Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SC Pt1: School

First of all, thank you sa mga nagbasa ng Future Fairytale kahit walang nagbabasa! Hihi. By the way sorry for the late ud dahil Semi Hiatus ako eh. Please bear with it :(((

Thanks!

---------

Umagang umaga pa lamang ay nagising na si Byun ayba hindi na Byun kundi Park Baekhyun na. Syempre maganda pa rin ang gising ng bida lalo na kung ang unang makikita nya ay ang kanyang mga anak at ang loving husband nya. Pero hindi na ganun ngayon.






Pag-gising nya ay wala na sa tabi nya si Park Chanyeol. Naisip nya ay baka bumangon na yun at nagluto sabagay ganun naman kasi ang gawain ni Chanyeol. Babangon ng maaga tapos magluluto and then pupunta ulit sa kama at hihintayin magising ang dyosa.









Bumaba sya ng hagdan at nakitang walang tao. Nagtaka rin sya at wala syang naaamoy na mabango---isa lang naman iyon, syempre ang luto ni Chanyeol nya.









"Chanyeol?" Wika nya, pero walang sumasagot. Nagtaka rin sya na walang humahabol sakanya ng yakap, syempre iyon lang naman ang mga anak nya.







"Taehyung?" Isa pang wika nya pero wala talagang sumasagot. Naisip nyang baka nasa garden. Pumunta sya sa garden at sinigaw ulit ang pangalan ng magaama.







"Nana?" Pangalawang wika nya pero wala pa rin. Lumungkot ang mukha nya at dahilan lang ito ng naisip nyang hindi naalala ni Chanyeol na anniversary pala nila ngayon.








"Manang Bebang! Kuya Toto!" Tinawag nya sabay ang driver at kasambahay nila. Wala ring sumasagot.










"Manang Jackie! Nasaan kayo? Manang Bebang!" Pumunta sya sa kusina at wala ring tao. Nakita nya ang isang note sa sala. Kinuha nya kaagad ito at binasa.











"EXO University at 10am
Wear your uniform and the old hairstyle please with your bag on. We'll wait :)..."







Nagtaka sya biglaan. Naisip nyang, para ba sakanya ang sulat na iyon? Parang handwritting ni Chanyeol eh. Pinapapunta ba sya sa EXO University?






"Dios mio wag mong sabihing magaaral ako ulit?" Bulong ni Baekhyun sa sarili at natawa.






Tinignan nya ang orasan nya...8:34am





Umakyat sya sa storage room para kunin ang uniform nya. Habang kinakalkal nya ang mga boxes ay di nya mapigilan manginig. Biglaan nalang kasi nagtothrowback ang mga memories nila sa school.






Maraming dumi ang boxes kaya hindi nya mapigilang umubo pero hindi pa rin sya tumigil sa paghahanap.







Ayun, nakuha nya na ang kanyang uniform, ang kanyang old uniform. Ang uniform na kung saan ay nasuot nya. Ang uniform nya noong 4th year highschool. Ang uniform na binalik ang mga ala-ala nila. Ang uniform na kasama nya gumawa ng kalokohan.








Nilabhan nya ito at pinatuyo sa dryer, may ilang oras pa naman bago sya pumunta doon. Ayun pa rin ang ginamit nyang fabric conditioner at panglaba, ang panglaba nya noong 4th year highschool sya.











Nang matuyo na ito mula sa dryer ay sinuot nya na. Syempre same old hairstyle pa rin. Feeling estudyante nanaman sya. Kinuha nya rin ang bag nya at ang susi ng dati nyang kotse.










Nagdrive sya papuntang EXO University. Nilibot ng mata nya ang lugar at parang ngayon lang sya ulit nakapunta.









"Wala pa ring pagbabago ang unibersidad na ito. It's still the same old University I used to go and where I graduated." Pumasok sya sa loob ng campus at nakita ang bulletin board na kung saan ay laging sila ang News Headline. Laging silang dalawa ni Chanyeol ang nasa unahan at laging pinaguusapan.










Nilapitan nya ang bulletin board at walang kalaman laman ang bulletin board. Nalungkot ang mukha nya at parang kumirot ang puso nyang malambot. Dati-rati noong sila sila pa ang nagaaral ay talagang laging puno ang bulleting board halos wala na talagang maisisingit pero ngayon ay walang walang nakalagay.









Lumakad na sya loob ng campus, at nakita ang isang babaeng maikli ang buhok. Parang familiar sya dahil sa gupit at pangangatawan nya. Short hair na fit. Gulat sya nang humarap ito sakanya.








"Kim Taeyeon?" Gulat na sabi ni Baekhyun at sinuklian nya ng ngiti ganun din ang ginawa ni Kim Taeyeon sakanya. Matagal na panahon na noong huling nagkita silang magkaklase.








"Oh hi Byun--oops este Park Baekhyun! Yiieee!" Nagblush si Baekhyun at nagyakapan sila ni Taeyeon dahil matagal na panahon na silang di nagkita.








"She's still the same old Kim Taeyeon." Naisip ni Baekhyun. Tinignan nya si Taeyeon mula ulo hanggang paa.









Same old short hair with glasses on and still fit. Right, she's still the old Kim Taeyeon. The way she say my name and the way she greeted me.








"Tara?" Niyaya sya ni Taeyeon na pumunta sa Canteen. Habang papunta silang canteen ay nagkekwentuhan lamang sila.







"Dios mio Baekhyun! Ang tagal na nating di nagkita! Aba nasa States kasi ako. Pero nabalitaan kong kasal ka na! Sayang nga di ako nakapunta." Malungkot ang expression ni Taeyeon noong sinabi nya ang tungkol sa kasal nila Baekhyun at Chanyeol. Syempre kasal ng isa sa mga close friends nya ay hindi nya napuntahan.








"Oo nga sayang talaga. Ah teka, bakit ka nga pala nandito rin? Tsaka school uniform din suot mo! It's still the same old you! Nakakatuwa nga eh." Tumango si Taeyeon at sumagot kaagad.







"Basta't malalaman mo rin hihi!"






"Oh musta lovelife mo Taeyeon?" Paninimula ni Baekhyun






"Eto single pa rin. Ayst. Hahanap pa me sa States or dito sa Korea. Pwede rin." Ngumiti si Taeyeon at natawa si Baekhyun.








"Irerecomenda ko nalang sayo yun driver namin na si Manong Toto! Hahahahahah----" nahampas sya ni Taeyeon ng malakas sa braso.







"Hahaha bakit?! Para di ka na mahirapan!"






"Shut up Byun--este Park!" Natigil si Baekhyun sa pagtawa nang marinig nya ang Park.






Napasarap ang kwentuhan nila at nadaanan na ang canteen. Nakitang may nakaupong dalawang estudyante doon at nagtatawanan.








"Xiumin! Jongdae!" Gulat na sabi ni Baekhyun at natawa si Taeyeon na parang may kinalaman.










Tumayo ang dalawa sa upuan nila at nilapitan sina Baekhyun at Taeyeon. Lumapit sila ng nakaholding hands at nakita kaagad ni Baekhyun iyon.









"Ah so meron na palang nangyayaring kababalaghan dito!" Sabi ni Baekhyun at ang rason para bitawan ni Xiumin ang kamay ni Jongdae.








Biglaan namang sinupalpal ni Baekhyun ng yakap ang dalawa. Naiiyak sya dahil matagal na rin noong nakita nya ang dalawang loko-lokong iyon.









"Shet namiss ko kayooo!" Bulong ni Baekhyun sa dalawa.







"He-he-he! Baekhyunnie namiss ka rin namin!" Singit ni Jongdae.






"Oh ba't kayo naka-school uniform?" Paninimulang tanong ni Baekhyun sa dalawa pero walang umiimik.







"Basta't malalaman mo rin!"





--------

(A/N)

Ayoo! Please comment naman oh! May part two pa eh! Hehe

Just this once, please comment your thoughts and everything you want to say about this story! I would love to see your comments.

Birthday gift nyo na sakin sa September! :^)




























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro