Kabanata 12
Tadhana
•••
12-19-18
01:48AM
Nahulog na yata talaga ako sakaniya. Kay pol-sci. May sabi sabi pa ako sa sarili ko na, Above all else, guard my heart? Tapos tatapilukin niya lang pala ako? Sana magustuhan niya yung mumurahin na t-shirt kahit na alam kong mga branded at mamahalin ang hilig niya. Yung boses niya kanina ang sarap pakinggan tapos panay tingin pa siya sa akin...crush niya rin yata ako ayaw pang umamin!
Pero natatakot akong umamin. Paano kung hindi niya rin ibalik yung pagmamahal ko kagaya ng kay jaq? Paano kung bigla na lang din kami hindi mag-usap at hindi magpansinan? Bakit kailangan ko pang umamin? Masaya na ako sa ganito.
- Sining.
Dahan dahan kong isinara ang aking notebook at ipinasok ito sa aking bag. Binasa ko ulit 'yong last entry ko sa aking diary no'ng nakaraan. Imbis na iyong notebook para sa attendance namin ang nakuha ko ay 'yong diary ko pala.
Pagkatapos ng christmas party sa office nagpaalam pala si pol-sci kay ma'am nej na sa january pa siya makakapasok ulit dahil magbabakasyon sila sa probinsya. Hindi man lamang niya ako sinabihan...natambak tuloy sa akin ang gawain at mag-isa lang ako sa storage. Walang kausap habang ino-organize 'yong mga documents.
"Sining..." sambit ni ma'am nej no'ng inabot ko sakaniya ang isang papeles na pinapahanap niya sa akin.
"Yes po ma'am?"
"Pasko na bukas, huwag ka na pumasok. January ka na lang din pumasok."
"Ahh, baka kailanganin niyo po ako. Puwede naman po ako. Wala naman po akong pupuntahan, hindi naman po kami magbabakasyon."
"Internship pa lang naman 'to, hindi mo kailangan magtrabaho na parang regular. Have fun during your christmas break. Alam kong bukod sa internship na 'to may inaasikaso ka pa na school related things."
Nakakatuwa pakinggan na baka nag-aalala nga si ma'am nej sa akin. Dahil siguro kapansin pansin na ang itim sa ibaba ng aking mata. Pero ayokong hindi pumasok...ayoko sa bahay. Ayoko ro'n sa lugar na 'yon!
"Okay po ma'am. Noted po." tangi ko na lamang nasabi.
Alas tres ako nag-out sa office. Tahimik akong naglalakad sa tulay guadalupe. Sinisilayan ko ang itsura ng ilog habang naglalakad no'ng bigla akong mapatingin sa aking harapan, medyo may kalayuan ay napansin ko ang likod ni jaq kaya nagmadali ako sa aking paglalakad at nilapitan siya.
"Jaq!" sigaw ko kaya napalingon siya pati na rin ang kasama niyang babae.
"Ay, kasama mo pala si xowie." sambit ko.
"Sabay kami umuwi minsan. Pareho lang kasi kami ng pinapasukan na company." sabi ni jaq.
"Wow naman! bukod sa parang pinag-usapan, eh, parang itinadhana kayo, ah! Naks naman!" pagbibiro ko. Nanatili lang ako sakanilang likuran dahil medyo masikip ang side walk dito sa tulay.
"Para kang tanga! Sabay lang kami umuwi!" sabi ni jaq.
Nginitian ko lamang si jaq na mapang asar sabay kalabit sakaniyang tagiliran na kaniya namang ikinagulat kaya napabalikwas siya ng kaunti.
"Para kang ewan!" aniya.
Pinapanood lamang kami ni xowie.
"Aysus, pasensya ka na xowie, torpe kasi ang isang 'to!" natatawa kong sabi habang nakaturo kay jaq.
Seryoso lamang si xowie, hindi ko mabasa ang expression niya pero nakatingin siya kay jaq na parang nagtatanong.
"Halika na salem, hayaan na natin 'yan diyan." ani jaq at hinawakan sa balikat si xowie at pinaunang maglakad habang siya nasa likuran nito.
"Huy! wait! sabay sabay na tayo uwi!" paghabol ko sa dalawa.
Sabay sabay kaming naghintay sa pila sa terminal at sumakay ng jeep. Makatabi kami ni jaq sa loob, nasa likuran lang ng driver si jaq nakapwesto. Si xowie naman ay napahiwalay sa amin dahil wala ng masisingitan sa tabi namin...umupo siya sa bandang harapan namin, likod ng passenger seat, nakadungaw lang siya sa labas.
"Hindi ka mag ki-christmas break? Kailan tapos ng ojt mo?" tanong ni jaq.
"Hindi nga sana eh, kaso 'yong supervisor ko sabi mag christmas break din daw ako. February katapusan pa 'yong tapos ng internship ko."
"Bakit, ayaw mo ba mag bakasyon?"
"Bakasyon? Saan? Sa bahay? Alam mo naman na may daddy issue ako, 'di ba?"
"Ahh, oo nga pala."
Nanatili kaming tahimik. Ilang beses na rin may nagpaabot sa akin ng bayad at ilan na rin ang pumara't sumakay dito sa jeep.
Tinignan ko si jaq na nakatingin kay xowie tapos si xowie nakadungaw pa rin sa labas. Ngayon ko lang napansin na tuwing kasama namin si xowie noon sa cafeteria o mapadaan lang siya sa table nila ay palagi siyang tinititigan ni jaq.
Tinititigan...ibigsabihin sa isang bahagi lang siya nakatingin. Kay xowie lang. Alam ko dahil gano'n ako kay jaq dati. Magkaiba ang tinititigan sa tinitingnan. Ang tinitingnan ay buong bahagi ang sinusuri. Kay xowie lang siya nakatingin...kitang kita ko sa mga mata niya.
Lumapit ako kay jaq ng palihim. Nilapit ko ang mukha ko sakaniyang kanang tainga.
"Bakit 'di mo tabihan?" bulong ko na bigla naman siyang napabalikwas ng kaunti dahil sa gulat.
Nakapatong ang kaniyang kanang kamay sa tainga niyang aking binulungan.
"Titig na titig ka kasi! Bakit 'di mo kasi tinabihan?" mahina kong sabi na parang bulong na sa hina.
"Tanga ka ba? Tumabi ka sa'kin, eh!" mahina lang din niyang sabi na parang bulong.
"No'ng umalis iyong katabi niya bakit 'di ka pa lumipat?"
"Bakit naman ako lilipat? E di nahalata niya 'ko!"
"E di dapat sinabi mo naiinis ka sa'kin kaya ka lumipat...mahina sa diskarte mo. Tssk!"
Lumapit ulit ako kay jaq, akmang may ibubulong na naman.
"Sige ka, baka magselos 'yon sa'kin." sambit ko.
Tinignan lamang niya ako. Nakangiwi ang gilid na labi niya at ang isang kilay ay nakaangat.
"Shut up!" aniya na tinawanan ko lang.
Pinitik naman niya ang noo ko na hindi naman kalakasan.
"Ang harot niyo." napatingin kaming dalawa sa nagsalita.
Si xowie nakatingin sa amin. Poker face. Naka cross arm pa nga. Naiirita marahil sa nakikita niya sakaniyang harapan.
"Si jaq kasi ang harot!" sabi ko.
"Gagu!" mahina niyang sabi at natawa lang ako.
Tumigil ang jeep sa stoplight, bumaba ang katabi ni xowie. Lumipat ng pwesto si jaq.
"Bakit ka nandito?" pagtataray ni xowie sakaniya.
"Iniinis ako ni sining eh,"
"Mas naiinis ako sa'yo. For real."
"Inaano ba kita, babae?"
"Your getting in the way of my view. 'di ako makadungaw sa bintana kasi harang ka."
Banatan mo, jaq. Banatan mo ng I am your best view kagaya ng mga nababasa kong rom-com na nobela!
"Ako na lang dudungaw para sa'yo. Ayaw kita mahirapan at baka magka stiff neck ka pa." sabi ni jaq.
"What the fuck, jaq!" ani xowie no'ng tinalikuran siya nito.
Hindi nila alam pero ang harot nila tignan! Habang tumatagal tinitignan ko lang 'yong dalawa. Iyong kaninang nagbabardagulan ay ngayon nagkakasundo na at nag-uusap sa isang bagay na hindi ko alam pero tinitignan nila ang cellphone ni jaq. Tumatawa tawa pa nga sila.
Ang unfair minsan ng uniberso. Hindi man lamang pinagtagpo 'yong zodiac constellation naming dalawa ni jaq. Dapat pala nagbabasa na ako ng horoscope para malaman ko kung kanino ba akong star sign compatible para sure na akong hindi magkakamali sa haharutin ko! Pero ang daya talaga ng uniberso...pinagbiyak na bituin naman kaming dalawa ni jaq ngunit bakit tinangay pa rin siya papunta sa iba? Ang daya ng tadhana. Ipapakilala ako sa isang tao na para sa iba naman pala. Iyong ako nando'n sa tabi niya no'ng kailangan na kailangan niya ng makakausap pero hindi niya ako nagawang piliin. Tapos nasasaksihan ko pa ngayon kung paano siya kasaya at sasaya pa na hindi ako ang dahilan. Oo na, hanggang kaibigan lang ako. Tanggap ko naman na 'yon, eh, tagal na pero ang daya talaga ng tadhana palagi sa akin!
Sa kakaisip ko, napadungaw na lamang ako sa labas. Sa may gilid ng driver, doon ko natatanaw ang aming nalalagpasan na mga bahay at sasakyan.
Pagkababa namin ng jeep, nagpaalam na ako sa dalawa at nagsimula nang magpara ng tricycle. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa dalawa pero sabay rin yata sila ng pag-uwi o baka ihahatid ni jaq si xowie sakanila...hindi ko alam at dapat wala na akong pakealam doon.
"Nandito na po ako!" sambit ko pagpasok ko sa bahay.
As usual, gano'n pa rin. Si mama nagluluto, si papa nanonood...walang pake sa akin.
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay aking ibinagsak ang sarili sa kama. Ibinato ang aking bag sa may gilid ng upuan. Dilat ang aking mata at nakatanaw sa kisame. Walang iniisip...blangko. Mentally somewhere else. Bumalik ang aking diwa no'ng mag ring ang pop up message ng messenger ko. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking pantalon.
Jaq Matteo: Bakit hindi mo na lang samantalahin ang pagkakataon ng christmas break sa ojt para mag enjoy ka? Hindi alam ng papa mo...wag mo sabihin sakaniya.
Jaq Matteo: Try mo rin maging makasarili minsan hindi naman masama yon.
Jaq Matteo: Nakalimutan ko sabihin sayo yan sa jeep. Para ka kasing tanga kanina!
Napangiti lang ako habang binabasa ang kaniyang chat. Kahit paano ay nag aalala siya sa'kin at gusto niya ako maging masaya rin. At least magkaibigan kami...sapat na rin 'yon na binigay ng tadhana sa akin.
Sining Fedeli: Ang torpe mo kasi! Sabihin mo, salamat sining cute!!
Jaq Matteo: Salamat sining. :)
Sining Fedeli: Nasaan yung cute??
Jaq Matteo: Bigla na lang ako naging bobo sa spelling. Ewan ko ba. Biglaan eh.
Kung kagaya lang rin ako ng ibang babaeng kayang magmura ay namura ko na si jaq ng malutong matagal na.
"Sining! Kakain na!!" rinig kong sigaw ni mama sa baba.
Dinner time na pala...puro na naman ganito't ganiyan ni papa at mama ang maririnig ko sa hapagkainan.
At pagkababa ko para kumain ay hindi nga ako nagkamali. Routine na yata nila 'yon palagi...kaumay na. Imbis na ma-enjoy ko 'yong tinola ni mama ay parang gusto ko na lang hindi kumain at bumalik na lamang sa kwarto ko.
"Gano'n ka dapat, kagaya sa kuya jayson mo! Para hindi maging ganito ang buhay natin, sining!" sambit ni papa.
Ganito ka dapat sining. Ganiyan dapat gawin mo para maging ganito ka kagaya sa kuya jayson mo. Mag aral ka, galingan mo lang, huwag ka muna makipag relasyon para hindi maging ganito buhay mo, kagaya sa pinsan mong may anak na at tignan mo, walang makain. Puro utang pa! Ganiyan lang dapat, sumunod ka sa sinabi ng kuya jayson mo, do'n ka na mag ojt para kunin ka na din niya pagka graduate mo. Ganito nga, mag take ka raw ng civil exam sabi ng kuya jayson mo para makapasok ka sakaniya, gano'n gawin mo...paghandaan mo na baka sakaling 'di ka makasama sa honors sa graduation niyo. Ganitong babae ka sining, hindi kagaya no'ng ibang pinapabayaan lang ng magulang sa lansangan. Ganiyan, dapat puro aral para may marating sa buhay. Sining pag graduate mo gusto ko ng ganito, pati ganiyan, mabibigay mo naman 'yon 'di ba?
Nakakarindi! Ang sakit sa tainga't isip! Akala ko pasok sa kanan labas lang sa kaliwa lang 'yon? Bakit palaging nag i-stop over sa utak ko? Kaumay! Wala pa nga akong napapatunayan, hindi pa nga ako nakakapagtapos, pero bakit parang ang dami kong kailangan tuparin? Sundin? Pakinggan? Diyos ba sila? Kaumay mabuhay kung ganiyan lang din naman pala!
Pagkatapos kumain, naghugas pa ako ng plato. Umakyat ako ng aking kwarto sabay bagsak ng sarili ko sa kama. Ilang buntong hininga pa ang ginawa ko...hindi ko alam kung bakit.
"Oh, Diyos ko, kung ano man ang plano niyo para sa akin...ikaw na po ang bahala roon at sa kung ano mang nakatadhana sa akin sa mundong 'to. Amen." sambit ko sa kawalan habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto.
Balak ko pa sana matulog na pero naalala ko may thesis pa pala akong aasikasuhin tapos kailangan ko pa magreview. Nakaka drain ng energy...sobra! Tapos sinasabi ko pa sa sarili ko na kaya ko 'to? kakayanin? lalaban? Kahit ang totoo no'n pagod na pagod na pagod na ako! Hindi ba't niloloko ko lang ang sarili ko? kahit na gusto ko na matulog pero may pangarap sila para sa'kin? Gusto ko magpahinga dahil pagod na ako. Gusto ko maging makasarili para piliin ko naman sarili ko.
I may have a bad start, but I also deserve a better ending.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro