Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Unti-unti

•••

"Nakahanap ka na ba ng mapapasukan na internship?" tanong ko kay lycka.

Nandito kami ngayon sa may roofdeck at inaasikaso ang aming docu para sa thesis.

"Oo, kinabahan pa nga ako sa interview! Buti na lang nakapasa ako kaso night shift nga lang available pero kinuha ko na rin...sayang, eh!"

"Saan?"

"Sa may ortigas, private company...seat leasing parang gano'n."

"Congrats, lycka." sambit ko na may ngiti.

"Dapat sumama ka na lang kasi sa akin, e di sana na-experience mo rin 'yong mga ojt-hunting at interviews. Grabe naman kasi 'yong papa mo masyadong umaasa sa pinsan mo."

Napatingin ako sa kawalan habang medyo napanguso. Tama nga si lycka, masyadong umaasa si papa sa pinsan ko kaya nababaon kami ng utang na loob sakaniya na ang hirap bayaran.

"Kaya nga, eh, atsaka iyong pinsan ko kasi may gusto no'n, ayaw na akong pahirapan pa."

Gano'n siguro kapag babae ka, ang tingin sa'yo minsan ay mahina hindi mo kaya ang giyera ng buhay. Akala nila susuko agad ang isang babae o mas mainam na hindi pahirapan dahil mahihina at mahinhin.

"Wala sigurong bilib sa akin...lahat sila." sambit ko.

Naramdaman ko na lamang ang pagtapik ni lycka sa aking nakapatong na kamay sa may desk ng aking inuupuan.

"Sining, palagi mo tandaan na nandito 'ko, bilib ako sa kakayahan mo...palagi, okay?"

I smiled shyly and gently removed lycka's hand. Nakakailang makatanggap ng isang compliment lalo na kung hindi naman ako sanay masabihan ng mga mabubuting salita 'gaya ng gano'n.

"Pffft, salamat, ha? Alam ko naman din 'yon, noh! Gusto ko lang magdrama sa harap mo hahahaha!" pagbibiro ko.

"Sira ka talaga minsan!"

"Sira naman talaga ako palagi."

Nagsimula na akong bigyan ng pansin ang docu na nasa harapan ko upang mabilis na rin matapos lalo na ngayong busy kami sa internship ay mahirap ibalanse ang ibang school works na kailangan din ipasa.

"Pero seryoso nga, Sining, bilib ako sa'yo. Advice ko lang, kung mahahanap mo 'yong bagay na makakalaya ka...gawin mo." aniya.

Never have I ever received such advice mula sa isang taong malapit sa buhay ko. Hindi man lahat alam ni lycka pero kahit pa-paano ay alam niya ang takbo ng buhay ko. Marami naman akong kaibigan pero siya lang ang bukod tanging sinabihan ko sa mga problema ko dahil alam ko na naiintindihan niya ako dahil 'gaya ko ay magkapareho kaming pagod na sa buhay.

"Salamat sa advice. Noted 'yan sa kokote ko!" masigla kong sambit.

"Ano ba kasi talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo, ha, sining? Ano ba gusto mong marating? Ano ba pangarap mo, ha? Para tulungan tayo makamit ang mga pangarap natin sa future."

Hindi ko rin alam kung ano ba gusto ko...masyado akong nasanay na magulang ko ang nagdedesisyon sa akin kaya hindi ko talaga alam.

"Ewan ko rin, pangarap ko talaga magkaroon ng pangarap."

"Kakaiba ka talagang babae, Sining."

Natawa na lamang ako sakaniya dahil sa nagsimula na naman maningkit ang kaniyang tingin sa akin at mag-ala siopao ang kaniyang pisngi...chubby kasi si lycka na may salamin na suot.

"Correction, lahat ng babae ay kakaiba!" wika ko.

Napailing lamang siya sa akin at nagsimula na rin magfocus sa docu na nasa harapan niya.

"Pero ayon na ba talaga 'yong pangarap mo? Wala ka ba talagang pangarap?" tanong ni lycka.

"Ayon nga, seryoso 'yon. Pangarap ko magkaroon ng sariling pangarap. Ikaw ba? Pagka-graduate, anong balak mo?"

"Gusto ko maging successful na businesswoman. Pangarap ko talaga 'yon, eh. Kaso feeling ko papalpak ako...sa school pa nga lang palpak na, eh. Baka kung ano na lang mapasukan ko ay ayos na 'yon! Ipapasantabi ko muna 'yong pangarap kong 'yon."

Isang minutong katahimikan ang nanaig sa RD. May mga tao rin naman dito at mga naglalaro ng table tennis sa kabilang dulo pero katahimikan ang bumalot sa amin ni lycka.

"Lycka, huwag mong sukuan ang pangarap mo. Lagi mong tatandaan na may taong hindi nagsasawang sumuporta sa kakayahan mo. Palagi akong nandito para suportahan ka hanggang sa maubos ako."

Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni lycka dahil mas tinuon ko ng pansin ang docu na aking binabasa.

Sa mundong magulo, mahirap humanap ng totoong kakampi kaya kung mayroon nang dumating at nasa harapan ko na mismo, gagawin ko ang lahat para manatili siya kahit na ikauubos ko pa. Malungkot mapag-isa sa mundong magulo...at malungkot din lumaban mag-isa sa giyera ng buhay.

•••

Pinag encode lamang ako ngayon sa internship. Pinagamit sa akin ang office laptop at doon pinag encode ng mga hindi ko maintindihan na mga numbers sa excel. Iyong si pol-sci student ay nasa storage room, buhatan kasi ng box at ilalagay sa top shelf kaya sakaniya ito pinagawa.

"Okay, you can take your coffee break now." deklara ni ma'am nej.

Agad kong tinungo ang pantry, hinintay ko muna matapos 'yong iba sa pagtimpla ng kape bago 'ko. Nagtimpla ako ng dapat para sa sarili ko lamang kaso naalala ko iyong kasama ko, kawawa naman cold type pa naman 'yon baka sakali kapag tinimplahan ko siya ng kape ay uminit na ang pakikitungo no'n sa akin.

Hawak hawak ang dalawang tasa ng kape sa magkabilaang kamay at tinungo ko ang storage room. Bukas ang pinto nito at nakita ko kaagad ang pawisan na lalaki na nakasuot ng itim na t-shirt, jeans, at sneakers. Basa ng pawis ang likuran nito at halata sa marka...wala naman kasing aircon sa storage room kaya bukas ang pinto palagi.

"Kailangan mo ba ng tulong?" alok ko at napalingon naman siya.

The way he looks with the sweat on his face made him two times more attractive than his natural look.

Teka---Sining, anong iniisip mo? Stop with this kind of thoughts about him! Oo, gwapo siya and all pero tandaan mo, above all else, guard your heart!

"Coffee?" alok ko ng isang tasa. Hindi naman na siya puwede tumanggi dahil nakapagtimpla na ako.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang inaalok kong kape.

"Thank you." sambit niya sa tono na nakakaakit.

"Nilagyan ko ng cappuccino 'yan. Sakto lang ba 'yong pagtimpla ko? Pasok ba sa panlasa mo?" tanong ko no'ng sinimulan niya itong inumin.

"Hmm, not bad. Masarap."

"Ahh, good. Buti naman kung gano'n."

Pumasok ako sa loob at napasandal sa nakatambak na box sa may gilid. Hinihigop ko lamang ang kape ko habang tinitignan ang lalaking umiinom din ng kape at nakatingin sa mga shelf. Baka iniisip ang pag-a-arrange ng boxes ng maayos kahit na nasa coffee break pa kami.

Minsan hindi ko maiwasan na siya'y titigan...dahil siguro curious rin ako sa pagkatao niya.

"Your stare...stop it." Aniya na kinabalik ng diwa ko.

Nakatitig nga pala ako sakaniya na baka napansin niya sa pamamagitan ng peripheral vision.

"Don't just stare, talk if you have anything to ask." aniya.

Napatigil ako sa pag-inom ng aking kape at medyo napanguso pa nga.

"Nagtataka lang kasi ako kung bakit napaka-ilag mo sa'kin...ganiyan ka ba sa ibang babae?"

Hindi siya sumagot bagkus uminom lamang siya ng kape.

"Hulaan ko na lang kung bakit ka ilag sa akin..." sambit ko at napatingin siya sa akin habang umiinom ng kape.

"Hula ko, nagtitimpla ka no'n ng kape tapos 'di mo sinasadyang mabuhos 'yong atensyon at oras mo sa maling tao...gano'n ba 'yon?" pagbibiro ko.

Napatingin siya sa akin na nakasalubong ang kilay sa gitna at bahagyang nakataas pa nga ang kaliwang kilay nito.

"Joke lang 'yon, huwag ka magalit! Masyado ka kasing seryoso tignan...gano'n ba kapag law student?"

"I don't know."

"Magkaiba ba ang political science at law? Parang same lang naman kasi sila...lamang lang ang law sa field of studies siguro."

"Political science is different from law."

"Bakit hindi ka na lang naglaw? Why pol-sci?" tanong ko upang magpatuloy tuloy ang agos ng aming pag-uusap.

"Political science is different from law. Lagi mong tatandaan 'yan." aniya na medyo authoritative ang tono.

Wala naman akong alam sa ganitong bagay dahil lumaki na lang ako na business ang para sa akin at ito ang dapat kong tahakin.

Tinignan ko lang siya with a puzzled look while drinking my almost empty cup of coffee.

"Political science is the study and theoretical look at politics in general. Law in themselves are written rules we stand by, that are reflected from our social and cultural normal."

"Huh?"

Medyo napanganga ako ng kaunti sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan 'yong sinabi niya sa totoo lang. It's hard to understand something na hind mo naman talaga maintindihan in the first place at malayo sa field na tinatahak mo.

"Law is concrete rules, political science is theory and study of politics. Understand now, business?" aniya.

"Ahhh! I somehow understand a bit. Thank you, pol-sci! And sana someday you'll be a good lawyer. May plano ka ba mag take ng law?"

"I'll think about it..." aniya at inubos na ang kaniyang kape sa isang tunggaan.

"Thanks for making me coffee." sabi niya sa mapang-akit na boses ulit.

"Wala 'yon, akin na 'yong tasa ako na maghuhugas at magbabalik sa pantry."

Lumapit ako sakaniya upang kuhanin ang tasa ngunit agad siyang naglakad patungo sa pintuan.

"No, I'll wash this. Ikaw na nagtimpla, baka isipin mo inaabuso kita at isipin ng iba rito na binu-bully kita." aniya.

"Okay lang 'yon, ano ka ba! Mabait kasi ako! Atsaka i-e-explain ko naman sakanila ang totoo, eh!"

"Huwag na, ako na. Baka kasuhan nila ako ng Republic Act 10627." aniya atsaka na naglakad palayo.

Napa-iling ako sakaniyang sinabi...hindi ko gets kung ano ba 'yon...hindi ko rin alam ang ibigsabihin no'n. Akala ko matalino na ako pero may i-bo-bobo rin pala.

Tinungo ko ang pantry at nakita ko siya sa may lababo, hinuhugasan ang tasang kaniyang ginamit. Lumapit ako sa puwesto niya medyo may pagitan na tatlong hakbang mula sakaniya.

"Akin na 'yan, ako na maghuhugas. Isasabay ko na." kaniyang inilahad ang kanan niyang kamay sa akin at ibinigay ko naman sakaniya ang tasa ko.

Sa tanan buhay ko may isang tao rin na nag alok upang hugasan ang tasa ko. This little act of kindness really make me soft that it makes me feel like a girl.

"You know what's a good combination with coffee?" bigla bigla niyang tanong na parang bang pop quiz.

"Pandesal?" tangi kong nasagot.

Napakunot ang kaniyang noo dahil sa sagot ko. Hindi naman mali 'yon, walang matigas na tinapay sa kapeng mainit at pandesal sa umaga ang perfect combination ng kape! Kapag walang pandesal na kapares ang kape sa umaga, ang pangit ng bungad sa umaga no'n, ang pangit sa pakiramdam parang hindi kumpleto ang araw kung walang kape't pandesal!

"That's correct, pero do you not think book is a perfect combination with coffee?" aniya.

"Oo, isa rin 'yon!"

Nakasandal lamang ako sa counter top kung saan nakapatong ang lagayan ng mga plato, baso, kutsara at tinidor. Pinapanood ko lang siyang maghugas ng dalawang tasa.

"Mahilig ako magbasa ng libro." sambit ko.

"Me too. What kind of genre do you read?"

"Hmm, more on life parang gano'n...about mental health issues...basta life na feeling ko makakarelate ako."

"Can I get some recommendation?"

Matagal pa akong nag-isip, pilit inaalala ang mga title ng librong nabasa ko dati. Ano ba maganda? Mitch Albom books? Paulo Coelho? Natapos na nga siya no'n maghugas tsaka ko lang naalala 'yong title ng isa sa mga gusto kong libro.

"Ahh! Kilala mo ba si Brian James?" wika ko.

Kaniyang pinupunasan ang basang kamay gamit ang sarili niyang panyo.

"Nope."

"Foreign author siya, iyonh kuwento niya ay 'yong unang librong nabasa ko na english novel at tungkol sa buhay...sa mga street children!"

"Anong title ng book?"

"Tomorrow, Maybe."

Bahagya pa siyang tumango-tango at kasabay pa nito ang kaniyang pagngisi.

"Maganda 'yon!" sambit ko.

"How about we do this, let's trade book. Dalhin mo 'yong tomorrow, maybe mo, dadalhin ko 'yong ipapahiram ko sa'yong libro."

Ito na yata ang pinaka matagal naming pag-uusap na dalawa. Unti-unti na yata siyang nagiging komportable sa aking presensya at nagagawa niya na akong kausapin.

"Osige, ayos 'yon." pagsang-ayon ko.

At ayon na naman siya sa tingin at ngiting 'yan. Even if his three step afar from where I stand, I can tell that his eyes are color brown and when he looks at me, I swear I can't breathe. Dagdag pa 'yong kaniyang pagngiti na ngayon ay masasabi kong nakangiti nga talaga siya dahil iyong dimple niya sa kaliwang pisngi ay baon.

I like how he smile and looks at me, and he's the only guy who have smiled and looked at me that way.

But no, sining. Above all else, guard your heart! That smile and the way he looks at you will always be the smile and looks of heartache. You had enough of heartaches, sining. Please, this time, guard your heart!

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro