Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

9: The Power

~Byun Baekhyun


Pinakita saakin ni Chanyeol ang small bottle na hawak nya na may kasamang box at sulat.


Para saan ba yung bottle na yun? Pinainom nya ba dun sa bata? Sabi nya it's for the sake of the child! Baka nilason nya na or something. Baka may ginawa na syang masama!



I'm sure kapag nalaman ni Princess Baekirina ito ay madedepress sya ng sobra sobra.



Galing sa 69 Weird Palace yun bottle na iyon. Probably weird din ang pangalan syempre.



Eh sino sino or ano ano ba ang mga nakatira sa 69 Weird Palace? Weird din ba sila? Nerds? Kaylangan kong puntahan ang lugar na iyon. I'm sure may kinalaman sila sa pagka-wala ng anak ni Prinsesa Baekirina at ang kidnapping scene.



Lumapit ako dun sa driver ng kalesa at ito na ang chance ko para magtanong kung ano at saan ang Weird Palace.



Kinalbit ko sya at tumingi sya saakin


"Ano iyon Mahal na Prinsesa Baek? May itutulong ba ako sainyo?" Tumango ako at sinimulan. Nickname ba ni Prinsesa Baekirina ay Baek?



"Baek? Bakit Baek?" Tanong ko sakanya at kumunot ang noo nya


"Shortcut po ng Baekirina. Yun po ang tawag namin sainyo. Since bata pa po kayo pero minsan Baekirina." Tumango na lamang ako.



"Alam nyo ho ba kung saan ang 69 Weird Palace?"



"Iha, walang nakakaalam ng ganung lugar lalong lalo na ako. Walang lugar na nagngangalang 69 Weird Palace dito." Ano raw?! Walang 69 Weird Palace dito? Wala silang alam na ganung lugar? Ano yun, gawa gawa lang? Napaka-imposible.




Tumango nalang ako at umalis sa kinaroroonan nya. Napaisip ako ng malalim.




Kung walang ganoong lugar, edi gawa gawa lang ng nagpapadala saamin ng mga sulat at ng isang bote? Or walang nakakaalam ng ganung lugar kundi sya lang? Or mysterious place iyon?



Maraming gumugulo sa utak ko.



----

~Do Kyungsoo

Aba, ngayon ay hindi na masyadong sweet ang dalawa. Anyare? Bakit biglaan nawalan ng sweetness? Balik na ba sila sa pagiging magkaaway? Miss ko na yun araw araw na Fight of the Century nila.



Pero nagpapansinan naman sila minsan at hindi nagaaway. Hindi pa rin namin tapos ang report dahil nga doon sa nangyari sa Museum na hinahanap na nila ang time machine.




Kakausapin ko nga si Baekhyun ngayon. Hindi nya pa rin ako kinakausap. Minsan ay ngingiti lang sya sakin at kakaway pero hindi na sya masyadong chumichismis.




Pumunta ako sa banyo dahil sinusundan ko si Baekhyun. Nagpa-excused muna ako na magbabanyo rin ako kahit hindi naman. Balak ko lang naman tanungin si Baekhyun at hindi na ako maka-paghintay kaya ngayon na.


Sa banyo ko balak kausapin si Baek dahil walang tao dito kapag may klase or time ng mga teachers.



Tumigil ako sa pagpasok sa loob ng banyo dahil narinig kong nag-uusap si Baekhyun at ang isang babae na nerd. Sandali, si Krystal yata iyon.



"Sandali nga lang Krsytal. Nasaan na ang anak ko?"


"Baek, alam mo namang hindi ko pwedeng sabihin. Finding sensation ang kaylangan."


"Anong finding sensation ka dyan!"

"Duh Baek, finding sensation means kaylangan hanapin mo. Sus gaga ka talaga. Tandaan mo yun mission mo."


Kumunot ang noo ko, anong mission? Tsaka teka lang, may anak na si BAEK!? Wala syang nababanggit saakin na ganyan ah. Never in our more than ten years friendship.



"Hindi ako pwede ng ganito. May responsibilities pa ako." Sabi ni Baek at nagtago na ako biglaan sa gilid gilid at narinig ko ang mga yapak nya papunta saakin dahil lalabas na yata sya.



Pumasok na ako ng classroom at nakitang wala pa silang dalawa. Napatingin saakin ang teacher at nagtaas kilay.



"What took you so long Mr.Do?"


"Ma'am nagpapajebs po ako kanina. Sorry late po." Tumango sya at nagtatawanan naman ang mga kaklase ko. Habang si Chanyeol naman ay parang seryoso ang tingin saakin. Rereypin yata ako nito! Hindi pwede! Jongin porebs lang ako.





---

~Park Chanyeol

Musta na kaya ang mga ka-MU ko? Sigurado ako miss na miss na nila ako.


Nga pala sinabi saakin ni Baekhyun ang tungkol doon sa Palace na hinahanap namin. Nagtanong na rin ako sa magandang nanay ni Baek. Kahit sa mga katulong pero iisang lang talaga ang mga sagot nila.




Kinuha ko ang bag ko na ginamit ko sa report. Teka lang, bakit nandito ang.....


SHETE ANG TIME MACHINE!


Ibig sabihin ko ang isang parte ng time machine ay nandito. Ayba oo nga pala nahati namin ni Baekhyun iyon. Sandali lang, baka iyon ang nagpa-lagay saamin dito!




"BAEKHYUN BAEKHYUN!" sigaw ko at dali dali syang pumunta saakin na may natatakot na mukha. Masyado yatang malakas ang pagkakasigaw ko.




Pinakuha ko sakanya ang bag nya sa museum at kinuha nya naman.


"Buksan mo yan! Nasaan ang time machine!?" Nanlaki ang mata nya nang mahanap nya sa looban ng bag nya ang isang parte ng time machine.



Pinagdikit namin ito at shet you won't believe this one.


We're really in a fairytale.


The pieces of the time machine suddenly became one again. It was fixed by the power of magic. But how? Both of us don't have magic at lalong wala dito si Jiyeon.






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro