman na akong mag-isa. Gayunpaman, mabigat sa pakiramdam minsan.
"Mahal ko naman ang sarili ko pero bakit kasi ganito ako? Hmm?" pagtanong ko, nagkibit balikat lamang siya. "Gusto ko rin piliin ang sarili ko...pero hindi naman gano'n kadali ang buhay, 'di ba?"
Napabuntong hininga na lamang kaming dalawa ng sabay. Dahil siguro alam din niya na mahirap piliin at mahalin ang sarili kaysa ibang tao...
•••
Si ma'am nej at karamihan ng tao sa firm ay wala ngayon sa office dahil may meeting sila sa conference room. Iniwanan lang kami ng gawain sa aming table. Si pol-sci ang nag-iinput ng mga File code etcetera nila sa excel, nakatapat tuloy siya sa office laptop at ako naman ang taga stamp ng mga docu gamit ang official stamp ng law firm...magkatabi lang din kami ng pwesto.
"Kapag nag-take ng lawyer kailangan talaga focus sa pag-aaral, noh?" wika ko upang hindi kami mapalibutan ng katahimikan...kanina pa kasi kami hindi nagkikibuan.
"Hmm, siguro? I mean, kailangan mo naman mag-aral talaga kahit anong kurso pa kunin mo. Education is useless when knowledge is not gained; Knowledge is useless if intelligence is not gained and intelligence is useless if intellect is not gained. That's the importance of studying."
Feeling ko I made this weird facial expression na puwede ng gawing meme sa facebook dahil sa sinabi niya. He really is something beyond my expectations...nakaka-brainbleed din siya!
"Eh, paano naman 'yong walang privilege to study o makatungtong sa college? I mean, syempre, uunahin nila 'yong trabaho kaysa pag-aaral? You can't just say those words to them, baka ma-offend sila."
"Well, firstly, why would you say those words to people who lacks education? Talagang ma-o-offend sila no'n."
Napangiti ako, 'yong numinipis iyong labi sabay tango-tango dahil sakaniyang sinabi. Magaling siya, may laban siya kung sakaling lalaban siya ng debate contest. Kasi naman kung sa iba, first of all 'yon pero sakaniya firstly? Mataas siguro score nito kapag essay ang exam?
"Sabagay, atsaka karamihan kasi ng ibang tao ay ayaw nila ng tinuturuan sila kaya kung hindi naman sila handang matuto, walang makakatulong sakanila. Pero kung determinado naman silang matuto, walang makakapigil sakanila, 'di ba?" sambit ko.
"Yeah, tama sinabi mo." aniya na naka focus lamang sakaniyang ginagawa.
Nakatitig lamang ako sakaniya, tapos ko na kasi ang aking gawain. Para bang bigla na lamang akong sinapian nang kaluluwa ng curiosity.
"Gusto mo ba maging lawyer?" bigla kong tanong.
"Why did you ask?"
"Wala lang, feeling ko kasi kaya mo. Kaya mo pag-aralan 'yong mga republic acts, rights, taxations, criminal law, civil law...gano'n."
"I never dream of becoming a lawyer pero since ayon 'yong field na gusto ng mommy ko sa'kin, I have to do it. I know you know all about that passing of dream shit of the parents to their child."
"Only child ka ba?"
"Yup."
"So, bakit ka pa nagpol-sci? Hindi ka na lang dumiretso ng law? I mean, sayang 'yong taon."
"I told you, It's a stepping stone. Para kung mapag-isipan kong mag-law medyo may alam na ako."
"Smart way..." nakangiti kong sabi, tumugon naman siya ng kibit balikat.
"Eh, how about your dad?" tanong ko ulit to keep our conversation going at para na rin makilala ko siya ng kaunti.
"Left mom, anyway, attorney 'yon. My mom's a doctor...she wanted me to be like that asshole someday para ipakita do'n kung anong iniwan niya."
Gusto kong tanungin kung bakit sila iniwan ng daddy niya pero hindi pa naman kami gano'n ka-close at sa tingin ko wala naman siyang pakay na sabihin ng buo pa 'yon sa akin.
"So, balak mo talaga mag-take ng law?"
"Siguro, ewan ko. Gusto talaga ni mommy na kumuha rin ako ng pre-med...gusto niya ng lawyer na doctor."
"Only child ka kasi, she wants you to be something big! Magandang propesyon sa nag-iisang anak!"
"Gusto niya lang talaga ng isang anak na ang propesyon ay may lisensya tapos hawak ang buhay ng tao." aniya na inuunat ang kaniyang dalawang kamay, namanhid yata sa pag-ta-type.
"Kung gano'n lang pala bakit hindi ka na lang maging driver?" sambit ko.
Napatingin siya sa akin na seryoso ang tingin pero medyo magkadikit ang kilay sa gitna...nag-iisip din siguro kung bakit ko nasabi 'yon sakaniya.
"Huh, driver? Ako?" aniya na may pagturo pa sakaniyang sarili.
"Oo! Propesyon naman 'yon at may lisensya rin tapos hawak mo pa buhay ng tao."
Napa-isip siya saglit sabay natawa rin ng mahina at ayaw pa nga ipahalata...shy yata sa'kin?
"Galing mo ro'n, ah?" sabi niya na nakangiti sabay balik sakaniyang gawain.
Para bang may dumaan na anghel sa amin dahil sa biglang katahimikan. Ayoko talaga ng katahimikan lalo na kapag dito sa internship, nakakailang kasi kay pol-sci.
"Mag lawyer ka, tapos kapag may sarili na akong business kukunin kita bilang attorney ko. Protektahan mo ako, ang business kailangan ng magpoprotekta na isang attorney. Atsaka alam ko naman na kaya mo, eh." sambit ko.
"How sure are you? May BAR exam pa 'yon."
"Alam ko lang, feel ko lang. Atsaka naniniwala ako sa'yo na kaya mo, kaya mo naman, 'di ba?"
"Pag-iisipan ko."
Heto na naman, feeling ko rito na matatapos itong usapan na ito, eh. Wala kasi siyang follow up na sasabihin pa...sasagutin ka lang niya kapag base sa tanong mo, minsan mahaba tapos minsan maikli. Depende yata sa mood ng isang 'to.
"Ako, bunso akong anak. Iyong kuya ko may sariling pamilya na kaya parang only child na rin ang trato sa akin ng magulang ko. Strict ang magulang ko, lalo na si papa. Pinangarap niya na maging successful ako lalo na siguro sa business kasi businessman din siya. Iyong pinsan kong CPA-Lawyer, siya talaga 'yong tumutulong sa amin kaya minsan siya na rin nagdedesisyon sa takbo ng buhay ko, tulad nitong OJT ko, napasok ako rito dahil sakaniya. Alam mo 'yon, ang hirap maka-hindi kasi may utang na loob ka sakanila?" sambit ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin.
"Share ko lang kasi hindi mo naman tinatanong...baka sakaling curious ka rin ta's nahihiya ka lang magtanong sa'kin hahahaha! I'm Sining Fedeli, BSBA, Nineteen years old, Fourth year college student. Oo, maaga kasi ako nag-aral at kung hindi mo pa rin ako tatanuning about my civil status, eh, I'm single." sabi ko sabay hampas sakaniyang braso ng may kahinaan.
Medyo na-weirduhan siya sa ginawa ko pero sa huli ay napangisi rin naman ng palihim at balik na ulit sakaniyang gawain.
"Alam mo, pol-sci, ang dali mo pangitiin pero pinipigilan mo palagi. Huwag mo pigilan, sa mundong 'to bihira ka lang magiging masaya." sambit ko sakaniya, nakapangalumbaba na ako at nakatingin sa mga bookshelves na mayroon sa office na ang mga nakapaloob ay mga libro na pang-law.
"Pfft, subukan mo nga ako pangitiin?" hamon niya.
Tumingin ako sakaniya, nakatingin pa rin siya sa monitor. Ang lakas pa rin ng dating niya kahit naka sideview.
"Life is too short, so, love me." nakangiti kong saad.
Nakita ko ang palihim na pag-arko ng kaniyang labi kasabay nito ang pag-iling-iling niya. Sayang at hindi ko makita ang nag-iisang dimple niya sa kaliwang pisngi ang lakas din kasi ng dating no'n!
Napasulyap siya sa akin sabay layo agad ng tingin na may pagngiti. Natawa kami parehas, iyong mahinang tawa lang na halatang nagpipigil na lakasan. Nakatitig lamang ako sakaniya at sinisikap na huwag mahulog ang aking loob sa binatang aking kaharap. Ngunit iyong ngiting 'yon, iyong pesteng ngiting 'yon...napapasayaw na naman nito 'yong mga paru-paro sa laman loob ko!
Masama 'to, sining. Sabi ko guard your heart...pero mukhang magaling tumawid ng bakod ang isang 'to!
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro