Kabanata 3
Kami at libro
•••
"Alam mo para akong recep lang sa pinag-ojt-han ko." ani lycka ng mahina.
Nasa klase kami ng OJT, sabado ng alas sais ng gabi ang tanging subject namin sa oras at araw na ito.
"At least may nahanap ka na company na ikaw lang mag-isa. Good job, lycka." sambit ko na mahina rin.
Nakaupo kami sa may bandang dulo pangatlong row, malapit sa wall fan. Wala naman kaming ginagawa dahil nangongolekta lamang si ma'am ng Memorandum of Agreement at Endorsement letter para sa internship na napasa na namin sakanya kanina pa.
"Good thing nga 'yon para sa grade natin sa subject na 'to pero hindi ba't kinukuha at tinatanggap na lang natin ang trabaho na mayroon sa harapan natin kahit na wala naman tayong alam doon? Like, ano 'yon? Sige lang tayo ng sige porket opportunity 'yon?"
"Ayos lang naman 'yon, internship pa lang naman. Ang kailangan lang ay tiisin natin ang lahat at matapos 'yong five hundred hours at kapag nangyari 'yon, ga-graduate na tayo at puwede na tayong kumuha ng trabaho na talagang gusto natin, 'di ba?"
"Sabagay, kaso tiis na naman...puro na lang tiis. Anyway, kumusta naman pala sa bahay ninyo?" biglang niyang pagbabago ng topic.
"Wala namang bago, gano'n pa rin. Balak ni papa na i-pa-take ako ng civil service exam next year...yung pang pro daw i-take ko...kaso sure naman ako na makakasama ako sa latin honors...hindi na raw need magcivil exam kapag gano'n."
"Oh? Pero at least prepared ka! Atsaka maganda 'yon, gusto mo take tayo? Kaso lang may babalikan pa pala akong subject...mag take ka no'n! Baka sakali lang naman 'di ba?"
"Kahit hindi mo ako pilitin, mag-te-take ako...ayon ang gusto ni papa, eh, kailangan ko maging mabuting anak. Pero sana palarin sa latin honors...ayon ang goal ko."
"Pero gusto mo ba, sining? Alam mo ayon dapat ang palagi mong iniisip kasi importante 'yon sa lahat!" pangangaral niya.
Kaso, kailan ba nasunod ang gusto ko? Hindi valid ang gusto ko, ang gusto dapat nila ang masusunod. Hindi ko naman magawang magalit sakanila, sa magulang ko o kahit kanino...hindi yata ako marunong magalit, eh, siguro magagalit lang ako saglit tapos okay na ulit. Ayokong magtanim ng galit, gusto ko okay lahat...para bang happy happy lang. Gano'n ako kabait, kahit na sinasaktan nila ako ng paulit-ulit ay puro kabutihan lang ang pinapakita ko.
"Ano ba talagang gusto mo, ha?" tanong ni lycka sa akin. Hindi kami magkatinginan, nakatingin ako sa harap, kay ma'am.
Gusto ko? Wala akong gusto...hindi ko alam. Pero kapag ako nakapagtapos, inaasahan ko na dadating iyong araw na may lakas ng loob akong tumakas mula sa lahat ng nagpapahirap sa akin.
"Hindi ko pa alam, ganito na lang muna siguro, titiisin muna ang lahat sa ngayon, papabor din sa akin ang panahon." tugon ko.
Papabor din ang lahat sa akin, I am claiming it now!
•••
Pag-uwi ko ng bahay, medyo may nagbago...wala pa si papa at himalang nauna ako sakaniya umuwi ngayon?
"Si papa, ma?" tanong ko habang paakyat ng hagdan, si mama nagluluto sa kusina.
"Umalis kaninang umaga, birthday ng tito mo sa montalban pero pauwi na rin 'yon mamaya."
Nag madali akong umakyat ng kwarto, ibinato ang aking bag sa lapag at naghanap ng damit pamalit. T-shirt na kulay itim na may tatak na manila philippines na maliit sa bandang kaliwang dibdib at may tatak na mga simbolo ng iba't ibang kulturang katutubo na nabili pa sa Kultura at maong na short ang aking sinuot. Dali-dali akong bumaba at tinungo ang sala, ibinagsak ko ang aking sarili sa sopa at kinuha ko ang remote ng TV sa mesita at binuksan ang Netflix upang mapanood na ang palihim na pinapanood kong kdrama series.
Kung alam ko lang na umalis si papa e di sana inagahan ko man lang ang aking uwi dahil sa wakas, pakiramdam ko maluwag na ulit ang bahay!
"Kaso baka maaga 'yon umuwi, alam mo naman papa mo hindi nagtatagal sa gano'n." sabi ni mama mula sa kusina.
"Alam ko po."
Pumupunta siya ro'n sa mga kapatid niya tapos mapapakinggan iyong mga kayabangan nila sa buhay kahit na ang totoong nagsumikap at nagkayod ay ang pagod nilang mga anak para malasap ang karangyaan na kanilang natatamo ngayon.
"Sana matagalan pa siya ng uwi..." pabulong kong sambit.
Nang maluto na 'yong ulam sa sala ako kumain dahil sa oras na ito walang batas na puwedeng sundin. Sa sala kami kumain ni mama habang nanonood no'ng kdrama, hinayaan ko na muna ang hugasan sa lababo dahil inuna ko ang gusto ko...ang manood.
Ngunit dadating talaga 'yong oras na 'yong kalayaan mo ay mawawala. May kumatok sa pinto at napabalikwas kami ni mama sa aming prenteng pagkakaupo, inabot ko ang remote at agad inilipat sa balita. Si mama ay tinungo ang pinto samantala ako ay sa kusina.
"Kumusta naman ang mini reunion niyo magkakapatid?" bating bungad ni mama kay papa.
"Peste kamo, akala mo kung sinong mayaman." naiinis na sambit ni papa na rinig ko sa kusina.
Hindi ko ikinasaya ang pagbalik niya dahil ang pagbalik niya ay ibigsabihin siya na naman ang batas, siya na naman ang masusunod. Wala na naman akong kalayaan.
"Pinag yabang ba naman 'yonh bagong biling kotse, eh, loan lang naman pala ng anak niya 'yon, patawa sila!" patuloy na reklamo ni papa.
Gusto ko na lamang madaliin ang aking paghuhugas ng pinagkainan dahil sigurado ako na kapag nakita niya na naman ako ay may panibago na naman akong pangarap na dadalhin.
"Kaya ikaw, sining, kapag gru-ma-duate ka dapat nasa latin honors...ipagmamayabang natin 'yon sakanila! Sila may kotse na loan pero ako may anak na may latin honors! Sinong mas lamang doon?" aniya at lumapit sa akin sabay hinalikan ako sa ulo.
Ngayon, hindi ko na lang pala kailangan makagraduate basta-basta, dapat makagraduate ako na nasa latin honors para may maipagyabang siya. Gano'n nga, para sakanila gano'n dapat ang aking gawin na sa tingin ko ay kaya naman.
"Nagsimula ka na rin magreview para sa civil service exam, sining, sabi ng kuya jayson mo na kapag nakapasa ka sa civil exam ay may nakahanda ng trabaho sa'yo sa firm nila kung sakaling 'di ka makakuha ng honors..."
At bigla na lamang bumagsak ang dalawa kong balikat sa aking pagkadismaya. Planado na yata talaga ang buhay ko at kung anong dapat kong gawin. Ganito na siguro ang takbo ng buhay ko, ipinanganak lamang ako pero hindi puwedeng magdesisyon para sa sarili.
Pagkatapos ko maghugas ay agad ko ng tinungo ang aking kwarto. Lumapit ako sa study table, umupo, kinuha ang isang notebook sa drawer na de susi, kumuha rin ako ng bolpen na nakapatong lamang sa aking table.
12-08-18
21:54PM
Heto na naman tayo...si sining na nagsusulat. Sa dinami rami na yata ng aking naisusulat na drama na parang libro na may iba't ibang volume at series ay puwede ko ng tawagin ang sarili ko na Si sining na manunulat, si sining na alagad ng sining...si sining na alagad ng sining? Mali, dapat, si sining na alagad nila.
Konting tiis pa, sining. Kayanin mo lang, kailangan mong kayanin. Para sakanila. Para sa magulang mo. Para sa pangarap nila. Para sa kalayaan mo. Tsaka na ang para sa sarili, sila dapat muna.
- Sining.
Dahan-dahan kong isinara ang aking notebook at itinago sa drawer na de susi. Hinanap ko rin iyong librong tinutukoy ko kay pol-sci at inilagay ito sa aking bag upang bukas ay maibigay ko sakaniya.
Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama, nakatingin sa kisame. Ano naman kayang libro ang ipapahiram niya sa akin? Halos pareho lang kami na mahilig siguro magbasa...pero pol-sci ang course niya, sigurado ako na mga estudyante sa gano'ng kurso ay kailangan mahilig magbasa.
Gumilid ako ng higa, niyakap ang isang mahabang unan, sinubukan kong pumikit pero hindi talaga ako makatulog.
"Pagod na ako...pero may goals sila..." mahina ko na lang sabi sa aking sarili sabay ng pagbuntong hininga habang nakatingin sa may switch ng ilaw na ngayo'y nakabukas pa rin.
Tumayo ako sa aking pagkakahiga at lumapit sa switch. Off ay sa left, on naman ang right. Sana gano'n lang din kadali ang buhay, dalawa lang ang pagpipilian...kapag pagod, off. Kapag may pahinga, on. At aking pinindot ang kaliwa.
"Hay nako, babalik pa rin talaga sa kadiliman." sambit ko at tinungo ang higaan, pipilitin ko ang sarili ko matulog dahil bukas ay panibagong pagsubok na naman.
•••
"Heto, oh," wika ko at abot sakaniya ng libro.
Nasa pantry kami at kaming dalawa lang ni pol-sci ang tao, nagpa-late kasi kami ng coffee break dahil sa tambak na naman ng papel sa sahig ng storage room na kailangan i-organize ngayong araw.
"Thanks." tinanggap niya naman ito.
Tinungo ko ang coffee maker at nag timpla ng kape para sa aming dalawa.
"The book is in my bag, abot ko sa'yo mamaya pagkatapos natin magkape." aniya sa tono na naman na masyadong panglalaki.
"Okay."
Nakapangalumbaba lamang siya sa may countertop at pinapanood akong magtimpla ng kape...lalagyan ko ulit ng cappuccino para mabango.
Tinatapik tapik niya ang kaniyang hintuturo sa libro, napapansin ko sa aking peripheral vision ang kaniyang pagtitig. Feeling ko kinakabahan ako...hindi naman ako na-iihi pero tipong there's butterflies in my stomach and their dancing.
"Alam mo, I'm not really a fan of coffee." sambit niya.
"Huh? Hindi mo pala gusto dapat sinabi mo para hindi na lang kita tinimplahan! Ayoko napipilitan ka sa lasa ng ginawa kong kape!"
"Ang sabi ko, I'm not a fan of coffee, hindi ko sinabi na ayoko sa kape. Gusto ko ang pagtimpla mo, 'di ba nga?"
"Aysus! Baka napipilitan ka lang, ha? Sabagay, baka gusto mo lang ako kasama magkape kasi kinakabahan ka at nagpapalpitate na ang puso mo sa akin hahahaha joke!"
"Huh?" nakapangalumbaba pa rin siya at iyong kilay niya ay medyo nagtatama na sa gitna.
"Wala 'yon, coffee joke lang 'yon parang gano'n. Puno kasi ako ng sense of humor kung hindi mo lang alam."
Inabot ko sakaniya ang isang mug na may kape, kaniya naman itong tinanggap at nagpasalamat pa nga.
"Really? Sense of humor ang sixth sense mo?" aniya.
"Six and a half kasi may common sense pa."
"Okay." sabay higop niya ng kape.
Ang hirap magpatuloy ng convo sakaniya kasi feeling ko hindi talaga siya interesado sa takbo ng buhay ko. Hindi kami magkakasundo ng isang 'to.
"Tell me about this book." aniya bahagyang winagayway ang libro.
"Tungkol sa babaeng pangalan ay chan, tapos inaabuso ng stepmom at sa tingin niya ay walang pakealam iyong daddy niya sakniya kaya naglayas siya at sinubukan hanapin iyong kalayaan sa lansangan...na baka sa lansangan, eh, may matagpuan siyang tahanan."
"Interesting..."
"Totoo! Maganda 'yan!"
"Have you read children stories?" sa tanong niyang 'yon ay medyo napanguso ako.
"Hmm, oo naman, peter pan tapos mga disney princess's...bakit?"
"Not to ruin your childhood pero peter pan is a grim reaper."
"Paano mo naman nasabi 'yon? Crush ko kaya 'yon sa live adaptation na napanood ko dati sa HBO!"
"Pfft, he is a grim reaper. He takes those poor kids souls back to Neverland which is also known as the paradise of heaven...kaya nga hindi na puwedeng tumanda ang mga bata sa neverland dahil patay na sila. They are not allowed to grow up anymore."
Habang pinapakinggan siya ay napapangiti ako...hindi dahil sakaniya siguro dahil sa kuwento.
"Why are you smiling?" tanong niya.
"Wala, naisip ko lang kung gaano ako kasabik dati na mapuntahan ni peter pan sa bahay, sa kwarto, tapos isama ako sa neverland ta's doon na lang ako forever kasi para sa akin kalayaan 'yon...siya magdadala sa akin sa kalayaan..."
Napatingin ako sakaniya ng medyo masama at kaunting nakanguso pa nga habang hinahalo ang aking kape gamit ang kutsara.
"Kaso ipupunta niya pala ako sa heaven, huwag muna pala." dugtong ko.
"Are you suicidal?" tanong niya na hindi ko naman ikinagulat.
"Hmm, puwede naman huminga muna 'di ba?" nakangiti kong sabi.
"If you are, try to get lost in books." aniya at binalik ko na lang ang aking atensyon sa aking kape.
Para bang may anghel na biglang dumaan sa gitna namin dahil napalibutan kami bigla ng katahimikan.
"Peter pan is actually based from the real-life story of J.M Barrie, iyong author...about his brother. Some I read is peter killed the lost boys because they're growing up...and who wouldn't hate growing up? Children books and fantasies are made by those adults who wants us to stay away from the truth or to wake us up from the truth." pagpatay ni pol-sci sa katahimikan.
"Ayon lang ba 'yon? kay peter pan lang ba?"
"Madami pa, like James And The Giant Peach, The Wind In The Willows, Charlotte's Web, Where The Wild Things Are, Winnie The Pooh, The Little Prince, and those Disney princess's you liked. All those children stories aren't really for children, they are more than that because their stories are way too deep."
Unti-unti ay napapahanga niya talaga ako. Mukha siyang matalino kasi halatang matalino siya kahit na wala siyang suot na salamin. Halata rin sakaniya na alam niya ang kaniyang pinagsasabi.
"Ako, puno ako ng sense of humor pero ikaw, pol-sci, puno ka ng dark humor. Bakit hindi ka na lang naging writer, ha? I bet mahusay ka rin doon."
Natawa siya at iyong dimple niya sa kaliwang pisngi ay nangangamusta sa akin.
"Ako, writer? Pfft, no. I would love too pero I think it's not for me." aniya na seryoso na.
"Writing is for anyone, malay mo para sa'yo 'yon...susuportahan naman kita if balak mo ko gawan ng kuwento hahahaha!"
"Pfft, not gonna happen. I am born to be a lawyer. Political science is just a stepping stone, I should become a lawyer, not a writer, business."
And then I saw it, I saw his eyes...I saw the way it stares at me. Like the stares that I always see at the mirror, a stare of unhappiness, brokenness, and loneliness. I saw myself in the way he stares, he's just like me.
"Is it really what you want?" I asked.
"You once said that your dream is to make your parents dream into reality, right? Well, business, guess what? your not alone on that one."
Napatingin lamang ako sakaniya. Napapakurap ng mabilis at napalunok pa nga.
"Sabi ko sa'yo 'di ba, madaming magulang ang gagawin ang lahat para sa anak nila puwera lang sa talagang gusto nila. Gusto nila na maglawyer ako at ayon ang dapat kong gawin."
Nakatingin lang siya sa akin, magkatitigan kami.
"Ibigsabihin ba no'n...priority mo rin sila?" tanong ko.
"First priority."
I felt the butterflies in my stomach started dancing again...hindi dahil sa na-iihi ako o kinikilig ako...dahil sa sandaling ito ay sa wakas, hindi ako nag-iisa sa giyera na 'to. Na sa wakas may kapareho rin ako at maiintindihan niya talaga ako!
We are sharing the same wars, finally, I'm not the only soldier here!
"Business, we are those kind of birds in cages thinking freedom is a crime." aniya.
Naubos ko na rin pala ang aking kape, gano'n din siya. Malapit na rin matapos ang aming coffee break, napatayo si pol-sci sakaniyang pagkaka-upo na bitbit ang kaniyang mug, inilahad nito ang kaniyang kamay sa aking harapan at sinenyasan ang aking mug gamit lamang ang kaniyang mata.
"Ahh, salamat." sambit ko no'ng ibinigay ko sakaniya ang aking mug upang kaniya na namang hugasan.
"Pero business, freedom will always be a state of mind." dugtong niya. "Someday, we will realize that we're not birds, we're a free human being with independent will."
Napalingon siya sa akin, nagkatitigan ulit kami. We both looked at each other like we're both the answers to everything.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro