Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

yoshiro_hoshi (take 2)

"Hi mga kapatid! I'm Yoshiro Hoshi (second time ko na to sa AMA--XD) Super fan ako ng anime at manga, at isa rin po akong aspirant manga author (kung papalarin in the future) Kayo na pong bahala! Ask me ANYTHING!"

Hi po! Salamat po sa mainit na pagtanggap nyo ulit sa akin dito sa second cycle!

Paano ko ba ito sasabihin, ugh....mas nahirapan akong sagutan itong AMA kaysa sa response ko sa mga critique eh! Hahaha ^o^

Heto na po ang sagot ko sa inyong mga katanungan:

1. Ano ang masasabi mong tinitignan mo sa pagpili ng favorite manga mo, yung story or yung illustrations? - bentchbites

Syempre ang tinitignan ko muna ang illustrations. Madalas akong naaakit sa mga manga na may magandang illustrations (especially dun sa mga gwapong lalaki---hahaha! Ang landi lang!) Pero hindi ibig sabihin nito ay wala na akong pake sa story. Gaya nga ng sabi ko noong nakaraang AMA Cycle, mas prefer ko pa din ang mga manga/anime na may magandang story. Gusto ko yung exotic, kakaiba, yung tipong hindi kukurap ang mga mata ko kapag nagbabasa. Maniwala kayo sa hindi, kahit gaano ka-ganda ang illustrations, kapag nakita ko na napaka-predictable ng kwento, common, at higit sa lahat---walang kalutay-lutay, binibitawan ko na yan o di kaya---sine-save ko for art reference.

So far, wala pa akong nababasang manga na pangit. Pihikan kasi ako sa manga. ^_^

2. Sa mga manga na nabasa mo na, anong titles ang gusto mong palitan ang illustrations kasi hindi tumutugma sa ganda ng story? - bentchbites

Yung ONE PIECE. Hindi ko tinagalan ang pagbabasa sa manga na iyon (huhuhu...I just HATE the illustrations!---pasintabi po sa mga ONE PIECE fans—pero sadya lang talaga na hindi ko gusto ang manga/anime non) napakaganda ng story, totoo (kasi binasa ko na yung buod ng kwento nun) kaso...na TURN-OFF talaga ako sa illustrations nun! Saan ka naman nakakita ng OVER-SIZED MUSCLES, ALIEN-LIKE CHARACTERS at higit sa lahat-----OVER FACIAL REACTION! Huhuhu! Para akong nanonod ng---cartoons! (pero mas pipiliin ko ang cartoons kaysa sa One Piece...)

Pasensya na....please, huwag nyo akong patayin!!!!

3. Ano ang favorite Japanese band mo at anong kanta nila ang No. 1 para sayo? - bentchbites

MAY GAD!!!!!!!!!!!!!!!! NO# 1 SA PUSO KO ANG "ALUTO". Japanese band sya (actually, dalawa lang sila sa banda—yung lead vocalist na si Fujita Daigo at yung violinist nya na babae, nakalimutan ko lang yung name) How I wish magkaroon sila rito ng visit sa Pinas! Huhuhuhu! Hahalikan ko talaga si Fujita---kyaaaa!!!! Gustung gusto ko yung kanta nila na "Michi to you all" na hindi ko alam noon na ginamit pala bilang official closing theme sa isang season ng Naruto Shippuden (Una ko kasing napakinggan ang kanta noong 2006, at hindi pa pinapalabas noon sa Pilipinas ang latest episode ng Naruto. Narinig ko lang ang kanta sa isang site sa net. Sobrang nagandahan ako kaya nag-research ako, tas yun! Doon ko na lang nadiscover na official theme song pala sya ng Naruto---kaya mas lalu itong naging special sa akin)

4. Saan galing ang UN mo/paano mo naisip na yoshiro_hoshi ang gawing UN? - bentchbites

Ikaw pa lang kuya ang pangatlong tao na nagtanong sa history ng UN ko.

Bale, si "Yoshiro Hoshi" ay fictional character na ginawa ko para sa isang Yaoi Novel na kinonseptualize ko noong 2010 na pinamagatang "Sidereal Days".

Yes, you read it right---nagtangka akong gumawa noon ng Yaoi Novel (Yaoi, also known as "Erotic Boy Love" – men falling in love with men and they also doing **toot***)

At kung hindi nyo pa naitatanong---yaoi fan din ako! Certified FUJOSHI! (tama ba ang term ko? Teka, ang Fudanshi naman kasi ay...nah, sa lalaki naman yun eh, basta!) Hehehe. Kahit na anong genre naman kasi ng manga binabasa ko.

Well, si Yoshiro Hoshi, or "Yoshiro" ay isang Male Protistute na naging suicidal. Nagtangka siyang magpakamatay, at nagkataon naman na napigilan siya ng isang "stranger" sa katauhan naman ni Kyouya and eventually---doon na nagsimula ang love story nila (ayieee!!!!)

Pero sa kasamaang palad----I terminated the story. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, I can't continue writing it. Kapag naroon na sa eksena...wala na---nganga! Ayaw magsulat at mag-drawing ng mga kamay ko kapag nasa ***toot scene na. Dahil doon, na-frustrate ako and ending up burning the whole notebook. After that, I can't write yaoi/shounen ai genre----any more, kahit pilitin ko pa. T_T

Kaya ko siya napili na UN kasi tuwang tuwa ako sa personality nya----depressed, pessimistic type of person, loner, insecure, always on the dark place (ang drama lang ng peg nya...) He's the most "special" fictional character I made. That's why I chose him to be my UN sa wattpad.

5. May comics or books ka bang favorite na hindi manga? - bentchbites

Oo naman! I love reading Classical Novels and Short Stories (mga 1600's to 1800's ang peg kong basahin) favourite ko ang mga gawa ni Hans Christian Anderson, Grim Brothers...etc. Sa comics---syempre, MARVEL tayo! Hahaha! Sa Pilipinas, ang mga gawa ni Mars Ravelo ang gusto ko.

6. Only have one question, what novel/book/story/ inspired you in to writing? - ReddHumann

Sagot: Syempre, anime ang original na ang-inspire sa akin na mag-sulat ng story. Sumunod, mga fairytale books. Laman talaga ako ng library para lang magbasa ng mga picture books na may story. Tuwang tuwa ako sa mga kwento na may moral lessons at drawing na kasama.

7. Paano kung i-hire ka bilang manga artist, iiwan mo ba ang pagsusulat? - MissBulilit

SHOCKS, ang hirap ng tanong mo...

Gaya nga ng sabi ko noon, pareho kong mahal ang paggawa ng nobela at paggawa ng manga. Kung kinakailangan na gawin ko silang pareho---why not? Pero pag kumatok ang pagkakataon na maging manga artist ako, syempre i-grab ko iyon, pero hindi ko iiwanan ang pagsusulat. Doon ako nagsimula, marami na kaming pinagdaanan at pinagsamahan---at paniguradong...sa pagsusulat pa rin ako magtatapos. ^__^

8. Sa palagay mo, kakayanin mo bang gawing isang ganap na komiks/manga ang mga akda mo? - MissBulilit

Susubukan ko sa ABOT NG AKING MAKAKAYA! Noon ko pa gustung gusto na gumawa ng isang manga. (meron na akong nagawa, pero kapag dumating na dito sa Pinas ang pinabili kong pentab, doon na ako magsisimulang magsanay na gumawa ng manga using technology!)

9. Ano ang nagbibigay inspirasyon sa iyo sa tuwing magkakaroon ka ng writers block? - MissBulilit

Pag may writer's block ako, simple lang ang remedy ko---nanonood ako ng anime, hahaha! Para ma-refresh ang imagination ko. Nakikinig rin ako ng classical music. Effective talaga ang mga iyon sa akin.

10. Anong writing rituals mo? - MissBulilit

Bago ako mag-sulat, nagpe-pray muna ako. I just simply bowed my head and then I asked the Lord to give me wisdom to write. After non, binubuksan ko si multimedia songs para makinig ng classical music o di kaya ay anime song to boost my imagination. Bago ako magsulat ng chapter, nagdodrawing muna ako ng fast sketch ng story board na susundan ko para gumawa ng story. Tapos, nagsisimula na akong magsulat. Yon...ganon...

11. Anong paborito mong ulam? =D - MissBulilit

Adobo sa puti (adobo na walang toyo. Asin at suka lang) at saka sinigang. XD

12. Kung pwede ka maging kahit anong klaseng animal, ano ang pipiliin mo maging? Bakit? - purple_porpoise

Gusto kong maging alitaptap. XD Napakaganda kasi nila sa dilim, at feeling ko nasa magical world ako kapag may mga alitaptap sa paligid ko.

13. Ano ang payo mo sa mga nagsisimula pa lang sa pagd-drawing? - purple_porpoise

Kung nasa puso nila ang pagguhit, huwag silang tumigil sa pagguhit. Kahit pa sabihin ng iba na pangit ang gawa mo, huwag kang maniwala. Praktis lang ng praktis, at huwag kang magsasawa. Eventually, makikita mo ang improvement, at darating ang panahon na ang lahat ng iginuhit mo ay magkakaroon ng buhay. Ang sikreto ng isang artist ay ang pagmamahal niya sa kaniyang craft. Naipapasa ng manlilikha ang emosyon niya sa kaniyang nilikha, ito ang dahilan kung bakit ito naging espesyal sa mata ng mga nakakakita. Ang step-by-step ng drawing? Madali lang yan matutunan, ang mahirap matutunan ay ang paglalagay ng espesyal na emosyon sa loob nito.

14. Naglalaro ka rin ba ng online games? Ano ang paborito mo? - purple_porpoise

Pasenya na pero...hindi ako naglalaro ng online games. Hindi ko rin sinubukan. Nanonood lang ako sa mga naglalaro kasi nagagandahan ako sa drawing at special effects.

15. Anu-ano ang gusto mong ma-accomplish ni President Duterte sa kaniyang first 100 days? - purple_porpoise

1. Gusto kong maging drug-free ang Pilipinas.

2. Mabuksan ang oportunidad sa Mindanao (ang laki kasi ng potensyal ng Mindanao. Maraming mabubuksan na bagong trabaho para sa mga walang trabaho once na madevelop ang Mindanao.)

3. Magkasundo ang mga rebelde at ang gobyerno.

4. Mawala ang korupsyon sa mga nasa posiyon

Pero alam ko na hindi ito kaya ng 100 days---hahahah! Kaya hindi ko minamadali si Tatay Digong, kery lang! Tulungan natin si Tatay Digong sa mga goals nya!

16. Ikaw ay makapanyarihan, pero bawal kang Magligtas nang mga tao at di ka talaga dapat mag ligtas nang tao; ano ang gagawin mo sa buhay mo? - HearmJan

[Una sa lahat, nais kitang pasalamatan sa pag-try mo na makipag-communicate sa akin. I sense you, mukhang professional ka. (sense lang naman, hahahaha!)]

Edi, hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko pero magliligtas ako ng tao gamit ang sarili kong kakayahan.

17. Kong ikaw ay makalakad sa ibabaw nang tubig ng dagat, saan mo gustong pumunta? - HearmJan

Pupunta ako sa lugar na tahimik, maraming puno----at maraming alitaptap...

18. Kung ikaw ang papipiliin, anong pokemon ang gusto mong gawing tao? - HearmJan

Ugh...konti lang ang alam ko sa pokemon! Pero...naaalala ko si Pikachu. Sya na lang siguro. :D ang cute nya eh! Pag naging tao sya, naiimagine ko sya na isang cute na cute na batang lalaki.

19. Ha ha ha ha, dapat bang pag-tawanan ang mga taong nahihirapan sa buhay? Explain your answer. - HearmJan

NO! At bakit ko naman sila pagtatawanan?! Kung ako ang nasa kalagayan ng mga taong naghihirap, matutuwa ba ako kung ako ay pinatatawanan? Ang sabi nga nila, learn to wear other people's shoes (tama ba????) Bago ka gumawa ng isang bagay, sabihin ang isang bagay, o mag-komento sa isang bagay, isipin mo muna ang mararamdaman nila kung IKAW ang nasa kalagayan nila. Ganito ang konsepto ng pagsusulat. Isipin mo na ikaw ang mga karakter sa kwento, para maramadaman mo kung ano ang nararamdaman nila.

20. Pizza or chicken? - imakemyowndestiny

Chicken-----------w/ rice XD hahahah!

21. Kung magiging super hero ka, sino ka at bakit? - imakemyowndestiny

Kung magiging super hero ako, gusto kong maging si "Silver Tongue". Para lahat ng lalabas sa bibig ko, pwedeng magkatotoo. Well, marami ring disadvantages yon kaya mas okay na sa akin ang walang super powers. Pwede rin naman na magkaroon ako ng kapangyarihang gawing totoo ang imahinasyon, same lang sila ng purpose. :D

22. Kung sakaling bibigyan ka ng pagkakataon na amging isang character sa anime at manga, sino at saang manga/anime ang pipiliin mo? - imakemyowndestiny

**Kindly refer to cycle one AMA, naroon ang sagot ko sa tanong mo kapatid. XD

23. Kung end of the world na, anong huli mong gagawin? - imakemyowndestiny

I'll shout and say, "PRAISE THE LORD! YOU'RE FINALLY HERE!"

24. Pusa o aso? - imakemyowndestiny

Aso------pero ang totoo, takot ako sa aso na di ko inalagaan.

25. Paano nagstart ang pagkahilig mo sa pagdra-drawing? - imakemyowndestiny

**Kindly refer to cycle one AMA, naroon ang sagot ko sa tanong mo kapatid. XD

Pa'no guys! This would be my last! Salamat po sa pag-critique nyo sa dalawang espesyal na fantasy stories ko sa wattpad (eh kasi dalawa pa lang naman ang naka-publish ko XD) Napakarami nyong naitulong sa akin, at sobrang naapreciate ko ang mapabilang sa club na ito.

Pasensya na kung madaldal ako, hehehehe. Hyper lang!

Salamat ulit! Asahan nyong magpaparticipate ako lagi sa abot ng aking makakaya!

Have a blessed day, everyone!!!

*Yoshiro Hoshi*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: