Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue


Tayo at ang oras

•••

I was fighting back tears but still managed to let out a smile. Maybe he was right...maybe it's time for me to go home.

Maybe as time passes by, I still ache and cry inconsolably and I think I'm growing angrier...I think I am healing wrong. Not like him, he knows how to accept things and choose to move forward. Samantala ako, I always choose to be stuck from the past. Baka nga tama siya? Baka nga oras na para umalis sa nakaraan at isipin ang kasalukuyan. Baka nga oras na para umuwi at itama ang lahat. Dahil matapos man ang araw, isa akong mabuting anak. I'm not perfect by any means but my intentions are good, my heart is pure and I love hard with everything I've got and because of those things, I'm worth it. Noon pa man at palaging magiging gano'n.

"Uuwi na ako." sambit ko.

Pagkatapos ng usapan na iyon, kinuha na namin ang aming gamit sa aming tinutuluyan at tinahak na ang byahe pauwi sa bahay ni polsci. Kinuha ko lahat ng aking gamit at inilagay ito sa aking bag.

"Iyong mga damit mo pala na pinahiram sa akin hindi ko pa nilalabahan..." sabi ko.

"No, okay lang. Iyo na 'yon."

"Ano ka ba, may jacket ka pa ngang pinahiram sa akin dati nandoon lang sa aparador...amoy aparador na nga 'yon, eh."

"Sa'yo na rin 'yon. Remembrance just in case you'll miss me."

"Wow ha? Magkikita pa naman siguro tayo sa café, eh,"

"I don't know...I may not be able to...kailangan ko na mag focus sa studies and then for bar exam. Nalalapit na rin kasi 'yon."

"Ahh, gano'n ba?"

"Yeah,"

I was all packed and ready to go. He was standing in the front door, hands on his pockets, nakatitig na naman siya sa akin. I made eye contact and a lip bite. The corner of his mouth quirked up, his dimple on his left cheek appeared. His brown eyes, and the way he smiles can totally make my butterflies do the twirls and back flips. And maybe some eyes and smiles touch you more than hands ever could.

"Do you want me to leave?" seryoso kong tanong.

"Yes." walang alinlangan niyang sagot pero malungkot ang mata nito.

"Do you want me to stay?"

"Yes." Tugon niya ulit sa malumanay na boses pero malungkot na tingin.

"You say yes to whatever...timang ka ba?"

"Probably, yes? Tara na?"

"Magiging malungkot ka ba kapag umalis ako?"

Hindi siya umimik pero bakas pa rin sa mga mata nito ang kalungkutan. Eyes tell what words can't. Pero wala yata siyang balak na pigilan ako. Kadalasan sa mga napapanood kong drama sa tv kapag mahal mo, pipigilan mong umalis. Iba si polsci, marahil gusto niyang gawin ko rin ang kaniyang ginawa noon...ang umuwi dahil iyon ang tama.

"Alis na tayo." sambit ko.

Tahimik ang byahe, kalmado at komportable sa loob. May pangangamba man na bumabagabag sa aking damdamin pero isinasantabi ko iyon. Hindi ko alam kung anong mangyayari, hindi ko alam kung ano naghihintay sa akin pauwi. Magbabandang hapon na...baka kakauwi pa lang nila mama at papa galing simbahan...gano'n ang kanilang gawain tuwing linggo. Ano kaya ang sasabihin ko kapag nakita ko si papa? May sasabihin kaya ako? Hindi ko malalaman ang sagot kung hindi ko naman susubukan...

"Worried?" tanong ni polsci.

"Hmm, medyo. Hindi ko alam kung anong mangyayari...kung papatuluyin ba ako o hindi sa bahay...kung galit pa ba si papa o hindi..."

Narinig ko ang mahina niyang pagngisi, nakadungaw lang ako sa labas, may pangangamba pa rin sa aking dibdib.

"Let me tell you this, based on experience, the magical thing about home is that it feels good to leave, and it feels better to comeback. It may sound cliché but I believe that no family is perfect...they're gonna be arguments, disagreements, fights, or even stop talking to each other at times, but in the end, family is family...the love will always be there. At kung hindi ka man tanggapin doon, hindi ka man patuluyin nila...umuwi ka sa akin."

Napangiti ako ng palihim. Wala na akong masabi...pati kaluluwa ko yata hulog na rin sakaniya. Pero ayoko maging makasarili at isipin na sana hindi ako tanggapin sa bahay para sakaniya ako umuwi...hindi ako magiging patas sa tamang desisyon na ginawa niya para sa akin. Kung tutuusin, hindi niya pinaalis ang mga demonyo ko, ngunit gusto niyang palakasin ako para labanan ito.

I genuinely fell for someone when I wasn't searching for love, I was searching for peace. I was searching for myself and found a friend who became that someone in my life. Sometimes you need to focus on growing yourself and you'll run into what's destined for you.

"Itigil mo na lang dito..." sambit ko habang tinatanaw ang kalye namin at apat pang bahay ang layo sa mismong bahay namin.

We looked at each other too intense pero walang kumikibo, walang umiimik. We just stared at each other too long, memorizing the feeling. At ngayon ko lang na-realize na hindi ko siya minahal dahil sa itsura niya...kundi sa paraan ng pagtingin niya sa akin. I saw home in his eyes and I found love in his smile.

"You should go, time's running." aniya, tumango lang ako bilang tugon.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto ng kotse at bumaba.

"Wait!" pagpigil niya sandali, "Gusto ko lang sabihin sa'yo na...please remember what you said before when we were interns...ayon lang. Goodluck." sambit niya at hinintay ang pagsara ng pinto.

Akala ko'y pipigilan niya ako sa pag-uwi...ngunit hindi pa rin pala.

Pagkababa ko sa kotse, nilingunan ko pa ito. Hindi siya kita sa labas pero alam kong pinapanood niya ang paglayo ko habang malungkot ang mata pero may ngiti sa kaniyang labi.

And maybe, when the time is right, we can meet again as someone that know each other a little far too well. Someone that somehow...still feel like home.

No'ng marating ko ang tapat na gate sa aming bahay, nilingunan ko ulit ang kotse ni polsci na nakatigil pa rin sa kanto. Mula sa bintana ng kotse nito inilabas niya ng bahagya ang kaniyang kaliwang kamay at nag-thumbs up. Palihim akong natawa, medyo tinango ko ang aking ulo upang bumagsak ang aking buhok at maharangan ang aking mukha...dahil sa pagtawang iyon ay para na rin akong iiyak.

Marami na akong nakilala sa mga ins at outs ng buhay ko ngunit siya, bukod sa lahat, ay palaging magiging paborito ko.

At marahil iyon ang ibig sabihin ng soulmate? Parang best friend pero higit pa roon. Ito ang isang tao sa mundo na mas nakakakilala sa iyo kaysa iba. Iyong taong gagawin kang mas mabuting tao. Hindi, actually hindi ka nila ginagawang mas mabuting tao, ginagawa mo iyon nang mag-isa para sa sarili mo dahil na-inspire ka nila. Ang soulmate ay isang taong dadalhin mo habang buhay. Its the one person who knows you, accepted you and believed in you before someone else did or when no one else would. At kahit anong mangyari, mamahalin mo sila palagi at walang makakapagpabago roon.

Inayos ko ang aking sarili pati ang pagbitbit ko sa aking bag. Sinimulan ko ng kumatok ng malakas sa gate at ng gawin ko iyon ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ni polsci...nagsisimula ng umandar ang kotse paalis. Kakaway pa sana ako kaso bigla na ring bumukas ang gate at nakita ko si papa...nakatayo sa aking harapan. Suot ang paborito niyang puting t-shirt at maong.

Nagkatinginan lamang kami...walang nangungunang magsalita...hindi ko alam ang aking sasabihin...kumakabog ang aking dibdib ko sa sobrang kaba!

"Ahh..." mahina ko pang bulalas.

"Nagmeryenda ka na ba?" tanong niya.

Kumain na ako bago kami umalis sa bahay kanina...pero kung ito ang magiging daan ng magandang simula, hindi naman problema ang pagdagdag ng laman sa aking tiyan.

"Hindi pa ho..." pagsisinungaling ko.

"May binili kaming tinapay ro'n, palamanan mo na lang ng peanut butter...magtimpla ka na rin ng kape mo."

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang magpigil ng iyak. Kung gaano kadali makalimot ang magulang sa isang pangyayari pero napakahirap sa isang anak? Kung gaano kahirap makarinig ng salitang sorry mula sa magulang pero ganoon rin sa anak.

"Pumasok ka na ro'n sa bahay, sumabay ka na sa amin." aniya.

"Opo..." sambit ko habang humahakbang papasok sa loob.

Nakita ko ang maayos at malinis kong motor na nakaparada sa gilid. Nilinisan ito at marahil nasa kwarto ko na ang naiwan kong mga gamit.

Pagpasok ko sa bahay, wala namang nagbago. Sabagay ilang araw lamang akong nawala...pero pakiramdam ko ilang taon iyon.

"Sining!" bulalas ni mama, dali-dali itong lumapit sa akin at ako'y hinagkan.

"Kumain ka na ba? Ha? Nagugutom ka ba?" tanong nito.

"Nananghalian na po ako kanina pero hindi pa po ako nagmemeryenda..."

"Sumabay ka na sa amin. I-akyat mo muna ang gamit mo sa kwarto mo." sambit ni papa pagkapasok ng bahay at dire-diretso sa hapagkainan.

Baka may ibang paraan ang magulang sa paghingi ng tawad? Baka sa magulang ko, ganito ang kanilang paraan...ang kalimutan ang pangyayari na parang hindi nangyari at umusad na lamang. Hindi ko man narinig ang salitang nais kong marinig mula kay papa pero baka hindi ko naman kailangan pang mapakinggan iyon? Baka sapat na ang maramdaman lang? Hindi lang din naman siya ang nagkamali, pati rin naman ako.

Pag-akyat ko sa aking kwarto, malinis ang paligid. Maaliwalas tignan. Baka rito tinuon ni mama ang lungkot na nararamdaman noong nakalipas na araw.

Ibinagsak ko ang bitbit kong bag sa kama at inilabas ang mga laman nito. Nakita ko ang librong isinauli ni polsci sa akin at akin itong ibinuklat. May mga highlighted phrases ang ibang pahina na hindi naman ako ang may gawa. Pagpunta ko sa pinaka huling pahina, sa blank page, may nakasulat...lapis ang gamit.

When did life start being something you had to work at and not something that just is?

But this book is good-good. I realize that whatever happens, we always ended up going back home.

At hindi ko akalain na malaki ang ambag ng librong ito sa aming dalawa. Baka ang tunay na soulmate ay ang sarili mo lang? Sometimes you have to be the love of your life until you discover that type of love in someone else.

Ngayong nakauwi na ako, wala na akong ibang gusto ngayon kundi ayusin ang sarili kong muli...pero this time, I will be healing right.

•••

Lumipas ang ilang araw, parang bulang madaling pumutok ang tampuhan namin ni papa. Ikinabigla ko rin ang pakikipag video-call nito kay musika...ang anak ni kuya. Pala-isipan sa akin kung paano nangyari ito...kung nagsimula ba ito sa lamay ni lolo kung saan nagka-usap sila ni kuya? O 'yong panahon na nawala ako at pinuntahan nila si kuya?

No'ng araw na pag-uwi ko noon, pagbukas ko sa aking cellphone, nakita ko ang sandamakmak na message mula kay kuya...hinahanap kung nasaan ako. Hinanap ako nila papa sakanila at doon marahil nagusap-usap ang mga ito.

Pagkalipas ng isang taon, natapos ang pinapagawang bahay namin. Iyong lumang bahay ibinigay kay kuya upang hindi na sila mangupahan pa...halos katabing bahay lang naman nila kami kaya palaging nakakalaro nila mama at papa si musika. Masasabi ko na binago sila no'ng bata. Masasabi ko rin na ito iyong matagal ko na ring hinihintay na pagbabago sa pamilya ko.

Hindi na rin kami nagkakatsempuhan ni polsci sa cafè...isang beses lang ako nakatanggap muli ng sticky note sakaniya at inabot pa 'yon ni margarita sa akin.

I hope there are days when your coffee tastes like magic, your playlist makes you dance, strangers makes you smile, and the sunrise touches your soul. I hope you fall in love with being alive again.

-Seann.

Dahil wala naman akong contact sakaniya, nakisuyo na lang din ako kay margarita na kung makita siya ay i-abot ang mensahe ko. Na naibigay naman nito no'ng ito'y sumaglit...at ayon na ang huli.

Lumipas ang panibagong taon, nagpaalam ako ng maayos kina papa tungkol sa pagresign ko sa trabaho sa office...ikinagulat ko ang kaniyang pagsang-ayon...wala ng sumbat o pagtutol...diretso sang-ayon na. Hindi ko akalain na dadating din ako sa panahon na pinapayagan na niya ako sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. I've already prayed, and I've already cried. So, maybe there's nothing to worry about...all I just need was to wait for God's perfecting timing for everything.

At sa pagtungtong ko ng twenty-five, bukod sa business, I like to have something of my own—a book. Gusto ko magsulat...gusto ko isulat sa isang mala-nobela ang mga diary entry ko. Pakiramdam ko ay oras na para mabasa ng iba ang mga pinagdaanan ko.

Nagsusulat ako dahil naramdaman kong parang may nakikinig, o sa wakas ay nakikinig ako sa sarili ko. Ang mga diary ko na nakatago at nakaimbak. Ang mga bolpen...mga bolpen at ang mga tinta nitong tumutulo sa mga pahina na parang luha mula sa aking mga mata noon. Ito rin, sobra na ang nasaksihan sa buhay ko. Alam nito ang aking dalamhati at kaguluhan. Pero sa gitna ng magulong istorya na aking binubuo, nagkakaroon ng liwanag. I might be the writer, but he will always be the words.

Nang matapos ang aking kuwento na pinamagatan kong 'Ako, Sining.' na aking pinaself-publish sa isang hindi kilalang publication. Ang mga kopya nito ay inilugar ko sa library ng cafè. No'ng makita ko ang nagkukumpulan na mga diary ko sa aking study table sa kwarto ay akin itong inisa-isang basahin...simula una hanggang huli. Isinulat ko ang aking lumang buhay sa mga makapal at manipis na notebook na iyon, binasa ang ilan dito ng ilang beses. Habang tumutulo ang mga luha ko, alam kong hindi na ito akin. Kaya, pinulot ko ang lahat, at sinunog sa labas ng bahay. I burned up my past and left it behind me.

•••

Pagkalabas ko sa kusina agad na tumambad sa akin si margarita halatang nagmamadali.

"Boss madam, ikaw nga muna magbigay no'ng order na 'yon! Jingle lang ako!" sambit niya at dire-diretso ang pagpasok mula kusina patungong banyo.

Kinuha ko ang order na nagawa na ni margarita...dalawang order mula sa isang tao...binasa ko ang pangalan na nakasulat sa papel.

"Order from attorney?" pagbigkas ko sa maliit na mikropono.

"Attorney, order from attorney!" pag-ulit kong pagtawag.

Nakita ko ang paglapit ng isang lalaki, bahagyang nakataas ang isa nitong kamay. Nagkatinginan kaming dalawa, parang ayokong kumurap. Bibig ko ay bahagyang nakabukas. He was wearing a suit—dark blue. He looks the same, he look very classic. If God really exist, he definitely spent extra time on him!

Ngunit nagpakapropesyonal ako. Inabot ko lamang sakaniya ang kaniyang kape.

"Congrats, attorney." sabi ko, nakangiti ng malapad.

"Thanks, business."

Tinignan ko ang kaniyang mata...ang pagtingin nito sa akin at pagbaba nito sa kape at sa akin ulit. Patuloy ang aking pagngiti at bahagyang tinango ang aking ulo bilang tugon. He plastered a smile on his face for a second at sabay talikod nito bitbit ang dalawang order na kape paakyat sa hagdan papuntang second floor.

My mouth curved into a smile as he looked back at me.

There is really no need to rush on things. What is meant for you will always arrive on time.

•••

Wakas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro