Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

twelveounces

"Hello everyone, I'm Twelve and I'm rowin my boat gently down the stream. Ask away."

1. What is your favorite book (Filipino & Foreign)? - bentchbites

Wala po akong favorite book na filipino. Comics lang kasi ang binabasa kong tagalog dati, and syempre textbooks nung high school days. Pero after that, wala na hihi. Sa foreign books naman, maka-Anne Rice talaga ako. Yung "Vampire Chronicles" nya is my all time favorite.

2. Who is your favorite author (Filipino & Foreign)? - bentchbites

Meron na akong favorite author na pinoy dito sa wattpad, pero in terms of author with published books, wala po talaga. For foreign authors, favorite ko sina Anne Rice and J.K. Rowling.

3. What inspired you to write Wolf? - bentchbites

Actually wala po hahaha. Dati ko pa talaga gusto magsulat ng something, pero di ko alam kung ano. The reason is, my brain was getting rusty. Yung tipong meron kang gustong sabihin pero nakakalimutan mo yung word or term. Parang dial-up na ang bagal magload lol. "This can't be happening to me," sabi ko hahaha. Last July lang, out of boredom, napagtripan ko lang magtype ng kung ano. The first two chapters ay try lang talaga yan, pinabasa ko sa hubby ko at tinanong ako kung ano ang kasunod. So yun, nabuo ang chapter 3,4,5 and so on. Pinanindigan ko na kasi hinahanapan nya ako ng next chapters >_<

4. Who among the characters in Wolf are you most similar to in terms of personality? - purple_porpoise

I'm actually Wolf outside and Dreamwish inside. Mabait ako hahaha, pero may pagka-alter ego na madaling mainis, madaling mainip, madaling magalit. Marunong lang ako magpakalma ng sarili ko and think everything over bago magsalita. Kaya hindi talaga lumalabas ang pagka-Dreamwish side ko.

5. How do you define happiness? - purple_porpoise

Happiness is the moment where you smile for no reason. You are contented with what you have, and the feeling wherein you wouldn't ask anything more.

6. What was your favorite childhood game or toy? - purple_porpoise

Ang favorite kong childhood game ay anything na merong takbuhan. Habulan, agawang base, habulan sa kalsada with sumpak hahaha (take note, bamboo sumpak to ha, yung basang papel ang ginagawang bala).

7. Are good writers born or are they made? - purple_porpoise

I think good writers are made. Some are born with exceptional imagination, but had a hard time in putting it to words. Good writers are those who revise their story a million times, read loads of books and still revise their story for another million of times until the writer was convinced that his/her readers would understand what he was telling.

8. What is the story behind the username "twelveounces"- AmberZelin

Last year ko ginawa tong wattpad account ko, ang dahilan nasa number 11 question hihi. Nung ginawa ko tong account na to, wala akong maisip na username hahaha. Kakatimpla ko lang ng gatas nun lol (my little girl was a year old at that time). Twelve ounces kasi nauubos nya per feeding, juskow! Mahigit dalawang litro ang naco-consume nya per day. Gusto ko na sabihin, "Love, dahan dahan lang po tayo please. Mahal ang gatas nak", pero syempre hindi kasi she's a growing child hehe.

9. What do you prefer reading, English or Filipino? - AmberZelin

Mas prefer ko magbasa ng english, nasanay kasi ako na english novels and pocket books dahil pinagbawalan kami dati ni mudra nung high school days na magbasa ng filipino pocketbooks dahil na rin sa SPG content nito.

10. If you had the chance to rewind time, what would you change from your past? - AmberZelin

Isa lang, yung time lang na naabuso ko ng husto ang mata ko. Hindi na ko magbabasa ng madilim ang paligid, matulog ng maaga, wag magbasa ng nakahiga, wag magbasa sa loob ng gumagalaw na sasakyan at higit sa lahat, hindi na sana ako nag-adik mode lol (hindi ako adik ha, ito yung inuumaga ng laro tulog ng isang oras tapos laro ulit).

11. List five Filipino wattpad writers that you are a fan of. - AmberZelin

saveilsogno - She's a sister of mine. Sya ang dahilan kung bakit ako gumawa ng wattpad account, to stalk her work hahaha. Ayaw nya kasi sabihin kung ano ang title, hanapin daw. Dios mio, buti sana kung sampung tao lang ang nasa loob ng wattpad. Pero in the end, binigay nya pa rin ang link. Although mature content ang ginawa nya, but I'm proud of her writing.

G_Landicho - I'm a huge fan of his "Elemento".

LituSSutil - Ito yung author na sabi nya lumalabnaw daw utak nya sa pagsusulat ng fantasy genre, pero parang effortless naman. Naka-partner ko lang sya sa isang book club pero nagustuhan ko yung story nya na "Doppia Magia".

Tatlo pa lang po sila kasi ngayong taon pa lang naman ako magbasa talaga ng stories sa wattpad. Natingga kasi to ng matagal dahil busy na rin.

12. Other forte than fantasy? - LyonetteAV

Hindi pa po ako nagtry ng iba. Itong Wolf pa lang ang una kong gawa.

13. Which do you prefer to read? English or Tagalog? - LyonetteAV

English po ang preffered kong basahin. Nasagot ko na rin po sa taas.

14. Gaano ka na katagal nagsusulat? - ChantalCruz30

Ngayon pa lang na marami ang nakakabasa hehe. Dati kasi puro lang diary, lahat ng ka-emohan sa mundong ibabaw hahaha. Then later on nagstart ako magsulat ng dream diary, lahat ng ka-weirduhan na panaginip ko. Pero dahil diary nga, ako lang ang nakakabasa at nakakaintindi.

15. Is there a particular kind of trope or story that you'd love to write but haven't tried yet? - ChantalCruz30

Meron akong isang idea of a horror story. Pero ayokong itry, masyado kasi akong matakutin. Baka ako mismo ang unang matakot sa sinusulat ko hahaha.

16. Nagkaka-writer's block ka ba? Anong ginagawa mo para mawala ito? - ChantalCruz30

Pagkatapos na pagkatapos ng isang chapter, blanko ang isip ko hahaha. Nagmumuni muni, nagbabasa ng ibang books, nakikipaglaro sa little girl ko at kung ano ano pa. Kusa namang dumarating ang ideas, basta na lang syang dumating. At hindi ko rin pinipilit magsulat pag wala ako sa mood kasi nagiging emo ang output hahaha.

17. If junevee ay galing sa month na june, anu yung evee? - ArchAngel_MikeKhael

Ang "eve" ay evening, nilagyan lang daw ni mama ng extra "e" nung tinanong ko sya dati kasi para uniform na double "e" lol.

18. Ano ang dahilan bakit pinili mo magsulat sa fantasy genre? - ArchAngel_MikeKhael

Siguro dahil na rin mahilig ako magbasa ng fantasy stories. Yung hardcore-like fantasy like merong kakaibang nilalang, kakaibang plots, something like that. Hindi rin kasi ako mahilig magbasa ng romantic genres, hindi ko lang trip hehe.

19. Paano mo namamanage ang pagsulat alongside your mommy duties? - ArchAngel_MikeKhael

Pag tulog ang little girl namin staka ako nakakapagsulat at nakakapagbasa. Minsan pinapabwelo naman ako ng husband ko magsulat, sya ang nagbabantay kay baby (kasi sya mismo ang nagre-request ng update hehe). Minsan naman naglalaro naman ang baby namin mag-isa, kaya nakakasingit din akong magsulat, yun nga lang madalas bigla na lang magsasabi "Look mommy, jump baby bed" or "Look mommy, akyat baby chair" juskow ang anak kong to. Kaya kadalasan ang isang chapter natatapos ng dalawang linggo.

20. maganda ba yung laro para gawan ng fanfiction? (wuah...ang panget ng question) - leoconstellwriter

Yes, maganda sya para sa mga mahilig sa fast-paced action. Actually, ito ang pangatlong laro na nalaro ko ng matagal. Maganda rin naman ang storyline nito, maraming twists and turns.

21. How old are you? (haha peace po) - leoconstellwriter

Ahaha, I'm in my 30ish.

22. if you were to give up something precious just to achieve your goals, what would it be? - leoconstellwriter

Parang ayoko na lang ma-achieve ang goals ko hehe. Kasi lahat ng something precious sakin ay precious talaga, mabubuhay pa rin naman ako kahit hindi ma-achieve ang goals na yan. Life goes on :D

23. Ano ang pinaghuhugutan ng WOLF? XD - yhin2x

Wala lang, try lang talaga yan hanggang dumami yung chapters hahaha.

24. Paborito mong pagkain na ihahain mo sa mga #FWFCers? Pag nagkitakita na sila.. - yhin2x

Kung pagkain lang ang pag-uusapan, pwedeng maki? Yung madaming madami like parang eat-all-you-can sya hehehe.

25. Kinakatakutan mong rides (like roller coaster ba/ zip line ba/ parasailing ba free fall ba? and etc.) yung kinakatakutan ha! XD - yhin2x

Roller Coaster talaga, ayoko itry yan dahil hindi ko kaya. Though gusto ko itry ang zip line and parasailing mukhang kaya naman kasi, pero feeling ko talaga hanggang bump cars lang ako.

26. Lugar na gustong gusto mong puntahan, (sa real world ha!) ^^ - yhin2x

Gusto kong pumunta ng Japan during Hanami, or anywhere na maraming flowers during spring. Ewan ko ba, gustong gusto ko yung may nakikita akong field na punong puno ng iba't ibang kulay ng bulaklak.

27. Phobia mo? - yhin2x

Fast moving objects, like yung buses na parang hinahabol ng sampung demonyo. Or kahit na kotse na parang nakikipagkarera ang driver. Meron lang kasing incident dati na nakapag-trigger ng phobia ko na yan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: