Kabanata 11
Kasiyahan
•••
"Bakit pala ang porma porma mo ngayong sabado, ha? May date ka?" saad ni ellen no'ng pagtayo ko sa aking pagkakaupo.
Kakatapos lang ng aming klase at handa na upang umuwi.
Tinignan ko ang aking suot. Kulay red na cropped puff - sleeve blouse, high waist na jeans at puting sneakers. Para sa akin simple lang naman ang porma ko ngayon.
"Didiretso kasi ako sa christmas party namin sa office, ngayon kasi 'yon." sabi ko.
"Teka...alam ba 'yan ng magulang mo? Pinayagan ka ng papa mo?" pag-aalala ni lycka.
"Favor naman, lycks, oh! Gagawin lang kitang dahilan ngayon, puwede ba? Sasabihin ko kailangan mag overnight para sa thesis. Kapag nagchat sa'yo o tumawag si papa...ikaw na bahala, ah?" pagmamakaawa ko.
"Gaga ka! Anong oras ka naman uuwi sainyo, ha?"
"Hindi naman ako magpapagabi...mga eleven siguro nakauwi na ko no'n sa bahay."
Nag-isip ng matagal si lycka, halos wagas na nga ang pag-puppy-eyes ko sakaniya at pagmamakaawa para lang pumayag sa'kin.
"Pumayag ka na, lycka! Kilala mo naman 'tong si sining, hindi naman talaga pinapayagan 'yan sa mga gano'ng klase ng party! KJ na nga magulang niya tapos KJ ka rin?" pagkampi sa akin ni ellen.
"Osya, sige na nga! Sa amin next week pa christmas party tapos sa isang private bar yata gaganapin, sainyo? Saan?" sabi ni lycka.
"Sa office lang."
"Mag-ingat ka, ha! Kapag may problema, call us agad ghorl!" sabi ni ellen.
"Oo naman!"
Naunang naglakad palabas ng room si ellen. Sabay naman kami ni lycka.
"Tatakas ka na naman dahil sa isang lalaki, noh?" biglang sabi ni lycka, tinutukoy niya yata ay si pol-sci.
"Hindi dahil sa lalaki kaya ako pupunta ro'n..."
"Hindi naman kita pagbabawalan pero gusto ko lang sabihin sa'yo na lalaki lang 'yon. Atsaka baka magalit sa'yo papa mo at kung ano-ano na naman sabihin sa'yo na masasama."
"Wow, grabe, hindi ba nga sabi mo sa akin dati...pasok sa kanan labas sa kaliwa lang 'yon? Minsan lang mangyari sa college life ko ang mga ganito kaya dapat sinusulit ko! Hindi ba nga pinapatakas mo ko dati para lang manood ng foundation day? Last sem 'yon 'di ba?"
Pababa na kami ng hagdanan, si ellen nasalubong pa namin dahil nakikipag usap sa dalawang babae na marahil kilala niya. Hinintay pa namin si ellen sa may gate dahil palagi silang magkasabay ni lycka sa pag-uwi.
"Lycka, mas gusto ko 'yong version mo noon, iyong sinasabihan ako na minsan lang ang mga bagay bagay kaya dapat gawin at sulitin...kaysa siguro ngayon?" mahina kong sabi habang nakatingin sakaniya.
Nag-li-liptint pa siya at nakikisalamin sa isang motor na nakaparada malapit sa gate.
"Ano 'yon?" tanong niya.
Hindi niya narinig...buti na lang.
"Sabi ko, bagay sa'yo iyong kulay na 'yan ng lip tint mo!"
"Vintage red 'yong kulay nito...nabili ko sa etude house."
"Ahh..."
"Subukan mo! Bagay sa suot mo 'yong kulay nito!"
"No, thank you na lang..."
Maya-maya pa ay dumating na rin si ellen. Sabay sabay kaming naglakad patungo sa may puregold na malapit sa univ upang bumili ng pang-gift ko dahil tsaka ko na lang iyon naalala habang naglalakad kaming tatlo. Tinulungan ako ng dalawa sa paghahanap ng magandang design ng t-shirt na makikita sa puregold at mumurahin pa. Bumili na rin kami ng plain brown paper bag upang paglagyan nito at dinagdagan na lang namin ng tatlong nissin ramen seafood para medyo hindi cheap tignan. Bagay naman 'yong blue na kulay ng ramen dahil kulay blue rin iyong binili naming t-shirt na nagkakahalagang 99 pesos...si Finn ng Adventure time pa nga ang design.
Hinatid pa nila ako hanggang makasakay ng jeep pa-guada malapit sa terminal.
"Ingat!" paalam nila sa akin, kumaway na lamang ako.
Heto 'yong unang gabi na magbabiyahe ako mag-isa. Na-text ko na rin si papa na may overnight kami kina lycka pero uuwi rin ako kapag natapos agad. Buti na lang at hindi gano'n karami ang dala ko sa aking bag...sana lang hindi magusot 'yong maliit na paper bag sa loob! Dapat pala binitbit ko na lang!
Magsisimula ang party ng alas otso ng gabi at halos mag aalas nuebe na at naglalakad pa rin ako patungo sa building ng office.
"Hi po kuya!" bati ko sa security guard na nakapuwesto malapit sa may entrance ng building.
"Hello po ma'am, nagsisimula na po yata kanina pa 'yong christmas party!"
"Kaya nga po hahahaha!"
Dali-dali ako pumasok sa may elevator at pinindot ang floor kung saan ginawang venue.
Pagdating ko sa floor at pagpasok ko sa office, bumungad sa akin ang maaliwalas na set up. Bukas ang mga ilaw at may mga parang banderitas sa bawat gilid. Ginamit na venue ang extrang buong floor na wala pang masyadong mga gamit at halos wala pa talagang laman...kanila itong nilinis at nilagyan ng magandang kurtina, may christmas tree na malaki sa isang kanto at sa ibaba nito ay may mga regalo.
Sa may dulo, sa harap ay marahil ang magiging spotlight para sa mga performance mamaya. Kumpleto rin ang mga gamit, may mga pang banda pa nga at sound system sa gilid. May mic stand at isang bilog na upuan sa gitna...baka may kakanta mamaya.
Malapit naman sa christmas tree ang mga pagkain sa dalawang mahabang mesa. May puting table cloth ito. Mga lutong ulam 'gaya ng menudo, chicken curry, beef steak, fried chicken, may isang kalderong kanin din, may mga puto, maja blanca, at biko. May carbonara, pansit, tatlong cake pa nga...dalawa galing sa Goldilocks tapos isang Red ribbon dedication cake. May mga malalaking coke at tatlong wine rin sa gilid, katabi ng mga mamahaling pinggan at baso. Mayroon din mini bar set-up.
May mga upuan din na plastic sa mga gilid tapos may malaking space na iniwan din sa may gitna para siguro sa palaro mamaya.
"Dadating si boss mamaya kaya galingan niyo sa performance! Malaki 'yon magbigay ng papremyo!" sigaw ni ma'am nej.
Buti na lang at malaki ang venue...hindi masyadong siksikan. Umupo ako sa isang extrang upuan malapit sa may christmas tree. Inilagay ko sa aking hita ang aking bag at umupo lang ng tahimik. Pinagmamasdan ang nagsisimulang palaro sa gitna. Apple eating contest yata by pair?
"Late, ha? Gusto mo? Coke 'yan hindi kape." biglang alok sa akin ni pol-sci, nakatayo banda sa likuran ko.
"Thank you." kinuha ko ang paper cup sakaniya.
"Bakit ka pumunta? Pinayagan ka ng papa mo?" tanong niya at tumabi sa akin, sa may extrang upuan sa aking tabi.
Naka red jacket siya na kagaya no'ng kay jaq at puting t-shirt na panloob. Jeans. Puting sapatos. Theme ng ootd ngayon ay color red kaya halos mga naka red ang pormahan namin. May mga naka mini dress, polo, t-shirt at kung ano-anong style pa.
"Ahh, takas ka?" aniya at nakatingin sa bag ko. "Dumiretso dito after class?"
"Wow, the way you talk parang hindi ka estudyante, ha?" umismid lamang siya sa akin. "Atsaka ayaw mo no'n, tumatakas ako para sa'yo? Ang ideal girl ko naman 'di ba?"
"Ano, bad girl ka na niyan? Boang. Hindi bagay sa itsura mo. Mas mukha kang good girl na sumusunod sa utos ng magulang."
"Nagpapatawa ka ba?"
Alam niya naman 'yong tungkol sa daddy issues ko tapos sasabihin niya pa 'yon sa akin? Praning!
Iba't iba pang parlor games ang nilaro ng karamihan at halos pang adult rated ito na ngayon ko lang nasaksihan. Palaging by pairs, iyong marshmallow na ginawang kwintas ng mga babae tapos iyong mga lalaki naka blindfold habang kinakain iyong marshmallow na halos ka-level ng dibdib ng mga babae. Tapos iyong matinding pagkain ng saging...na inipit sa binti ng lalaki at paunahan lang maubos ng mga babae iyong malaking saging. Halos lahat ng empleyado sa law firm ay nandito, puwera na lang sa secu. kaya madami ang sumasali lalo na't ang premyo ay pera...limang daan sa solo games at isang libo sa by pairs.
Napapatili at napapasigaw rin ako kapag masyadong intense at daring ang mga nangyayari sa palaro.
"Next, Ilabas mo't iinumin ko!" sigaw ni ma'am nej.
Inayos na ang props sa gitna. Sampung upuan ay may nakapatong na tig-iisang bote ng tubig na may lamang gatas at may sampung straw sa isang bote.
"Para 'to sa mga girls lang! Sino hindi pa naglalaro?" tanong ni ma'am marge, isa ring visor.
Kinabahan ako no'ng magtama ang mga tingin namin ni ma'am nej. Lumapit ito sa akin hawak-hawak ang wireless mic.
"Sining! Dali!" hatak ni ma'am sa akin sa gitna, securing a spot for the game.
"Ayan, ang cute kong bata na si sining, intern natin 'yan!" pagpapakilala niya sa akin na lalong nagpahiya sa akin.
Tinignan ko ang inumin na nasa aking harapan. Nakaluhod ako. Medyo natutuliro ako kung paano ko 'to gagawin dahil first time ang ganitong dirty game para sa akin! Ano naman kayang itsura ko habang iniinom 'to?
"Easy lang ang mechanics. Paunahan maubos ang gatas na nasa bote. Puwedeng hawakan ang bote at mga straw kaso hindi puwedeng umangat 'yon sa upuan. Winner gets five hundred pesos!" bulalas ni ma'am nej.
Sayang 'yong five hundred...pamasahe ko rin 'yon pang taxi pauwi.
"Okay, ready...start! Pagalingan lumunok!" sigaw ni ma'am marge.
Papanalunin ko 'to, sayang five hundred!
Huminga muna ako ng malalim bago ko isinubo ang mga straw. Hinawakan kong maigi 'yong bote at mga straw. Medyo mahirap sipsipin 'yong gatas at panay tingin pa ako sa ibang kalahok kung sino nauuna pero feeling ko naman kaya ko 'to. Slowly but surely, wala dapat ma spill out na gatas sa aking labi. Lasang bear brand pa nga ang timpla!
"Matindi ang labanan, Mare!" rinig kong bulalas ni ma'am nej.
Konti na lang at mauubos ko na ang akin. Nang iaangat ko na ang bote ay...
"We have a winner! Congrats, Elenita!" bulalas ni ma'am marge.
Ahh, sayang! Masyado akong mabagal ng 0.6 seconds sa pagraise ng bote! Kainis!
Bumalik ako sa aking upuan na bagsak ang mukha at nakahawak sa aking tiyan. Parang gusto ko masuka?
"You okay? Mukha kang natatae." sabi ng katabi ko.
"Ahh, feeling ko na-trauma 'ko sa gatas...hindi na ako iinom no'n sa loob ng isang taon! Puno ng gatas 'yong sikmura ko!" wika ko habang dahan-dahan hinahaplos ang aking tiyan.
Palihim siyang natawa pero nahuli ko 'yon. Nakatingin siya kina ma'am sa harapan.
"Bakit?" tanong ko sakaniya, nakakunot ang noo ko.
"Para kasing sinabi mo...your tummy is full of milk."
"Parang gano'n nga? Bakit?"
"Wala...masyado ka pang inosente sa ibang bagay."
"Bakit nga kasi!"
"Congrats nga pala, second place isn't bad." aniya, hindi pa rin nakatingin sa akin.
"Sayang 'yong five hundred, pamasahe ko sana 'yon sa taxi. Hays! Slow hands kasi ako kainis!"
Mapapa-commute tuloy ako at baka anong oras na ako makauwi...alas diyes pa naman na rin.
"Next game, sipsipin mo ang gatas ko! For the boys naman 'to!" sigaw ni ma'am marge.
"Baby boy! Sali ka!" sigaw ni ma'am nej na nakaturo pa kay pol-sci.
Umayaw si pol-sci pero pinilit pa rin siya ni ma'am at hinatak sa harap. Nakahilera ang mga manlalaro sa gitna, binigyan sila ng tig-iisang maliit na tsupon na may lamang gatas.
"Ang weird talaga ng pangalan ng mga larong 'to..." sabi ko sa sarili ko.
"Here's the mechanic...paunahan lang maubos ang gatas sa tsupon. That's it! Winner gets five hundred pesos!" masiglang sambit ni ma'am marge.
Nagsimula ng dumede ang mga manlalaro. Hindi ko mapigilang hindi kuhanan ng video si pol-sci dahil puwede kong gawing pang black mail sakaniya 'to kapag bwinisit niya ako. Si ma'am nej panay ang punas kay pol-sci gamit ang tissue pero walang kibo si pol-sci...masyado siyang seryoso...masyado siyang competetive. Gusto niya talaga maubos 'yong gatas.
"Ohh! And we have a winner! Baby boy, seann! Congrats! Grabe baby boy ang galing mo naman dumede!" natatawang sabi ni ma'am nej sa harap.
Pagbalik ni pol-sci sa puwesto namin, hindi maganda ang awra ng kaniyang mukha.
"Congrats, mukhang napasubo ka, ha?" natatawa kong sambit.
"Shut up. Fuck, I need to pee." aniya at dali-daling umalis.
Kinuha ko ang aking bag na nakalagay sa isang extrang upuan sa aking tabi. Kinuha ko sa loob ang binili kong regalo at inilagay sa ilalim ng christmas tree.
Sana lang magustuhan niya.
Kaniya-kaniya na ring kuha ang iba ng pagkain, nakigaya na lang din kami ni pol-sci. Pasado alas onse dumating 'yong boss nila kaya nagsimula na ang totoong patimpalak...iyong performance na matagal din nila ma'am nej pinaghandaan. Sampung libo naman pala kasi ang premyo ng mananalo tapos limang libo sa second at tatlong libo sa third. Bag naman ang sa consolation price.
Nagsimula ang grupo nila ma'am nej at halos lahat sila ay malalambot ang katawan...para silang dating dancer. Remix ng mga nausong kanta ang kanilang sinayaw. Mayroon pa ngang banda na tumugtog ng christmas song at Eraserheads na kanta.
Binalik-balikan ko sa table ang maja blanca at carbonara...gano'n din si pol-sci sa maja blanca. Good luck na lang sa tiyan namin mamayang pag-uwi!
Napag-utusan pa nga ako ni pol-sci na kuhanan siya ng maja blanca dahil iisa pa sana ako...masarap kasi!
"Palakpakan ang magtatanghal na si seann!" rinig kong sabi ng MC.
Hindi ko na lang pinansin ang ingay dahil nahihirapan ako sa pag-iisip kung ano pipiliin ko sa dalawa...maja blanca o leche flan na bagong display lang.
Naririnig ko mula sa aking puwesto ang pagsisimula ng kalabit ng isang gitara. Mag gigitara ang performer ngayon.
"Hala! Ang gwapo naman no'n! Anong department siya? Anong floor?" rinig kong usapan ng dalawang babaeng kasabayan ko.
Leche flan o maja blanca? Hmm...
"Nobody knows just why we're here. Could it be fate or random circumstance. At the right place, at the right time...two roads intertwine."
No'ng nakapili na ako sa dalawa—maja blanca. Narindi ako sa tilian. Rinig ko rin ang boses ni ma'am nej na tumitili at sumisigaw ng; I love you na! Mine! Add to cart! Baby, akin ka na lang!
Napalingon tuloy ako habang bitbit ang dalawang paper plate na para sa akin at para kay pol-sci. Paglingon ko, ikinabigla ko ang nakita ko sa may harapan.
Nakaupo siya sa isang upuan na bilog, kumakalabit sa gitara, sa harapan niya ay mic na nakakabit sa mic stand, sakto lamang hanggang sakaniyang bibig.
"Close your eyes, dry your tears. 'cause when nothing seems clear...you'll be safe here..." pag-awit niya sa isang mapayapang tono.
"Akin ka na lang po hahahaha!" sigaw pa rin ng mga kababaihan sa aking tabi.
Tinignan ko lang siya sa harapan. Nagtama rin ang aming tingin. Nginitian ko lamang siya...tuliro kaunti ang puso ko...hindi alam kung paano magre-response sa gano'n kaya pinakita ko na lamang ang hawak kong paper plate na may maja blanca sakaniya.
Baka 'yong tingin na 'yon ay wala namang kahulugan? Ayoko na bigyan ng kahulugan ang isang bagay na hindi ako sigurado. Ganiyan naman si pol-sci...tinitignan ako dahil siguro ako lang 'yong close niya rito. Halata naman sakaniya na hindi siya mahilig sa mga tao.
"When the light disappears, and when this world's insincere, you'll be safe here. When nobody hears you scream, I'll scream with you...you'll be safe here..."
Patuloy lang siya sa pagkanta, patuloy rin ako sa panonood.
Sana 'yong awitin niya ay para sa akin nga. Ngayon lang mangyayari na may mag-aalay sa akin ng isang kanta...Pero asa pa 'ko? Aysus!
At ayon na naman siya sa mga sandalian niyang sulyap sa gawi ko, na tinutugunan ko naman ng pag ngiti. Tapos lilitaw sandali 'yong dimple niya sa kaliwang pisngi. I don't really understand him, and his stares, his smiles, and his words. But it makes the butterflies in my stomach dancing again.
"From the sheer weight, of your doubts and fears, wounded heart..."
And there goes another stare from him. I've never fall to anyone this fast...but him, this man, tripped me, I swear!
•••
"Hindi ka pa ba uuwi? Mag aalas dose na, takas ka lang 'di ba?" sambit niya pagkatapos niya kumain.
Binati ko siya no'ng pagkatapos ng performance niya. Nag volunteer na siya magperform para sa amin kasi akala niya hindi ako pupunta.
"Gusto mo na ba ako umuwi?" tanong ko.
"Oo, takas ka lang, eh."
Kanina pa rin ako nag-aalala dahil anong oras na nga. Panay tingin na rin ako sa cellphone ko dahil si lycka nagcha-chat sa akin kung pauwi na nga ba ako...baka nag-aalala siya o hindi makatulog dahil naghihintay ng tawag mula kina papa, kakamustahin ako sakaniya.
"What's your address? I'll book your Grab." aniya habang hawak-hawak ang kaniyang iPhone.
"Wala naman ako pambayad do'n! Baka mahal maningil!"
"I'll pay, pamasko ko na sa'yo. May extrang five hundred ako ngayon."
Hindi na rin ako tumanggi at sinabi sakaniya ang aking buong address. Sayang 'yong opportunity at kailangan ko na rin talaga makauwi.
Sinamahan niya pa ako hanggang parking lot kung saan hihintayin ko 'yong Grab. Hindi ko na siya tinaboy dahil nakakatakot nga naman mag-isa lalo na't anong oras na rin. Bago umalis kanina sa venue, inabutan pa ako ng regalo mula sa mga boss, mga simpleng grocery pang noche buena. Inilagay ko ito sa bag ko upang maitago at baka ibigay ko na lang kay lycka as a thank you gift.
"Malapit na 'yong driver." sabi niya habang nakatingin sakaniyang iPhone.
"Salamat, ha. Oo nga pala, bilang pambawi na rin...may iniwan akong regalo sa'yo. Nasa ilalim ng christmas tree, brown na plain na paper bag siya...medyo maliit lang. Sana magustuhan mo, o kahit hindi, pilitin mo kasi bukal sa puso kong binili 'yon para sa'yo!"
"Sige, susubukan kong magustuhan 'yon."
Hindi rin nagtagal at dumating na 'yong grab. Pumarada ito sa isang sulok kaya lumapit kami.
"Osya, salamat sa pag libre ulit sa akin, ha? Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na rin." sabi ko sakaniya, nakapasok na rin ako sa loob ng kotse, siya nakatayo at hawak ang pinto ng kotse.
"Uuwi na rin. Oo nga pala, bago ko malimutan...next time, try to tell your parent's. Para naman hindi ka natataranta sa oras. Huwag ka na tumakas, hindi sa'yo bagay maging bad girl." aniya sabay sarado sa pinto.
Sinilip ko siya sa bintana, naglalakad na siya palayo, nakatalikod sa akin.
Kung nagpaalam ako e di sana hindi ako naging masaya ngayong gabi. Imbis na siya ang kasama ko, thesis at reviewer ang kinakausap ko ngayon. At kung nagsabi man ako, alam ko naman ang magiging sagot ni papa—hindi. Hindi niya ako papayagan. Hindi ko sana siya maririnig kumanta. Buti na lang tumakas ako...may bago na naman akong maisusulat sa diary ko!
Umandar na ang kotse pero sinilayan ko pa rin siya. At ayon nga, nilingunan niya pa ako. Ibang iba siya kaysa kay jaq. Kalingon lingon din pala ako.
Inilabas ko ng kaunti ang aking isang kamay sa may bintana at kumaway. Bago pa makalayo sa parking ang sasakyan nakita ko ang kaniyang pagngiti.
Yari na, my heart is totally unguarded. My heart is voicing out; If it's not him, it's not anyone.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro