19: The announcement
Okay Guys, extended kahit walang nagbabasa! XD First Pov ni Baekirina ditoooooo!
Please do support 'Tears are falling' It was a ChanBaek FF. Thanks ♡
----
~Princess Baekirina
Nakakagulat ang mga pangyayari sa ngayon. Hindi ko alam kung kaylan pa kami makakabalik sa palasyo namin. Sabi ni Krystal ay kaylangan lang namin magtiwala sakanya.
Yung sinasabi nyang si Baekhyun at Chanyeol raw? Ayun, gamit ko ang katawan ni Baekhyun at sinabi rin saakin ni Krystal na si Baekhyun naman raw ay gamit ang katawan ko.
Gumagawa na raw ng paraan sina Baekhyun at Chanyeol sa nangyari. Eh paano namang hindi ganito ang mangyayari kung hindi tatanga sina Krystal sa pagtatago ng time machine.
Baka raw gamitin ni Seth ang time machine kaya tinago nila sa mundo nila Baekhyun at Chanyeol, eh sakto topic nila Baekhyun at Chanyeol ang tungkol sa mga history dito. Napagdiskitahan ni Prof nila ang time machine.
Teka gagawa muna ako ng report nila Byun Baekhyun at Park Chanyeol para maipasa na nila ito next week or basta hindi ko alam kung kaylan.
Habang sinusulat ko sa computer ang history ay hindi ko mapigilang tumili ng mahina at kiligin. Jusko! Throwback ng love story namin ni Chanyur ito at malalaman pa ng buong mundo kung anong storya namin. Dapat daw story type ang history at ilalagay namin sya
'The History of the Park Time Machine'
Once, there was a couple who was really madly in love with each other-----
Teka biglaan pumasok si Do Kyungsoo sa computer room at kakausapin raw ako.
~Do Kyungsoo
Okay, so ganun nalang ba talaga kami ni Byun Baekhyun ngayon? Pinagpalit nya na ba ako dun kanila Amber? Sabayan mo pa ng hindi nya ako pinapansin na para bang hindi nya ako kilala. Kung ganun lang pala gusto nya edi ganun na din gagawin ko. Tsk.
Papalapit ang so-called bestfriend ni Byun Baekhyun saakin. Umirap lang ako sakanya at sabay lumayo sakanya pero hinahabol habol nya pa rin ako. Aigoo.
Tumigil ako sa classroom ng Section Overdose. Eto na, haharapin ko nalang sya. Tinaasan ko sya ng kilay at tumigil din sya sa harapan ko.
"Anong bang kaylangan mo at sunod ka ng sunod? Sabihin mo na at nasasayang ang oras ko." Yumuko sya at sabay tumingin sa paanan ko. Parang may gusto talaga syang sabihin na hindi nya lang kayang sabihin.
"Um ano kasi Kyungsoo......, basta't.... wag ka munang magisip ng kung ano ano kanila Baekhyun at Chanyeol. Mag-hintay ka lang at malalaman mo rin." Tumalikod sya sabay at lumayas sa harapan ko. Nakakalito ang sinabi nya at nakakapagod na rin! Naghabulan pa kami dito at 'yun lang pala ang sasabihin nya.
Anong maghintay? O hindi magisip ng kung ano ano kanila Baekhyun at Chanyeol? Papaanong hindi ako magiisip ng kung ano ano sakanila eh sa ngayong mga nangyayari palang eh ganun na.
Habang naglalakad ako papasok sa classroom ay narinig ko ang mga faculties na naguusap usap kaya napatigil ako sa tabi biglaan at nakinig sa usapan.
"Alam nyo naman siguro kung gaano ako mahigpit sa mga students ko."
"Ayba syempre naman 'no!" Boses babae ito.
"Eh bakit naman kasi yung TIME MACHINE ang napili mong ireport ng dalawang iyon? Ni-isa sa mga tao dito sa Korea ay walang nakakaalam ng historya ng time machine iyon. Tss."
"Oo nga naman bakit yun pa?"
"Jusko kung ako give up na ako sa pinapagawa mo saakin nun."
"Tungunu oo nga naman. Kahit mga matatalino siguro hindi rin alam. Teka ikaw ba alam mo ang history? Tsk."
Teka ilan ba sila sa loob ng faculty room? Lahat ata ng teacher eh ibig sabihin ba nito walang teacher sa classroom?
"Eh pinapahirapan ko nga lang sila eh. Titignan ko kung sino ang matalino at matatag. At most of all kung sino ang hindi nararapat magaral dito."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nun. Sigurado ako ay si Sir.Lee ang nagsabi nun kasi sya ang nagbigay ng report saamin eh. Ibig sabihin ay may aalis sa university na ito!
Pumasok na kaagad ako ng classroom at umupo kaagad. Aba, nandito ang limang magbabarkada na sina Krystal pero wala sina Baekhyun at Chanyeol. Nasaan sila?
Kinalbit ko ang katabi kong si Kim Taeyeon
"Nasaan ang dalawang pambansang love birds ng section natin?"
"Ayun, nasa computer room, gumagawa ng report nila para ipasa na kay Sir.Lee next week. Hirap kaya nun! Nako!" Tumango na lamang ako as answer at bumalik ulit sa pagkatulala.
Nakarinig ako ng yapak ng paa at nakitang pumasok si Sir.Lee sa classroom. Grabe, bakit naman sya gagawa ng ganun? May gusto syang maalis dito? At kaylan pa?
"Okay class, after my announcement you all may now go home and it's also 4 in the afternoon." Tumahimik ang lahat pero deep inside nagcecelebrate na.
Ang mga tinginan namin ay ang simbolo ng sobrang masaya kami at tahimik na nagsasaya at baka mapagalitan kami ng teacher at hindi kami pauwiin ng bahay ng maaga at kaboboring kami dito at wala nang masaya at WALA NAAAAA!
"Class please do your best here at school. Some of you may be kick out. Sa sobrang daming estudyante dito ay kaylangan nang magbawas ng mga students. Ang mga kaylangan manatili dito ay ang mga estudyanteng seryoso sa pagaaral."
Tangna nakakatakot itong announcement nya ah. Goodness.
"And Do Kyungsoo please do tell Mr.Byun and Mr.Park that they'll be going to be independent in their report. And yes, that means they'll have to seperate and make their own." Whut the. Ako pa inutusan ah! Di nakakatawa! Bwisit lalapitan ko nanaman yun si Byun Baekhyun na ex-bestfriend ko.
----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro