Kabanata 26
Desisyon
•••
Maaga ako nagising. Niligpit ko ng maayos ang ginamit kong karton at ibinalik ito sa storage room. Naghilamos ako at sinuklay ang aking buhok gamit lamang ang aking mga daliri. Alas dies pa naman ang opening ng store kaya nagpunta muna ako sa guadalupe upang mamili ng mga kakailanganin ko. May pera pa naman ako para makabili ng mumurahin na damit dahil wala akong pamalit. Bumili rin ako ng towel...'yong goodmorning towel lang at toothbrush pati toothpaste. Bumili na rin ako ng mumurahin na bag para paglagyan ng aking pinamili. Nag almusal din ako ng isang platitong mami sa may karinderya na nadaanan ko.
Pagbalik ko sa shop tinungo ko ang banyo, buti na lang at malinis ito. Binasa ko ang aking buhok gamit ang bidet, binasa ko naman ang isang towel para punasan ang aking katawan. Sa may kusina, sa may lababo ay ro'n ako naghilamos ng mukha at nagsipilyo. Nagtimpla rin ako ng kape at pumwesto sa isang table na malapit sa glass window. Hawak ko ang aking cellphone at nagbabasa ng mga message.
Lycka Salamanca: Sorry beh, walang space dito sa bahay...anyare ba?
Hindi ko na lang ni-reply-an...wala ako sa mood.
Ellen Villanueva: Wala ghorl! Why? Totoo ba yan? Bulong mo naman sa akin buong details!
Hindi na lang din ako nagreply sakaniya.
Feeling ko kapag naglabas ako ng sama ng loob sakanila o i-kwento ang pangyayari sakanila, eh, pag-usapan lang nila ako ng patago. Kilala ko sila...gano'n ugali nilang dalawa...dahil gano'n ang usapan namin kapag wala ang isa.
Ayoko na lang sabihin sa iba ang nangyari dahil baka isipin ko pa lalo na ako na naman ang may mali. Nakakasawa na maging mali. At ako na nga 'tong nasasaktan, bakit ako pa ang dapat humingi ng tawad? Lahat naman ibinigay ko sakanila. Sinunod ko naman lahat ng gusto nilang mangyari. Palagi ko naman silang inuuna, sila lang priority ko palagi. Tapos gano'n gano'n na lang?
Heto na yata iyon...'yong kalayaan na matagal ko ng hinahangad. Sa ganitong paraan ko siya nakuha pero parang hindi pa ako kuntento. Iyong kapeng tinimpla ko ngayong umaga ay black. Iyong pait niya parang umaabot sa utak ko...ang sakit pa rin ng ulo ko dahil kagabi.
"Hang over sucks..." bulalas ko.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader. Oras na para pumasok ako sa trabaho...kaso wala akong damit pamalit...wala 'yong motor...wala 'yong atm ko sa akin para mag withdraw, kailangan kong mag-ipon!
Dear Mr. Oliver Sanchez,
Please accept this letter as my formal resignation from court stenographer effective immediately.
I sincerely apologize for the abrupt timing for this announcement, however due to unforeseen circumstances, I have decided to resign.
Thank you for the great opportunities for the past three years, to pursue my interests in numerous areas, which have prepared me well for my next challenge.
I wish you and the whole team the very best going forward.
Sincerely,
Sining Fedeli
Pero nagdalawang isip ako at naghinayang. Napa-isip kung tamang desisyon ba ito na pangsarili o dapat sabihan ko sina mama tungkol dito na alam kong may magtututol.
"Bahala ka na lang God," tangi kong sambit.
Dear Mr. Oliver Sanchez,
I wish to request a leave of absence for 7 days. Starting today.
The reason for my requested absence is personal. I have been working very hard for the past few years, and I just need some time to relax and get myself back to shape. If I don't get this leave of absence, I don't know how long I will be able to continue working in the capacity that I have been.
Thank you for your consideration.
Sincerely,
Sining Fedeli
Message sent.
Tsaka ko in-off ang cellphone ko.
"I need a breather..." sabay singhap ko at inom sa aking kape.
Noong sumapit ang alas dies, kinagulat ng tatlo kung bakit ako nasa shop. Sinabi ko naman ang totoo na nagpa-sick leave ako sa opisina dahil masakit pa rin ang aking ulo at medyo namantal din ako kagabi...kumain lang ako ng madaming asukal kaya nawala naman agad.
"Hindi ko nakita 'ying motor mo sa labas, sining." wika ni mhai.
"Hindi ko dinala. May hang over pa ako. Hindi ko kaya mag maneho."
"Ayos ka lang ba? Dapat hindi ka na pumasok!" sabi ni cheng.
"Ayos lang ako. Ayoko kasi sa bahay, ako lang mag-isa ro'n. Uminom naman ako ng biogesic kanina pero masakit pa rin...kailangan ko yata ng tulog pa." sambit ko sa tatlo.
"Sige, boss madam, matulog ka na muna sa storage room. Gigisingin ka ba namin kapag lunch break na?" sabi ni margarita.
"Huwag na, wala akong gana kumain."
Pumasok ako sa loob ng storage, kinuha ko ang itinago kong bag sa loob at ginawa itong unan.
Magiging ganito yata ako hanggang sa hindi ako pauwiin sa amin. Hindi ako ang unang hihingi ng tawad, wala naman akong masamang ginawa.
"Tama sining. This time, for real, kampihan mo naman sarili mo." sambit ko bago ipikit ang aking mga mata.
•••
Bandang hapon na ako nagising. Pagkahilamos diretso na ako sa counter. Nagpaalam si margarita na magbabanyo lang saglit dahil ihing-ihi na siya.
Pagkalingon ko sa may pila, siya agad ang tumambad—si polsci kasama ang mga kaibigan niya. Medyo nanlaki ang mata nito no'ng makita ako...nagtaka siguro kung bakit ang aga ko narito.
Agad siyang dumiretso sa counter at pumila. Pinabitbit niya sa kaibigan niyang lalaki ang dala niyang libro't bag.
"Usual?" tanong ko no'ng siya na ang oorder.
"Wait, pag-iisipan ko." tugon niya.
Nakatingin lang siya sa menu board na nasa bandang uluhan ko. Isang kamay nito'y nakatago sa bulsa ng suot niyang pantalon. Medyo naka nguso siya...'yong hintuturo niyang libre ay tinatapik tapik ang labi. Tinignan ko siyang maigi. Pormahan niya'y simple lang...plain white t-shirt na napapatungan ng dark blue na polo. Wala naman nakasunod sa pila niya pero feeling ko tinatagalan niya ang pag-iisip...nananadya. He doesn't drink any coffee besides the cappuccino kaya what's with him taking too much time to think of an order na alam kong isang flavor lang naman ang alam niya ang lasa?
"Ahh," sabay singhap niya.
"Your order?"
"I want to buy...hmm..." sambit niya habang itinatago iyong libre niyang kamay sa loob ng isa niyang bulsa. Sabay tingin sa akin ng seryoso. Gano'n din naman ang ginawa ko...tinignan ko lang siya ng seryoso rin.
"Usual?" tanong ko.
"No, I want to buy your time." diretsa niyang sabi, walang utal utal.
Napangiwi na lamang ako sa aking narinig. Seryoso ba siya o nakikipagbiruan? Wala pa naman ako sa mood dahil sa hang over ko!
"My time is not on the menu, sir."
"Ahh, okay." aniya sabay nagkibit balikat."One usual, please." dugtong niya.
Napabuntong hininga na lamang ako pagkarinig ko sa order niya. Tinawag niya pa 'yong mga kasama niya at tinanong kung anong order nila.
"And also, 2 cafè latte and 3 americano." sambit niya.
"1 cappuccino, 2 cafè latte and 3 americano?" pag ulit ko. Tumango tango lamang siya.
"Name na ilalagay? Seann ba?" sambit ko.
"...polsci."
"Okay, pakihintay na lang po at tatawagin na lang 'yong pangalan niyo."
"Okay."
Napasulyap ako sa gilid, si margarita sumesenyas na may importante siyang tawag na kailangan sagutin, tumango na lang ako atsaka siya pumasok sa kusina.
Tinignan ko naman ang paglayo ni polsci sa harap ng counter patungo sa isang extrang table at doon naupo. Sumenyas pa siya sa mga kaibigan niya ng 'wait' at turo sa pwesto ko.
Habang nagbabarista ako ng kaniyang inorder, grabe ang titig nito na nakikita ko sa aking peripheral vision. Kitang kita kasi sa pwesto niya ang ginagawa ko...sinadya niya yatang umupo roon upang makita ang ginagawa ko. Napapasulyap tuloy ako sakaniya...nakapangalumbaba ang isa nitong kamay sa mesa, nakadekwatro pa siya at ang isang kamay ay nakasandal sa inuupuan niya. Seryoso lang siyang pinapanood ako.
Nakakailang. Parang ewan ang isang 'yon...palitan ko kaya ng asin ang asukal niya? Papansin kasi! Palaging papansin kitang palagi ko naman siyang pinapansin, eh!
Sinubukan kong sulyapan siya ulit ng palihim pero naka tingin pa rin talaga siya. Iyong kamay niyang nakapatong sa upuan ay bahagya niyang itinaas at tiniklop ang kamay na parang kamao...parang nais niyang sabihin ay 'fighting' tapos dagdag pa na nakangisi siya. Iying linya ng kaniyang labi ay nasa bandang kaliwa kaya 'yong dimple niya ay kaunting nagpapakita.
Kumunot ang noo ko sakaniya. Para siyang nang-aasar. Palitan ko talaga ng asin 'tong asukal sa kape niya, eh! Ngumingisi ngisi pa siya r'yan...akala mo kung sino. Wala namang sense of humor! Paasa!
"Boang." pabulong kong sambit.
Noong matapos ko na ang kaniyang order na nailagay ko na sa tray ang bawat cup, balak ko pa naman sana bagalan para si margarita ang tumawag sa pangalan niya kaso medyo binilisan ko na lang ang pag-prepare dahil naiilang ako sa panonood niya sa akin.
"Seann." banggit ko sa mikropono.
"Order from seann?" pag ulit ko pero hindi siya tumatayo sakaniyang pagkakaupo.
Nakapangalumbaba pa rin siya sa akin at seryoso ang tingin.
"Seann Vicente Merced...your order...here." pag-ulit ko na this time tinugon na niya at lumapit.
Tumingin siya sa akin tsaka sa kape tapos sa akin ulit. Parang nag-aalok gamit ang mga tingin lamang.
"Busy ako." sagot ko sakaniya.
"Are you sure I can't buy your time?"
"I don't have time,"
"Then you can have mine, I offer it for free."
"Kulit ka?"
Binitbit niya ang tray, seryoso na naman ang mood niya.
"Ikaw 'yon dati, hindi ba?" aniya.
Hindi ko siya sinagot. Ilang taon lang kami hindi nagkita naging korni na siya. Wala na ngang sense of humor, wala pang sense of romance!
"Thanks." dugtong niya bago umalis bitbit ang tray.
"Dati 'yon." pabulong kong sabi na ako lamang nakarinig.
Tsaka naman biglang dating ni margarita, nahihiyang nakangiti sa akin.
"Pasensya na boss madam, tumawag kasi 'yong nanay ko...'yong anak ko kasi pasaway hahaha! Sige na, ako na mag take over diyan." sabi nito.
"Okay lang, wala rin naman ako gagawin. Sige, ikaw na bahala rito."
Tinapik ko muna ang isa niyang balikat bago siya iwanan sa pwestong iyon at tinungo ang kusina upang maghugas na kung ano mang pwedeng hugasan doon. Hanggang ganito na lang yata ang magiging takbo ng kapalaran ko.
Pagkatapos maghugas, tinungo ko naman ang tapat ng board kung saan may nakasulat na 'Qoute of the day' pero wala pang mismong sipi na nakasulat. Madalas tuwing umaga bago dumiretso sa office, titigil muna ako rito para sulatan ito.
Sa pagkakataon na ito, niliitan ko lamang ang aking sulat na tanging makikita mo lamang kung lalapit ka.
I was prepared, but it still hurt.
Pagkatapos ay pumasok ako saglit sa storage room para kumuha ng ibang sangkap at ilagay sa counter drawer. Saktong paglabas ko ay siya ang nakita ko—si polsci. Nakatingin sa board, binabasa ang nakasulat. Dalawa niyang kamay ay nasa kaniyang bulsa. Seryoso ang tingin...hindi ko mawari kung ano ba ang naintindihan niya sa nakasulat. Nagtama ang tingin namin sandali, ako ang umiwas at dumiretso patungo sa counter. Prente naman din siyang naglakad pabalik sa pwesto nila at nagbasa ng libro.
Bahagyang nanlaki pa ang aking mata no'ng makita ko ang librong hawak niya...Tomorrow, Maybe. Iyong librong hiniram niya sa akin noon! Seryoso siyang nakatingin sa akin at maliit na pagtango ang kaniyang ginawa na parang tinuturo ang libro sa akin. Napasinghap na lamang ako at tinarayan siya ng tingin bago umalis at bumalik sa storage room.
"Papansin masyado..." sambit ko pagpasok sa loob.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro