22: Please tell them
Okay ngayon ko na irerelease ang 'Tears are Falling' sa mga gusto magbasa sige basa lang! Huuhuhu thank you for reading~~
------
Yung feeling na gumising ka ng maaga kahapon ayun pala walang pasok pero atleast kinikilig ako umagang umaga palang at may pasok na ako ngayon. Maniniwala ba kayong kumakatok ang isang Park Chanyeol ngayon sa pintuan namin?
Tss kaya ko lang naman nalaman ay syempre sumilip ako sa silipan at unang nakita ko ay ang dibdib nyaaaaa! Jusko ang tangkad kasi nya kaya hindi na ulo ang nakita ko kundi ang dibdib nyang maganda kaso yun kalahati ay natatakpan ng walang kwentang school uniform!
Eto ako ngayon sa pintuan nagkakaroon ng mental breakdown dahil isipin mo ba naman sinusundo nya na ako papuntang school! Sasabayan nya ata ako pumasok! Shet!
Nakarinig ako ng mga hakbang papunta saakin pero hindi ko pinansin. Eto pa rin ako naglulupasay sa sobrang kilig! Gotta tell this to Kyungie!
"My cupckae chupachups Baekhyunnie! Anong ginagawa mo dyan? Kanina pa ba dyan naglulupasay!? Anong nangyayari?" Patay. Patay. Patay si mama nandito. Si mama nasa harapan ko. Anong irarason ko? Sigurado narinig ni Chanyeol iyon at tumatawa na. "Baekhyun? Baekhyun kanina ka pa nandyan?" Tanginang buhay sumigaw si Park Chanyeol.
Ayun binuksan ko nalang yun pintuan at nakita si Chanyeol na hindi nakangiti kundi normal na mukha lang. Tangina pinipigilan ko lang ang byuntae beast mode ko ngayon.
"Goodmorning po tita!" Ano raw tita? Tss kapal ng mukha nya tapos biglaan lang sya pumasok sa loob para magbless kay mommy and then lumapit sa table.
"Ah tita naiwan ko lang ang carkeys ko. Sorry. Thank you and sorry ulit sa abala. Papasok na po ako sa school. Paalam po." Ay wow wala man lang goodmorning saakin? Hindi man rin sya tumingin pa saakin.
Huminga ng malalim si mommy, "Hay bagay talaga sila ni Kyungsoo." Ano? Parang kahapon lang tinatawag nya akong Park Baekhyun tapos ngayon si Kyungsoo na?
Lumabas na ako ng bahay at naglakad nalang papuntang school. Ayoko gumamit ng sasakyan, pagod ang mga paa ko ngayon para magdrive. Habang naglalakad ako sa lane ng mga tao, nakita ko yun kotse ni Chanyeol na lagpasan ako aba'y syempre hindi masyado tinted ang kotse nya kaya nakita ko sya. Pero teka parang may mali sa nakita ko...
Si Kyungsoo....si Kyungsoo nakasakay sa kotse nya.
Pero tumakbo na ako papunta sa school at tahimik lang akong naglalakad sa campus papuntang classroom parang lahat ng tao ay nakatingin saakin. Siguro hindi sila sanay ng hindi ako maingay umagang umaga.
Pagpasok ko ay nandun na si Kyungsoo nakaupo kasama si Chanyeol, syempre sino pa ba? Si Taeyeon naman ay nakikipag-kwentuhan kay Tiffany na bestfriend daw nya. Weh?
Umupo ako sa upuan ko at nakatabi na pala etong si Jongdae saakin. "Hello Baekkie. How's sleep? How's morning? How's everything? May nararamdaman ka na ba?" Ano ba to? Dati walang pake tong si Jongdae saakin ah.
"Tigil-tigilan mo nga muna ako Jongdae. Kung may kaylangan ka edi kay Kyungsoo mo muna hingin. Wala ako mood ngayon at baka mauntog ko yang mukha mo sa desk ko." Pinatong ko muna ang ulo ko sa desk ko at pumikit para magpahinga.
"Chillax lang dyan Baekkie. Tinatanong ko lang kung may nararamdaman ka na ba na kakaiba." Sabi nya sabay sumipol at inangat ko ang ulo ko para harapin sya.
"Tigil tigilan mo na ako. Lumayas ka nga dito! Umagang umaga mukha mo nadadatnan ko dito." Pinalayas ko na sya at lumayas naman sya.
--Lunch Break--
Infairness walang kumakausap saakin kanina sa classroom kahit si Kyungsoo. Kapag nagkakatinginan kami ay parang wala lang kahit isang ngiti ay wala. Hindi pa kami naguusap sa ngayon eh. Ewan ko rin sakanya.
Umakyat nalang muna ako sa rooftop ng university na ito para makahinga ng maluwang.
"Conceal don't feel Baekhyun. Wala namang sinabing si Kyungsoo at Chanyeol na diba? Hayaan mo na sila, kahit gusto mo si Chanyeol eh wala nang pagasa kasi pinalaya mo pa. Tss tanga kasi eh." Eto ako kinakausap ang sarili.
Anong ginagawa ni Kyungsoo at Chanyeol? Ayun naglalandian. Nagbubulungan tapos tatawa ng napakalandi. Tapos nagsusubuan sa lunch. Ewan ko ba. Parang yun sa mga nabasa ko sa wattpad na pinagseselos nila yun isang babae para mapaamin kung may gusto sya sayo. Ganun ganun blah blah. Nakakainis.
Tatayo na sana ako nang may magsalita sa likuran ko.
"Unfair talaga ang buhay. Hayaan mo nalang sila Baekhyun." I froze at my place. Paano sya nakapunta dito?
"Krystal?"
"No."
"Huh?"
"Seth. Call me Seth. Seth will be better."
"What are you doing here? I thought you're in the prison already?" Sht! I just said it! It should be a secret and para akalain nila na hindi talaga ako iyon.
"I knew it. It was really you who solved the mystery in our world." He then smiled at me. Smiling at me?
"P-please tell Baekirina and Chanyur that I'm sorry for all I had done. I can't stay longer now and I can't see them the way you did. It's almost my time. Thanks Baekhyun and tell Baekirina that I'm still inlove with her no matter what happens. Thank you." He then disappered. Is he going to die or something? He told me that he cannot stay for longer now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro