Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

|| THE 4TH FVC RESULTS ||

Ito na ang resulta na hinihintay ng mga kalahok.

Una sa lahat, gusto po naming magpasalamat sa lahat ng sumali sa patimpalak na ito. Magaganda lahat ng inyong mga akda, ngunit kailangan pa ring may manalo. Alam naming hindi naging madali ang paggawa ng inyong mga entry, pero pinanindigan niyo pa rin po ito at ginawa ang lahat ng makakaya. Ngayon palang, We congratulate you already.

May Round 2 pa po ang patimpalak na ito, ngunit ikinalulungkot naming sabihin na lima nalang ang makakapasok dito. Sila ang mga best pick in each category.

Para sa mga makakapasok sa Round 2, muli po namin kayong gagraduhan. Kung sa naunang round ay mga designated FVC judges niyo lang, ngayon kami ng lahat na FVC judges ang susuri ng mga ito. Idagdag mo pa ang 2 special judges na makakasama namin.

Doon na malalaman ang TOP 3 NG OVERALL.

Sa mga hindi naman makakapasok, lagi pong tatandaan na hindi man kayo pinalad, nagkaroon naman kayo ng bagong experience. Magpatuloy pa rin sa pagsusulat. Hindi porket hindi kayo nagwagi sa pagkakataon na 'to, ay hindi na kayo magaling. Magagaling kayong lahat.

May mga feedbacks din ang judges na sana ay magamit niyo sa pagpapabuti ng inyong mga akda, at pati na rin sa mga susunod pa.

FIRST ROUND RESULTS:

💙Teen Fiction and Mystery💙
Judges: kathejye & kazumeh_17

💙Anniversary by sexynikyla 💙
Average: 84

Feedbacks:
Unang naisip ko sa title baka napatay silang dalawa sa anniversary nila mismo or baka isa sa kanila ang pinatay sa mismong kaarawan na 'yan. Nagtaka ako kung bakit anniversary pero hindi ako masyadong na-hook sa title nito. I-suggest na i-gitna na lang ang word na "Help" at lakihan ng onti ang Anniversary at ibahin din ang font nito. Ipagpatuloy ang pagsusulat!✨

Maganda kung paano sinimulan ang kuwento. Maayos ang narration at dialogue. Ang maipapayo ko lang if ever na magsusulat ka ulit ng another mystery story is to make the audience feel the feeling na as in kakabahan sila, although unique yung plot mo and ang unexpected ng dulo. A one-shot story to be remembered. Pinahanga mo ako sa kung papaano ang execution ng story. Keep it up, author! Continue writing 💙

💙Ulterior Motive by shara_laine 💙
Average: 86.5

Feedbacks:
Masyado akong nadiliman sa bc mo, may mga iilang letters din ang natakpan at hindi makita dahil dito. For me kasi nakakadala or nakaka-hook agad 'yung may mga tanong kasi mas lalo kang mapapaisip sa posibleng nangyari o mangyayari sa kwento. Kaya para sa akin nagkaroon ako ng mga idea or na-curious agad ako dahil isa 'yon sa mga nakitaan ko sa blurb mo. Marami akong nakitang typo/s, nakakalimutan mo rin ang mag-space kaya nagkakadikit ito. Minsan nakakalimutan mo na or nagkukulang ang letters.

First of all, ang unique at ang catchy ng title. Mapapabasa ka talaga. Sa content, akala ko si Haegan ang may gawa pero hindi pala. Ang ganda ng execution ng kuwento lalo sa ending . You can feel the mystery feels. Creative rin sa part na alphabetical order. May mga questionable parts lang such as ano ng nangyari sa kinidnap niya?, Bakit siya pumapatay? and the like. Sana mapaliwanag if ever man na it'll undergo revision. Sa technicalities, doon medyo nagkatalo. Sa usage of punctuations and sa difference of rin and din. You can change it nalang po if you're revising. Overall, it's an excellent piece. Keep it up, Author 💙

💙Hindi Ako Babae Lang by onlyhavenknows 💙
Average: 91

Feedbacks:
Okay naman ang bc mo, walang problema kasi babae na talaga mismo at konektado ito sa title. Simple lang, maganda rin ang font at kahit na nangingibabaw 'yung title sa bc, nakikita at malinaw pa rin 'yung babae na nasa likod. Maganda at kada gabi may mga nangyayari sa kanilang hindi maganda. Mas nakaka-curious lalo kung sino ang pumapatay sa kanila. Ipagpatuloy ang pagsusulat mo!✨

I'm speechless simula palang. Sobrang nagustuhan ko 'yong intro. It makes me want to read more. I salute you for using pure Filipino. The narration was so good. May room for improvement pa ang book cover, but its okay. The lesson is very relevant. Hindi ko in-expect na sila ang gagawa ng krimen. The association of moon, I like it. Sa technicalities, may errors talaga, such as punctuations and spellings. Overall, this is a meaningful piece. Keep it up, Author 💙

🏅BEST IN TEEN FICTION & MYSTERY🏅

💙The Villain, The Hero, and The Rebellion by hoelychic 💙
Average: 92

Feedbacks:
Okay naman ang bc mo, malinaw at naiintindihan naman ang nakasulat pero I-suggest na ibahin ang kulay ng font or 'yung nakatakip sa mata nito saka medyo igitna mo rin ito ng kaunti. Buong bc kasi ay puro black and white ang nakikita ko, para bang nawalan ito ng buhay. 'Yung sa name naman ng author hindi kita sa bc mo. Bagay naman ang tema o genre sa bc, pero it depends sa'yo kung papalitan mo ang kulay ng font na naayon dito. Interesado at curious ako kung bakit nga ba hindi niya hinuli ang lalake na nasa harapan niya. Nakaka-curious pa lalo na ang sinabi niya sa dulo ay "You never meant to be my hero." and I like it. Ipagpatuloy ang pagsusulat!✨

Blurb palang magkakaroon ka na ng curiosity. May kaunting hint siya , which makes it good. Unang pagkabasa ko palang, napa-wow na ako. The content, it's really well at kitang-kita mo na mystery nga ito. Hindi ko in-expect ang mga twists at sobra akong natutuwa dito. Sana lang next time is lagyan ng cue or kahit space lang if mag-iiba ng scene. Nakakalito kasi siya. The title is nice pero kung may shorter pa, much better. All in all napakaganda ng kuwento. Sa technicalities, wala akong masiyadong nakita, pero mayroon pa rin 'yong mangilan-ilan. Keep it up, Author!💙

❤️Romance and Horror❤️
Judges: persephone_sparks  & KapitanKrisostomo

❤️Undying Memories by dadamood ❤️
Average: 90

Feedbacks:
Unang-una, I want to point out 'yung paggamit mo ng "aniya ni". Bebe, that's wrong. Ang aniya ay isang alternative word for "sinabi niya" or "sabi niya". No need for "ni" kasi isang word na siya. For example: ["Mahal kita," aniya.] Ganyan lang. No need for another word. Napansin ko rin ang mali mong paggamit ng "you're" at "your" which is very normal for everyone. Next time be cautious na, okay? Nagulat ako na parehas palang lalaki 'yung MCs. All this time akala ko babae ang isa sa kanila not until palaging "He" na ang gamit. I loved your story pero hindi ko naramdaman ang horror doon. Puro romance and grief lang siya para sa'kin but it surely justified your title. Maganda pa rin siya and very nice to read. Keep writing!

First of all, I just want to congratulate all the writers who did a great job for this contest. All of your entries are excellent. The genres were seen in the stories. Keep on writing and may God Bless you always! Padayon kapwa manunulat!

❤️The Cursed Road by darkknight_05 ❤️
Average: 93

Feedbacks:
I personally love your book cover. Horror na talaga siya, cover pa lang. Maganda 'yung blurb mo pero nakulangan ako sa sobrang ikli. May mga mali kang use of words at grammar composition pero alam ko naman na maiimprove mo pa 'yan along the way. Kitang-kita ko ang romance at horror sa story mo that's why I gave you the highest score in C&C. Toxic and obsessive love was very evident, very good. Sadly, I didn't see the overall lesson but I love your story as it is. I am impressed. Keep writing!

First of all, I just want to congratulate all the writers who did a great job for this contest. All of your entries are excellent. The genres were seen in the stories. Keep on writing and may God Bless you always! Padayon kapwa manunulat!

❤️'Till Blood Do Us Part by ohsnapitzforte ❤️
Average: 94.5

Feedbacks:
Natuwa ako na english one shot siya kaya sa blurb pa lang, nagustuhan ko na. I just think na may room for improvement ka pa para sa tamang paglalagay ng punctuations at sa paggamit ng tamang grammar. Kahit gore ang story mo, I saw the romance and passion from your characters which is a must in this competition. Kaso nga lang, masyadong mabilis ang mga pangyayari. I didn't saw the character development of Liam. Hindi mo masyadong napoint out kung paano sila nagkagustuhan ni Tada. Hindi ko rin nakita 'yung lesson. But still, na-enjoy ko siya at kitang-kita na magaling ka talagang manunulat. Keep writing!

First of all, I just want to congratulate all the writers who did a great job for this contest. All of your entries are excellent. The genres were seen in the stories. Keep on writing and may God Bless you always! Padayon kapwa manunulat!

❤️What Really Happened That Night by Curious_StarLover ❤️
Average: 95

Feedbacks:
First of all, I really love the plot. I like how you started it sa part na mainit 'yung argumento nila. Dahil do'n, mas nahook akong magbasa lalo na dahil super curious ako sa title. Nabigyan talaga ng justice ang title mo lalo na no'ng umabot na sa part ng climax. Naiyak ako sa plot twist mo :(( I feel so bad about Jericho :(( Ang dami kong what ifs pero gano'n yata talaga, may mga bagay na nangyayari nang hindi mo inaasahan. The only thing that I would like to point out is 'yung paggamit mo ng "yung" instead of "ang". Okay lang naman pero kapag sunod-sunod ang paggamit mo ng "yung", nagiging redundant na at hindi na magandang pakinggan. So I suggest you use "ang" as an alternative. Pero all in all, you have a great potential. Keep writing!

First of all, I just want to congratulate all the writers who did a great job for this contest. All of your entries are excellent. The genres were seen in the stories. Keep on writing and may God Bless you always! Padayon kapwa manunulat!

🏅BEST IN ROMANCE & HORROR🏅

❤️Lethal Denouement by aestherealistic ❤️
Average: 96

Feedbacks:
Next time, please make the title of your book cover readable. I like the creepy vibe of it but having a readable title is very significant. Ang una kong napansin simula pa lang is that you have a great grammar and you place the right punctuations on their right places. Your choice of words are really great too. 'Yun nga lang, some english words are not very familiar for average readers so I hope you can do something about it. Medyo mystery din ang dating niya sa akin at hindi horror but I definitely saw the romance in it. Napansin ko rin na marupok ang mga characters mo dahil inlababong tunay na agad sila kahit hindi nila pinagkakatiwalaan ang isa't-isa. I found it cute though. That's why I was very shocked with your plot twist. Hindi ko inakalang magagawa 'yon ni Azro :(( Nice plot execution. Keep writing!

First of all, I just want to congratulate all the writers who did a great job for this contest. All of your entries are excellent. The genres were seen in the stories. Keep on writing and may God Bless you always! Padayon kapwa manunulat!

🧡Historical Fiction and Romance🧡
Judges: Alexandria_M_G & KimTaehyungieBwii

🧡Someone I'm Not by Alykkkccc 🧡
Average: 80.5

Feedbacks:
Hi po, Ms. Author! I noticed na medyo lumihis sa genre mo ang iyong kwento. But overall, it was a good story. May mga kailangan din naman na i-improve ang iyong Grammars, etc. Good luck and have fun being an author!

Hello, I see na, medyo may punctuation errors sa story mo. Dikit-dikit din minsan yung kuwit at ung words, dapat kasi ay pagkatapos ng isang word lalagyan mo ng kuwit (,) tapos space, then yung next word. Mahihirapan kasi magbasa ang reader mo lalo na kung cellphone lang yung gamit nila. Sample " You know,(space)I could chop your head off with these." Ganoon din ang gagawin mo kapag tuldok "There's a clown in there.(space)Shall we run?" I-capitalize mo ang name ng characters, para malaman ng readers kung tauhan ba yon o isang bagay. Well, maganda ang takbo ng story mo, hope this message help you. Goodluck.

🏅BEST IN HISTORICAL FICTION & ROMANCE🏅

🧡Corazoncito: So Near Yet So Far by VimLights 🧡
Average: 89.5

Feedbacks:
Hi author! Nagagalak ako dahil ikaw ang isa sa mga naging kalahok sa paligsahan na ito. Nagustuhan ko rin ang storyang inilikha mo. Alam kong naging inspirasyon mo rito ang pelikulang Titanic dahil nahahalintulad ito sa kwento mo. Nawa'y ipagpatuloy mo ang iyong pagsusulat!

Paano ko ba sisimulan? Actually hindi ko alam kung sapat na ba 'yung salitang magaling at maganda, 'yung gawa mo ay sobrang nakaantig talaga ng interes ko. Well, fav. ko talagang magbasa ng historic fic, naging fav. ko 'yun dahil sa palabas na "Scarlet Heart Ryeo." Naalala ko nagtanong pa ko sa mga kakilala ko, kung kelan lumubog 'yung lusitania, and so on. Title pa lang kasi magtatanong ka nang "Bakit Corazoncito: So Near Yet So Far?", sabay pag basa mo nung first part nung story, wow, so galing pala siya sa 2020. Then, dahil sa music box, which is unique para sakin, kase kadalasan, sa mga ganyang genre, may mangyayari muna sa kanilang masama, bago magpunta sa past, or basta nalang makakatulog, well 'yung iyo kasi iba for me. So 'yun lang, aabangan ko 'yung next chapter. Thankyou~

💜Fantasy and Mystery💜
Judges: Jessicalangpo  & Fantomatico

💜The Real Nemesis by ice___precious 💜
Average: 88

Feedbacks:
The overall content is great. Sa description maraming dapat icapitalize. Napansin ko lang na mahilig kang magenglish ng isang word sa isang full na tagalog na sentence sana maiwasan mo siya dahil weird basahin ayun lang. Keep writing!

The title is very very catchy pero yung paghalo mo for both language (English and Tagalog) is out of sync which means hindi sila nababagay. My point is kailangan ilugar mo kung kalian mo ipapasok yung language 1 and language 2 and kung ano ang dominant language na gagamitin mo for your story kasi nakakaapekto rin ito sa mood na ibinibigay mo sa readers mo. Halimbawa na lamang ng mga salita na pwede naman itranslate sa tagalog. May part kasi na formal ang ginamit mo then naging informal na sa last. But yep just what I say nice title! Alam kong malayo pa ang mararating mo and gawin mong inspiration itong contest for you growth bilang isang writer. Overall nice title!

💜Scourge by gril18 💜
Average: 92

Feedbacks:
Malinaw ang lesson and maayos ang pagkakasulat. Nakulangan lang ako sa pagdedescribe ng mga kapangyarihan/abilities but overall its great.

I'm impressed na napakita agad and obvious yung binigay na category (Mystery and Fantasy) . Maayos lahat at napansin ko for reading your stories na organized lahat until ending pero nakulangan ako sa twist but overall ang galing mo na magsulat konting push nalang and tada! Hindi na ako magugulat kung minsan Makita na kita with a hundred thousands of readers.

💜Who is The Beast? by Jcleff 💜
Average: 93.5

Feedbacks:
I love the line sa dulo. Humans who lost the tought of humanity. Very well said. The paragraphs are short so hindi nakakatamad basahin. Lesson are stated clearly. Good job!

Nice description well I didn't expect it to have a great narration about "Who is the Beast" Hindi ko ineexpect yung last part and also for the language. Maayos ang pagkakasulat and yep wala na akong masabi pa okay ang lahat gandahan mo lang ng konti yung cover and that's all. Overall amazing content!

🏅BEST IN FANTASY & MYSTERY 🏅

💜Living by Ear by shadelza 💜
Average: 94

Feedbacks:
Wow! As in wow! Such a great content for a fantasy mystery oneshot. Halo-halong emosyon and boom ang dulo. Akala ko patayan talaga pero kapaliguran pala ang tinutukoy. Kudos for making such a masterpiece. This one-shot shoul be read by many. It's also well narrated.

Interesting storyline, Makakakuha ka ng maraming mga aral at mga inspirasyon dito tungkol sa ating kapaligiran, Maganda yung pagkaka-introduce ng lesson at smooth ang takbo ng story and Of course an eye opener!I like the description, a little short pero niyayaya ka basahin yung buong istorya. Overall nice plot!

💚Fan Fiction and Action💚
Judges: Alegny & CxlxrGreg

💚Sorolinie Quattro by mariahannic 💚
Average: 82

Feedbacks:
Hi! I'll be honest in giving feedback and please take it constructively. You made me happy because about sa Blackpink ang fanfic na ito. I am not a fan, but I love them. Napansin ko na ginawan mo ng tig-iisang pov ang members. Mas okay siguro if third person pov na lang ang ginamit mo para hindi nakakalito and since one shot lang din naman ito. Sa tingin ko ay mas magiging maganda ang flow ng istorya kung nasa iisang pov na lang ito. May mga napansin din akong errors sa grammar but madali mo lang namang maaayos 'yon. Majority ng errors ay subject and verb agreement. You should be familiar of that kung gagamit ka ng English sa story. The plot is fine, but hindi gaanong nabuild-up 'yong attachment ko sa characters. 'Yan na lang muna. 'Wag kang mag-alala, I could see the potential in you. Sulat lang ng sulat. Congrats!

The action scene is there and the fanfiction too. Pasok naman siya sa category na napunta. The story is entertaining too. Ang nakita ko lang na problem dito ay para siyang isang chapter ng libro instead of one shot. Keep up the good work!

💚Silver Bullet by blueey_ 💚
Average: 84.5

Feedbacks:
Hi! I really noticed your effort in writing your one shot. Oo, mahirap talagang magsulat ng action and I could say that because I tried writing some action scenes for my story, and yes, it needs alot of effort and visualizations.  When I'm reading your story, I felt that its more on "mystery genre vibe" on the first half but nabigyan naman ng katarungan 'yong action genre sa dulo. Medyo naiinis lang ako sa mga bida kasi 'di ba ang uto-uto nila purket may prize na 1 million pesos e hahahaha pero ang cute at malinis naman ang pagkakasulat mo. And btw, I also love the simple book cover. It really portrays the story. Thank you for joining. Congrats ❤️

Isa ito sa mga nabasa ko na kakaiba ang plot and that's a plus point for me. Ang naging problema lang dito ay ang narration and the execution. I mean uso na ngayon ang scam but how did they fall for that diba? Anyways, it's still entertaining. I admire you for thinking such a plot. Keep up the good work!

💚Legends by rose_peanut 💚
Average: 85

Feedbacks:
Hi! I like the way you wrote this story. Kahit may iilang mali sa grammar ay hindi naman iyon gaanong nakaapekto. P'wede na nga siguro itong maging live action ng ML at matutuwa talaga ang mga fans ng ML dito. The only problem is kung hindi fan ng ML ang nagbasa ay hindi sila gaanong mahohook dito lalo na't madaming character at naghalo-halo na sila sa scene. Oth, I really admire your effort in writing this. Congrats!

Mobile legend fanfic. Since I'm playing it, you easily got my attention. Sana ginawa mo na lang Mythic Glory something ang title para mas maangas but it's fine. It's good na napagsama-sama mo sa iisang gawa ang mga iba't ibang character. Alam naman nating may iba't ibang back ground story rin sila. The story is fun and entertaining. I think sa execution lang nadali but it's still good. Keep up the good work!

💚Trick or Treats: Happy Halloween by mafeeyara 💚
Average: 86.5

Feedbacks:
Hi! Humanga ako sa action scene mo noong umpisa pa lang. Hindi ka talaga naubusan ng sasabihin at talaga namang maayos ang pagkaka-execute mo nito. Alam kong mahirap talagang magsulat ng action scene at binabati kita dahil nagawa mo iyon. Medyo nadisappoint lang ako sa may gitnang parte hanggang dulo. Nawala 'yong essence ng action at mas nanaig ang mystery. May pagkafantasy pa nga siya dahil sa sumpa-sumpa na naganap doon sa istorya. Nasasayangan ako dahil maganda 'yong concept at istorya kaso lumihis ng genre. However, hindi kita masisisi dahil baka hindi ka talaga sanay sa genre na ito and I admire you for trying. Maayos naman ang kinalabasan, don't worry. Congrats!

The general idea is good. I like how you use the Halloween settings for the story. Ang naging problema lang na nakita ko is the narration. Maayos naman sya but hindi sya ganoon ka dating. Keep up the good work!

🏅BEST IN FAN FICTION & ACTION🏅

💚Aegis of The Noble Senator by luckynadine 💚
Average: 90

Feedbacks:
Hi! Na-enjoy ko ang pagbabasa ng storya mo kasi fan din ako ni bibi Vico. Maganda ang lesson ng istorya at it gives hope sa Pilipinas kahit nga fiction lang ito. Na-iimagine ko talaga na si Vico 'yong nagsasalita ng mga lines and pati 'yong facial reactions niya. Maganda rin ang narrations at hindi puro dialogue lang, at dahil doon ay nabigyan ng magandang description ang mga nangyayari. Action talaga kung action. Nakulangan lang ako sa creativity at plot twist. Skl, ship ko pa naman sila ni Vex pero na-deds si ate. Overall, you still did well. Congrats!

Okaaaay, I like it. I like how you used the pambansang Biko (Vico) as your character. That's a good idea actually. The story isn't boring since it tackles government issues too. Hindi lang siya simple Fanfic-Action. May line lang si Mayor Vico na medyo na off ako but maybe sa'kin lang 'yon, feeling ko lang hindi bagay sa image niya. Anyway, overall the story is really good and entertaining. May spice and kwento at somehow makatotohanan kahit fanfic ito.

QUALIFIERS FOR THE 2ND AND FINAL ROUND:
hoelychic
aestherealistic
VimLights
shadelza
luckynadine

CONGRATULATIONS PO SA LAHAT!
Hope to see you sa mga iba pang contests
Sulat lang nang sulat. Keep it up and never give up!
-FVC JUDGES

"A winner is a loser who tried one more time"
-anonymous

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro