Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

yoshiro_hoshi

"Hi, I'm Yoshiro Hoshi, and I'm an avid fan of manga and anime. Ask me anything! Thanks!"

Una po sa lahat, maraming salamat po sa mga tanong ninyo sa akin dito sa AMA. ^_^

Heto na po ang mga sagot ko sa inyong mga katanungan:

1. If you are to create an anime series for one of your stories, which story will it be? How many episodes or seasons? - MikeKhael90

Hm...kung gagawain kong anime ang isa sa mga gawa ko...pipiliin ko yung Code Chasers. Masasabi ko na hindi sya ang pinaka-maganda kong gawa, pero...mas lamang sa puso ko ang story na iyon. Espesyal kasi sa akin ang "mismong Story", ang mga karakter doon, at ibinuhos ko doon ang lahat ng "feelings" ko habang iniimagine sya na isang full-anime series! Heheh. Pero hindi lang naman iyon ang dahilan. Basta, mahirap i-explain...

2. If today is a zombie apocalypse, what would you do first? - MikeKhael90

Ililigtas ko muna ang family ko, then kukuha ako ng sumpak --- at makikipag-laban sa kanila.

3. What happens when an immovable unstoppable force collides with an immovable object? Please explain in your own opinion :D - MikeKhael90

Pasensya na pero...PHYSICS ba ito? Haha! Hindi ako magaling sa Physics! Pero sa tingin ko...sasabog ang mga iyan. :D

4. Kung bibigyan ka ng kapangyarihan ano ito at bakit? - MissBulilit

Kung bibigyan ako ng kapangyarihan, gusto ko yung kapangyarihan na kayang gawing totoo ang mga imahinasyon. Gusto ko kasing buhayin ang mga katakter ko, yung mga pangyayari. Heehehe...ang baliw lang no?

5. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na maging isang anime/manga character sino ang gusto mong maging at bakit? - MissBulilit

Kung mabibigyan ako ng pagkakataong maging anime / manga character, gusto kong maging si Gaara ng Naruto. Ang cute kasi ng kwento nya, nakaka-relate ako sa kaniya (though hindi sya ang favourite anime character ko) pero alam mo yun... "We share the same pain" hahah! Kaloka!

6. Ano ang pinaka-paborito mong anime na sa palagay mo magugustuhan ko rin?hehe. Mahilig din kasi ako sa anime hahaha. - MissBulilit

WELCOME SA FEDERASYON KAPATID! Hahaha!

Anyway, ang pinaka-paborito ko talaga ay walang iba kundi----NARUTO! As in, magmula nang inere ang palabas na iyon, talagang na-hook ako ng husto sa kakaibang kwento at personalidad ni Naruto. Gustung-gusto ko ang pagkakagawa sa kwentong iyon. Alam mo yung...cliché sya pero nagawa parin ni Masashi Kishimoto na gawin itong original (at it's finest!)

7. What's the very first subject that you started to draw? The one that you can recall that made you realize, you have talent? - kit_mccartney

Hm...hindi yata sya object --- anime din kasi ang naaalala kong pinag-dodrowing ko noong bata pa ako eh (hahah!). Tandang-tanda ko pa, panay SAILOR MOON at SAILOR WARIOS ang dino-drawing ko noon ^_^. Grade 1 ako nun, at lagi akong pinagagalitan ng nanay ko sa tuwing tadtad ng drawing ni sailor moon ang limang piso pa noon na papel na ginagamit ko sa school. Hindi ako ang naka-realize na may talent pala ako, mga magulang ko ang naka-realize na may talent pala ako at sila ang kauna-unahang nagsabing ipagpatuloy ko iyon.

8. Do you do cosplay? Or if you're forced to do so, what character would you use? - kit_mccartney

Sa kasamaang-palad, hindi pa ako nakakaranas mag-cosplay T_T Pero gustung-gusto ko! Kaso nga lang, wala akong pambili ng materyales like tela blah-blah...at mas kaylangan kong pagtuunan ng pansin ang "needs" kaysa sa "wants". Pero kung mabibigyan ako ng pagkakataon na mag-cosplay, gagayahin ko si Gaara. ^_^

9. Who's your fave anime character, and why? - kit_mccartney

Ah...ALAM NA! Walang iba kundi----si NARUTO! Haha! Kakaiba kasi ang ipinakita niyang katatagan, lalu na ang PANININDIGAN niya sa mga pinaniniwalaan nya. Sana lahat ng tao gaya nya, pero syempre—anime lang iyon, at kung merong man --- bilang na bilang sa daliri ko sa kamay. Heheh. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko pa rin ang isang linyang binitawan nya noon sa isang episode (bata pa sya nun eh) "WALANG MADALING PARAAN".

10. What genre of writing, do you think that you will be so bad that it would be torture? - kit_mccartney

Haha, napangiti ako sa tanong na ito. Kung mayroon man akong Genre na sobrang torture, walang iba kundi – MYSTERY / THRILLER. Hindi ako gumagawa ng genre na iyan, at lalung hindi ako nagbabasa ng mga mystery / thriller. Alam ko lang kung paano pumatay ng karakter, pero hindi ako magaling (o marapat na sabihing, maalam) gumawa ng mystery / thriller twist.

11. What application do you use to color your art? - leoconstellwriter

Gumagamit po ako ng Photoshop (CS 6), pinag-aaralan ko rin na gumamit ng paint tool Sai.

12. What is your inspiration to write your stories? - leoconstellwriter

Ah...marami! Madalas mga magagandang anime din. Pero Hangga't maaari, sinisiguro ko na may sariling signature ang mga gawa ko. Yung tipong... "Akin lang". Alam ko na marami ang magsasabi na papunta na sa pagiging cliché ang anime concepts dahil sa malakas na impluwensya ng anime. Kaya nga sinisikap ko na hangga't maaari, kahit cliché pa sya ay mag-mukha pa rin siyang original at tatatak sa mga mambabasa. Kung hindi anime, kumukuha ako ng inspirasyon sa mga klasiko na nobela (mas matanda, mas okay sa akin) yung mga tipong gaya ng Gulliver's Travel, Cinderella (original), little mermaid (yung original story din) at marami pa.

13. Why were you able to give me a nosebleed from reading tagalog/Filipino? - leonconstellwriter

Ay, hindi naman po! Kahit papaano naman magaan paring intindihin ang tagalog ko! E—ewan ko lang po sa palagay ng karamihan, pero...uh...eh....pasensya na kung nakaka-nosebleed man po sya.

14. Did you get my third question? - leoconstellwriter

Medyo nalito nga ako sa tanong eh....hehehe.

15. Alam mo yung OnePunch Man? Kung oo, kung bibigyan ka ng chance na i-one- punch ang isang tao, sino yun at bakit? - astibidi

Haha! Oo naman! Yung kalbo na super hero na kayang patayin ang kalaban sa isang suntok lang?! Haha! Kung bibigyan ako ng chance na suntukin ang isang tao, walang iba kundi ---- ANG BOSS KO! Hahahah! Joke lang ^_^ (pero...di nga, may pagkakataon na gusto ko na talaga siyang suntukin kasi parang...alam mo 'yun!

16. Sino ang mas bata, si Megan Young o si Efren Bata Reyes ?bakit? - astibidi

Ang hirap naman ng tanong na ito. Ang Young at Bata ay halos pareho lang ng meaning.

17. What's the story behind your story? - astibidi

Maaksyon...

Madrama...

Psychological...

KOMEDY. ^_^

18. Sa lahat ng batas sa Pilipinas, alin ang pinakaayaw mo at bakit? Alin ang pinakagusto mo at bakit? - astibidi

Uh, wala akong gaanong alam sa mga batas (hindi rin kasi ako nakikinig during Philippine Constitution subject namin noong College) at kapag umuuwi ako sa bahay, tapos na ang mga balita kaya hindi na ako updated. Pero kung sa tingin ko ay walang kwenta yan (gaya ng batas na nagbabawal na umutot sa public gaya sa mga MRT / LRT – walang kwenta yon.) Pero kung 'yan ay batas na nagsusulong na tulungan ang mga mentally-challenged individuals na nakikitang nakakalat sa mga lansangan, 'yon, okay sa akin 'yon.

19. Alin ang mas gusto mo, mag-drawing o magsulat ng story? Bakit? - purple_porpoise

Ugh, ang hirap naman ng tanong mo...pareho ko kasing ginagawa 'yan. Pareho ko silang mahal...kaya nga mas preferred kong gumawa ng manga, kasi hindi lang ako nagawa ng story --- nagdo-drawing pa! Pero dahil sa kakulangan ng gamit, experience at training sa paggawa ng manga, mas pinili ko ang pagsusulat ng nobela at maiikling kwento. Hindi dahil iyon ang pinaka-madali. Dahil MAS kaylangan na doon ako mahasa. May mga ARTIST na ang alam lang ay gumuhit, pero hindi kayang mag-sulat ng kwento. Madali lang matutunan ang mag-drawing, pero mas mahirap matutunan ang tamang paraan ng pagsulat, kung paano mo gagawing buhay sa pamamagitan ng salita ang mga karakter. Meron nga na manga na, ang hirap paring intindihin ng kwento kasi may mali sa story board. Kaya mas pinili ko ang pagsusulat. :D

20. Anu-ano ang mga puwede mo gawin sa isang kumot maliban sa gamitin sa pagtulog? List as many ways as you can. - purple_porpoise

Pang tapis.COSTUME! ah....unan? Bag...diaper ni Mikoy! (ng pamangkin ko, hehe)

21. How do you see yourself 10 years from now? - purple_porpoise

Uh, sampung taon mula ngayon – ang makapag-publish kahit ISA lang sa mga nilikha ko (nobela man o Manga). Maging successful career woman, lalu na sa larangan ng Psychometrics, o kaya naman ay maging ganap na doctor --- isang Psychiatrist (pero sa ngayon, wala pa sa isip ko ang mag-doktor. Eenjoyin ko muna ang mga bagay na mayroon ako ngayon.)

22. Ano ang naging inspirasyon mo para isulat ang Ghost Retriever? - libranages

Hehe, mahaba-habang kwento ang isang ito. ^_^

Nagsimula ang lahat noong 2011, 4th year College na ako noon. Naghihintay kami ng susunod na subject teacher. Nakatingin ako sa bintana ng room namin, at hawak ko si ballpen at notebook para mag-isip ng bagong istorya na isusulat. At habang nakatingin ako sa bintana, bigla nalang nagpop-up sa isip ko yung imahe ng sunog tapos may dalawang bata at isang lalake, tapos idrinowing ko sa notebook. (Parang yung nandoon sa prologo) Ginawan ko ng story ang drawing na iyon, at iyon na, yun yong naging inspirasyon ko sa Ghost Retriever.

Kasama din sa inspiration sa GHOST RETRIEVER ang aso na "Golden Retriever" na kilalang masunurin at maamo sa mga amo nila. At dahil papasok nun ang November, at uso ang Trick or Treat, naisip ko na gawing isa sa mga main topic si "Kamatayan" --- na mahilig sa sweets (trick or treat naman ang naging inspirasyon ko doon). At dahil si kamatayan ang bida, doon ko na naisip na "Ah! Sige, panghuhuli nalang ng multo ang topic!".

Ghost Retriever ang kaisa-isa kong nobela na "Paranormal". Never pa akong nakakagawa ng paranormal story. Na-challenge ako dahil hindi ko sya forte, kaya doon na ako nagsimulang mag-research. At mula sa mga research, yun na, unti-unti ko nang nabuo ang story --- Ang GHOST RETRIEVER.

Ah...sana di kayo naguluhan...

23. Naniniwala ka ba sa multo? May naging karanasan ka naba na may kinalaman sa mga multo? - libranages

Ang totoo, hindi ako naniniwala sa multo. Pero naniniwala ako sa mga evil spirits at demons na kayang gayahin ang imahe ng mga yumao kaya nagkakaroon ng "multo". Noong bata pa ako, pinaniwalaan ko yan (na may multo) Pero hindi pa ako nagkakaroon ng CLOSE encounter sa mga multo, pero na-involve ako sa isang GHOST HUNTING CLUB noong High School (kung saan kasama ko ang mga kaibigan kong sina Jamie at Evelyn --- sila yung na-mention ko sa prologo) sa pag-asa na...hehe, makakita kahit isa.Sa kasamaang palad --- wala akong nakita. :D

24. Saan at paano ka natutong gumuhit? - libranages

Gaya nga ng sabi ko, nagsimula akong mag-drawing mga 6 y/0 palang ako (grade one). Stick drawings palang ang kaya ko noon (panay sikat na anime noon gaya ng Sailor Moon). Pero yung mga stick drawing na ginagawa ko, nilalapatan ko na ng story (parang comics, pero stick drawing). Mula sa panonood at pangongolekta ko ng anime, doon ako natuto ng basics. Wala po akong formal training noon, sariling tyaga lang. Kaya nga bago ako nakapag-drawing ng maayos, inabot ng hanggang High School. 3rd year na ako nang may maayos-ayos na akong anime drawing, then pagtungtong ko ng college, doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-download ng How to Draw Manga / Anime. Sa madaling sabi, bumalik ako sa PROPER BASICS ng pagdo-drawing. Doon na ako nagsanay, hanggang nito ngang nagtatrabaho na ako ay nagsimula na rin akong mag-aral na gumamit ng CS Photoshop at Sai Paint Tool para sa coloring. :D

***

Maraming salat po ulit sa inyong mga tanong at sa pag-review nyo sa story ko!

God Bless you all.

Regards,

Yoshiro Hoshi (O-O)


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: