Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

Overpass

•••

"Ready naman ba kayo para bukas ng gabi?" tanong ni ma'am nej sa amin.

Nakasakay kami sa elevator, bitbit namin ni pol-sci ang tig-isang maliit na box na may laman na mga documents. Pinasuyuan kami ni ma'am na bitbitin ito papunta sa ibabang floor bago tuluyan umuwi.

"Ehh...hindi po yata, ma'am." nahihiya kong sabi.

"Huy! Dapat lahat may representative, ah! Mag usap kayong dalawa kung sino talented sainyo! Ikaw, sining, mukha ka naman magaling gumiling, eh!"

Na-iimagine ko ang sarili ko na gumigiling nga sa stage na nakaset-up. Nakakahiya! Ang laswa ko siguro tignan! Ayoko!

"Nako po, ma'am! Kapag nangyari 'yon, eh, baka kailangan ng lahat i-sanitize 'yong mata nila. Hindi po malambot katawan ko! Wellness dance nga po noon 'di ko pa masabayan!" pag-aalala ko.

"Sayang naman! Gusto pa naman yata ni baby boy makita 'yon, ano? Si sining gumigiling? Hahaha!" panunukso ni ma'am kay pol-sci. Baby boy kasi tawag sakaniya sa office dahil nga may itsura siya.

"Hindi po. Baka mabulag po ako." aniya.

Tinignan ko lamang si pol-sci ng masama tapos 'yong labi niya nakaarko na sa gilid...smirk pa nga!

"Mabulag po sa kagandahan ko. Gano'n kasi 'yon, ma'am." pagbibiro ko na tinawanan lang ni ma'am.

"Kayo...nako...uso pa naman sa mga internship ang pagkakamabutihan! Baka mamaya, eh, nagliligawan na kayo dito, ha? Under my supervision pa!"

Hindi ko alam kung anong expression ang pinakita ko pero natawa si ma'am nej do'n.

"Hindi ba kayo nagkakasundo? Tagal niyo na rito, eh! Kayo palagi magkasama tapos hindi kayo bati? Hahahaha mga teenagers nga naman!" wika ni ma'am.

Nagkibit balikat na lamang ako. Magkasundo naman kami ni pol-sci...kami na nga lang 'yong palaging magkasama tapos ako iyong madalas makuwento sa buhay ko, siya naman nangangaral at nagbibigay ng advice...akala mo tuloy siya si Dr. Phil.

"Dito na lang. Salamat mga bata. Ingat sa pag-uwi, ha? Diretso sa bahay hindi sa kung saan-saan na kayong dalawa lang hahahaha!" sabi ni ma'am nej sa amin bago kami maglakad paalis.

"Parang ewan si ma'am, noh?" sabi ko sa kasabay ko maglakad.

"Gusto mo magzagu?" aya niya na kinabigla ko.

"Huh?"

"Zagu! Hindi 'yong isa."

Wala naman akong sinasabing sogo ang pupuntahan, eh? Praning? Mga iniisip din, eh.

"Kakatapos lang natin magkape kanina bago mag out...zagu? Gusto mo ba maagang kumalas ngipin mo?" sambit ko.

"Libre ko."

"Cookies 'n cream po akin thank you po napakabuti mong nilalang. Hulog ka ng mayaman."

Tinungo namin ang kabilang kalsada kung saan nakatayo ang isang stall ng Zagu. Bumili si pol-sci ng dalawa at totoo ngang nilibre niya ako. I insist of paying for mine pero masyado niyang sineryoso 'yong pagdeklara niya ng panlilibre. Sabagay, hulog naman talaga siya ng mayaman.

"Pupunta ka bukas?" tanong niya sa akin.

Nakadungaw na naman kami sa mga mabagal na pag andar ng sasakyan sa may overpass.

"Ikaw?"

"Oo, minsanan lang 'yon."

Napatango ako sa may riles, nakapatong ang aking baba sa aking braso habang hawak hawak ng isa kong kamay ang aking zagu. Kung natatanggap lang sana ni papa 'yong gano'ng rason e di siguro matagal na ako nakapunta sa mga kasiyahan na gusto kong puntahan. Mga gano'ng event para bang gusto ko na lang hilingin na sana naging lalaki na lang ako para iwas drama.

"Ahh, strict parents. Hindi papayagan?" sabi niya na parang sigurado siya na hindi nga ako papayagan.

"Hindi naman sa gano'n. Natatakot lang sila na baka gabihin ako at baka anong mangyari sa akin. Alam mo na, girl kasi ako."

Siguro nga gano'n pero baka natatakot sila na baka hindi na ako umuwi at tuluyan na silang iwan kagaya ng ginawa ni kuya. Ano na lang sasabihin sakanila ng mga kamag-anak kapag gano'n nga naman ang mangyari sakanila? Na hindi sila mabuting magulang na inaakala ng iba?

"Pero minsan nakakainis din isipin 'yon. Iyong tingin sa'yo babae lang. Mahina tapos lapitin ng problema. Feeling ko kasi gano'n iyong nakikita ni papa sa akin kaya kailangan ko siya palagi sa buhay ko...tapos sakaniya lang 'yong tamang desisyon."

Mahina at mabagal kong inaalog ang aking inumin habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na nakatigil dahil siguro sa traffic light.

"Hindi naman sa puro ganiyan sila sa akin lalo na si papa pero minsan nararamdaman ko naman na mahal nila ako. Kapag birthday ko nagce-celebrate naman kami ng masaya, binibigay naman nila 'yong gusto ko at kung anong kailangan ko...material na bagay. Madalas lang siguro na hindi pa nila alam kung anong gusto ko talaga kaya minsan din malungkot. Mahal ko magulang ko at palagi kong pipiliin sila. Gano'n ka rin ba?" tanong ko sakaniya.

"Anak pa rin ba matatawag mo sa sarili mo kung hindi mo pipiliin ang magulang mo?" aniya sa seryosong tono.

Napasandal siya sa riles, likod niya ang nakaharap sa tanawin.

"But business, your mixed feelings about your parents are valid. Sometimes parents can love you but be somewhat toxic to you and your growth. And that's a very hard realization to come to if you, like me, grew up extremely close to them."

"Hmm...tama ka ro'n. Pero I just wish my parents would understand."

Sana maintindihan ni papa na kapag may kasama akong lalaki ay hindi ibigsabihin no'n boyfriend ko na siya. Sa school naman, ginagawa ko ang lahat...mahirap pero I'm trying my best. Teenager ako, I don't always have the best attitude or the best behavior. I try to make the best decision for myself. I'm young and I also want to have fun. If I'm out at night it doesn't mean I'm drinking or dating or doing drugs. Not all my friends can be a bad influence when I'm with them hanging out. I feel useless whenever they compare me or want me to be someone who's already successful in life tapos ako wala pang mapatunayan. I just wish my parents would understand me more.

"But have you thought of the opposite side, ha, business?" tanong niya.

"Huh?"

"What if your parents thought the same thing? I wish my child would understand. Bakit ganito...bakit ganiyan. Pero as I said, your mixed feelings about your parents are valid. Same goes to the other parties...their mixed feelings about their child are valid."

Parang iyong sinabi ko lang kay jaq dati. Anak ang may galit sa magulang. Pero dahil sa sinabi ni pol-sci tila ba napaisip din ako. Bakit nga ba palaging masama 'yong nakikita ko imbis na 'yong mabuti nilang ginawa para sa akin? Na baka iniisip nga rin nila na lumaban at kayanin ang lahat para sa akin? Para sa pamilya? Na baka kahit anong gawin nila hindi pa rin sapat para sa future? Bakit sila ganiyan...hindi nila sabihin? Bakit ako ganito? Ang selfish ko rin.

"Hays, tama ka na naman." sabi ko at napasandal na rin sa riles.

"Pol-sci, puwede ba," medyo naghihinayang kong sambit.

"Puwede ba ano?"

"Can you tell me something wrong but feels right?" seryoso kong tanong, hindi man lamang sakaniya nakatingin kundi sa hawak kong inumin.

Saglit siyang natahimik, nag-iisip marahil ng mga salitang tama na naman para sa aking pandinig.

"Sikapin mong pumunta kasi pupunta 'ko." aniya, malinaw, seryoso, hindi uutal utal, demanding pero hindi namimilit ang pagbigkas.

No'ng marinig ko ang mga salitang 'yon bigla akong napangiti. Tinignan ko siya, seryosong iniinom ang kaniyang shake. Sayang lang dahil mali na naman ang puwesto ko dahil hindi ko masulyapan ang dimple niya sa kaliwang pisngi. Pilit ko siyang tinitignan pero nilalayo niya ang kaniyang tingin habang patuloy na sumisipsip sa zagu niya.

"Gusto mo lang ako makasama kasi hindi ako boring kasama, eh!" panunukso ko habang pilit pa rin hinahabol ang kaniyang tingin. "Hmm, aminin mo na pol-sci! Dali na! I won't judge you!"

Hindi pa rin siya kumikibo. Pumwesto ako sa kabila, katapatan ko na siya. Nakasandal ako sa may riles, nakayakap ang isa kong kamay sa akin habang ang isa ay aking ginagamit sa pag inom ng shake. Tinititigan ko lamang siya hanggang siya'y mailang dahil nakakatuwa siyang makitang tuliro.

"Tigilan mo nga pagtitig sa akin! Boang ka ba?" aniya na naiinis.

"Bakit? Buti nga tinititigan ka lang, eh! Paano pa kaya kung kindatan kita? Baka kiligin ka pa diyan!"

"Boang. Uwi na ko. May klase pa 'ko."

Nagsimula na siyang maglakad paalis, tinignan ko lang siya. Pinanood ko ang kaniyang paglalakad palayo. Tumigil pa nga siya sa isang basurahan upang itapon 'yong plastic cup niya sabay lingon sa akin.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Hindi ka ba sasabay sa'kin bumaba?" mga salitang 'di ko marinig dahil may kalayuan siya sa akin pero nabasa ko sakaniyang mga labi.

Hindi ko mapigilan ang aking ngiti. Tumakbo ako patungo sakaniya at nauna siya naglakad pababa ng hagdan. Nasa likuran niya lang ako, nakasunod.

•••

"Sa tingin mo ba seryoso siya no'n?" tanong ko sa kaharapan ko sa pila dito sa cafeteria—si jaq.

"Iyong tungkol saan?"

"Iyong chi-nat ko sa'yo kagabi?"

"Ahh, tungkol kay pol-sci? Iyong sinabi niyang pumunta ka kasi pupunta siya?"

Tumango tango ako sakaniya kahit na hindi niya nakita dahil nakatingin siya sa may harapan.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko.

Buong gabi ko inisip kung pupunta ba ako sa christmas party o hindi. Halos hindi na nga ako makapagseryoso sa paggawa ng thesis at sa pagreview dahil sa sinabi na 'yon ni pol-sci. Feeling ko kailangan niya ko ro'n. At dahil sa pagkabahala naikwento ko kay jaq ang lahat kagabi through messenger chat.

"Ano sa tingin mo?" pagbalik ng tanong ni jaq sa akin.

"Kailangan niya ako kasi boring mag-isa ro'n?"

"Alam mo, sining, kung gusto mo talaga pumunta...pumunta ka. Isantabi mo muna 'yong savior syndrome mo kasi baka gusto ka lang niya mag enjoy sa isang bagay na bihira mo lang ma-experience. Hindi mo kailangan magdalawang isip sa lahat ng bagay lalo na kung isa lang naman utak mo."

Hindi ko na pinansin 'yong iba niyang sinabi dahil sa dalawang salita na aking nadinig na tumatak sa akin no'ng mga sandali na 'yon.

"Savior syndrome?" mahina kong sabi na hindi niya narinig.

Tahimik na lang kaming pumila at naghintay sa turn namin upang makabili ng lutong ulam na binebenta rito sa cafeteria sa murang halaga.

"Jaq! Dito ka na! Dalian mo!" sigaw ni lance sa may unahan.

"Pinapapunta ako ro'n sa harap, gusto mo rin ba makisingit?" alok nito sa akin.

Tinignan ko iyong tatlo niyang kaibigan na nasa unahan nakapila. Halata sa itsura ng mga nasa likuran nito ang pagka-inis dahil siguro ay mga tutol sa pagpapasingit pero nakakatawa naman ang itsura ni lance na akala mo, eh, nambabanta roon sakaniyang likuran.

"Huwag na...kayo na lang. Good student ako, eh." sabi ko.

"Lamang ng madiskarteng estudyante ang mga mabuting estudyante palagi." sabi ni jaq sa akin.

"Hoy! Jaq! Bumalik ka na rito! Nag-Cr ka lang 'di ba?! Kanina ka pa rito, 'di ba? Tara na! Next na tayo! Huwag ka na pumila diyan!" sigaw ni niccolo kaya agad naman napatakbo sa harap si jaq.

Hays, lamang nga ng madiskarte ang mabuting estudyante pero kung matalino ka naman sana nagpasabay ka na lang ng pagbili.

Kasabay ko mag lunch break sina lycka. Kita pa rin namin sa aming puwesto ang favorite spot nila jaq at kitang-kita ko pa rin ang kakulitan nilang lahat.

"Bukod sa chixx, wala na akong ibang iniisip kundi ang makapulot ng isang libo sa daan!" rinig kong bulalas ni lance mula sakanilang puwesto.

"Iniisip? Eh, wala ka ngang utak 'di ba?" buwelta ni niccolo.

Silang dalawa lang talaga palagi ang maingay sakanilang apat. Wala yata sa bokabularyo nila ang salitang katahimikan.

Pagbalik namin sa classroom agad na nagsimula na rin ang klase. Seryoso ang talakayan na halos tahimik lamang kaming nakikinig sa aming prof na nakatayo sa harapan at tinuturo ang kaniyang isinulat sa white board.

"Lycka," mahina kong pagtawag sa aking katabi na humihikab pa nga.

"Hmm?"

"Sa tingin mo ba may savior syndrome ako?"

Tinignan ako ni lycka na may bakas ng pagtataka. Kinuha niya ang kaniyang salamin at pinunasan ito gamit ang kaniyang panyo.

"Oo naman. Palagi kang feeling superhero 'di ba nga, dati? Gusto mo pa nga tulungan lahat ng makikilala mong depress at suicidal? Ayaw mo silang nagsa-suffer mag-isa, 'di ba nga?" sabi niya.

Oo nga pala. Gusto ko maging tagapagligtas dati kahit na hindi ko kayang iligtas 'yong sarili ko. Ayokong maramdaman nila mag-isa ang kalungkutan at kung gaano kasakim ang mundo. Hanggang ngayon feeling ko hindi nawawala 'yong savior syndrome na 'yon sa akin pero sana...sana ngayon...kung hindi ko man mailigtas ang sarili ko ay sana may mag ligtas naman sa akin.

"Actually, tama ka noon. Hindi ko dapat sinasawsaw iyong sarili ko sa mga problema ng ibang tao." mahina kong sambit.

"Pinagsisisihan mo ba 'yon? Sa totoo lang nakatulong ka naman no'n sa akin, beh, dati. Palagi kang nandoon para sa akin lalo na kapag kailangan ko ng kausap."

Pinagsisihan ko 'yong pinili ko si jaq kaysa kay lycka noon na halos gusto ko balikan ang nakaraan para baguhin 'yon...pero ngayon natapos na 'yon at nandito na ako sa present...nakikita ang mga magandang pagbabago. Bakit ko pa pagsisisihan ang nakaraan? Kung lahat ng 'yon ay may magandang kapalit naman pala sa lahat?

"Palagi naman akong nandito para sainyo, eh, may savior syndrome nga ako, 'di ba?"

At dahil doon, kung ano man pagkakamali ang maging resulta sa mga desisyon ko sa aking buhay ngayon ay baka may magandang pagbabagong mangyari para sa akin sa hinaharap. Pero sa ngayon, wala akong ibang choice kundi magpatuloy lang.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro