Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SC Pt 2: School

"Hindi nyo ba talaga sasabihin no?" Tumango ang tatlong kasama ni Baekhyun. Naglalakad kasi sila ngayon papuntang library may kukunin daw kasi ang XiuChen doon.


"Eto nalang, ano bang kukunin nyo sa library?" Hindi umiimik ang dalawa pero ngumiti sabay. Natawa din si Taeyeon dahil para hindi nalang sila awkward.



"Hindi ko alam yun tawag doon eh. Basta hindi bagay kukunin namin doon. Haha!" Wika ni Jongdae kay Baekhyun na may curiosity sa mukha.




Nadaanan na nila ang library at pumasok dito. Wala ring tao sa loob sa pagkakaalam ni Baekhyun dahil kalahati pa lamang ang napasok nila. Inakyat nila ang second floor at nakitang may dalawang lalaking nakaupo sa table at nagtatawanan






Kumaway sakanila ang dalawang pamilyadong lalaki at lumapit. Gulat lamang ang mukha ni Baekhyun.





"Oh Luhan! Kyungsoo!"




"Omg! Namiss ko kayo!" Actually hindi kasi masyadong kaclose ni Baekhyun si Luhan noon pero ngayon ay naging kaclose nya na dahil kay Kyungsoo.







Nakita nya ang dalawang kaibigan nya. Same old hairstyle. Kaso no glasses na si Luhan. Sabayan mo pa ng malaki pa rin ang mata ni Kyungsoo. They're still wearing their old uniforms. And yun mga bag nila ay ganun pa rin talaga.







Tumulo ang luha ni Baekhyun dahil sa sobrang miss nya sa dalawang kaibigan nya at syempre sa mga kaklase nya.








"Ayan ka nanaman Baek! Wag ka nang umiyak! Dios mio ako na nyan dyosa dito!" Natigil kaagad sa pagiyak si Baekhyun dahil sa narinig nya kay Xiumin. Pinunasan nya ang mga luhang dumadaloy sa mukha nyang maganda. Nagsi-tawanan naman ang iba pang kasama nila.









Lumakad na sila pagbaba at palabas ng library. Bumalik ang masasayang araw nila. Nagtatawanan ng malakas na para bang wala nang bukas. Makikita mo talaga ang mga ngiti sa labi nila. At walang sawang pagmamahal nilang magkakaklase.









At biglaan na lamang natahimik. Walang umiimik at patuloy silang lumalakad. Nasa second floor na sila ngayon ng school. Nadadaanan na nila ang mga sections ng 4th year. At malapit na sila sa kanilang malaking classroom.








SECTION LVR (LOVE ME RIGHT)

Naaalala nilang taga-gawa ng articles ng Fight of the University yan eh.








SECTION CMB (CALL ME BABY)

Naaalala nilang ang section na iyon ay laging taga-gawa ng rumors sabay ipapasa sa section ng Love Me Right.









SECTION OVERDOSE

Naaalala nilang itong section na ito ay ang laging nakaabang sa bulletin board para sa masinsinan na laban ng Chanbaek at iba pang rumors na gawa ng Call Me Baby.











SECTION XOXO (KISS AND HUG)

Naaalala nilang nakikichismis lagi iyang section na yan. Araw araw pumupunta sa klase nila.









SECTION MAMA

Syempre ang section na ginagawan ng kung ano anong katarantaduhan. Ito rin ang section na pinapasukan nilang magkakaklase. Ito rin ang section na ginagawa ng rumors. Ito rin ang section kung saan na gaganap ang Fight of the University. Ito rin ang section na kung saan ay laging HeadLine sa bulletin board maging sa school newspaper. Ito rin ang section na laging pinupuntahan ng Section XOXO para makichismis. At higit sa lahat ay ito ang section na laging nagmamahal. Bale package na talaga sila.








Parang maiiyak si Baekhyun dahil sobrang miss na miss nya nang pumasok sa school. Matagal na ring panahon noong naka-pasok sila sa school. Kahit kung ano ano pang ka-lechehan ng mga kaklase nya ay talagang nakadama sya ng pagkamiss.



----

(A/N)
Guys I know 1 months and a half akong di nagUD. Sorryyy! Sabawwwww

Please read #Jejedays too ^,^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro