Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Week 1 Review Response: yoshiro_hoshi


Hi po! Yoshiro Hoshi here!

Una po sa lahat, nagpapasalamat po ako sa FWFC sa pagtanggap sa akin na maging bahagi ng Cycle One ng FWFC Book Club.

Pangalawa, salamat po sa mga nagbasa at nag-hain ng mga tips nila para mas mapaganda ko pa ang nobelang ito.

At last, but not the least-----sobra po talaga kong nahirapan sa pag-pili ng "Most Helpful Commentator". Lahat po kasi sila, mahuhusay! At talaga namang napa-AH!!!! Ako sa mga tips nila. Naka-screen shot nga po sa phone ko ang mga tips nila, at antimano sa mga susunod kong updates, i-aaplay ko na sya. :)

Heto na po ang tugon ko sa mga kumento nyo:

******

COMMENT RESPONSE

NowhereGray – Kumusta! Akala ko nga hindi ka na magkokomento kasi nabasa mo na itong Ghost Retriever noon, pero nagulat ako na nagkomento ka pa rin. Kaya salamat.

Tama ka, ang LAKI nga ng problema ko pagdating sa tamang paggamit ng mga bantas (susunod ko na ngang target bilhin sa National Book Store eh yung librong may kaugnayan doon.) Salamat dahil binigyan mo ng TEN POINTS ang story sa bitin factor. :D

P.S Sana hindi ka binangungot ng husto sa "Gate of Slain" (yung mga trees na ang bunga ay mga ulo, at ang mga sanga at dahon ay mga braso at kamay). Salamat sa patuloy na pagsubaybay.

purple_porpoise – Tama kayo, may kakulangan nga ako pagdating sa paglalahad ng mga settings. Sa prologo naman, tama po kayo na ang gusto ko lang munang ipakita ay yung scene lang nina Haru, Yufa at Death Adder na parang may spotlight churva, pero may katwiran kayo sa sinabi nyo na dapat nilagyan ko sya ng detalye gaya ng ospital, ganoon din sa mga page breaks (na namention rin ng iba pang kritiko) at sa paggamit ng ellipses. ^_^

Sa Kapitel One naman, karamihan doon naguluhan, kaya nauunawaan ko na marami kang napuna sa chapter na iyon. Doon naman sa gasera, yung tanong nyo kung bakit nga ba nag-iwan ng gasera ang trabahador sa tapat ng imbakan ng mga paputok? --- tama kayo ng hinala, may kinalaman doon si Death Adder. Kaya sya naroon sa mismong araw na iyon ay para siguruhin na matutupad ang kanilang kasunduan, na mamamatay si Haru sa pagkasunog. Pero tingin ko, hindi ko rin iyon nabigyan linaw sa Chapter One, so pag tapos na po ang buong libro, sisiguruhin ko na i-eedit ko ng husto ang chapter na iyon. Hinaylayt din ito nina ChantalCruz30 at kit_mccartney

Yung tungkol naman sa Gender-Neutral Issue...uh...ngayon ko lang yan na-realize. (Good thing talaga na na-kritiko ito ng husto). Salamat sa pagbibigay-batid sa akin tungkol sa bagay na iyan.

At higit sa lahat --- ang footnotes. Nagkaroon kasi ako ng alinlangan na lalung ma-bumbard ang mag-babasa kung ipapaliwanag ko pa ang ibig sabihin ng mga terms sa mismong story, pero may katwiran kayo na maaari ngang magkaroon ng kaunting confusion ang mga magbabasa kung nakahalo ang fictional terms sa real facts. Hindi ko pa alam kung paano ko iyon ihahalo sa story na hindi manunuya ang magbabasa, kaya....sana matulungan nyo parin ako sa bagay na ito. T_T

GreenLime8Tungkol sa paglalagay ng salitang "POV" ----- hindi po talaga ako naglalagay no'n. Para sa akin, parang idinidikta ko na sa readers na ang taong iyon ang nagsasalita. Gusto ko hangga't maari na may sarili boses ang mga karakter ko, na kahit hindi ko lagyan ng for example "Death's POV" alam nilang si Death 'yon. Gusto ko na gumana ang imahinasyon nila, parang ganoon. Pero salamat parin sa pagpuna mo. Naapreciate ko din ang pagpunto mo sa mga maling bantas ko.

leoconstellwriterHaha! Ayos lang po kahit hindi ninyo gaanong napunto ang mga kahinaan ko pagdating sa teknikal na pagsusulat. Kung ako man ang nasa kalagayan mo, wala rin akong anumang maibabahagi lalu na't hindi ko nakasanayan na mag-wasto ng akda. Salamat kasi tumatak sa iyo si Death Adder, hehe.

kit_mccartney – wow, masasabi kong isa ka sa mga komentador na talagang nagbigay ng kakaibang puna sa kwento ko. First time kong narinig yung mga terms gaya ng "fluid", at maging ang tamang word na "maski" (totoo, talagang napa ""waaah!" ako nang mabasa 'yun. Parang sampal din sa akin na "ano ka ba naman michay!" yung mga ganoon ba.

Salamat sa papuri mo sa linya ko na "Parang babara sa kaniyang lalauman ang kaba na kaniyang nararamdaman", at sa pagbibigay-interpretasyon sa Pasilyo mga Pintong Nagsasalita (Hall of Deceivers). Hindi ko inaasahan na mabibigyan ito ng iba pang interprestasyon (at kayo lang yata ang taong gumawa nun). Habang nakapila ako sa terminal papasok ng trabaho (dala na rin ng matinding kainipan) eh naisip ko na isulat ang eksenang iyon. Wala niyon sa orihinal na manuskripto, isiningit ko lang. At mukhang sinuwerte naman ako sa mga pintong iyon. ^_^

Yung tungkol sa nabanggit mong "REALISM", gusto ko sanang malaman pa ang kabuuan ng ibig sabihin no'n. ganoon din yung "SPLASH WRITING" na sinabi mo. Gusto ko sanang malaman kung ano bang ibig sabihin ng mga iyon (though may nilagay ka namang sample, pero nagkaroon ako ng interes na matuto pa.) alam ko makakatulong ang mga iyon para maitama ang mga butas sa kwento (Ah...pwede po ba kitang i-PM? Hehehehe)

ChantalCruz30Naiintindihan ko ate kung busy ka at hindi mo napunto ng husto ang mga kahinaan ko. Pero sa tingin ko, sapat na yung mga ibinigay mo. (lalu na sa mga prinayveyt message mo sa akin --- talagang ini-screen shot ko pa sya para maging reference ko sa mga susunod kong updates. Ang dami kong natutunan sa iyo tungkol sa grammar, tamang bantas, at iba pa. Masasabi ko talagang ekseperto ka sa paksang iyon. Kung ayos lang sa inyo, at kung...pwede, kapag hindi kayo abala...baka pwede pa akong...alam mo na, kumunsulta pa... heheheh

Isa rin po kayo sa mga pumuna sa magulong eksena sa Chapter one. Nauunawaan ko kasi totoo naman. At malaking bagay sa akin ang mga puna nyo doon. Tungkol naman sa sunog sa barko, opo----malayo po ang barko sa pantalan. Nagawa ng mga trabahador na makaalis agad gamit ang mga maliliit na Bangka, samantala si Haru nakulong sa loob, kaya hindi siya nakalabas. Aminado ako na hindi maganda ang transition ng eksena at nagdulot ito ng kalituhan, kaya naman sisikapin ko na ayusin ang mga iyon.

Tungkol sa nabanggit nyong "Beta Reader" ------ ano 'yon? Bago din sa pandinig ko ang isang iyon. Para ba iyong....EDITOR? hehehe, pasensya na. Pero gusto kong subukan ang suhestiyon nyong iyan. Makakatulong nga iyan ng malaki para mawasto ang mga maling eksena, at marami pa. (pero mag-reresearch din ako, ayoko namang umasa lagi sa Beta Reader, kung ang trabaho man niya ay ang mag-edit...)

libranages – Salamat sa pagpuna mo sa lugar at panahon kung kaylan nangyari yung unang eksena sa Kapitel One. Binalikan ko agad yung pinunto mo, at nakita kong... "Oo nga ano". Kulang na kulang talaga ang pagkakalahad ko sa Kapitel One ng mga importanteng detalye.

Pero ang naapreciate ko ng husto ay ang pagsisiyasat na ginawa mo kung saan ko kinuha ang pangalan ni "Death Adder". At tama ka, nakuha ko nga iyon sa pangalan ng isang makamandag na ahas (Napanood ko lang iyon sa TV, tapos nung binaggit yung pangalan nung ahas, napasabi ako ng "EUREKA!" --- hehehe, na-exage lang ng kaunti.

Totoo rin ang haka mo na pinag-isipan ko ng mabuti ang pangalan at personalidad ng mga karakter ko sa kwento. Bago ko kasi simulan ang isang kwento, sinisiguro ko muna na na-internalize kong mabuti ang mga karakter, kung paano ko sila nakita sa isip ko, at kung paano sila hinubog. Sinadya ko rin na ang mga apelyido nila ay may kaugnay lahat sa "kamatayan"" --- Miranda Coffin, Dante Bloodshed, Feah Moonfang, Allain Grave, Hue Garland --- ilan lang sila sa mga pinangalanan kong may kauganayan sa kamatayan, para gaya nga ng sabi mo, maging makatotohanan sila at may "buhay".

Salamat din sa pagpupunto mo ng paggamit ko ng ellipses. Ewan ko ba't pagka-hilig kong gumamit non. Not knowing na hindi na pala siya maganda. Pati ang paggamit ng "pam" at "pang" (ang totoo, hindi ko sila alam gamitin. Ano ba 'yan, parang wala akong natutunan sa Filipino subject ng Elem at HS ah?) pati ang paggamit ng kudlit na kadalasan kong binabali-wala kasi pandalas na ng sulat. Kaya thanks!

MissBulilitLubos din akong nagpapasalamat sa pag-haylayt mo ng mga kahinaang teknikal ko. (sobrang na-gisa ako, huhuhu!) Totoo na nalilito pa nga ako sa paggamit ng "ng" at "nang", at kung madalian na ang pag-uupdate ay nawawalan na rin ako ng panahon na mag-wasto ng gawa. Pero tinitiyak ko sa iyo na gagawin ko ang mga pagwawasto mo, lalu na sa oras na matapos na ang buong aklat.

Paumanhin sa mga hindi ko na nabanggit sa taas, nag-loko kasi ang memory card ng cellphone ko at ayaw nang basahin ang mga naka-screen shots, kaya hindi ko na rin alam kung sino pa ba ang dapat kong tugunan. Kung sino man kayo, ipagpaumanhin nyo sana ang hindi ko pag-tugon. Pero makakaasa kayo na anumang mga payo ninyo ay ia-apply ko sa mga susunod ko pang updates.

PANGKALAHATANG TUGON:

TECHNICALITIES:

Sobra akong nagisa dito. Kumpleto ang rekadong nilagay sa akin. Bueno, hindi ko naman po ito itinatanggi, hindi pa po kasi fully-furnished ang buong nobela, wala pa akong oras mag-wasto at talagang nagkakaroon ako ng problema pagdating sa paggamit ng mga tamang bantas at baybay (pati grammar). Bagama't mayroon akong background sa campus journalism, masasabi kong hindi parin ako natuto at mas kaylangan ko pang matuto ngayon. Yung tamang baybay (isa pa yan) at saka marami pang iba. Dapat siguro...balikan ko ang mga elementary at highschool filipino books at mag basa pa. Kaya naman napakalaking tulong ng mga ibinahagi nyong kaalaman sa akin. Kaya salamat

SHIFTING OF SCENES:

Nang mabasa ko ang mga kumento tungkol sa magulong shifting ng eksena sa Kapitel One: hindi na ako nagtaka na ganoon ang magiging reaksyon ng karamihan. Ang part kasing iyon ang may malaking binagong parte mula sa orihinal na Story Board, sa madaling sabi: hindi po talaga iyon ang orihinal na nakasulat sa manuscript na ginawa ko way back 2011. Binago ko ang unang parte para luminya sa mga sumunod na kabanata at para dumugtong naman sa magiging katapusan ng kwento (iyon ay kung magagawa ko nga siyang mailinya ng tama, at kung walang magbabago sa kalagitnaan ng manuskripto). At dahil doon kaya hindi ko naplano ng husto ang pagsasalarawan, pagkakahanay ng mga detalye maging ang mga butas, kaya paumanhin kung naguluhan kayo. At totoo, hindi ko nga nalagyan ng hati o dibisyon ang mga eksena.

Dahil sa ginawa ninyong mga puna, naisip ko na bigyang-pansin din ang iba pang mga kabanata. Tama ang sinabi ni ChantalCruz30 na nabubulag ang manunulat, at ugaling-ugali ko ang bagay na iyon. Kaya nga nagpapasalamat ako ng marami sa mga nakuha kong tips na maaari ko pang gamitin sa mga susunod kong proyekto. Kaya naman asahan nyo na i-aaply ko ang mga sinabi ninyo, para maayos ang mga magugulong tagpo sa kabanata na iyon, maging sa mga sumunod na kabanata, at sa mga susunod pa.

CONCEPT:

Totoo po na anime feels sya (di ko naman po iyon itinatanggi, dahil ang orihinal nitong plano dapat ay manga at hindi nobela) pero sa abot ng aking nakayanan ay nagawa ko naman siyang orihinal parin na gawa ko. Sisikapin ko rin na maayos ang ilang malalabong konsepto sa story, nang sa ganoon ay magkaroon parin ito ng sarili niyang pagkakakilanlan.

CHARACTERIZATION:

Hehe, dito lang yata ako sa parteng ito nakatanggap ng papuri. Maraming salamat po dahil mukhang sulit na sulit ang pag-career ko sa characters. Mukhang tumatak naman sina Death Adder, Haru Grail at Miranda Coffin, at masaya ako na malamang nagawa ko silang buhayin-----kahit gamit lang ang mga salita.

Heto na...

BEST COMMENTATOR:

Ang hirap!!! Lahat kasi kayo nakapag-bigay ng fruitful comments! Lahat kayo na-haylayt ng husto ang mga kahinaan, kalakasan, at mga areas for improvement ko. Pero kung mayroon man akong napipisil, tatlo sila:

kit_mccartney

libranages

purple_porpoise

Bakit? Ay...kung nakita nyo lang kung paano nila ako ginisa sa mantika, suka, at toyo (ADOBO!) hahaha! Bukod kasi sa...alam nyo na, "technicalities" na majority na nabanggit ng lahat ng nag-komento, ay mayroon pa sila (yang tatlo) na ipinunto na ilang mahahalagang detalye na maaaring may malaking epekto sa kabuuan ng story ko. Gaya ng "footnotes" (ni purple_porpoise) pagsasalarawan ng detalye / setting (binigyang diin ito ng husto ni libranages) at ang pinaka-tumatak sa akin ---- yung "realism" at "splash writing" na talaga namang kating-kati akong malaman kung ano bang halimbawa ng mga iyon kaya napa-research ako ng wala sa oras, at talagang pag-aaralan ko ng husto (na binigyang-diin naman ni kit_mccartney)

Promise, lahat po kayo nakapag-ambag ng bagong kaalaman sa akin. At kung pwede lang na piliin ko nalang silang tatlo, why not? (kaso hindi ako ang magbibigay ng premyo eh. Hehehehe)

At alam ko na kaylangang mamili ng isa...

Kaya ang pinipili ko ay si....

[TADAN!]

kit_mccartney (Yehey! Congrats po!!!)

Salamat kuya! Sa lahat kasi ng komento, yung sa iyo ang tumatak sa akin. ^_^

Muli, nagpapasalamat po ako sa pagtityaga nyo na magbasa.

May cycle two pa ba? Makasali nga ulit, hahahah! (pero totoo huh, kung may cylcle two pa, sasali ulit ako. :D)

Salamat po!

Kind regards to all,

Yoshiro Hoshi

****

P.S: Pasensya na sa huli kong pagpasa ng tugon. Nagkaroon kasi ako ng Mild Pneumonia at pinagbawalan ako ng butihin kong nanay na huwag gaanong magbabad sa harapan ng computer. Swerte lang na under sickness leave ako at nakakapagpahinga na ng husto.

Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro