Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Week 3 Review Response: johnmg95

From of my the bottom of my heart, I'd like to thank everyone for giving me the opportunity to join this amazing Book Club and share my story with you. It's a great honor to be a part of FWFC Club. To the admins, maraming salamat po sa pagbibigay niyo ng oras na basahin at ireview ang aking akda. Sobrang naappreciate ko talaga ang inyong mga tips, advice, comments, suggestions and compliments. It opened my eyes to my strengths and weaknesses as a writer. You guys served as my mentors at babaunin ko lahat ng mga natutunan ko mula sa inyo. Thank you for encouraging me to write. Kayo ang aking inspiration para ipagpatuloy ang aking pagsusulat. I'm deeply grateful.

kit_mccartney maraming salamat po sa mapanuri niyong review at sa pagbabasa hanggang Chapter 6. Salamat po sa pagpoint out ng aking pagkakamali sa hyphen at redundancies Sisiguraduhin ko pong itatama ko ang mga ito kapag inedit ko na yung story.

For the story, I think the first book will have 70-90 chapters. Fate of Brothers is considered as an introduction to the second and third book. It served as a history that will set the events of the second book in motion. Tama po kayo, maaaring umabot hanggang 100 chapters ang book of one of my trilogy.

For the dialogues, I'll try to revise it to make it more believable. Notably yung kay Fierro and Artura. He said those things to his mother dahil tumatak sa isip niya yung pang-aasar ng mga bata na hindi siya mahal ng kanyang ina. I'll try to revise it to make it more authentic.

ReddHumann Thank you for your honest review of my work. I like how honest you are when it comes to this at di ka nagsusugarcoating. Sinasabi mo talaga kung ano yung opinion mo sa story and I highly respect that. Thank you for mentioning the parts na kailangan pa ng improvement. I'll make sure na mababalanse ko yung exposition at dialogues, lalagyan ko lang siya ng exposition kung relevant siya sa situation. Aayusin ko rin yung napuna mo sa dialogues and descriptions. Gagawin ko siyang malaman hahaha. Salamat rin sa papuri mo sa aking mundong nilikha.

For the main conflict, hindi pa nga ito makikita sa unang tatlong chapters. Siguro sa kalahati pa ng Book 1 marereveal. Stay tuned J

libranages I'm very grateful when I read your review. Sobrang naflatter ako sa mga compliments mo regarding sa characters, descriptions and dialogues. You really made my day. Lalo tuloy akong nainspired magsulat. Salamat sa mga tips mo tungkol sa mga errors ko sa ng at nang, hyphen, kudlit at iba pa. 21 years of existence and I still don't know how to use them properly. Mag-aaral ako ulit ng bokabularyong Filipino hahaha. One more thing, pasensya na sa mga characters. Aaminin ko marami talaga sila at pagdating sa Books 2 and 3 magiging triple ang dami ng mga characters. Lastly, Naappreciate ko yung sinabi mo na hindi ako nagsusulat upang mag-entertain kundi upang magbigay aral. Totoo iyon, isa sa main goals ko as a writer is to give lessons to my readers. Yung tipong may matututunan sila. I think all writers must do that as well.

purple_porpoise a big round of applause for you for reviewing chapter by chapter. Maraming salamat for your wonderful review. Natuwa ako at nagustuhan mo ang world-building, characters at language. Nakakataba ng puso na may nakakaappreciate sa gawa mo. Nakatulong ang iyong pagpin-point ng mga mistakes sa aking kwento. Marami pa nga siyang plotholes na kailangang ayusin. Kapag tapos na ang book 1, ieedit ko ang lahat. Gagawin kong mas meaty ang descriptions lalo na sa mga lugar, iiwasan ko na rin mag-info dump. Tsaka lang ako mag-eelaborate tungkol sa history and backstories kung talagang kailangan. Maganda ang iyong ideya tungkol sa paggamit ng dialogues upang maipaliwanag ang mga ito. Gagawin ko iyon. Aayusin ko rin yung scene transistions at dialogue tags. Matagal ko na itong pinoproblema hahaha. Sobrang nakatulong talaga ang mga advice mo, for that I'm very grateful.

One last thing, English ang title kasi wala akong maisip na title sa tagalog. Tsaka mag mas mukhang universal ang kwento kapag English ang title.

ChantalCruz30 maraming salamat for reminding me of the things I needed to improve mostly sa grammar. Hahahaha kailangan ko talaga mag-edit pagkatapos ng aking kwento. Thank you for praising my world-building, actually di pa nga ganoong kadetailed yun. Marami pa akong inaalala tungkol sa Buong Lupain. Thank you rin for complimenting my characters and use of Filipino Language. May mga bagay kasi na di ko pa kayang iexpress sa English kaya tinagalog ko muna pero nakapagsulat na rin ako ng English stories in the past.

Like purple_porpoise minention mo rin yung info-dumping. Don't worry I'll keep that in mind. Yung sa transitions rin sa mga eksena, iisipan ko siya ng paraan kung paano ito maaayos.

For the Most Helpful Review, lahat kayo maaari kong piliin dahil lahat ng reviews niyo nakatulong talaga but for now I'll go for ReddHumann because he's listed as a featured writer at siya pa lang ang nakapagbigay ng review. I'm still waiting for lunatrix and RLance.

Once again thank you FWFC for giving the chance to share my story. It's been an amazing experience working with you guys. Thank you to the admins and members. Kapag Cycle 5 na pwede niyo akong gawing guest reviewer kung kailangan. Hindi ako magdadalawang-isip. Hahahaha.

Special thanks rin kay RLance, siya ang nang-engganyo sa akin na sumali rito sa FWFC. I owe you a lot. Alam kong busy ka. Don't worry, I'll wait for your review. To admin yhin2x, thank you rin sa pagbasa.

That's all for my Review Response. Pasensya na sa mala-Oscar kong speech. Hahaha Good day everyone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro