Kabanata 22
Kasalukuyan
•••
Ang pwesto ni pol-sci ay tanaw ko lamang. Hindi ko mapigilan na siya'y hindi tignan lalo na't ang kaniyang mukha ay nakaharap.
Tahimik lang siya at 'yong mga kasama niya ay mukhang nagkukwentuhan pa nga. May kasama siyang tatlong lalaki at dalawang babae. Halata sakaniya na hindi lang pala siya sa babae ilag kundi sa tao mismo...marahil piling tao lang talaga ang pinakikisamahan niya.
"Nasaan 'yong paborito kong sining?" rinig kong bulalas sa may pintuan ng shop. "Oh, ayon pala, eh! My sining!" sigaw ni lance.
Agad naman siyang lumapit sa pwesto ko sa may counter.
"Ang ingay mo talaga! Bakit napapadpad ka rito?" sambit ko.
"Sinabi ni jaq sa'kin malapit lang daw 'tong kapehan mo sa way papunta kina niccolo at sa bahay namin kaya naisipan kong mag stop by muna."
"Duda ako sa intensyon mo." pagbibiro ko.
"Grabe naman dito, may entrance fee! Pang mayaman ba 'tong lugar na 'to? For spokening dollars lang ba 'to?" aniya sabay nilibot ang tingin sa lugar.
"Para sa taas kasi 'yon at sa tagal ng stay mo rito. Kita ko nga hindi ka nagbayad, eh, diretso ka sa'kin agad. Mautak ka talaga, ano?"
"Syempre! Magkaibigan, eh! So, kape lang talaga tinda niyo rito? Wala man lang alak o 'yong pambansang bulaklak?"
"Lance, cafè 'to hindi resto bar. Wala ka mahahanap na alak dito. Atsaka anong pambansang bulaklak? Sampaguita? Sa labas ng mga simbahan mayroon nagtitinda ng gano'n, hindi rito."
Natawa lang siya sa sinabi ko kaya napangiwi ako sa ka-weirduhan ng isang 'to.
"Pambansang bulaklak ay hindi sampaguita!" aniya.
"Huh?"
"Pambansang bulaklak ay chicharon bulaklak!"
Natawa lang siya samantalang ako pilit lang ang aking pagtawa habang nakakunot ang noo. Baliw na naman ang isang 'to. Kulang na naman sa atensyon yata.
"Hihintayin ko pala si jaq dito tapos sabay na raw kami pupunta kina niccolo. Angkas niya ako." sabi niya.
"So, tinatanong ko ba?"
Nakahalukipkip na ako at tinitignan lamang si lance na ngayo'y nakatingin sa menu board.
"Hindi ba't magkaibigan tayo? At bilang magkaibigan...pwede mangutang muna ako ng kape rito? Hmm?"
"Kakaiba ka talagang lalaki ka."
Ginamit na naman niya 'yong paawa effect niya sa akin katulad noong gusto niyang ibugaw ko siya sa kaklase kong maganda noong graduation ball.
"Please? Ang bait bait talaga ng sining na 'yan ayieee!" wika niyang may paglambing.
Napangiwi na lamang ako at napabuntong hininga.
"Oo na nga! Bwisit ka talaga! Umupo ka ro'n, hintayin mo na lang."
"Ilagay mo sa pangalan pogi, ha?" natatawa niya pang sabi bago ko siya pinaalis sa aking harapan.
Itinimpla ko siya ng kape...cappuccino coffee, At no'ng tatawagin ko na siya sa counter ay nag-aalangan pa ako. Sinubukan kong utusan si margarita upang sabihin 'yon kaso busy siya sa loob ng storage room.
"Order for pogi." medyo mahina kong sambit pero rinig sa buong shop dahil naka mic ako.
Narinig ko ang halakhak ni lance mula sakaniyang pwesto. Nakalingon ito sa akin at sumesenyas na lakasan ko pa dahil hindi raw niya narinig.
Pambihirang nangungutang 'to napaka demanding!
"Pogi!" sigaw ko.
"Hoy hahahaha! Here po! Pilay po ako, pwd! Ginagawang priority!" sambit ni lance na nagpasingkit sa aking tingin sakaniya.
Medyo padabog kong ibinagsak sakaniyang table ang tasa. Hinaplos haplos niya ang aking braso habang nakangiting pabiro.
"Pasensya ka na sining. Nangangalay kasi mga paa ko atsaka may kasabihan nga na customer is always right, hindi ba?"
"Gusto mo ba lance na tuluyan kang mapilay? May discount ang mga pwd dito." malambing kong sabi habang nakangiti rin sakaniya.
"Sige, subukan mo lang akong saktan, hindi ko babayaran 'tong utang ko." malambing din niyang sabi habang nakangiti.
"Grabe, natatakot ako."
Natawa lang siya. Tinanggal niya na ang pagkakahawak sa aking braso at sinimulan ng higupin ang kaniyang kape. Naupo naman ako sa pwesto na libre sakaniyang harapan. Napangalumbaba ako at pinanood siya.
"Bilib din ako sa mga kaibigan mo, natitiis ka." sambit ko.
"Well, Mabait kasi akong tao. Pinagpapala ang isang mabait na tao. Kanina parang gusto ko magkape tapos tignan mo ngayon, nasa harapan ko na ang kape. Hindi pa ako gumastos!"
"Hindi ka mabait, lance. Medyo tao ka lang. Madiskarte ka pero hindi ka mabait."
At out of nowhere natawa na lang kaming dalawa...sinimulan niya kasi na para bang ibubuga pa niya 'yong nainom niyang kape.
"Hahahaha! Gago ka rin minsan, noh?" aniya natatawa pa.
"Minsan nga kapag kausap kita parang gusto ko bumigkas ng masasamang salita, eh."
"Ohhh, masyadong agresibo ang nais mo, ah? I like that! Magkakasundo tayo niyan! Gawin mo 'yon! Gusto mo tutorial pa mula sa'kin?"
"No thanks na lang."
"Ayan hirap sa iyo, sining." aniya sabay higop ng kape.
Nagsasalita lang siya ng kung ano-ano no'ng hindi ko sinasadyang mapasulyap sa bandang likuran niya at makita siya, si polsci, nagtama ang aming tingin pero nilayo niya ito agad.
"Masyado kang mabait, salamat talaga sa diyos dahil nakilala mo ako. I may not be your friend but I can be your best friend forever! Through good times nga lang kasi umay na 'ko sa problema...madami na akong problema tapos heto ako, patuloy ko pang dinadagdag. Pinapasadiyos ko na nga lang lahat, eh!" aniya with exaggeration.
Natawa ako ng mahina't mabilis sakaniyang sinabi. Nakikinig naman ako sa mga binibigkas niya.
"Kung buhay lang si mabini, panigurado akong mapapatayo 'yon sa kamangmangan mo! Atsaka anong best friend forever? Kung mangungutang ka lang ulit bukas, huwag mo na ako bolahin pa! Bolero." sabi ko.
"Hahahaha kaya gusto kita, eh!" malakas niyang bulalas.
Medyo nangamba ako ng kaunti hindi dahil sa sinabi niya pero sa gaano ito kalakas na baka marinig ng iba at baka ano ang isipin.
Napasulyap ulit ako sa likuran ni lance, busy na siya sakaniyang gawain. Nakita ko rin ang pagdating ni jaq sa shop.
"Pasensya na seb medyo late ako." aniya paglapit sa amin.
"Pre, kilala mo ako, hindi ako nadadaan sa pasensya lang. Patience is not a virtue for me! Pinaghihintay mo ako, na gwapo? Kasalanan 'yon, pre! Ayon ang ika ten point one na utos ng Diyos!" katwiran ni lance.
Binatukan siya ni jaq ng medyo malakas na aking kinatuwa.
"Ikaw nga palagi kang late, simula una kitang makilala hanggang ngayon late ka pa rin kung dumating sa usapan! Baka nga pati sa libing mo late ka pa dumating!" iritang sabi ni jaq.
Napatayo na lamang ako sa aking pagkakaupo.
"Magkakape ka rin ba, jaq?" tanong ko.
"Hindi na, anong oras na rin kasi. Nandoon na sila lucas at niccolo naghihintay sa amin."
"Sige, Ingat kayo sa byahe."
Iniwan ko na ang dalawa sakanilang mesa. Si lance kasi uubusin daw muna ang kaniyang kape bago umalis.
Tumambay ako sa may counter at tinignan ang laman ng kaha. Napatingin pa ako sa grupo nila pol-sci na unti-unting tumatayo sakanilang pagkakaupo at binibitbit ang kanilang gamit patungo sa hagdan, paakyat sa taas.
"Una na kami, sining." sambit ni jaq na napadaan sa harap ko upang magpaalam pa.
"Thanks bff! Sa susunod ulit, ha?" sabi ni lance habang may pakindat kindat pa at pagturo sa akin.
Halata na may balak pa nga siyang bumalik upang umutang ulit ng kape.
"Heh!" tangi ko na lamang tugon.
Sinamahan ko si margarita sa counter habang hinihintay ang pagtakbo ng oras hanggang mag closing time.
"Hindi ka ba talaga sasama sa amin sa day off, boss madam?" tanong ni margarita. Patuloy na kinukulit ako sa pagsama sakanila sa isang pub.
"Magpapaalam nga muna ako."
"Pero bente tres ka na! Ang weird kaya no'n sa gano'ng edad?"
"Pwes, mas weird kapag sa ganitong edad, eh, pinapagalitan at pinagsasabihan pa rin ako ng magulang ko."
"Mas pinaka weird pa sa lahat ng weird na bente tres ka na pero may curfew ka pa rin! Hindi mo man lang ba pinaglaban sarili mo sa magulang mo? Mag rebelde man lang kahit isang beses? Mabuhay man lang ng masaya?"
Umiling-iling na lamang ako at nagpatuloy sa pagbilang ng pera sa kaha.
"Ikaw, may anak ka na pero naiisip mo pa rin 'yong sarili mo. Hindi ba dapat inuuna mo 'yong anak mo?" sambit ko sa nagpupunas ng counter na si margarita.
"Masyado ka naman makalumang sistema ng parenthood! Hindi porket may anak na ako, eh, hindi na ako pwede mag enjoy sa buhay. Bata pa naman ako. Minsan, hahanap hanapin mo pa rin 'yong time para sa sarili mo kahit ilang anak pa ang mayroon ka...pero pagkatapos ng oras para sa sarili mo...pagkatapos ng buong araw na pag-iisa't pag mumuni muni ay uuwi at uuwi ka pa rin sa anak mo. Sa pamilya mo. Gano'n 'yon, sining."
Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko rin naman alam ang nararamdaman niya dahil hindi naman ako isang ina. Pero bigla kong naisip si mama...mag-isa lang palagi sa bahay. Hindi kaya siya nalulungkot din kapag mag-isa? Hindi ba siya napapagod na pagsilbihan kami araw-araw? Kailangan din kaya niya ng oras para sa sarili niya 'gaya ng sinabi ni margarita?
"Thank you and come again!" bulalas ni margarita kaya napatingin ako sa may pinto.
Grupo nila pol-sci tinatahak ang pintuan palabas ng shop. Iyong mga kasama niya kumaway pa kay margarita pero siya dirediretso lang ang lakad palabas.
"Close mo?" tanong ko kay margarita no'ng tuluyan ng makalabas ang grupo at tanaw ang pagpunta sa kani-kanilang sasakyan na nakaparada sa tapat.
"Hmm...medyo. Mga law student 'yon. Senior law student yata? Madalas umaga't tanghali mga pumupunta 'yon, eh. Ginagawa na nga 'tong pangatlong tirahan nila. Gano'n yata kapag mga law student, noh? Cafè ang pangatlong bahay nila?"
"Ahh, ewan ko."
Hindi ko naman tinatanong at hindi naman ako interesado.
"Osya, maglinis na para makauwi na tayo!" sigaw ko na kanila namang sinunod.
"May nag-apply na ba para maging guard?" tanong ko sa tatlo.
"Wala pa boss madam." tugon ni cheng.
"Ahh gano'n ba. Margarita, ikaw na bahala kung mayroon mag-aapply, ha?"
"Yes, boss madam!" pag saludo rin niya.
Matapos namin maglinis, sabay sabay kaming lumabas ng shop.
"Ingat kayo pauwi, ha?" wika ko sa tatlo dahil magko-commute sila.
"Ingat sa pagda-drive boss madam!" sambit ni margarita na may pagkaway pa.
Kumaway rin ako sakanila habang palayo ito sa akin. Bitbit ang aking helmet at akmang susuotin ito ng mapansin ko ang isang kulay light blue na sticky note na nakadikit sa meter ng aking motor.
Hindi kalakihan ang sulat at pagkatingin ko pa lang ay alam ko na kung kaninong sulat kamay ito. Pamilyar ito sa akin at nakita ko na noon ang ganito kaganda at kalinis na sulat. Hindi na ako maghihinayang na kung paano niya nalaman na akin ang motor na ito dahil may sticker ito sa gilid na pangalan ko ang desenyo.
I still have your book.
Halos hindi ko na maalala 'yong librong tinutukoy niya. Atsaka wala naman na akong balak kunin pa iyon, kaniya na iyon kahit lamunin niya pa. Kahit ang hirap makahanap ng re-print no'n sa kahit anong book store ay ayos lang sa akin basta ayoko na siyang makausap pa dahil naiilang ako! Nakakahiya na siyang kausapin. Nakaka-intimidate siyang tignan!
Kinuha ko ang sticky note at inilagay ito sa luggage box ng aking motor. Tsaka sumakay rito at umandar paalis.
Sa bahay, nasa sala sila papa at mama nanonood ng palabas sa tv.
"Oh, sining, kumain ka na ba?" tanong na bungad sa akin ni papa.
Simula ng magkaroon ako ng trabaho medyo nagbago na rin ang pakikitungo sa akin ni papa. Iyong mga hindi niya ginagawa no'ng nag-aaral ako ay kaniya ng nagagawa, 'gaya ng pagbati sa akin tuwing papasok at uuwi.
"Hindi pa po."
"May ulam doon sa mesa natatakpan ng plato. Nilagang baboy 'yon." sabi ni mama.
Sa kabila ng pagbabago ng lahat, mas kinalungkot ko ang hindi na namin pagsabay sabay sa pagkain. Ayon lang pala 'yong oras na nagkakasama-sama kami sa bahay noon na kinaiinisan ko ng sobra...na ngayon ay na-re-realize ko kung gaano 'yon ka-importante...kahit pa puro pangarap lang nila ang kanilang bukambibig.
"Sining, anak, sinisimulan na pala 'yong pag gawa sa bahay. May gusto ka bang design o ano man? Para masabihan sila agad...naghuhukay pa naman sila, eh." sambit ni papa mula sa sala.
Tinutukoy niya ang biniling lupa sa kabilang kalsada sa halagang hindi rin biro. Iyong perang pinambayad ay ipon ni papa sa mga inaabot ko sakaniya at kita niya mula sakaniyang business na purified water.
"Ikaw ho bahala."
Sa loob ng tatlong taon kong pagtatrabaho at kalahati ng sahod ko ay binibigay kay papa...hindi naman ako naghinayang o nagsisi. Nakikita ko naman ang bunga ng lahat ng iyon. Madaming gamit sa bahay ang bagong bili...medyo napaayos din ang bahay...naparenovate ang ilang parte nito...napinturahan din ng bago. Nakabili rin ako ng motor para sa akin, Honda PCX160-CBS. Iyong e-bike ko ay ibinigay ko kina tito allie sa isa niyang anak na tinutulungan ko naman makapag-aral ng college. Malaking tulong sa akin ang e-bike na 'yon dati upang makatipid sa pamasahe na sana ay makatulong naman sakaniya.
Si kuya tinutulungan ko rin naman kapag nangangailangan siya na napakabihira lang mangyari. Ayaw niya kasi magkaroon ng utang na loob kahit mismo sa akin.
Ayoko maging madamot sa lahat lalo na't kumikita na ako ng sarili kong pera...na minsan ay si papa ang nakakatanggap at siya rin ang nagdedesisyon sa kung paano ito gagastusin. Ayos lang naman...wala naman siyang bisyo. Kaya siguro sinasabi ng ilan na ang swerte ko kay papa ay dahil doon nga na totoo naman kasi wala naman talagang maipupuna sakaniya bukod sa kung gaano siya ka-strikto at 'yong way ng pagdidisiplina niya ay napakalupit...na kami lamang ni kuya ang may alam...na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago. Pero kung hindi siya naging gano'n hindi ko naman mararating ang kung anong mayroon ako ngayon.
Hindi siguro ako magiging mabait, mapagbigay, at mapagmahal kung hindi ko naramdaman kung gaano kalupit ang binigay sa akin ng mundo mula sakaniya. Na dati ang layunin ko lang ay maging malaya at masaya...ngayon nadagdagan ng panibago...na mabayaran ang lahat ng utang na loob ko sa magulang ko...para wala na silang maisumbat sa akin kapag dumating 'yong oras na maisipan kong unahin naman ang aking sarili.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro