Kabanata 1
Nakaraan
•••
"Siya si sining, ang bagong intern dito sa law firm." pakilala sa akin ng supervisor.
"Hi." pagbati ko sa lahat ng nasa office.
Halos karamihan ay mas matanda sa akin at feeling ko ma-O-O-P ako rito sa pinasukan ko. May backer kasi ako upang makapasok sa internship na ito ng walang kahirap hirap, iyong pinsan kong lawyer ang nagpasok sa akin dito na alam ko naman na hindi siya related sa kursong kinuha ko pero malaki naman daw kasi ang allowance, two-hundred per day kaya hindi ko na rin tinanggihan.
Pagkalapag ko sa aking bag sa may desk area ng mga intern na nasa bandang sulok lang ng desk area ng visor ay sunod na pinakita niya sa akin ang storage room kung saan may mga drawer na malalaki at mga boxes na puno ng mga lamang papel.
"Gagawin mo lang dito ay aayusin ang mga files into ascending to descending format based sa date. Mga importanteng files 'yan na dapat organized. Pagkatapos mong gawin 'yon, lagay mo siya rito sa mga drawer na may naka-label ng month and year kapag may drawer na walang year na gano'n ilagay mo na lang sa mga boxes na narito at lagyan mo na lang ng label." pagtuturo ng visor sa akin na si ma'am nej.
"Hindi ka naman mag-isang gagawa ng madami at makalat na gawain na 'to kasi may kasama ka rin na isang intern, lalaki nga lang." dugtong pa niya sabay kindat sa akin do'n sa phrase na lalaki.
Napangiwi lamang ako dahil matapos no'ng pangyayari sa kuwento namin ni jaq, eh, nag-iba na ang tingin ko sa mga lalaki. I decided to love myself first before any other guys.
Ginawa ko na lamang ang pinapaasikaso sa aking mga files ng biglang may tumabi sa akin at nagsimula na rin kumuha ng mga documents na nasa lapag. Tinignan ko siya, ito yata 'yong tinutukoy ni ma'am nej na kasama kong intern.
"Hi, ikaw ba iyong intern dito?" sambit ko. Nasanay lang siguro ako na maunang mag-approach kahit kanino.
Sinulyapan niya ako sandali tsaka bumalik ang tingin sa mga papel na nasa lapag namin. Naka-indian sit kasi kami pareho sa lapag at nasa gitna namin nakakalat ang mga documents.
"Oo, ikaw rin?" tugon niya pero hindi ako tinitignan kaya hindi ko na lang din siya pinansin at bumalik na lang din sa ginagawa ko.
"Oo, bago lang." sabi ko pero hindi na siya nagsalita ulit. Natapos namin ang aming ginagawa ng hindi na nag-usap pa.
Sumapit ang lunch break at lahat ng tao sa firm ay kakain sa labas. Dahil wala pa akong masyadong kakilala, eh, nagpaiwan ako sa loob ng office dahil may baon din naman akong pagkain na inihanda pa ni mama.
"Eating alone?" napatingala ako sa nagtanong. Iyong isang intern lang pala at may bitbit ding baunan.
Sa desk area ng mga intern kami kumain. Magkatapatan pa pala kami ng puwesto at sa totoo lang ngayon lang ako nailang sa isang lalaki. Iba kasi ang awra nito, mukha siyang seryoso sa buhay at walang pake. Dagdag pa ang itsura niya na walang duda, eh, mas lamang nga kay jaq ng madaming porsyento pagdating sa karisma't appeal.
Maayos ang kaniyang buhok, classic hairstyle na mala 90's Leonardo DiCaprio. Medyo makapal rin ang kaniyang kilay na bumagay naman sakaniyang maamong mata. Matangos ang ilong nito at maganda ang kurba ng labi...para siyang may lahing foreigner pero halata sa pagiging moreno nito na pure filipino siya. Nakasuot din siya ng itim na hoodie na halata ang puting t-shirt na nakapaloob. Nakatupi naman ang sleeves ng kaniyang hoodie hanggang siko kaya sigurado ako na magkaiba sila ni jaq. Mayroon din siyang bracelet na parang reggae style ang kulay at itim na g-shock na relo sa kaliwang kamay.
Nahuli niya akong nakatingin sakaniya kaya dali-dali kong inilayo ang aking tingin at nagpatuloy sa aking kinakain na chapsuey.
"What's your name?" tanong niya sa boses na medyo nakakaakit.
"Huh? Ahmm, sining, BSBA." tugon ko at napatingin na nga ako sakaniya tapos nakatingin pala siya sa akin.
"Seann, Pol-sci."
"Ahh, hi?" bahagya kong itinaas ang kanan kong kamay, tumango lang siya ng bahagya.
"Business?" tanong niya.
"Oo, business administration. Political-science, 'di ba?"
"Oo, pol-sci."
"Ahh...pol-sci."
At pagkatapos ng munting pag-uusap namin no'n, bumalik na kami sa aming pagkain at hindi na ulit nagkibuan. Hanggang matapos ang walong oras na shift, hindi na kami nag-usap. Hindi siguro siya gano'n kainteresado sa akin kaya wala ng follow-up talk.
•••
"Ang snob niya! Feeling ko hindi kami magkakasundo. Sayang, mukha pa naman siyang seryoso sa buhay 'yong tipong madami siyang words of wisdom na baon parang gano'n!" sambit ko kay lycka.
Naglalakad kami sa hallway patungo sa classroom namin. May klase pa kasi kami ngayon na six o'clock kaya pagkatapos ng internship ko dumiretso na ako sa school.
Pagkatapos no'ng nangyari kay lycka last sem, nagulat 'yong iba ng bumalik siya sa school. Himala raw at buhay pa siya...bakit buhay pa raw siya, eh, ang chismis nagpakamatay nga raw. Natawa na lang kaming dalawa sa mga usap-usapan kesyo si hesus nga raw nabuhay pagkalipas ng tatlong araw kaya baka posible raw. Mga puno ng kalokohan mga mindset ng iilan sa school!
"Mag-ingat ingat ka na lang, sining. Alam mo naman na madali kang ma-fall sa mga lalaking may pagka-dark side. Paalala lang, you're not here to save anyone anymore. Hindi ka super hero." pangangaral ni lycka sa akin.
As I reminisce the past, I don't want to be the sining who wants to save those broken people anymore, dahil I want to be the sining that will save myself from any pain.
"Ikaw rin, lycka. Lagi mong isipin na lilipas din 'yong malungkot mong araw."
Nagkatinginan kaming dalawa at bigla na lamang natawa. Kahit na niloloko namin ang sarili namin sa ideya na gano'n ay dapat hindi kami nagpapatalo sa kalungkutan. Naniniwala ako sa sarili ko na kakayanin ko dahil marami na akong kinaya at kakayanin pa!
Pagkauwi naman sa bahay, gano'n pa rin ang eksena...palaging gano'n. Didiretso lang ako sa paglalakad at aakyat sa kuwarto ko na parang isang hangin.
Tinungo ko ang study table ko at inilapag ang aking bag sa may upuan. Nilabas ko ang bagong bili kong notebook sa papermelroti upang gawing bagong diary sa taon na ito.
11-28-18
09:47PM
Kumusta ka, sining? Kamusta ang unang araw ng ojt? Masaya ba? Kinabahan ka ba? Nakakatakot ba yung mga kasama mo? Ikuwento mo sa akin. Papakinggan kita. Palagi. Nandito lang ako palagi. Kakayanin mo lahat ng iyan, magbubunga din lahat ng paghihirap mo, magtiwala ka lang sa sarili mo. Nandito lang ako para sayo.
Ang iyong kaibigan,
notebook.
Hindi talaga nababago ang mga bagay-bagay kahit anong pilit minsan. Iyong buhay ko parang isang bangungot na gusto ko na lang magising kaso mahirap din magising sa isang bangungot lalo na kung hindi ka naman tulog.
Isinara ko ang aking notebook at inilagay ito sa aking taguan. Ibinagsak ko ang aking sarili sa aking kama at nakatingin lamang sa kisame.
"Kakayanin mo lahat, sining. Maghintay ka lang...konti na lang makaka-graduate ka na rin at makakalaya na sa invisible rehas na nakakabit sa mga paa't kamay mo. Konting push na lang. Kakayanin mo dahil alam kong kaya mo!"
Nagpalit muna ako ng damit bago bumaba upang kumain. Gano'n pa rin ang eksena sa hapagkainan, 'gaya ng dati...hindi nagbago. Walang nagbago. Pangarap pa rin nila ang kanilang ibinubulyaw.
"Suwerte mo sining at may backer ka sa internship mo! Iyong iba mahihirapan sa paghahanap niyan kaya ang suwerte mo sa kuya jayson mo!" ani papa na pinagmamayabang na naman 'yong pinsan kong cpa-lawyer.
Anong suwerte? Hindi 'yon suwerte. Hindi ko man lamang naranasan 'yong ginagawa ng iba kong kaklase...iyong naghahanap ng ma-a-apply-an o iyong kaba sa interview. Gusto ko maranasan din 'yon, iyong pinag-uusapan at pinagkukwentuhan ng mga kaklase ko tungkol sa gano'ng experience nila!
"Kaya nga po, eh." tangi kong nasabi kay papa.
"Pagbutihan mo lang sining at baka sakali kunin ka r'yan sa pinapasukan mong ojt." sambit ni mama.
Pero ma, hindi naman related 'yon sa kurso ko. Alam niyo ba kung ano lang ginagawa ko ro'n? Hindi ako mag-i-improve ro'n! Hindi 'yon ang lugar para sa akin!
"Pagbubutihan ko po para makuha nila ako." sambit ko.
"Dapat lang! Iyong thesis mo huwag mo rin pababayaan, ah! Ayon ang pinaka importante para maka-graduate ka!" ani papa na tinanguan ko na lang.
Konting tiis na lang sining, konting tiis na lang at matatapos rin ang bangungot na ito.
•••
Alas otso ang simula ng aking shift sa law firm dito sa boni, bandang mandaluyong. Sasakay lamang ako ng jeep pa-guada at konting lakad lang din para medyo makatipid dahil nagsisimula na akong mag-ipon para sa pangangailangan ko sa future.
pagkarating ko sa office, may pinagawa agad si ma'am nej sa amin sa storage. Nadagdagan na naman ang mga documents na dapat naming i-organize. Iyong kasama kong intern ay hindi pa rin ako kinikibo kaya napaka tahimik namin kung gumawa ng trabaho.
Hindi kaya bumaho hininga niya sa hindi niya pagsasalita?
"Kumusta kayo r'yan?" biglang sambit ni ma'am nej pagkapasok niya sa storage room.
Medyo magkalayuan kami no'ng isang intern ng puwesto, marahil ayaw niya sa akin o allergic siya sa babaeng katulad ko.
"May kailangan po ba kayo, ma'am?" tanong ko sa aming visor.
"Ahh, meron pero ako na lang maghahanap."
Inisa-isa ni ma'am nej ang mga drawers at may hinahanap na docu na hindi ko alam kung tungkol saan kaya hindi ko na lang pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa.
"Ano nga palang course mo, sining?" biglang tanong ni ma'am nej, napansin niya siguro ang katahimikan sa loob.
"Business Administration po, ma'am." tugon ko.
"Business? Ano 'yon, first choice mo?"
"Opo." pagsisinungaling ko.
Hindi ko talaga alam kung ano ang first choice ko dahil para sa akin isa lang naman ang pagpipilian ko at iyon ay kung ano ang pipiliin ni papa.
"Ahh, ano bang pangarap mo?" tanong ni ma'am nej habang nagkakalikot pa rin sa mga drawer.
"Pangarap ko..." I paused for a moment, unable to answer immediately.
Ano bang pangarap ko? Ang totoo niyan wala naman talaga akong pangarap dahil ibang tao ang nangangarap para sa akin. Ano ba 'yong pangarap? Bakit ako wala? Puwede bang maging pangarap ang magkaroon ng pangarap?
"Pangarap ko na tuparin lahat ng pangarap ng mga magulang ko." I answered, as a loyal daughter should.
Napatingin sa akin si ma'am at nginitian ako, naniningkit pa ang mata.
"Ang bait mo namang anak, sana matupad 'yan." aniya.
"Sana nga po."
Nang makuha na ni ma'am ang kaniyang pakay ay naiwan na naman ulit kaming dalawa no'ng kasama kong intern na napaka most behave.
Inilabas ko na lamang ang aking cellphone at nagpatugtog ng isang awitin mula sa mp3 player nito; Pagtingin by Ben&Ben at akin itong ipinatong sa aking hita dahil naka-indian sit kami.
"Ahm, business?" napalingon ako sa biglang nagsalita.
"Hmm, ako ba?" sambit ko na may pagturo sa aking sarili.
"Yes, ikaw lang naman business major dito."
"Sabi ko nga po." mahina kong pagkakasabi na may pagngiwi. "Bakit?"
"Hmm," hindi siya kumibo at hindi rin niya ako tinitignan, nakatingin lang siya sa i-no-organize niyang mga documents.
Nahihiya ba siya sa akin? Nakakailang ba ako kausap? Am I not nice enough?
"Business, about your dream..." aniya na hindi pa rin sa akin nakatingin.
"I know how it feels to dream for the sake of our parents, but have the courage to follow your heart and intuition. It sometimes know what you truly want in life." dugtomg niya.
Napatingin lamang ako sakaniya ng seryoso.
"Pero that is really my dream..." sabi ko.
Hindi ko alam kung ano ba itatawag ko sakaniya, kung pangalan ba niya o 'yong kurso niya dahil 'yon ang tinatawag niya sa akin.
"Why?" tanong niya.
"Kasi..." napalunok ako at napatingin sa paligid. "Kasi mahal ko sila.".
"Pfft, what bullshit is that? You know, business,"
Napatingin ako ulit sakaniya at nakatingin na nga siya sa akin this time.
"Children must never work for a parents love, they must rest in it."
My eyes went a little wide sa sinabi niya.
"You know, a lot of parents will do anything for their child except let them be themselves. Go find your own dream, business, and make that happen." dugtong pa niya.
"Pero what if 'yong gusto ko hindi naman nila gusto?"
Bumalik na ulit siya sakaniyang ginagawa at gano'n rin ako. Hindi na naman kami nagkibuan after no'ng pag-uusap na 'yon.
"Business, birds born in cages think freedom is a crime." bigla-bigla niyang saad.
Napatingin ulit ako sakaniya pero naka-focus ito sakaniyang gawain. With that short unexpected sentence that he blurted out, It made me believe that I just met someone who knows how I feel.
Dahan-dahan niyang iniangat ang mga tingin sa akin. Magkatinginan na kami at parehong seryoso ang expression. He looked at me like I was the answer to everything at sa totoo lang, naiilang ako.
And then he slightly smiled, his dimple on his left cheek shows. His eyes and the way he smiles looks like another heartache.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro