Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Week 2 Review Response: MissBulilit

Hello po sa inyong lahat. =) Gusto ko po munang magpasalamat dahil nakasali ako sa grupo ninyo. Gusto ko po talagang maging magaling na manunulat. At hindi po batayan para sa kin ang magkaroon ng published book dahil ang mas importante sa kin ay yung kuntento ako sa gawa ko at may mga totoong tao na kuntento rin dito. Sa tagal ko na sa wattpad marami na akong nakilalang nagmamagaling pero sa awa naman ng Diyos naka tisod din ako ng mga totoong tao na handang tumulong sakin. Maraming salamat sa inyo.

Siya nga po pala baka isipin ninyo na unang Fantasy story ko ito. Hindi po kasi may mga naisulat na po akong under Fantasy Genre na nakapaloob sa Short stories Compilation na nasa profile ko.

Eto na po. Ang unang naging problema ay copyright issue. Ang Ceres po kasi na ginawa ko ay hango sa AyashinoCeres na orihinal na gawa ni Yuu Watase na anime noon. Bago pa ako makapunta sa Thread ng Fantasy Writers ay may nakapagsabi na nito sa'kin. Ngunit ang mali ko lang ay inakala ko agad na kapag nilagyan ko na ng 'fanfic' sa Tags ay okay na. Ngayon po pala ay hindi siya tama.

Mali rin po ang naging pagintindi ko sa salitang FanFic.

Ang balak ko po talaga sana ay bigyan ng mas malalim na kwento ang mga ibang karakter ni Yuu Wasate na sa'king palagay ay hindi nabigyan sa anime. At gumawa ng ibang twist at ending. Ngunit, sabi ko nga mali ang pagkakaintindi ko sa FanFic.

--
Maraming salamat po pala kay ReddHumann dahil siya ang nag aya sakin sa thread dati.

Salamat din po kay kuya aftermat na unang naging inspirasyon ko sa pagsulat ng Fantasy dahil sa akda niyang Seal of Light. (Libre na tong pag promote na to Kuya hehe.jwk lang)

Salamat din po kay kuya kit_mccartney. Na una kong nakilala dahil naka partner ko siya hahaha. Sobrang nakaka lakas at gaan ng loob ang paraan mo ng pagbigay ng kritisismo.

Salamat din po kay kuya libranages dahil nagtiwala parin siya sa kabila ng issue ko sa Ceres. Salamat sa mga tips mong ibinigay sa'kin.

Overall.
Dahil natapos na rin akong maging feature dito ay pinag iisipan ko ng tangalin ang Ceres. Ngunit dahil narin na raise na ang issue na ito sa iba pang admin/myembro ng grupo na ito, huwesyon nilang iedit ko na lamang ang Ceres. Palitan ng FanFic Category. At lagyan ng tatak Missbulilit.

Kaya kong magsulat ng fantasy dahil una ko na iyong nagawa bago pa itong FanFic na ito. Kaya alam kong kaya ko.

Ibalato niyo na po muna sa'kin yung mga pagkakamali ko sa technicalities dahil masakit para sa'kin 'tong copyright na ito.

Salamat po at sana makilala ko pa po kayong lahat.

-------
Ang most helpful reviewer ko ay Kuya libranages. At gusto ko rin sanang mabigyan si kuya kit_mccartney ng title na Prowess Provider. Dahil sabi ko nga sobrang nakakalakas at nakakagaan ng loob yung pamamaraan niya ng pagbigay ng kritisismo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro