Kabanata 13
Lumipas
•••
"Ang taray mo ghorl, ah? Ano tawag diyan, ha? Bad girl act of sining twenty eighteen?" natatawang sabi ni ellen.
Inaya ko silang dalawa ni lycka na gumala naman kami. Naka christmas break din sila sa ojt kaya pumayag naman sila lalo na't napaka rare ng opportunity na ito sakanila na makasama ako sa galaan. Sinunod ko kasi ang sinabi ni jaq sa akin kagabi. Hindi ko sinabi kay na papa na christmas break ko sa ojt kaya akala nila nasa office ako ngayon. Masama magsinungaling pero sila ang dahilan kung bakit ako natuto at kung bakit ako nasasanay mag lihim sakanila.
"Gaga, takas pa rin siya! Akala ng papa niya may pasok 'yan ngayon sa ojt, half day!" natatawang sabi ni lycka.
"Bad girl act of sining twenty eighteen nga! Hahahaha!" sabi ni ellen.
"Ewan ko sainyong dalawa. Trip niyo ko!" sabi ko sabay kain ng chicken fillet.
Nandito kami ngayon sa BGC, naglakad lakad at nagpicture picture sa kung saan magandang background dahil pang instagram worthy raw ang lugar which is totoo naman. Kanina pa kami lakad ng lakad dahil nag suggest si lycka na subukan namin ang % Arabica. Milktea shop daw pero may tinitinda ring kape. Ayoko kasi ng milktea...lasang gamot siya para sa'kin.
Ilang libot na kami, napuntahan na namin ang isa at pangalawang branch ng % Arabica rito sa BGC pero halos parehong walang available seat kaya nauwi kami rito sa Mcdo.
"Anyway, okay lang 'yon ghorl! Buti naisip mo 'yong idea na 'to kasi sa totoo lang, college student ka na tapos nasa legal age ka na rin pero hindi ka pa rin pinapayagan gumala ng magulang mo! Tinatrato ka naman nila masyado na parang five years old!" sabi ni ellen sabay kain sakaniyang spaghetti.
"Natatanging anak kasi atsaka babae!" sabi ni lycka.
"So what kung girl siya? Lalaki lang ba puwedeng gumala at payagan gumala kasama mga tropa? Lol! Mga mindset ng ilang magulang kakaiba rin!" sabi ni ellen.
Pinagpatuloy ko lang ang aking pagkain. Nasanay na lang ako siguro na tapusin muna ang pagkain bago magsalita. Nagpatuloy lang sa pagkuwento at pag rant si ellen tungkol sa mga nakikita niya sa paligid at tungkol din sa pag-ibig niyang one sided.
"Kaasar nga, eh! Hindi ko alam kung manhid ba 'yon o ewan? Like, duhh! Kapag kailangan niya ng tulong lagi ko siyang tinutulungan! Same vibes pa kami sa music! Pinakonek ko pa siya sa netflix namin! Hindi 'yon galawang pang kaibigan lang forever! Ang pangit niya na nga tapos manhid pa siya? Dapat pala singilin ko siya sa pagkonek sa netflix, eh! Ang unfair talaga! Ang pangit niya talaga maging crush!" reklamo ni ellen.
"Gaga ka kasi sa pag-ibig! Ayon lang 'yon, beh! Tanungin mo si sining, ganiyan din sasabihin niya sa'yo! 'di ba, sining?" ani lycka.
Nakatingin sila sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko kaya naman itinigil ko ang aking pagnguya para sabihin ang aking opinyon na hindi naman siguro importante para sakanila.
"Hmm, siguro ellen, kung hindi ka gusto ng taong gusto mo dapat hindi ka magreklamo, eh. Kasi may mga tao rin naman na 'di mo gusto pero gusto ka. Hindi ba't patas lang ang lahat?"
Tinignan lang nila akong dalawa. Napaisip tuloy ako kung tama ba 'yong sinabi ko? Dahil pagod ako sa paglalakad kanina tanging pahinga at itong kinakain ko lamang ang nasa isipan ko ngayon.
"So, meaning to say hindi niya ako gusto? Ouch naman 'yon!" pagdadrama ni ellen.
"Ang sa akin lang, kung 'yong taong gusto mo ay ayaw sa'yo...hayaan mo na lang. Malay mo sa mga susunod na araw, eh, ayaw mo na rin sakaniya...naunahan ka lang?" sabi ko.
"Wow, coming from you pa talaga, ha?" natatawang singit ni lycka.
"Bakit? Totoo naman 'yon, ah? Dapat gano'n kasi!"
"Oo beh, dapat gano'n ginawa mo dati! Pero ano pang magagawa natin, 'di ba? Past is past. Kahit ako noon gaga ako, eh! Lalo na 'yong nangyari sa'kin..." sabi ni lycka.
"Bakit? anong meron sa past, ha? Huwag mo na ibalik 'yong nangyari sa'yo last sem, lycks! Gaga ka kinabahan ako sa balitang 'yon, eh! Gusto ko malaman 'yong tungkol kay sining!" excited na sabi ni ellen.
"Hindi naman importante 'yon. Hindi mo na kailangan malaman pa. Kasi kahit malaman mo wala ng magbabago pa..." natatawa kong sabi.
Nagpatuloy lang sa pagdaldal si ellen tungkol sa lovelife niyang sawi sa childhood tropa niyang lalaki.
"Hay nako! Ang duga talaga ng pag-ibig!" wika nito sa huli.
"Para saan pa 'yong utak mo kung hindi mo rin gagamitin? Puro puso at feelings inuuna mo, gaga ka beh!" pangangaral ni lycka kay ellen.
"Oo nga pala lycka, kumusta ka naman pala? Nakapagpacheck up ka ba last time?" tanong ko habang may nginunguyang pagkain sa bibig.
"Oo beh, nakapag pacheck up naman ako. Kaso may panibago na naman akong problema! Taragis na buhay 'to!" aniya.
"Ano 'yon teh! Spill!" sabi ni ellen habang kumakain ng kaniyang chicken burger.
Ikinuwento muna ni lycka ang tungkol sa pcos niya at kung paano ang ginawang pagcheck up sakaniya ng doktor.
"Beh! Ipinasok ng doktor 'yong dalawang daliri niya sa kweba ko! Tapos napa aray ako sa sakit kasi alam mo naman, birhen ako physically pero mentally hindi na. Ang sakit beh! Sabi ko sa doktor huwag na masakit po! Feeling ko paungol pa 'yon!" natatawang pagkwento ni lycka.
"Gaga ka lycks, buti 'di mo sinabi ughh more! Kingina mo ghorl! Hahahaha! So, boy ba yung doktor?" sabi ni ellen.
"Gaga! Babae 'yon!"
"Sayang naman!"
"Anyways, sabi sa'kin ng doktor normal naman daw na gawin ko 'yon...iyong mag masturbate. Mas masama raw sa kalusugan kung hindi.Tapos ayon niresetahan niya ako ng gamot na dapat ko i-take. More on insulin."
"Teh, payong kaibigan lang, mas masarap mag masturbate kapag may kasama, ang lungkot kapag mag-isa!" sabi ni ellen at natawa ako sa sinabi niyang 'yon.
"Gagu ka talaga! Gawain mo talaga, eh, noh? Huwag mo ipasa sa'kin please lang, ellen." sabi ni lyca sabay hampas nito sakaniyang braso. Tumatawa lang sakaniya si ellen.
"Hindi naman talaga masama 'yon, eh? Hindi rin masama maging sexually active." bulalas ko.
"Wow! Coming from you pa talaga ghorl, ha? Sa isang un-experienced, never been touched, held, and kissed! Sa isang birhen maria na pangalan ay sining. No boyfriend since strict ang parents! Wow, surprising!" pag-react ni ellen.
"Huh? Nabasa ko lang 'yon sa isang libro dati...kaso romance novel nga lang. Grabe ka naman mamersonal ellen! Parang hindi kaibigan, ha?" sambit ko.
"Hay nako, romance novel na naman? Hindi lahat ng nasa libro ay totoo! Minsan ibase mo rin sa experience. Hindi naman kadalasan ng mga author ang sinusulat nila ay makatotohanan o nangyari sakanila in real life. Kaya nga 'yang mga novel books mo, iyong mga author no'n? Ginagawa lang nilang escape mechanism ang pagsusulat. Try mo magsulat kung pangit ang buhay mo, sa tingin mo ba isusulat mo sa karakter na ginawa mo pangit din?Syempre hindi, happy ending dapat 'yan. Gusto mo matupad lahat ng goals no'n sa huli tapos may character development pa. Pero beh, do'n tayo sa totoo lang...hindi gano'n sa totoong buhay." saad ni lycka.
May punto naman siya ro'n. Lahat nga ng gusto kong mangyari sa buhay ko ay madalas hinihiling ko na sana kagaya nga sa mga binabasa kong novel books. Kung saan nasa gitna lang ang problema tapos the rest is happy happy na. Na ang ending palagi ay magiging masaya ang bida sa huli. Pero may punto talaga si lycka...hindi naman talaga happy ending sa totoong buhay.
Malungkot mamatay pero lahat naman ng tao mamamatay sa huli...happy ending ba 'yon? Napakabihira lang din matupad ang isang pangarap lalo na kung iyong pangarap na 'yon ay napakamahal. Napaka hirap abutin. Napaka imposible tanggapin ng sariling magulang natin. Kaya nga libre lang mangarap kasi walang singilan, kahit ilan pa piliin mo...swertihan lang kung may matutupad kahit isa lang do'n sa mga 'yon. Tapos may character development pa na kadalasan ay posible lang naman sa mga kwentong nobela at drama sa tv o sinehan nangyayari. Sa tingin ko physical development lang naman ang kaya ng tao dahil 'yong character puwedeng manatili, mabuti man o masama o kaya minsan pasama ng pasama depende sa sitwasyon. Mapanghusga't mapanglait kasi ang tao.
"Alam mo ellen, kung may pipili man sa'yong lalaki sana si God na lang." wika ko sa sinabi niya kanina na tinawanan naman ng dalawa.
"Ayy 'wag naman ghorl! Parang 'di ka naman friend no'n?" natatawang sabi ni ellen.
"Anyways, mabalik tayo sa topic kanina. Si mama may sakit diabetes...kaya taragis, beh, wala na akong tulog! Part time, OJT, tapos school pa! Jusku!" pagkukwento ni lycka ng patuloy tuloy.
Nakikinig lang ako sa hinaing ni lycka tungkol sa karamdaman ng kaniyang nanay no'ng biglang magvibrate ang cellphone ko sa bulsa ng aking jeans. Kinuha ko ito at binuksan. Nakalimutan ko palang patayin iyong data connection kaya may mga notification na nagpop up.
Pagbukas ko ng messenger may request message na nakaabang. Akin itong binuksan, profile niya ay isang anime character na feeling ko napanood ko na dati, o ewan.
Seann Vicente Merced: Merry Christmas, business.
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa pagkagulat na hindi ko naman pinahalata...dahil may kaunting saya rin akong nadama!
"Bakit? Nabuking ka na ba?" tanong ni lycka sa akin na nag-aalala.
"Ha? Hindi...wala 'to. Humikab lang ako."
Hindi na ako pinansin ng dalawa at nagpatuloy na sila sakanilang pinag uusapan.
Hindi ko alam pero feeling ko may fiesta na sa aking tiyan...iyong mga paru-paro sa loob no'n ay mukhang nagpapandangguhan na sa saya.
May isa pang request message at group chat ito ng ka-department namin sa office.
Nej Nevarez added you to the group.
Nej Nevarez: Merry Christmas everyone! Batiin niyo na mga partners niyo! And me, din! :)
Ahh, akala ko pa naman hinanap niya ang facebook account ko at nagstalk ng mga kaibigan ko para tanungin ang account ko. Hindi pala. Nalaman niya sa gc na nauna pa siya maging member kaysa sa akin. Hiningi rin kasi ni ma'am nej ang facebook account ko kahapon.
Sining Fedeli: Merry Christmas din sayo polsci! :)
Pagbati ko sakaniya. Sunod ko namang binati ang nasa gc at nakipagbiruan pa nga ako kay ma'am nej na hihintayin ko ang regalo niya pagbalik ko sa office.
"Huy! Happy ka riyan, ah? Sino ka-chat mo? Lalaki, noh?" tanong ni ellen.
"Ahh, sa gc lang namin sa ojt. Bumati lang ako."
"Iyong totoo, sining?" pagdududa ni ellen.
"Tignan mo pa!"
Ipinakita ko sakanila ang screen ng cellphone ko na nakabukas sa gc namin sa office para maniwala sila sa akin.
"Okay, okay, chill!"
Nagtawanan lang sila sa akin. Halata bang guilty ako at nagsisinungaling?
Sining Fedeli: Pasalubong ko ha? ;)
Sent.
Seen.
•••
Limang araw pa ang tinagal ng pagsisinungaling ko kala papa't mama tungkol sa internship ko. Limang araw rin kaming gumagala nila lycka at ellen no'n sa mga malalapit na pasyalan lamang. Pumunta kami sa MOA, doon kami sumakay ng viking at ferris wheel. Pumunta rin kami sa may seaside ng lugar upang panoorin ang sunset. Pumunta rin kaming intramuros, tamang picture-picture lang sa lugar para sa instagram feed namin. Tapos kinumpleto pa namin ang pagbisita sa mga museo sa national museum...national museum of planetarium ang gusto ko. Maliit pero ang ganda ng mga kulay lalo na ang mga makukulay na planeta na nakasabit sa kisame. Pero ang tanging pumukaw sa akin ay ang buwan...sa isang monitor na nakadikit sa kisame. Kinuhanan ko ng litrato ito na kasama ang isa kong kamay na naka peace sign pa nga.
The rest of those days, namasyal na lamang kami sa mga mall. Naghanap ng mga shop na makakainan na medyo bago para sa amin...na halos lahat naman ay bago. Doon ko lang narealize ang saya palang magliwaliw paminsan minsan kasama ang mga kaibigan. Nakakatanggal ng pagod. Sa limang araw na 'yon...hindi ako nakonsensya sa magulang ko. Lalo na't binibigyan pa nila ako ng baon.
Sa limang araw na 'yon, pinili ko ang gusto ko. Hanggang sa maisipan ko na lang din na tapusin 'yon sa ika-anim na araw. Palagi akong tinatanong ni papa tungkol sa internship ko na sinasagot ko ng kasinungalingan. Nakonsensya na lamang ako lalo na't sa perang binibigay niya.
Media noche ngayon, busy si mama at papa sa baba samantalang ako ay nasa aking kwarto. Nakahiga ako sa aking kama, hawak ko ang aking cellphone at tinitignan ang convo namin ni pol-sci no'ng pasko.
"Seen lang talaga?" dalamhati ko.
Naisipan ko rin i-stalk ang account niya pero 2014 pa ang huling post...iyong profile pa nga niya 'yon na lalaki sa isang anime na title raw ay Hyouka...tinanong ko kala ellen. Nagdalawang isip pa ako no'n kung I-a-add to friend ko ba siya o hindi dahil baka isipin niya ay napaka f-c ko naman. Pero sa huli in-add ko pa rin siya.
"Hindi pa rin ako ina-accept...ano kaya 'yon?" pagkakadismaya ko.
Kahapon, bumili ako ng libro no'ng mapadaan kami sa NBS. Genre ay mystery na parang paboritong genre ni pol-sci dahil sa librong pinahiram niya sa akin na hindi ko pa natatapos at naibabalik. Hindi ko alam kung bakit ako bumili at itinago 'yon sa bag ko para hindi makita ni papa.
Habang binabasa ko naman 'yong libro niya, na-i-imagine ko na siya 'yong paborito kong karakter doon...o may mga karakter na nahahalintulad ko sakaniya. Tapos napabili rin ako ng long tee na hindi ko namamalayan na kakulay ng mata niya...dark brown. Iyong kinanta niya no'ng christmas party sa office no'n ay halos gabi-gabi kong pinapakinggan. Iniisip ko kung habang pinapakinggan ang kantang 'yon ay ano ba ang nararamdaman niya? Hanggang sa pinapakinggan ko na rin halos ibang kanta no'ng bandang 'yon...baka kasi paborito niyang banda at nagugustuhan ko na rin. May mga time na habang nasa biyahe at nakasakay ako sa jeep ay hindi ko alam pero nagbabaka sakali akong nandoon din siya...sa jeep na sinasakyan ko...o 'di kaya'y kasunuran lang...na alam kong imposibleng mangyari.
Hindi ko alam kung bakit ako naging gano'n sa mga bagay na ginagawa ko lalo na ngayong christmas break at matagal kaming hindi nagkikita.
"Am I...truly..." wika ko habang nakatingin pa rin sa screen ng aking cellphone na paulit-ulit ko lang ni-re-refresh.
If this is what love feels like, I am seeing him in everything I do.
•••
TBC.
AN//: Malamig at maulan na panahon (at kung ano-ano pang pangyayaring nangyari no'ng nakaraan). Keep safe and dry! At sa mga achievements na inyong natanggap ay binabati ko kayo! (maliit man o malaki/ may handa man o wala/ pumasa man o pasang-awa o hindi ay dapat i-celebrate pa rin natin dahil you did your best, you put effort and those efforts are enough ( if not, it's okay. Change perspectives but never the goal). Padayon, mambabasa! Padayon sa mga gusto niyong gawin sa buhay!). Tara, kape?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro