Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17: Love

P.S: 3 CHAPTERS LEFT MAYBE (?) OR IT WILL BE EXTENDED.

---

~Byun Baekhyun

Conceal don't feel muna ako ngayon. Bakit naman papainumin ni Krystal kay Jiyeon na baby iyon? May rason kung bakit or baka naiinggit sya kay Baekirina at inagaw ang anak nito.




Bakit naman maiinggit si Krystal? Eh marami namang hot na half witches half human doon. Grabe nga eh, naglalaway na ako kapag nakikita ko sila. Mas hot naman tong katabi ko ngayon.




Naglalakad kami ni Chanyeol ngayong umaga ngayon.



Woossh! (Wag kayo! Sound effect ng magic yan!)






What the fvck! Bakit nandidito na kami ngayon ulit sa loob ng kwarto ni Baekirina? Aba syempre dahilan lang yan ng anim na witches. Nakakainis lang nakakagulat kasi eh.





"Oh bakit ka nandito Jiyeon?" Mataray na tanong ni Chanyeol. Kahapon kasi nga naman kung kaylan nya tinatawag ang anim ay walang sumasagot.







"Anong sinabi nyo kahapon? Ako ang nawawalang anak nina Prinsesa Baekirina? Ano? Sabihin nyo!? Matagal ko nang hindi nakikita ang mga magulang ko!" Sumigaw si Jiyeon.





"Calm down Jiyeon." Wika ko pero hindi pa rin.





"Oo Jiyeon. Ikaw ang nawawalang anak ni Prinsesa Baekirina pero hindi nga kasi kami sigurado." Pagpapatuloy ko.



Nawala sya biglaan. Nakikita kong naiiyak na sya kaagad. Patulo na ang luha nya nang nawala sya biglaan. Nakakaawa sya. Hindi nya man lang nakilala ang mga magulang nya simula nang ipinanganak sya sa mundong ito.






"Ano tayo na ba?" Napa-smirk si Chanyeol sa tabi ko. Inakbayan nya na rin ako. Kadiri talaga ang korni korni minsan. Nilayuan ko muna sya at pilit pa rin nyang sinasabi ang mga ganun.






"Tigil-tigilan mo ako sa mga kalokohan mo dyan Chanyeol ah. Layu-layuan mo nga ako. Baka nilalandi mo lang din ako kaya gumaganyan ka." Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Namumula lang ako at walang masabing iba. Habang sya nakatingin lang sa mga mata ko at parang hahalikan pa ako. Umiwas ako ng tingin pero hinawakan nya ang mukha ko sabay itiningin ito sakanya.










"Ano tayo na ba 'babe'?" Kadiri. Ew. Ew. Ew. Mas nakakadiri sya sa iba. Wag kang magpapafall Baby Baek! Nilalandi ka lang nyan, gusto mo bang matulad ka sa mga babaeng nilandi nya noon? Na kapag nainlove na ay doon pa lang nya iiwanan.











"Chanyeol alam mo mahal kita diba? Pero please, ayoko. Natatakot ako. Ayan ka nanaman eh, gagamit ka nanaman ng mga tao. Gustong gusto mong may nasasaktan sa paligid mo. Ayokong maging isa sa mga taong ginamit mo. Ayokong masaktan dahil minahal ko ang maling tao. Ayokong maging tanga pagdating sa pagibig. Kahit siguro first kiss ko man iyon pero okay lang, hindi naman mahirap ibaliwala ang halik na iyon kahit para sakin may ibig sabihin na kahit para sayo ay wala." Nagbugtong hininga muna ako at saka itinuloy. Parang sinasaksak ako ng sobra sobra sa mga sinasabi ko sakanya. Ayoko at ayoko talaga.











Kahit na gusto ko man maging kami pero, anong nararamdaman nya sakin? Puro galit at paghihiganti lang naman diba? Alam ko namang ito lang ang way para makabawi sya sa mga pinag-gagagawa ko sakanya eh. Kapag sinabi ko sakanyang mahal ko sya at unti unti na akong nahulog hanggang sa hindi nya na ako saluhin ay patuloy nya akong sasaktan at iiwan na lamang.











"Kalimutan mo nalang kung anong mga nangyari saatin dito. Kalimutan mo lahat! Simulan natin ulit sa pagiging magkaaway. Ayokong may magbago doon. Please? Kahit mahal kita pero alam ko lang naman na gagamitin mo lang ako." Lalabas na ako nang bigla nyang hawakan ang mga braso ko.









"So sa tingin mo lahat ng ginagawa ko sayo ay wala lang? Sa tingin mo ba lahat ng mga iyon ay madaling kalimutan? Baekhyun, Byun Baekhyun, Baekhyun na kaaway ko, Baekhyun na araw araw kasagutan ko.
Ni-isa sa lahat lahat ng mga nilandi ko ay wala pa akong naramdaman na ganito. Oo, hindi ako naniniwala sa sparks na tinatawag nila at talagang wala akong naramdaman na ganun noong hinalikan kita o narealize kong mahal pala kita. Kung yan ang paniniwalaan mo, edi patutunayan ko sayo." Lumayas nalang ako kaagad. Alam kong nakakabastos diba na nilayasan ko sya habang nagsasalita sya pero hindi ko na kaya ang sakit. Gusto ko nang tapusin ito at makalayo na sakanya.







Umiiyak ako nang lumabas ako ng palasyo. May nakabungguan pa nga ako eh. Pangalan raw ay Oh Seth. Teka ano!? Oh Seth?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro