Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23

Pansin

•••

Pagpasok ko sa shop, bumungad sa akin si cheng na nakapwesto sa kolektahan ng entrance fee.

"Busy day?" tanong ko.

"Sinabi mo pa boss madam." natatawa niyang tugon.

Napatingin ako sa paligid ng shop na madalas kong gawin bago pumasok ng tuluyan at doon sa pwesto niya no'ng nakaraan ay nakita ko siya. Kasama pa rin niya ang lima niyang kaibigan. Nagtama saglit ang aming tingin, ako ang unang kumalas.

Tinungo ko ang counter, bitbit ko ang aking helmet at itinabi ito sa ilalim ng counter table.

"Boss madam, banyo break lang ho ako." paalam ni margarita na pinayagan ko naman.

Nagpupunas ako ng counter table no'ng bigla namang narinig ko ang boses ni lance. Tinotoo nga niya 'yong biro kong mangungutang siya.

"Wazzup, best friend forever." bungad niya sa malambing na tono, may kasama pang pagkindat at pag ngisi.

"Umay sa'yo, lance."

"Hahahaha! Sining, ang ganda mo yata ngayong araw, ah? Kumikinang ang iyong mga mata! Maaliwalas ang iyong mukha! Sa sobrang ganda mo, wala akong masabi. I am speechless with your existence! Isa kang obra maestra!" exaggerated niyang sabi sabay tingala at turo sa itaas. "Salamat sa diyos." dugtong nito na may bahid ng emosyon.

Napangiwi ako sakaniyang mga sinabi. Parang pumait ang timpla ng aking mukha sakaniya.

"Ikaw lang 'yong lalaking gustong gusto kong murahin." sambit ko na may pagkairita.

Natawa lang siya at halatang gusto pa akong bwisitin. Wala na naman siguro 'tong kausap sa buhay niya...baka single 'to ngayon.

"Sining," biglang seryoso niyang bigkas.

"Ano na naman 'yon?"

"Para kang pusa," seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin.

Magaling ang isang 'to lumandi. Walang duda. Bolero't matinik ang isang 'to...madaling mahuhulog ang loob ng isang babae sakaniya lalo na't kung ganito siya kung umasta.

Umiling iling na lamang ako.

"Oo na, lance. Isang kape uutangin mo. Oo na, alam ko na. Libre ko na 'yong muffin mo rin basta ba mag shut up ka na r'yan." sambit ko habang pumupunta sa glass display upang kumuha ng muffin.

"Ayaw mo ba marinig 'yong banat ko muna? Ha?" pamimilit nito na parang bata.

"O sige ano ba 'yon? Bakit ako naging pusa aber?"

Nag fake cough pa nga siya, napa-iling ako pero nakangisi. Adik talaga ang lalaking 'to.

"Sining, para kang pusa kasi you give miming to my life." sabay pagtawa niya.

Natawa rin ako ng malakas sa banat niyang iyon. Ang korni pero nakakatawa.

"Ang korni mo! Sarap mong patayin!" sambit kong pabiro.

"Sa pagmamahal? Hahahaha!" natawa na naman kami ulit.

Sa gitna ng aming halakhak, naihanda ko na 'yong libre kong muffin kay lance. I-aabot ko na sana sakaniya kaso may umeksena...

"Excuse me?" wika nito sa parang paos na boses. Napatingin ito kay lance, nagkatitigan sila.

"Are you done ordering o are you done flirting?" aniya sabay tingin sa silver niyang relo na halatang branded. "Madami pa kasi akong gagawin, nasasayang 'yong oras na 'yon sa paghihintay rito na matapos kayo sa harutan niyo." dugtong niya pa.

Nanahimik lang kami ni lance. Napalunok ako ng kaunti...nahiya rin.

"Pasensya na pre, ha? Nagkakatuwaan lang. Sige order ka na." sambit ni lance at pinaabante ito sa pila.

"Your order?" tanong ko sakaniya habang nakatingin sa may papel.

"Alam mo na 'yon." wika nito halatang seryoso.

"Usual, one order of cappuccino." sambit ko.

"Ikaw ba magtitimpla?"

"Hindi po."

Napapatingin lang ako kay lance. Pinipilit kong hindi matawa dahil sa itsura niya. Matangkad kasi sakaniya si pol-sci at para bang hinuhusgahan niya pa ito mula ulo hanggang talampakan...nakahalukipkip na nakakunot ang noo at nakanguso pa. Ang pangit ng timpla ng kaniyang mukha kapag nanghuhusga ng kapwa lalaki na halatang malaki ang agwat sakaniya. Na-i-insecure ang isang 'to.

"Ahh, name?" tanong ko no'ng matauhan.

"Pol-sci." dire-diretso niyang sagot.

"Pol-sci? Anong klaseng pangalan ang pol-sci? Matanong ko lang pre, ha? Sino nagpangalan sa'yo niyan? Parang hindi naman pinag-isipan!" sabat ni lance.

"Siya." sabi niya na may bahagyang pagturo pa sa akin.

Iyong tingin ni lance sa akin ay hindi ko maipinta. Nakaangat ang isang kilay niya at nakangiwi...nakatingin sa akin na parang may gustong ipahiwatig. Tinignan ko na lang siya na parang nagtatanong ng 'Ano?' pero sinasagot niya ako ng nakakainis at mapang-asar na facial expression.

"Pakihintay na lang po." tangi kong nasabi para umalis na siya sa pila.

Pero si lance hindi marunong makiramdam...kinausap pa nga niya!

"Call sign niyo ba 'yon?" tanong nito sakaniya.

"Oo." tipid niyang sagot sabay senyas na aalis na siya.

Sinundan ko pa nga ng tingin ang kaniyang paglalakad pabalik sakanilang upuan.

"Ikaw, ha! Dalaga ka na pala, ah!" sabi ni lance habang nakapangalumbaba sa harap ko.

"Matagal na 'kong dalaga."

"Paalak ka na! May syota na, eh!"

"Hindi kami no'n."

Halata sa expression niya na hindi siya naniniwala.

"Hindi ako pinanganak kahapon, sining. Alam ko 'yong mga gano'n. Call sign tapos walang relasyon? Tanga ka ba?"

"Nickname ko lang sakaniya 'yon, hindi 'yon call sign."

"Weeh?"

Inirapan ko lamang siya at nilapitan si margarita upang utusan magtimpla ng kape dahil ayokong magtimpla ng para sakaniya lalo na kay lance dahil nang-aasar siya.

Inihatid ko naman ang utang ni lance sakaniyang pwesto...medyo padabog ulit ang lapag at umupo sa harapan niya. Wagas ang ngiting kaniyang pinapakita sa akin. Ang lakas talaga nito mang-asar.

"May call sign pero walang relasyon...sino niloloko mo? Ako? Lul!" aniya habang hinahalo ang kaniyang kape.

"Huwag ka ngang maingay. Hinahinaan mo naman 'yang bunganga mo pwede? Hindi nga kami no'n...nickname lang 'yon. Atsaka kung kami at call sign, eh, dapat mahal o kaya love 'yon."

"Uh-huh."

"Ewan sa'yo. Tayo nga 'di ba call sign natin BFF? Best friends forever?"

"May punto ka ro'n. Mas lamang ako. Sakaniya nickname lang, sa akin call sign. Mas lalong may rason pa ako para bumalik balik dito hahahaha!"

Siningkitan ko lamang siya ng tingin.

"Gustong gusto na talaga kitang murahin...sayang at mabait ako." kalmado pero naiinis kong sabi.

Biglang lumapit sa aming mesa si margarita. Tumingin ito sa akin at may ibinulong.

"Boss madam, may sulat para sa'yo." sabay palihim nitong abot sa akin ng isang sticky note.

"Masarap ba, lance?" tanong ni margarita sa kumakain na si lance pagkaabot sa akin ng note.

"Masarap syempre! Libre 'to, eh! Kapag libre masarap!"

"Halata nga, para kang bata kung kumain...ang kalat-kalat."

"Anong makalat? Tatlong dumi nga lang 'to, eh! Alam mo papansin ka talaga. Nagpapapansin ka lang sa'kin, noh? Sinasabi ko na sa'yo, hindi kita type. Maganda ka pero hindi kita type. Ayoko sa mga bungangera!"

"Ikaw nga hindi kita type kasi ang pangit mo! Mukha pati ugali pangit!"

"Bwisit ka talaga...nirespeto na nga kita, dinugtungan ko na ng maganda tapos ganiyan balik? Umay!"

Hindi ko na lang pinansin ang nag-aasaran na dalawa sa aking harapan. Palihim kong binasa ang sulat sa sticky note. Alam ko agad kung kanino galing ito. Kahit kulay dilaw na 'yong ginamit niyang sticky note ay pamilyar pa rin ang sulat.



Sorry kanina.



Hindi ko talaga siya maintindihan kung para saan 'tong mga maiikling sulat niya. Itinupi ko naman ng maayos ang sulat at itinago ito sa bulsa ng aking suot na pantalon. Pinapanood ko lang ang munting bangayan nila margarita at lance nang hindi ko mapigilan hindi siya sulyapan mula sa likod ni lance. Nagtama na naman ang tingin namin...matagal...ako na unang umiwas. Sabi na nga ba maiilang lang ako kapag nakipaglabanan pa ako sa gano'n. Hangal, sining. Hangal. Aasa ka na naman niyan ulit...paawat ka naman na!

Pagkadating ni jaq ay agad na rin sila ni lance lumarga paalis. Ang palaging natitira sa shop ay ang grupo nila pol-sci. Sa paborito nilang pwesto, tahimik lang sila. Napansin ko rin ang mga makakapal na libro na palagi nilang bitbit at binabasa.

"Thank you and come again." sambit ng tatlo kong empleyado no'ng mag-alisan na ang grupo nila pol-sci.

Ngayon ay lumingon na ito sa amin at bahagyang tumango bilang tugon sa sinabi ng tatlo. Napatingin pa siya sa akin, 'yong normal niyang tingin kagaya ng dati. Tinugon ko rin naman iyon na parang normal din...na parang wala lang pero naiilang na talaga ako.

Tumango siya sa akin ng bahagya at sabay nanguna ng maglakad palabas. Hindi ko talaga siya mabasa...parang 'yong dati lang...para siyang saradong libro na ayaw magpabasa.

"Kanina pala nabasa ko 'yong sulat...bakit nagsosorry iyong si gwapings sa'yo, boss madam?" tanong ni margarita tinutukoy siguro ay si pol-sci.

"Wala...nagkasungitan lang sila kanina ni lance sa pila. Gano'n."

"Ahh, baka stress na. Sabi ni nicole, 'yong isa sa mga kaibigan nila, lahat sila stress na. Halos hindi na yata mga natutulog 'yong mga 'yon, eh. Alam ko pagkatapos dito, pag-uwi nila mga mag-aaral pa rin sila. Ka-umay maging matalino kung puro aral lang ng aral."

"Totoo...pero pinili nilang kurso 'yon, eh. Panindigan nila."

"Bakit kaya sila mga nag-aral ng law, noh? Kasi pang mayaman pakinggan?"

"Ewan ko..."

Nagpagdesisyunan niya na pala mag-aral ng law ngayon...gusto na niya maging lawyer kagaya ng daddy niya...kagaya ng gustong mangyari sakaniya ng mommy niya. Nakakaproud din siya kahit papaano. Pagdarasal ko na lang siguro ang masiglang kalusugan sakaniya...kahit ayon lang...pambawi rin kasi naging mabuting partner din naman siya sa akin noon.

Pagkatapos namin maglinis at naisara na ang shop, pagpunta ko sa aking motor may nakadikit na naman na sticky note sa may meter.



Coffee and talk, next time?



"Wala naman dapat pag-usapan, ah? Hay nako!"

Itinupi ko na lamang 'yong note at aking ibinulsa.

Pag-uwi ko ng bahay, pag-akyat sa aking kwarto, nilabas ko ang sticky note at inipit ito sa aking diary. Walang entry para sa araw na ito pero nandoon ang note...may date na nakalagay. Nakasulat ang pangalan niya.

•••

Pagdating ko naman sa shop ay kaunti lang ang tao. Nandoon pa rin sila sakanilang paboritong pwesto...mas pansin ko ang pagdagdag ng ilang makapal na libro sakanilang mga tabi.

"Cafè ba 'to o law school?" pabulong kong tanong kay margarita dahil halos lahat ng customer dito sa baba ay mga law student...halata sa mga librong kanilang binabasa.

"Hindi ba sabi ko sa'yo pangatlong tahanan ng mga law student ang coffee shop?" sabi ni margarita.

"Hindi ka ba talaga sasama sa amin sa linggo, boss madam?" tanong ni cheng no'ng napadaan sa harapan namin.

"Oo nga, boss madam." sabi ni margarita.

"Pass nga. Hindi ako papayagan."

"Kung ibahin mo na lang 'yong dahilan mo 'di ba? Isang beses lang naman, eh! Promise, hindi ka mabubuking!"

"Pag-iisipan ko."

Nag-aayos ako ng kaha, si margarita nagpaalam na magbabanyo raw muna siya.

"Can I order two coffee?" biglang sambit ng isang pamilyar na panglalaking boses.

"Oo naman. Kahit sampu pa pwede." pagbibiro ko pero seryoso lang ang pagkakabanggit. "Anong order?" tanong kong matino no'ng medyo nahimasmas.

Nagagawa ko na rin makatingin sakaniya...'gaya ng dati. Baka tama ngang kalimutan na lang ang nakaraan at magsimula ulit.

"Alam mo na 'yon." aniya, seryoso.

"Pol-sci pa rin ba 'yong pangalan?"

"Ikaw bahala."

"Okay, pakihintay na lang po."

Bumalik sa pwesto niya si pol-sci. Agad ko naman inasikaso ang kaniyang order dahil hindi pa rin bumabalik si margarita mula sa banyo...tumatae na yata ang isang 'yon.

Bago bigkasin ang pangalan niya ay napabuntong hininga muna ako ng malalim.

"Pol-sci. Order from pol-sci!" anunsyo ko gamit ang maliit na mikropono na nakakabit sa counter.

Agad din naman siyang lumapit. Inabot ko sakaniya ang dalawang cup.

"Two usuals." sambit ko.

"Thanks."

Kaniyang tinanggap ang kape na nakapatong sa counter. Magkatinginan kami...'yong tingin niya ay mula sa akin sabay baba sa dalawang tasa. Nag aalok...kahit 'di niya sabihin alam ko na gusto niya akong alukin ng kape. Sabay balik sa akin ang tingin.

"Are you free?" tanong niya.

Tapos out of nowhere biglang sumagi sa isip ko ang dapat sagutin...

"No, I'm expensive." wika ko.

At unti-unti na ngang gumuguhit ang kaniyang labi...'yong dimple niya sa kaliwang pisngi...nasilip ko na rin ngayon sa wakas. Nakangiti siya kasabay ng pagtango-tango. Naalala niya siguro no'ng panahon na tinanong ko siya ng gano'n at ganiyan ang kaniyang sinagot.

"Okay. Next time." aniya bitbit ang dalawang tasa.

"Wait lang..." pagpigil ko, mahina pero huminto naman siya at nilapag muli ang tasa sa counter.

Kinuha ko ang maliit na notebook at bolpen, nagsimula akong magsulat doon.



Best of luck to your studies.



Itinupi ko muna ito atsaka ko kinuha ang isa niyang kamay. Ipinatong ko ito sakaniyang palad atsaka isinara.

"Pwede ka na...umalis." nahihiya kong sambit pero may pagturo sa kaliwa.

Kita ko ang kaniyang pag ngisi. Iyong dimple niya ulit ay nagpapapansin sa akin.

"Cute." aniya bago umalis, mahina pero rinig ko.

Nakatayo lang ako rito sa aking pwesto ng tahimik at walang imik. Pinagpatuloy ko ang pagbilang ng pera sa loob ng kaha. Palihim akong ngumingisi kapag naaalala ko 'yong ngiti niya...at iyong pagsabi niya ng cute.

No, ano na naman 'to sining! Above all else, guard your heart, please! Pesteng kupido kasing 'yan palagi na lang ako pinapana sa maling tao! Talaga naman kupido, isang pana mo pa sa akin sa maling tao...tatanggalin ko na diaper mo! Kaasar!

"Mukhang happy ka boss madam, ah? Bakit may pag ngiti?" biglang sulpot ni margarita sa aking likuran.

"Bwisit ka, ang tagal tagal mo kasi tumae. Atsaka wala 'yon...may naalala lang akong tatlong joke na nakakatawa."

"Anong joke?"

"Joke joke joke."

"Pasalamat ka bossing kita, sining. Huling nagsabi sa akin sa joke na 'yan baldado na." pagbibiro niya na tinawanan ko naman.

Pagkatapos at pagkalabas ng mga tao sa shop binati pa rin naman nila cheng, mhai, at margarita ang mga nag-aalisan...at 'yong grupo nila polsci. Si polsci tumango tango sa bawat isa bago maunang lumabas.

"Ingat sa pag-uwi, boss madam!" wika no'ng tatlo.

Bitbit ang aking helmet, lumapit ako sa aking motor. May isa na namang sticky note na nakadikit sa meter nito.



Don't worry, I got this.



Stomach, meet the dancing butterflies...again.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro