Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

Tayo at damdamin

•••

Magsasara na 'yong shop, huling lumabas ang grupo nila polsci. Naglinis naman ang tatlo bago umalis.

"Hindi ka ba sasabay sa amin, sining?" tanong ni mhai.

"Ahh, hindi. Susunduin ako ni papa, hintayin ko na lang...parating na rin 'yon. Sige na, mauna na kayo! Ingat ha?" palusot ko.

Pumasok ako ulit sa loob ng shop. Iyong mga bintana nakasara na rin kaya hindi ako kita sa loob. Nagpalipas muna ako ng mga fifteen minutes para siguradong nakaalis na nga ang tatlo bago ako lumabas at bumili sa katabing 7-11. Bumili ako ng giniling at bottled water tsaka bumalik sa store at doon kumain ng hapunan...mag-isa. Sinulyapan ko ang cellphone ko kung may mga messages mula kina mama kaso ni-isa wala.

"Wow...pride." sambit ko na may pagka-inis.

Dinagdagan pa ng inis ko ang pahirapan na pagbukas sa binili kong giniling sa 7-11. Ayaw talaga padaliin ang flow ng buhay ko...real life kamalasan yata ako!

Kinabukasan, gano'n ulit ang ginawa kong routine. Itinago ko lang ng maigi ang balat ng ibinili kong giniling at bottled water sa basurahan...buti na lang at color black 'yong trash bag.

Bandang hapon na no'ng dumating sina polsci, mukhang galing law school nila dahil sa dami na naman ng librong kanilang bitbit. Nagtama lang ang tingin namin ni polsci...medyo nanlaki ang mga mata niya ulit no'ng makita akong maaga na naman sa shop...saglit lang ang tinginan dahil agad niyang nilayo ang tingin sa akin at naunang maglakad patungo sa usual spot nila.

Hindi siya ang umorder ng kape kundi isa sa mga kasama niya. Wala pa nga roon ang inorder niya...wala yata siya sa mood magkape ngayon. Buti naman!

"Nga pala boss madam, bukas na start no'ng nag-apply na secu." sambit ni margarita na nagpupunas ng counter.

"Secu?"

"Oo, iyong sinabi mong ako na bahala...no'ng nakaraan ko nainterview...kakilala ko rin naman kaya...ayon. Sabi ko sakaniya bukas na lang, eh."

"Ahh, okay."

Bigla akong namumblema sa balitang iyon. Paano na ako bukas? Saan ako tutuloy nito? Kailangan ko na yatang maghanap ng malapit na mauupahan...o kaya bed space dahil wala pa akong balak umuwi hanggat hindi sila ang unang magpapauwi sa akin! Labanan ng pride ito!

Kung makisiksik na lang kaya ako kina kuya james? Hay nako! Hindi puwede! Baka lalong sumama loob nito sa magulang namin!

Napabuntong hininga na lamang ako. Kailangan ko na naman magdesisyon ng matino this time. Bakit kasi matalino lang ako sa academics pero sa mga life choices ang bobo bobo ko?! Napabuntong hininga na lamang ako ulit. At hindi inaasahan ang paglingon ko sa pwesto ni polsci.

Nakapangalumbaba ang isang kamay nito pero natatakpan ang labi. Seryoso ang tingin sa akin...kung marunong lang ako magbasa ng mata baka nabasa ko na ang nais niyang iparating na salita sa pamamagitan ng tingin. Pero wala rin namang google translate para ro'n.

"Sining! Nandito na ulit ako!" bulalas ni lance pagkapasok. Agad naman siyang sinaway ni cheng dahil ang ingay niya.

"Mangungutang ka na naman?" bungad kong sabi pagkalapit niya sa harap ko.

"Grabe 'to! Parang sinasabi mo sa akin na pumupunta lang ako rito kapag mangungutang sa'yo?"

"Oo, lance. Oo!"

"Nakakasama ka rin ng loob, ano?" sabay mabilisan niyang pagpisil sa isa kong pisngi. Hindi naman masakit. "Baby girl ka pa naman na sa tropa namin!" dagdag niyang sabi.

"I'm not a baby. I'm no ones baby."

"E di, ikaw na lang 'yong sining namin. Okay ba 'yon?"

"Ayoko nga...go find your own sining."

Pinatong niya ang kaniyang dalawang braso sa counter top at medyo inilapit ang sarili.

"Eh, 'yong nahanap kong sining...obra maestra...hindi naman para sa akin, eh. Bigla ko na lang din narealize 'yon. Baka gano'n talaga 'yon, noh? Makakasakit ka talaga ng taong mahal mo kasi alam mong hindi ka sapat." halata sa tono nito na totoo ang pagdadrama niya...lalo na 'yong biglaan niyang pagbusangot na parang may naaalalang malungkot na pangyayari.

"Pero kung totoo man na umiikot nga ang mundo tapos magkita ulit kami, sana kapag pwede na, pwede pa." sabi pa niya...hopeful.

"Eh, paano kung hindi na?" tanong ko.

"E di hindi talaga kami para sa isa't isa. Kumbaga sa exam ng buhay, siya 'yong sagot pero hindi siya 'yong tama."

"Lalim, muntik na ako malunod do'n, ah? So, ayaw mo ba ireto kita kay margarita?" pagbibiro ko at sabay mahinang tapik sa isang braso niya.

"Alam mo baby girl ang pag-ibig parang inuman lang 'yan, dadating din sa punto na masasabi mong, pass muna, hindi ko na kaya!"

Ayaw lang sabihin na hindi niya bet si margarita dahil palaban 'yong isang 'yon. Baka palagi lang silang magbangayan.

"Atsaka nandito talaga ako para humingi ng tawad no'ng nakaraan...iyong nag-inuman. Baka may nagawa akong kasalanan, eh, sa alak mo isisi 'yon. Hindi ako 'yon, iyong alak 'yon hahahaha!" sambit niya.

"Kahit hindi ka lasing feeling ko ang dami mo pa rin kasalanan. Atsaka lupit mo rin uminom, ano? Sarap na sarap ka sa lasa ng alak..."

"Hindi naman talaga masarap 'yong alak eh, sa totoo lang masarap do'n yung kwentuhan!"

Tumango tango na lamang ako sa sinabi niya. Napatingin ulit ako sa dakong kinaroroonan ng grupo ni polsci, busy na siya sakaniyang binabasang libro.

"Oo nga pala lance," sambit ko sabay tingin sakaniya.

"Bakit?"

"May alam ka bang mauupahan? Need asap?"

"Bakit?"

"May kaibigan kasi ako...nag-away sila no'ng kinakasama niya kaya ayon naghahanap ng mauupahan agad-agad, may alam ka ba?"

"Mukhang 'yong kaibigan mo mahilig sa action, ah? Iyong sa tinitirhan namin ngayon, paupahan 'yon eh...kaso hindi ko lang alam kung may vacant. Mamaya pag-uwi ko tanungin ko tapos sabihan kita!"

"Sige, salamat."

Hindi nga nangutang si lance ng kape ngayon at no'ng dumating si jaq, hindi na siya pumasok sa shop at kumaway na lang mula sa labas. Kita naman siya sa glass window. Angkas na naman niya si lance papunta kina niccolo.

Nahuli na naman na lumabas ang grupo nila polsci. Naglinis din ang tatlo bago umalis. Ginawa ko na naman dahilan ang pagsundo ng papa ko sa akin.

"Ano ba 'yan boss madam, twenty-three ka na hatid-sundo ka pa rin ng papa mo?" sambit ni margarita.

"Gano'n siguro kapag mahal..." walang kwenta kong katwiran.

"Sabagay, wala akong papa kaya hindi ko alam 'yong gano'ng feeling, eh." natatawa pang sabi ni margarita bago magpaalam.

"Sige na, ingat pag-uwi!"

Naghintay akong muli ng fifteen minutes bago pumunta sa 7-11 para bumili ng giniling, royal mismo, at chupa chups. Sa tapat ng 7-11, may mga mesa at upuan, doon ako pumwesto. Katapat ng isang kulay gray na kotse na parang tinted pa dahil hindi ko makita ang loob...hindi ko na lang pinansin at nakipaghamunan na lang sa meal box na nasa aking harapan.

"Pesteng giniling 'to ayaw pa magpakain, ah!" irita kong sabi sa meal box habang tinatangkang tanggalin ang scotch tape nito.

Inabot pa ako ng ilang minuto bago mabuksan ito at makakain. Hinalo ko muna ang giniling sa kanin tsaka sumubo. Kinuha ko rin ang aking cellphone na may kalahati pang battery life at itinabi ito sa gilid ng aking pagkain.

Nagbabaka sakaling may magpop-up na message...pero wala pa rin.

"Kainis..."

Sumubo na lamang ako ng sumubo sa aking pagkain habang nag-iisip ng lugar kung saan ako pwedeng tumuloy para bukas. Wala nga talagang sikreto ang hindi mabubunyag.

Ilang subo lang sa giniling ay naubos ko na ito agad. Feeling ko stress eating kaya naubos agad, samantala ang inumin ay nangangalahati pa rin. Binuksan ko naman ang chupa chups at parang yosi kung ito'y aking sinubo. Kinabit ko naman ang earphone ko sa aking cellphone. Tanging cellphone at earphone lang ang aking nabitbit...mga bagay na nasa bulsa ng aking pantalon...iyong ibang gamit ko kasi naiwan sa luggage box ng aking motor.

Nagpatugtog ako ng isang awitin at nilaksan ko ang volume nito. Gusto kong musika lang ang aking marinig ngayong gabi dahil dito ko na lang naririnig iyong mga salitang patungkol sa akin...sa buhay ko...mga salitang gusto ko marinig.

Bahagyang nakatingala ako, sapat para makita ang buwan, kalahati siya ngayong gabi. Walang mga bituin sa paligid, baka uulan mamaya. Nakatitig lang ako ro'n habang nagpapanggap na sigarilyo ang lollipop na aking subo.

Tulala lang ako at dinadamdam ang awitin na pinapatugtog sa music player ng aking cellphone. Nang biglang may nagtakip sa aking sinisilayan na buwan gamit ang isang libro...

Muntik pa ako ma-out of balance no'ng makita ko siya na nakatayo sa bandang likuran ko. Agad ko naman tinanggal ang pagkakakabit ng earphone sa aking tainga.

"Sabi ko, anong ginagawa mo rito." aniya habang umuupo sa katapatan kong upuan.

Napatingin pa ako sa paligid, natutuliro, napalunok din ako ng sarili kong laway. Medyo kinakabahan din...bakit nandito ang isang 'to? Dapat nakauwi na 'to kanina pa!

"W-wala, kumakain lang ng giniling. Eh, I-ikaw? Anong ginagawa mo rito?" may pag utal ko pang sabi.

Tinanggal ko muna ang lollipop sa aking bibig para makapag salita ng maayos.

"Heto, babalik ko lang sana." sabay lapit niya sa akin ng libro ko na nakapatong sa mesa.

"Sa'yo na lang sana 'to...remembrance, gano'n."

Nakapangalumbaba na naman ang isa niyang kamay habang natatakpan ang labi nito. Nakatitig na naman siya sa akin na parang kagaya kanina.

"B-bakit?" naiilang kong tanong pero hindi niya sinagot.

"Titig ka ng titig sa'kin! Alam mo, malapit na akong maniwala na crush mo 'ko!" naiirita kong sabi.

Halata ang pagngisi niya kahit natatakpan ito ng kaniyang kamay dahil sa pagngiti rin ng kaniyang mata.

"Umuwi ka na nga, gabi na! Umuwi ka na sainyo tapos mag-aral ka ng mabuti!" sabi ko habang nilalapit iyong libro sa akin.

Pinagpatuloy ko na ang pagtikim sa aking lollipop. Iyong kaba ko medyo pawala na rin pero iyong ilang ay nananatili dahil hindi niya talaga inaalis ang tingin sa akin. Hindi na nga ako makatingin sakaniya...doon na ako sa kotseng gray na nakaparada sa harap tumitingin.

"Kung may sasabihin ka sa akin, sabihin mo na. Hindi 'yong titig ka ng titig sa'kin, para kang tanga." wika ko.

Napapansin ko sa aking peripheral vision ang pag ayos ng kaniyang upo.

"May problema ka ba? Huwag kang mahiya, hindi kita huhusgahan." sabi niya...parang sigurado siyang mayroon nga akong problema.

"At bakit mo naman natanong 'yan? Gusto mo ba sumama sa malungkot kong mundo at walang may interesado? Gusto mo bang dagdag ko problema mo?"

"Sounds interesting ha," sabay pagngisi niya.

"Pfft! Panggap ka lang eh,"

Katahimikan ang namuno sa amin. Hindi naman awkward pero nakakakalma. Siguro, dahil pamilyar na ako sa katahimikan na 'to dati...komportable naman ako sa ganitong katahimikan niya.

Tinignan ko ang libro na ilang taon ko na ring hindi nakikita. Binuklat buklat ko ito at nakita na madaming highlighted phrase na ang nilalaman nito na siya ang may gawa.

"Maganda ending niyan." aniya.

"Sabi ko naman sa'yo, eh."

"I love it, but I think you need it...may nakasulat kasing from mama 'yan."

"Bigay 'to ni mama sa akin dati...bigay lang din sakaniya...wala na raw siya sa edad para magbasa ng ganito. Hmm, lagay ko na lang 'to sa shop. Sa shop ito nababagay umuwi hindi sa'kin."

Katahimikan ulit pero medyo matagal ang isang ito. Naubos ko na rin ang lollipop ko pero hindi pa rin siya umaalis.

"Umuwi ka na, anong oras na, oh!" sabi ko sakaniya.

Nakapatong ang dalawang kamay nito sa mesa, nakatukod ang baba nito doon at nakatingin sa akin.

"Hatid na rin kita. Gabi na." alok nito.

"No need, kaya ko na sarili ko."

Atsaka naman ang biglaang buhos ng ulan. Sabi na nga ba't uulan kanina. Kabisado ko na simula dati pa ang langit...lalo na kapag gabi.

"Hatid na kita?" pag-alok niya ulit.

"No need na nga, umuwi ka na!"

"Bakit muna?"

Napabuntong hininga naman ako dahil sa irita sakaniya.

"Kulit mo na, ha! E di 'wag ka umuwi. Samahan mo ko rito...bahala ka diyan sa buhay mo." inis kong sabi.

"Naglayas ka ba?"

"Pinalayas ako...pinanindigan ko na lang din. Ngayon, umuwi ka na, alam mo na 'di ba?"

"Diyan ka sa cafe mo tumutuloy?"

"Ayan na ang bago kong tahanan. Diyan na ako palagi uuwi...ayan na lang ang mayroon ako."

Feeling ko nagdadrama ako sakaniya pero hindi...sinikap kong kalmado lang ang tono ng aking boses kagaya sakaniya.

"Umuwi ka na, papasok na 'ko ro'n, nababasa na 'ko rito!" sabi ko.

Nakatayo na ako mula sa aking pagkakaupo, bitbit ang libro at akmang pupunta na sa shop ko.

"Wait, business," aniya. Pagpipigil sa aking pag alis.

"Bakit?"

"Can I have a coffee?"

"Store closes at seven. Anong oras na po?"

"I want coffee, but not as your customer..."

Nakatayo na rin siya mula sakaniyang pagkakaupo. Dahan dahan pa nitong pinasok ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon. Magkatinginan lang kami...hinihintay ko kung ano pang mga salita ang kaniyang sasabihin.

"Gusto ko 'yong kape mo." seryoso niyang sabi. "Can you make me one, please?"

And then, suddenly, he make me feel things I didn't believe in anymore...his brown eyes are driving my butterflies insane again!

"...okay." tugon ko.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro