ArchAngel_MikeKhael
1. How long have you been writing? - leoconstellwriter
As for writing, siyempre, nursery pa lang or kindergarten, we all started to learn to write, hehehe. but for writing, I started writing my first short stories when I was in highschool, aged 15, poems started when I was in college, and novels started third year high school
2. How old are you really? (hwhehehe) - leoconstellwriter
Kung bibilangin natin ang age ko dito sa mundo, pipten, joke! two tendays and five.. silver anniversary ko na dito sa planeta niyong tinatawag na Earth.
3. Inspiration for writing? - leoconstellwriter
My inspiration for writing is my life experience i.e. challenges, lovelife, and ups and downs
4. Paano mo na sasabay ang pagsusulat sa trabaho? - leconstellwriter
Sinusunod ko lang si Ms. Rowling na pinagsabay ang pagsusulat sa trabaho. Sa akin e tuwing may few minutes na walang ginagawa sa workplace e magnanakaw ng sandali at magtype ng isa o dalawang paragraph.
5. Anong mga lugar sa Cebu ang magandang pasyalan (historical site)? - astibidi
Uh, barhop, with Admin Raine? haha., pwede ko i-advertise yung negosyo ko dito? kung pwede edi dun sa Alegria Cebu kung saan ang isa sa pinakatanyag na waterfalls, the Kawasan Falls, at nandun rin ang diner ko, hehe. But actually marami: may dive sites sa Moalboal, Camotes Islands, mga white sand beaches sa Bantayan Island and Dalaguete, may mountain peaks sa Mountain View Resort at Tops sa Cebu City, may malalaking malls sa SM Cebu at SM Seaside at Ayala Center Malls. Kung historical, may Magellan's Cross, meron ring Colon St, the oldest street in the country, at sa gabi maraming mga night hubs all around the city.
6. Kung magkakaroon ka ng pagkakataon na makuha ang isang talento na gusto mo pero mawawalan ka ng isang talento na taglay mo, ano ang gusto mong makuha at ano ang isasacrifice mong mawala? Pakipaliwanag. - astibidi
Ang pinakagusto kong makamit e yung talento sa music. Gustung gusto kong maging tanyag na manunulat para naman mas mapapansin ang poems na sinulat ko, at magawa ko yung ballads para sa magiging special someone ko. At ang talento na pakawalan ko kapalit nito e yung talento ko sa pagsayaw kasi parang obsolete na at di ko na nadedevelop.
7. Kung ang Cebu ay aalisin sa Pilipinas at ililipat sa ibang bansa, saang bansa mo ito gustong mapunta at bakit? - astibidi
Gusto ko mapunta sa Southern Australia kung saan matatagpuan ang Great Barrier Reef. Gusto ko na maliban sa kaharap nito ang Karagatang Pasipiko, mas mapalawak ang dive sites aside sa Cebu, at makakapag rent ako ng private yacht ko para mas makakapagsulat ako nang nasa matahimik na lugar, langhap ang sariwang hangin sa dagat.
8. Bakit napakahirap sagutin ng tanong na bakit? bakit? - astibidi
Kasi kung answerable lang yan ng yes or no, madali lang. Kung may tanong na bakit kelangan pa mag explain. At naloko na't tinanong pa ako ng bakit. haha
9. Halimbawang maging presidente ka ng Pilipinas, anong mga hakbang ang gagawin mo para iangat at paunlarin ang mga nobela/storyang Pinoy na maghuhubog at magmumulat sa mata ng Pilipino.? - astibidi
First off, idadagdag ko sa matrikula ang Filipino Literature, starting sa primary years, at pagdating sa secondary years naman e idagdag ko along with Music Arts and PE ang Philippine Literature (students has the option to choose english or filipino mediums). magpadagdag rin ako ng mas maraming Writing Workshops and Seminars throughout the country na libre. Maglalaan rin ako ng budget para magkakaroon tayo ng katulad nung New York Times at magsponsor sa mga manunulat na Filipino upang makapag aral sila ng Literature abroad to gain more exposure and makakayang makipag compete ang ating mga manunulat para sa international market.
10. Maliban sa Fantasy ano pang genre ang kaya mong gawin? - MissBulilit
Romance and Historical Fiction. Ang Romance e napaka common sa'ting mga Filipino writers na around 70 to 80 percent e marunong magsulat ng mga romance genre. Ang sa Historical Fiction naman e dahil I am into so much history and since kadalasan may halong war., actually first work ko sa pagsusulat is Historical Fiction na hinaluan ko ng Romance, it's a history about how Cebu Revolution was fought and lost, pangalawa e about sa Bataan Death March. For romance, marami na akong gawang romance genre.
11. Ano namang genre ang hirap ka sa pagsulat? - MissBulilit
Horror at Comedy. Pero ngayon, may project akong Romance Horror, so I think soon magiging mas madali ito para sakin.
12. Mamaw siguro yang pc mo no? Feeling ko kasi mataas ang graphics ng game na kung saan inspired ang kwento mo. Haha. - MissBulilit
Yun ang tanong mo? haha, well, hindi naman ganun talaga ka mamaw, e wala nga akong computer sa apartment, sa work office lang ako makakapag computer. Pero sa games, may malapit na net shop na member na ako so may discount.,
13. Saan ka madalas nagsusulat? - MissBulilit
Usually prefer ko e sa mountaintop kung saan nakikita ko ang kabuuan ng Cebu City maganda kasi ang city lights tuwing gabi. Pag sa umaga naman, usually sa baybayin ako nagsusulat. Listening to the waves rushing and crashing at the coast is the same as listening to music while writing.
14. Who is the subject of your poem "wait for me"? - kit_mccartney
That was my first girlfriend, nung seaman apprentice pa lang ako.
15. Who's your fave author? or book? - kit_mccartney
Fave author ko is R.A. Salvatore. Yung Drizzt Chronicles yung fave kong book series.
16. Unsa ang imong paboritong pagkaon? - kit_mccartney
Bisaya ka rin pala? Paborito kong pagkain e pansit, for long life. Yun siguro dahilan kaya mukhang bata pa rin ako kahit antanda ko na.,
17. Ano ang gusto mong itanong ko sa iyo? (hahahahaha!) - libranages
Ah, eh? kahit ano itanong mo, and I will answer thee with what all that my knowledge can give.
18. May phobia ka ba? Ano iyon? - libranages
May phobia ba yung minsan takot makipag-usap sa babae, aside sa torpe? di ko alam ang term para dun e, haha.
19. Kung pwede kang tumira sa ibang bansa, aling bansa iyon at bakit? - libranages
Gustung gusto ko e makatira sa Singapore dahil maliban sa napakalinis dun e maganda ang tumira sa maliit na lugar lang at konti ang population, para medyo tahimik at hindi crowded, tsaka malapit lang ang Kuala Lumpur at pwede makapag island hopping sa pinakamalaking archipelago, ang Indonesia.
20. Magbigay ng tatlong katangian ng mga Pilipino na kailangan nilang baguhin at tatlong katangian na kailangang paunlarin pa lalo. - libranages
Baguhin
1. Yung manyana habit, kasi nakakabagot minsan yung mga delays at yung feeling na kelangang humabol sa oras.
2. Inferiority Complex. Di tama yung tatahimik lang kahit alam mong nagkamali or mali ang ginawa ng nasa mas mataas na hiererchy level.
3. politics. Dapat equal ang trato sa bawat isa, hindi dahil mas malapit ang isang tao upang siya lang ang aangat, at babalewalain na ang iba.
Paunlarin
1. ang pagiging masinop. Sa panahon ngayon, napakahalaga ang meron kang makukuha pagdating ng pangangailangan
2. hospitality. Why not? magandang maging hospitable sa kahit sino hindi lang sa sariling bahay, kundi pati na rin sa kahit saang lugar, para maipakita natin pati sa mundo kung gaano tayo mga Filipino magtrato sa kapwa tao.
3. relihiyoso ang mga Filipino, pero unti unting naging option lang ito instead of being part of everyday living. Dapat hindi lang God-fearing ang tao tuwing Sunday lang, o kaya naaalala ang Panginoon tuwing may kelangan lang, dapat at all times.
21. Kung magsusulat ka ng autobiography, ano ang title nito at bakit? - purple_porpoise
Gagawin kong title is "The Simple and Quiet Life of an Author" dahil wala namang nangyari sa akin na pwede kong ipagmayabang . Simple lamang akong tao na may simpleng pangarap at nabubuhay ng simple. Walang monument na itinayo para sakin, (parang Nicholas Sparks lang ang dating) haha... But yes, simple lang akong nabubuhay ng tahimik.
22. Where do you see yourself ten years from now? - purple_porpoise
Ten years from now, I should be able to have my own work published and read by readers around the world, have an even better and more stable business, at sana makita ko na ang "forever" by then, kahit alam kong walang Forever, but I know Forever's not Enough, so di magiging basehan ang Forever., haha
23. Kung hindi ka naging gamer at writer, ano kaya ang pinagkakaabalahan mong hobbies ngayon? - purple_porpoise
Hindi naman talaga ako gamer, nagkataon lang na nalaro ko yung game na yun at naging attached ako masyado dun. But with my other hobbies, aside from writing or gaming, I would be spending more of my precious and unwasted time on sketching or traveling, or simply manning my own business.
24. What is the meaning of life? - purple_porpoise
Hanep ng katanungan mo, boss., Life for me, well, I'd like to quote from Pokemon, "Life is a great miracle, and a great mystery." I believe that life is the best gift we received from the Almighty, so we should not get it wasted by vices or other stuff. Live it to the fullest for it is short. And above all, Love life. (sinadya kong icapitalize yung love kesa life, haha)
25. Forte mo ang Ingles ano? - yoshiro_hoshi
Well masasabi kong forte ko eto, since most of my life, I learned English as a medium even more so than both Filipino and Bisaya combined.
26. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mapasama sa mga karakter ng Wings of Atreia, ano ang magiging pangalan mo, ano ang magiging papel mo sa kwento? At kung sakaling aalisin ka na roon, paano mo gustong mawala? - yoshiro_hoshi
Honestly, I never thought about that, but napapaisip ako tuloy kasi pwede nang maging spoiler o kaya parang nagpa plug nako ng story ko. But I will be under my same name, Michael, which I used as my in game name. My role will be one of the supporting characters ng main character na isa ring assassin. Kung mawawala man ako e, gusto kong mawala ang character ko by dying just to save the main character from death.
27. Mayroon ka rin bang aklat na isinulat sa tagalog? Enteresado lang akong malaman...hehehe - yoshiro_hoshi
Meron dalawa. Isa ay Poem at ang isa naman ay Taglish. Tapos na yung poem, yung novel naman na taglish e hindi pa tapos, kasi nawala bigla ang inspiration ko para dun., Kung dahil sa gusto mong malaman ang control ko sa wikang tagalog kaya naitanong mo ito, you can search among my works. "Nautical" ang poem, at "A Picture in Your Heart" yung taglish na novel na naka-on hold pa. (pasensya sa pagplug)
28. Bakit ang galing mong magsulat ng English? (Simple lang to) - NowhereGray
Dahil siguro sa nadadatnan kong mas madali magbasa ng english works. Mas malawak ang words ko sa english kaya mas madalo para sakin ang magsulat ng english work, and most of the books na nababasa ko english rin.
29. Anu-ano ang mga bagay na kinaiinisan mo sa tuwing nagsusulat ka at mga bagay na gusto mo sa tuwing nagsusulat ka?- NowhereGray
Ang mga bagay na kinaiinisan ko tuwing nasa writing session ako e yung writer's block (we all know how it feels), at yung mga maiingay. may time nga dati na pinatay ko yung phone kahit tumatawag gf ko. naiistorbo ako kaya pinatay ko ang phone, then regretted it terribly nung nabuksan ko yung sangkatutak na messages niya.
Mga bagay na gusto ko tuwing nagsusulat e dapat nasa mahangin at tahimik na place o kaya yung konti lang ang tao., gusto ko rin kapag merong bottle or can of pepsi na abot ko lang tuwing nagsusulat ako para mapapower up yung isipan ko..
30. May pet ka ba? - NowhereGray
Before, I had a pet Samoyed breed when I was a kindergartener pero nilason ng akyat bahay samin. Sumunod na pet ko e goldfish and angelfish pero patay lahat. I took a pet cat pero pinalayas ko nung sinugatan ako. Last pet ko e puppy na husky, binili ko, pero nagka virus siya at di ko naman maitakbo sa vet kasi Yolanda yung time na yun., kaya patay siya.
31. Ano ang maipapayo mo sa mga aspiring writers din na kagaya mo? - NowhereGray
Patience and determination must come altogether in writing. Skill is something that is acquired, not inherited. If you want to become a skillful writer, then go right into writing and let it get reviewed for you to learn well and improve.
32. Kung isa kang pagkain ano ka at bakit? - GreenLime8
Wala akong maisip, dahil yun sa kasunod na tanong na "bakit". haha. Ako ay magiging Pansit. Pwedeng maging main dish, pwedeng pampalaman sa tinapay. May iba't ibang uri ng lutong pansit depende sa place, kaya ko kasing mag adjust sa iba't ibang situation at iba't ibang tao sa iba't ibang lugar. Though may times na hindi magugustuhan ang lutong pansit, kasi di ko naman maitatago na may maraming di nakasang-ayon sakin, pero aadjust nalang ako. Dakilang Audience e. For long life.,
33. Sino ang naglagay ng asin sa kape? Chos lang. Who is your favorite author? Ako ba? Chos ulit. Yeah, who's your favorite author? - GreenLime8
My fave author is R.A. Salvatore
34. Enge naman akong love advice. Hahaha! Charot. Kung may isa kang sasabihan taong sasabihan mo ng sikreto, sino 'yon? - GreenLime8
Kung may sasabihan ako ng sikreto, yun ay si secret. Di ko masasabi kasi iba ang taong sasabihan ko ng sikreto ko., kung gusto mo ng clue, yun ay isang taong mas malapit sa inner circle ko.,
35. Ano'ng online game ang nilalaro mo? - GreenLime8
Sa ngayon, and online game na nilalaro ko e Aion Online, League of Legends, Smite, at Total War Online. Pinakamamaw dun e yung Total War kasi high end dapat ang PC para lang makatapos sa pag load ang application.
36. Nadadala ka ba ng mga sinusulat mo? Like kapag drama, napapaiyak ka rin ba? - GreenLime8
Karamihan sa sinusulat ko e war-themed, so not so much with sadness, pero I made sure it can affect those who are into strategy and tactics. If ang tinatanong mo ay may gawa ba akong napapaiyak ako, well, dun lang sa mga poems ko. May poems ako na nakakapagpagabag ng damdamin, chos!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro