MissBulilit (take two)
"Muling kumakatok sa inyong puso ang not-so-bulilit na si Missbulilit, please be gentle. Ask me anything XD."
1. Ano ang inspiration mo sa pagsulat mo ng Quinn? (may connect ba to kay Quinn Fabray ng Glee? LOLJK, favorite ko kasi sya. haha) - bentchbites
Isang music video ang naging inspirasyon ko Quinn. Unang parts lang ng Glee ang napanuod ko hehe.
2. Ano ang Favorite book mo at sino ang favorite author mo? - bentchbites
Nicholas Sparks, The Notebook. Hopeless romantic kasi is me heheh
3. Favorite icecream flavor? :) - bentchbites
Kahit ano huwag lang ube. Pero gusto kong itry ung sili flavor.
4. Tell us something about a favorite TV series you are currently watching. :) - bentchbites
Series? Hindo ako masyadong nahhook sa gnyan. Buti pa kung anime sya. Old school cartoons, Dragonball, sa Manga din nagbabasa ako. Mga slice of life kind of Anime.
5. Mahilig ka po sa action movies? Mahilig po din kayo sa Strategy Action Genres? - HearmJan
Action medyo, pero mas gusto ko ung stlye National Treasure. Transporter mga ganyan tipo okay din. Strategy Action hindi masyado, anong sikat na movie ba ung ganya ang genre?
6. Pag may lumapit sayong matangkad na lalaki, bubugbugin mo agad? - HearmJan
Hindi ano ka ba. Ang harsh naman. Titingalain ko sya. Matangkad e.haha
7. Slight Romance lang gusto mo? Ayaw mo nang political drama sa action fantasy? - HearmJan
Gusto kong subukan iyan, pero marami rami pa ang aaralin ko sa ganyang genre hehe
8. Pag maghahabulan kayo ng mga kaibigan mo sa dagat, anong swimming style gagamitin mo? - HearmJan
Lakad style. Hahahaha di ako marunong lumangoy. Pwede rin pala ung gilid gildi style hahaha1.
9. Kung ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan , ano iyon at paano mo ito gagamitin? - libranages
gusto ko talagang lumipad. Gusto ko kasi yung feeling na malakas ang pagtama ng hangin sa mukha ko. Kaso so far hangin sa lakas lang ng blower ang naramdaman ko hehe. Gagamitin ko po iyon para mutupad din ng ilang bata, lalu na yung mga may sakit, ang makalipad.
10. Ano ang favorite outdoor activity mo? - libranages
Outdoor activity na po ba ung maupo sa damuhan at tumingin sa kalangitan?hehe hindi po talaga ako active haha
11. Ano ang favorite food mo? Ýung tipong mawala na ang lahat wag lang ito. - libranages
Kape sana kaso di naman food un so, tinapay nalang, hehe mahirap na, wala akong isasawsaw sa kape. XD
12. Kung may alien na lumanding sa likod ng bahay ninyo, saan mo siya dadalhin para ipakita sa kanya ang kagandahan ng mundo? - purple_porpoise
Pano ba yan wala siyang lalandingan sa likod bahay namin hehehe sa harap nalanh sige, dadalhin ko siya sa dagat o tabing dagat sa oras na madilim na ang kalangitan pero palubog palang ang araw. Naniniwala kasi ako na ang tabing dagat ang naghihiwalay sa mundo natin at sa mundo nila.
13. Ano ang una mong gagawin kapag nanalo ka sa lotto? - purple_porpoise
Tinatanong pa ba yan? Magbabayad ng utang! Haha pero hindi ko utang, wala nman akong utang eh, pero wait parang meron, di ko pa ata nabayad yung utang ko sa dati kong kaklase haha. Ang utang na babayaran ko ay iyong pinagsanlaan sa bahay na tinitirhan ko. Huwag na nating palawigin, masakit sa ulo ang magdrama.hehe
14. Sinong character na naisulat mo (sa kahit anong story) ang gugustuhin mong maka-hang out ng isang araw? - purple_porpoise
Si Enrique, yung multo. Gusto ko kasing makita ano bang meron sa mundo ng mga multo. Pero hindi ako mamamatay ha, ano lang, bibisita. XD
15. Tungkol saan ang pinakaunang kuwento na sinulat mo? Ilang taon ka noon? - purple_porpoise
FanFic iyon, SlamDunk hehe napaghahalata ang edad mga kapatid!XD second year HS ako nun so nasa 14 to 16 ako noon. Tungkol un sa kabaliwan ko sa mga cartoon character na sobra kong inibig noon bwahahaha.
16. Paano mo idedescribe ang iyong style ng pananamit? - purple_porpoise
Paulit-ulit style XD. Hindi ako mahilig pumorma, basta komportable at hindi showy oks na sakin.
17. Ilang oras ang inaallot mo sa pagsusulat? - ReddHumann
As much as possible, two to three hours a day, pero minsan sumisipag at mabilis dinadalaw ng inspirasyon umaabot ako ng buong araq na pagsusulat na may maya't mayang break time.
18. May specific area/place for writing ka ba? - ReddHumann
Noon sa kwarto dapat. Pero ngayon basta may upuan at lamesa keri na, kahit pa hindi ko naman talaga ginagamit ung lamesa haha
19. What is you reason for writing? I mean, what keeps you going? - ReddHumann
My mind keeps me going. Hindi ako pinapatulog lalo na kapag may plot na naiisip ko bagong eksena. Parang baliw lang talaga.
20. Pen & paper drafter ka ba or straight up keyboard writer? Why? - ReddHumann
Pen and paper sa short ideas. Kapag naoverload na masyado ng mga short ideas didiretso na ako sa keyboard/CP pero guide ko pa rin mga ideas ko.
21. What "is" your favorite STORY/NOVEL ? Why? - ReddHumann
Ang hirap naman ng 'is'. Haha pero sige na nga, The Notebook ni Nicholas Sparks. Love na love ko lahat ng Novels niya. Even movies.
22. What is your least favorite story? Did you finish it? - ReddHumann
I did not finish it. Di ko nga maalala title niya. Hindi sikat ang writer at ung story. Hinablot ko lang kasi sa kwarto ng pinsan ko. English ang story pero iba ang vocab na ginamit. Ayoko naman na maya't maya akong titingin sa Dictionary.
23. Who is your favorite writer out of WP? (published) Why? - ReddHumann
Ill be honest po ah, wala. Wala pa akong nababasa sa kahit na anong published story. Pasensya na, weird ba. Ayoko kasing masira ang kumpyansa ko. Tsaka deskarte ko un. Sinadya ko talaga.
24. kung papipiliin ka between sa mundo na puro teknolohiya at mundo na puro pluma at papel..alin ang pipiliin mo? bakit - astibidi
Mundong puno ng teknolohiya, dahil tamad akong magsulat gamit ang kamay. Tsaka pangit ang sulat ko haha.
25. saan ka mas matagal nagoonline, sa FB o WP..bakit? - astibidi
Sa Fb, tatlo kasi account ko, haha randomly nagbabasa ako ng story sa wattpad lalu na ung mga less than 100 palang ang reads.
26. halimbawang mabigyan ka ng budget para magpaseminar about writing, sino participant mo at sino kukunin mong resource speaker/s? - astibidi
Uy bongga to ah, haha ung mga oinagkakatiwalaan at tinitingala kong mga tao dito sa wattpad. Sila ung mga mentor ko sa pagsusulat. Malaki ang naitulong nila sakin at panigurado malaki din ang maitutulong nila sa iba.
27. Ano po ang pinaka kinatatakutan niyong bagay at bakit?- mnmSYNC
Bagay? Elevator. Takot lang talaga akong sumakay doon pwera nalang talaga kapag wala ng choice.
28. Kung mabubuhay ka po nuong sinaunang panahon, ano pong klaseng kwento ang ishashare niyo sa kanila? mnmSYNC
Siguro kung nabubuhay ako noon, nasa baryo ako, sa bukid. Ibabahagi ko ang kwento sa buhay sa bukid sa mga taong nasa bayan.
29. Naniniwala po ba kayo sa kasabihang "ang mga kabataan ang pag asa ng bayan"? - mnmSYNC
Partly yes, dahil matatanda rin dapat ang magbibigay gabay upang maging kapaki-pakinabang na mamayan sa hinaharap ang mga kabataan.
30. Nanunuod ka po ba ng mga horror movies at mga paranormal activity? - mnmSYNC
Wit. Hindi bhe. Matatakutin ako. Hindi ko agad nakakalimutan ung mga scary make up nila.
31. Sino po ang paborito niyong pokemon? - mnmSYNC
Ito ang pinaka mahirap na tanong sa lahat, LOL. Isa kasi ako ganap na Pokemon Trainer. XD mahirap pumili bhe pramiz.
32. Ano pa po yung ibang genre ng story ang gusto niyong matutunan? - mnmSYNC
Horror. Pero nevermind. Baka matakot ko lang sarili ko. Haha
33. Kapag po pagod kayo or naiistress ano po yung malimit niyong ginagawa? - mnmSYNC
Tulog lang. Masa kasi ako. Masandal tulog. Pagising ko dun ko nalang iisipin ang solusyon sa problema.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro