Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Feb-ibig

•••

Nagchat sa akin si ma'am nej kinaumagahan na balik na nga kami sa office. Habang kumakain ng almusal kanina kasabay ang magulang ko ay biglang tumawag si kuya jayson kay papa. Uutusan, makikisuyo. Agad naman na lumarga si papa patungo kay kuya jayson na hindi namin alam kung saan. Hindi pa nga masyadong tapos sa kinakain niya si papa.

Napaisip tuloy ako, may naalala lang. Baka tama nga no'n si pol-sci sa sinabi niya tungkol sa mga magulang kasi kahit galit at naiinis ako kay papa ay naaawa rin ako sakaniya. Sumusunod lang dahil sa utang na loob...parang ako. Tumatawid sa isang lubid na hawak ng isang tao.

Sa buong biyahe, habang naka suot ng earphone sa magkabilaang tainga at nakikinig sa awitin ni Angela Ken na Ako Naman Muna. Nakadungaw ako sa bintana ng jeep, iniisip pa rin ang tungkol sa re-def. Itinulog ko naman ito ng maaga kagabi para malimutan pero pag gising ko naalala ko pa rin.

Ganito siguro ako madisappoint sa sarili ko at mainis na rin sa mga kagrupo ko. Gusto ko mainis kina ellen at michelle pero hindi ko magawa dahil baka ito pa 'yong dahilan na makasira sa pagkakaibigan namin ni ellen. Ayoko no'n!

Pagpasok ko sa storage, ako pa lang ang tao. Wala pa si pol-sci. Lalo tuloy akong nalungkot. Nakalapag sa sahig ang aking cellphone. Nakikita ko sa screen nito na may nagcha-chat sa akin...si ellen. Hinayaan ko lang...hinayaan ko na lang sana kaso hindi ko kaya.



Ellen Villanueva: Ghorl! Pwede pa ss na lang yung docu tapos send mo dito? Di ko madownload yung file e! Bagal net! tnxx! :*



At dahil na-seen ko ang message niya parang responsibilidad ko na magreply ngayon. Ang pinaka weakness ko pa naman ay hindi ako marunong tumanggi at humindi sa mga favor ng kaibigan ko.



Sining Fedeli: Bakit di mo gawan ng paraan? Palagi na lang ako?



Pero syempre hindi ko talaga 'yon sinend. Binura ko ang bawat letra at pinalitan ng; "Sige."

Sa tingin ko habang ginagawa ang aking gawain dito sa storage room ay parang nawawalan ako ng enerhiya. Kinukuha ng uniberso lahat ng positive energy ko. Napapagod na naman ako.

Anong oras na dumating si pol-sci pero tinawag siya ni ma'am nej papunta sa kabilang building...magpapatulong sa pagbubuhat madami raw kasi kaya naiwan ako mag-isa ulit. Ayos lang naman 'to, ayoko lang makita niya na bad mood ako.

Late na ako nananghalian. Magbabandang hapon na yata. Tinapos ko muna lahat ng gawain ko para mawala saglit 'yong nagpapalungkot sa akin.

"Lunch?" nagulat ako no'ng may biglang magsalita. Ako lang kasi ang tao rito sa pantry dahil nga hapon na.

"Nandito ka na pala?"

Nakatingin lang ako sa lalaking nagrerefill ng tubig sa may water dispenser. Medyo gusot na ang suot nitong sleeves sa likod. Nakatupi ang manggas niya hanggang siko...tuck-in pa nga ito sa kaniyang itim na slacks.

"Doppelganger ko 'to." aniya habang lumalapit sa pwesto ko.

Umupo siya sa katapatan ko. Kaming dalawa lang ang tao sa pantry. Umiinom na rin siya ng tubig sakaniyang bagong refill na tumbler.

Nagkatinginan kami sandali...ako ang unang pumiglas...nagpatuloy sa pagkain. Pakiramdam ko nakatingin pa rin siya sa akin kaso wala ako sa mood para makipagharutan sakaniya ngayon.

"Long time no see?" aniya pero hindi pa rin ako nakatingin.

Narinig ko ang pagbagsak ng kaniyang inumin sa table at pag urong ng kaniyang upuan. Napasulyap ako sakaniya habang papunta siya sa may maliit na kusina rito sa pantry. Pero namukod tangi sa mga mata ko ang sunset na matatanaw sa glass window rito.

Ang ganda naman kasi ng mundo...ako lang 'yong malabo. Hanggang sa hindi ko namamalayan na ubos na pala 'yong kinakain ko.

"Here," sabay lapag ni pol-sci ng mug na may kape.

"Pero...I didn't ask you to..."

"I insist. Hindi ba't ganitong oras tayo nagkakape?"

Umupo siya sa aking harapan, hinahalo ang kaniyang kape.

"Ayos lang ba 'yong timpla ko? It's my first time." sambit niya.

Tinikman ko naman ang kape. Sakto lang naman ang lasa, hindi masyadong matamis at hindi masyadong mapait. Parang pareho lang kung paano ako magtimpla.

"Marunong ka naman pala magtimpla. Sakto lang. Salamat, pol-sci." nakangiti kong sabi.

"Sinunod ko lang kung paano ka magtimpla. Kung paano mo tantiyahin 'yong coffee and sugar, gano'n lang din ginawa ko. And also, Like you always do, I put a one small teaspoon full of cappuccino in both of our coffees."

I smiled while looking at him sipping his coffee. Hindi ko akalain na napapansin niya bawat galaw ko. Mababaw na dahilan pero he can make my intestine twirl and the butterflies in my stomach do crazy flips.

We just stayed quiet and drink our coffee. He was staring way too much na minsan nakakailang kaya napapatuliro ako ng palihim.

"Tigilan mo nga...ang pagtitig sa'kin. Nakakahiya." mahina kong sabi.

Buti kami lang tao rito kasi feeling ko naghaharutan kami!

"I'm not used to this." sabi niya.

"Pagtitig sa'kin?"

"Nope, yes too, but you being this quiet and not annoying doesn't make any sense to me. Are you okay?"

"Ayos lang ako timang!" natatawa kong sabi. "So, you like me being annoying ba?" nakangisi kong tanong sakaniya.

Seryoso lang ang tingin niya sa akin. Patay pa ang ilaw sa pantry pero maliwanag dahil sa liwanag ng sunset sa labas na sumasakop sa lugar. Ang kalahati niya ay nagkukulay paglubog. Iyong mata niyang dark brown ay kumikinang kinang sa paningin ko. Hindi ko alam kung sa akin lang o ano, pero 'yong mga tingin niya ay labis ang mga ningning. Para bang 'yong tala sa langit ay bumaba para lang tignan ako sa aking walang kabuhay buhay na mata.

"Pagod ka na ba?" seryoso niyang tanong.

Bahagyang napalaki ang mata ko sa sinabi niya. How I find it too emotional kaya napakagat din ako sa aking ibabang labi. Feeling ko teary eyed na ako pero pinipilit kong walang lumabas na luha.

"Does it hurt? Feeling too tired?" tanong niya ulit.

I was this close to crying...buti napipigilan ko pa. He was the first person who ask me kung okay lang ba ako at kung pagod na ba ako. Those questions are enough for me to let my frustrations out. But of course, I didn't. Pinipigilan ko pa rin. Hindi rito...hindi sakaniya. Napatungo na lamang ako sa table.

Narinig ko na naman ang kaniyang pagtayo pero hindi ko na tinignan pa kung saan siya pupunta. Baka ilalagay 'yong mug sa counter top.

Mayamaya narinig ko ang pag urong ng isang upuan sa aking gilid. Napatingin ako sakaniya...nakatingin naman siya sa labas.

"Umiyak ka na. Sumigaw ka kung gusto mo." aniya.

"Huh?"

"Sinara ko 'yong pinto. Sound proof ang mga office rito 'di ba? Atsaka wala ng pupunta ng pantry ng ganitong oras...diretso sa cr 'yong mga 'yon."

"Kahit na...hindi ako iiyak. Wala naman mangyayari...wala naman magbabago kung iiyak ako."

Prente ang pagkakaupo niya. Parang pahiga pa nga. Dalawang kamay niya nasa kabilaang bulsa ng kaniyang pants.

"It's true that crying won't solve things. But we don't cry to solve, we cry to release." sambit niya, nakatingin pa rin sa bintana. Sa sunset.

"O kaya isigaw mo na lang kung ayaw mo iiyak." dugtong niya.

"Ayoko nga...baka marinig nila...pagalitan pa ako."

Napanguso na lamang ako. Medyo nawawala na 'yong naluluha kong pakiramdam. Medyo kumakalma na rin.

"Mom! I'm not the perfect son you wish me to be! Stop expecting so much! Let me decide for myself! Ahhh!!" pasigaw niyang sambit na kinagulat ko.

Pinipigilan ko na siya sa pagsigaw niya dahil baka mamaya may makarinig sa amin. Kapag tinatakpan ko ang labi niya ay tinatanggal niya naman ito at patuloy sa pagsigaw.

At no'ng natauhan na siya ay napatingin siya sa akin na nakangiti. Abot tainga pa nga yata...labas kasi 'yong isa niyang dimple sa pisngi. Ito ang unang beses na gano'n kalapad ang ngiting pinakita niya sa akin.

"You try." utos nito. "Its refreshing."

Nagdalawang isip muna ako at napatingin sa labas...sa saradong pinto na gawa sa glass kaya kita pa rin kami sa loob. Wala naman sumita sa pagsigaw niya kanina...baka nga hindi rinig dahil sound proof ang lugar.

Napabuntong hininga muna ako. Sumulyap muna sakaniya at binigyan naman niya ako ng signal na parang nagsasabi na pwede na kong sumigaw ngayon.

"Pagod na ako..." mahina kong sambit.

"Louder. Isigaw mo."

"Pagod na ako! Pagod na pagod na pagod na ako! Nakakapagod maging anak at maging kaibigan niyo! Ako na lang palagi! Pagod na rin kaluluwa ko! Gusto na namin magpahinga! Kung pwede lang magpahinga kahit saglit lang...kung pwede lang talaga! Hindi ko alam kung kinulang ba ako sa dasal o kinulang sa swerte! Kailan niyo kaya mararamdaman 'yong pighati ko!? Hanggang kailan kayo ang uunahin ko!?"

Iyong matagal ko ng pinipigilan na luha kanina ay lumabas na nga ng tuluyan. Alam kong nakatingin sa akin si pol-sci, nakikinig sa mga dalamhati ko.

"Oo na, you're proud of me! I'm always been admired and all but never really loved! Ka umay kayong lahat! Sa totoo lang, sa tingin ko, 'yong kaligayahan niyo ay parang responsibilidad ko palagi at pagod na pagod na ako! Ahhhh!!"

Habang sumisigaw ako, sinabayan ako ni pol-sci. Kaming dalawa ay sumisigaw na parang ewan.

"Huwag kayong umasa lang sa akin! Magkusa rin kayo! Huwag niyo abusuhin ang kabutihan ko, please lang! Oo, kaibigan ko kayo pero please lang, parang awa niyo na, gampanan niyo rin ang parte niyo! Hindi ako nagmumura pero fuck shit!" sigaw ko.

"Friendship causes heartbreaks too! Kaibigan pa rin naman ang maitatawag sa'yo kung gagawin mo ang tama, 'di ba!?" pasigaw na sambit ni pol-sci.

Napatingin ako sakaniya at gano'n din siya sa akin. Unti-unti ko naman pinupunasan ang aking basang pisngi gamit ang aking kamay.

"Stop letting people who do so little for you control so much of your mind, feelings, and emotion." seryoso niyang sabi sa akin.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Inabot niya sa akin ang kaniyang panyo na akin naman tinanggap para ipunas sa aking basang pisngi.

He stood up and went to the door. Binuksan niya na ang pinto tapos kinuha ang mugs sa table at lumapit sa lababo.

"I'm proud of you, sining." mahina pero rinig kong sabi niya.

He was facing his back at me kaya hindi niya makita ang pagngiti ko. Dahil ayon yata ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at lumapit sakaniya.

"Ako na r'yan." sambit ko at inagaw sakaniya ang sponge at mug.

"No, Ako na."

"Ano ka ba! Give and take dapat tayo! You gave me coffee kaya I'll take the mugs."

Hindi na siya nakipagtalo pa. Hinugasan niya ang kaniyang kamay bago umatras ng ilang hakbang sa likod ko.

"Salamat, seann." mahina kong sabi pero feeling ko naman na narinig niya dahil bago umalis ay dalawang beses niyang tinapik ang balikat ko.

Totoo ngang nakakarefresh ang pagsigaw. Habang nasa biyahe ako pauwi ay napapangiti ako sa kawalan. Handa na naman akong tiisin ang kung ano mang magaganap sa akin dito sa malabong mundo.



02-10-19
10:43PM

So, there's this guy...seann vicente merced ang full name...polsci ang tawag ko sakaniya. Nasulat ko na din rito ang tungkol sakaniya. Hindi ko alam kung anong pahina pero naisulat ko na siya.

So, this guy...polsci...I like him. A lot. Like a lot, a lot. He gives me so many butterflies, feelings, and emotions I can't seem to put into words. And he has the cutest smile! Lalo na yung dimple niyang baon sa kaliwang pisngi...malapit sa dulo ng kaniyang labi. He was everything I need. His smile, personality, laugh, eyes, voice...literally everything!

Gusto ko sana sabihin na gustong gustong gusto kita! Pero wala pa akong lakas ng loob.

He was always there and even in the middle of my chaos, there he was. He's the calm to my storm. Nawawala palagi ang lungkot na aking nararamdaman dahil nandiyan siya. I want him to stay beside me. Dito ka na lang sa aking piling...kung papayag ka.

Dear polsci,

I am afraid to fall in love but if it's you, then I'll try.

-Sining.

•••

Isang araw bago sumapit ang Valentine's day. Inutusan ako ni ma'am nej na tumulong sa pagdedesign ng office. Puro paper hearts at paper roses ang ginawa ko.

"Business," tawag sa akin ni pol-sci.

Mag isa lang kasi siya sa storage ngayon dahil nandito ako sa main hall. Pinaglilinis siya ni ma'am ng storage.

"Hmm?"

"Kukunin ko sana 'yong attendance notebook...baka iuwi ko na muna. Kailangan ko lang para sa ojt report ko."

"Ahh, okay. Pakuha na lang sa bag ko. Kulay brown na notebook 'yon!"

Tinignan niya muna ang paligid pati na rin ang ginagawa ko sa mga colored paper.

"Pfff, ang korni." aniya sabay talikod paalis.

"Bitter!" sigaw ko.

Valentine's day, araw na makukuha namin ang aming allowance sa internship. Isa rin 'yan sa hinihintay ko dahil ang mga nakukuha kong allowance rito sa internship ay iniipon ko para pagka-graduate ko ay makapagpatayo ako ng sarili kong small business.

Wala naman masyadong ganap sa office. Mga nagbigayan lamang ng bulaklak ang staff sa bawat isang empleyado. Iyong chocolate ay depende kung may magbibigay sa'yo. Hindi rin naman ako binigyan ni pol-sci ng kahit na ano. Hindi naman ako umasa. Siguro, oo, pero slight lang.

Maaga kami nag-out. Sabay pa nga. Buong araw sa office ang tahimik lang ni pol-sci. No'ng inaya ko siya magkape hindi naman siya nagsalita. Ininom niya 'yong kape tapos hinugasan 'yong mugs namin.

"Gusto mo ng zagu? Libre ko!" aya ko.

"Ahhmm," sabay tingin niya sakaniyang relo.

"Dali na! Minsan lang kita ilibre, eh! Tara! Dali!"

Hinatak ko siya papunta sa kabilang kalsada. Nagsalita naman na siya no'n para sa flavor ng order niya. Tumigil kami sa may overpass kung saan paborito ko na yatang pwesto rito. Lalo na ang panonood sa pagdaloy ng mga sasakyan sa baba.

"Okay ka lang ba, pol-sci?" tanong ko sa umiinom sa aking tabi. Likod niya ang nakaharap sa tanawin.

"Mmm,"

"Weeh? Feeling ko ang cold mo! Kahit na tinimplahan na kita ng kape."

"Mmm,"

"Kitams?"

Nakadungaw pa rin ako sa labas, iniinom ang aking inumin. May napansin lang akong dalawang bata na may kasamang babae...mama siguro nila. Iyong dalawang bata may hawak na cellphone...naglalaro yata.

"Hay, kawawa naman mga bata ngayon. Hindi nila mararanasan 'yong saya ng totoong pagkabata. Iyong mga laro, gano'n. Hindi nila alam 'yong mawawalang experience sakanila." mahina kong sambit.

"Not quite, I mean, they wouldn't know those experiece but I think most things in life can be figured out through a book. And any uncertainties in life can be resolved through the internet." sabi niya. Hindi ko alam kung nakatingin siya sa dalawang bata.

"No," pagtanggi ko sa sinabi niya. Nakatingin pa rin ako sa mga bata. "...by far the best proof in life is experience." dagdag ko.

Napatahimik kami sandali. Tapos parang out of nowhere inisip ko na lang 'yong tungkol sa future ko.

"I'm really gonna be something by the age of twenty-three." mahina kong sabi.

Bigla na lamang umingay ang paligid dito sa overpass dahil sa isang grupo ng kabataan na namimigay ng mga bulaklak sa bawat kanilang nararaanan. May mega phone ang isang binabae at sumisigaw ng; "Happy valentine's day! Free roses and card!".

"Heto po, ate." abot ng isang binata sa akin ng isang rosas at maliit na card na may love quote na nakasulat.



Simple lang ang buhay, piliin mo kung saan ka sasaya.



"Ang korni." mahinang reklamo ng katabi ko, nabasa yata ang nakasulat. Napangisi ako dahil sa sinabi niya.

Nauna siya sa paglakad palayo patungo sa hagdan pababa ng overpass. Sumunod naman ako sakaniya na nakasanayan ko naman na gawin kahit hindi niya na sabihin o tanungin kung sasabay ba ako o hindi.

And I feel this gravitational pull towards him, like the universe and the galaxies had a talk and said, "Sining, It's time."

"Pol-sci, wait!" pagtigil ko sakaniya sa pagbaba ng hagdan.

"Bakit?"

He was looking at me with those dark brown eyes.

There's something about him that I can't explain. But whatever it is, It makes me want him in ways I can't even describe.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro