Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two: "The Sound Of Heartbeat"

Para akong invisible sa classroom namin no'ng mga sumunod na araw. Busy si Yuito sa basketball kasi nalalapit na ang competition. Wala namang kumakausap sa'kin dito sa room. Palagay ko, hindi nila ako feel at may lihim silang galit sa'kin.

Pero pakialam ko ba sa kanila? Kung ayaw nila sa'kin, edi 'wag.

Vacant namin ngayon kaya walang ginagawa. Kaya 'yong mga classmates ko, nagsimula nang maghanap ng clubs. Kahit nga ako, wala pang napipili kasi sobrang dami. Idagdag pa na wala rin namang nagyayaya sa'kin.

"Hays mingming! Ganto ba talaga sa Japan?" pagkausap ko sa maliit na pusa na nandito rin sa ilalim ng puno. Mahangin dito sa pwesto ko ngayon at nakakarelax.

Lumapit 'yong pusa sa'kin at nilambing lambing ako. Nakakagaan sa pakiramdam, sobra. Iba talaga 'yong calmness na nabibigay ng animals. Parang gusto ko tuloy siyang ampunin.

Binuhat ko 'yong pusa at napangiti ako sa cuteness nito. "Gusto mo sa'min ka nalang?"

Nagmeow naman ito kaya mas lalo akong napangiti. Balak ko na sanang bumalik na sa classroom, kaso may kumalabog na sobrang lakas. Mukhang malapit lang sa pwesto ko kaya hinanap ko kung sa'n nanggaling 'yon.

At tama nga ako, nasa likod lang sila ng bakanteng lote. May grupo ng mga lalake, mga nasa pito sila.

Lumapit ako ng konti para mas makita kung anong ginagawa nila. Napatakip naman ako sa bibig ko nang may makita akong babaeng maliit. Sa tingin ko ay may balak silang masama dito.

"Kanojo ni nani o shite iru no?" (Hey what are you doing to her?) Maangas na sabi ko habang humahakbang papalapit sa kanila. Nagulantang nga 'yong isa no'ng makita ako e.

"Seikō, sore wa anata no bijinesu no dore demonai." (Fuck up, it's none of your business.) Sagot naman no'ng matangkad na lalaki na sa tingin ko ay ang leader nila.

At wow lang nagawa pa ako nitong itulak. Kahit medyo masakit 'yong pagkakabagsak ko, mas pinili kong tumayo at iligtas 'yong babae. Base palang sa mukha niya, mukha na siyang mapapaiyak e.

"Watashi wa anata ni keikoku shite imasu. Kanojo o hanatte oku ka,-sōdenakereba, kanrisha wa kore o shirudeshou." (I'm warning you. Leave her alone or else, the admins will know about this.)

Natawa lang sila sa sinabi ko. Mga gunggong!

"'Anata wa karera ga anata o shinjiru to omou? Anata wa shōko o motteinai!" (You think they will believe you? You don't have any proofs!)

"Mā, anata wa watashi no nōryoku o shiranai. Watashi o kashō hyōka shinaide kudasai!" (Oh well, you don't know my capabalities. Don't underestimate me, jerks!)

Nang sabihin ko 'yon, parang nakakita sila ng multo sa reaksyon palang ng mga mukha nila. Anong akala nila sa'kin? Weakling?

"Anata wa hijōshikidesu ka? Watashitachi ni meinu o hōkoku shiyou to suru to, anata wa jigoku o keiken surudeshou." (Are you insane? Try to report us bitch and you'll experience hell.)

Seryosong saad ng leader nila. Nakipagsukatan pa ito ng tingin sa'kin kaya naman hindi ko siya inatrasan.

I smirk devilishly. "Sorekara, watashi ga kirainahito o ki ni suru yō ni, sore o motte kuru." (Then bring it on, as if I care assholes.)

Ako pa talaga ang tinakot nila ha? Impiyerno? Matagal ng impiyerno ang buhay ko. Hinablot ko 'yong kamay no'ng babae para makaalis na kami, kaso hinawakan ako no'ng lalaking mukhang unggoy kaya 'di ko napigilan na sapakin siya.

Tangina, ang kulit e.

Nagulat naman 'yong mga kasama niya. Sinamaan ko naman sila ng tingin. Ayaw pang magback out no'ng isa, pero tumakbo din naman. Psh, mga duwag.

"Tasuketekurete arigatō, arigatō.." (Thank you for saving me, thank you..) Naiiyak niyang sabi sa'kin. Pinat ko naman 'yong ulo niya para pakalmahin siya.

"Mondainai. Shikashi, karera wa anata ni nani o nozonde iru nodeshou ka? Anata wa osorete iru yōdesunode, kanshō shimasu." (No problem. But may I ask, what do they want from you? You seem to be afraid, so I interfere.)

Napayuko naman siya. Mukhang nahihiya pa nga siyang sabihin sa'kin e. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako bigla.

"'Karera wa watashi ni iyagarase o shite ite, sore wa hidoidesu. Watashi wa karera o hōkoku shitai nodesuga, sore o suru yūki ga arimasen. Karera ga watashi o kizutsukeru kamo shirenainode, watashi wa osorete imasu." (They are harassing me and it sucks. I want to report them but I don't have the courage to do it. I'm afraid because they might hurt me.)

What the?! May mga bullies din pala dito sa Japan? Akala ko, sa Pilipinas lang uso 'yon.

"Anatahadare?" (Who are you?) She suddenly asked. Ngumiti naman ako. Lord, siya na ba 'yong magiging first friend ko dito sa Yamizawa High?

"Ichinose Harumi. Anata wa?" (Ichinose Harumi. You are?)

"Watashi wa Natsune Akira. Hajimemashite, Harumi-san! Watashitachi wa korekara tomodachidesu." (I'm Natsune Akira. Nice to meet you, Harumi-san! We are friends from now on.)

Shet, totoo na ba talaga 'to? Wala na talagang bawian? "'Akira-san, sono kangae ga sukidesu!" (I like that idea, Akira-san!)

🧡🧡🧡

Ang daming realizations na pumasok sa utak ko. Si Lord talaga 'pag siya ang kumilos, laging unexpected. Tignan mo nga naman? Nagkaroon ako ng instant kaibigan. Plan siguro talaga ni Lord na makita ko siya sa bakanteng lote at mailigtas siya.

Bonus pa na kaklase ko pala siya! Hindi ko siya napansin agad sa room kasi lagi pala siyang binubully ng mga lalaking 'yon. Dati naman daw, ang bait nito sa kanya. Nireject lang daw niya 'yong confession of love nila, kung ano anong kabalastugan na ang ginagawa sa kanya. Kung hindi nga daw ako dumating, paniguradong nakuha na daw ng mga 'yon ang virginity niya.

"Tokorode, Harumi-san, kurabu o erande imasu ka?" (By the way Harumi-san, have you chosen a club?)

"Zan'nen'nagara, mada mōshide ga nainode, watashiniha mada sentakushi ga arimasen." (Unfortunately, no offer yet so I still have no choice.)

Natigilan naman siya sa sinabi ko. Mukhang nag iisip siya ng kung ano. Then 'yon, mukhang nakahanap siya ng bright idea hahaha!

"Sonogo, watashitachi no kurabu o o tameshi kudasai! Barēbōrukurabudesu. Supōtsu sukidesuka?" (Then try our club! It's a volleyball club. Are you into sports?)

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. "Hontoni sugoi! Anata wa barēbōruchīmu no kōun'na senshu no hitoridesuka?" (Woah really, amazing! So you are one of the lucky players of the volleyball team?)

"Watashi no yumenonakade, Harumi-san." (How I wish, Harumi-san.)

Napatawa nalang ako sa naging reaction ni Akira. Ang adorable niya at ang cute, kaya no wonder at nakapasok siya ng volleyball club. But hmm, hindi na rin masama? Kung makakapasok ako sa club na 'yon at basketball naman ang pinagkakaabalahan ni Yuito, that means mas mababantayan ko siya right?

"Dō shimashita ka? Anata wa totsuzen chinmoku shimasu." (What's wrong? You become silent suddenly.)

"Shiga Yui hito ga dareda ka shitte imasu ka?'" (Do you know who's Shiga Yuito?)

Kita sa mukha ni Akira na parang nagtaka siya sa sinabi ko. Hmm, pansin ko lang ha. Parang hindi siya kabilang sa mga weird girls ng Japan na kulang na lang e buhusan ng mainit na tubig sa pagkaligalig.

"Basukettobōru no kyaputendesu ka? Kyanpasu no Debonea? Mochiron watashi wa kare o shitte imasu! Naze?" (You mean, the captain of basketball? The debonair of the campus? Ofcourse I know him! Why?)

"Watashi wa chōdo on'nanoko ga kare ni totemo hika rete iru koto ni kidzukimashita. Kare wa ninki ga arimasu ka?" (I just noticed that girls are so much attracted to him. So he's popular?)

"Anata ga tadashī. Riyū o shiritaidesu ka?" (You're right. You want to know why?)

"Naze?" (Why?)

"Kare wa basukettobōru ga totemo jōzudakara!" (Because he's so good at basketball!)

Kaloka, akala ko naman amats ang mga babae dito sa Japan. Kaya naman pala tinitilian ang lalaking 'yon e dahil pala sa sikat siya. Bakit kaya hindi niya nalang sinabi agad 'no? Kaya naman pala tawang tawa siya sa sinabi ko no'ng nakaraang araw.

Sobrang dami pa naming napag usapan ni Akira. Actually, madali kaming naging magkasundo kasi hindi naman siya mahirap pakisamahan. Sobrang friendly niya at ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

Nang mag uuwian na, nagpaalam kami sa isa't isa and kinuha niya 'yong number ko. So 'yon, mission accomplish na rin finally sa pagkakaroon ng friend! Hindi man madami, pero atleast meron na.

Sa kasalukuyan, nandito lang ako sa parking lot at hinihintay na dumating si Manong Ranmaru. Kasama ko ngayon si Yuito na umiinom ng juice. Mukhang pagod ang mokong sa pagba-basketball ha.

"Kamusta naman ang training?" tanong ko para naman hindi ako mapanisan ng laway.

"Ayos lang, wala namang bago."

And 'yon na nga. Patay na naman ang conversation namin. Bakit ba kasi napakawalang kwentang kausap nitong si Yuito? Alam mo 'yon, hindi siya marunong magdala ng conversation. 'Yong tipong ikaw nalang 'yong kusang tatahimik kasi magmumukha kang tanga na mag enter ng topic na pag uusapan.

"May club ka ng nasalihan?" tanong niya bigla out of nowhere. May kinakalikot siya sa phone niya pero siyempre, wala tayong pake do'n. Hindi naman ako tsismosa 'no. Hindi ko naman nakita na katext niya si Yoruka Nasami.

"Ha? Teka ako ba ang kausap mo o si Nasami ang tinutukoy mo?"

Nagtaka naman ako kung bakit bigla siyang lumapit sa'kin at may binulong na kung ano. "Malamang ikaw. Ang slow mo talaga."

'Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis e. Letseng Yuito 'to kahit kailan! "E malay ko ba na ako? Bigla kang nagsasalita diyan mag isa. Baliw ka yata talaga e."

"Psh, daming sinasabi. Ang ingay mo 'no?" irita niyang sambit sa'kin. Akala naman niya gusto ko siyang kausap. In his dreams 'no! Hindi niya alam na tinitiis ko lang naman ang ugali niya at sinusubukan ko siyang pakisamahan gawa ng parte siya ng trabaho ko.

Pero kahit ano yatang gawin ko, hindi talaga kami magkakasundo ng lalaking 'to e. Tangina, daig pa ang may regla sa lakas ng sapak e. Minsan mabait, minsan masungit. Potek sa'n ako lulugar?

"Nagtext sa'kin si Manong Ranmaru. 'Di niya na daw tayo masusundo gawa ng nasiraan daw siya ng gulong."

"Share mo lang?" pambabara ko sa sinabi niya. Buset siya e, gigil niya ako. Hindi niya yata gets 'yong sinabi ko kaya wala siyang reaction.

Kung nasa Pilipinas siguro ako at sinabi ko 'yon, malamang nainis na sa'kin ang kausap ko. Hahaha!

"Tawa ka ng tawa, baliw ka ba?"

"Wow, nahiya ako sa nagsasalita mag isa ha."

Binalewala nalang nito ang sinabi ko at nauna ng maglakad. Siyempre, nasa likod niya lang ako at tahimik na sumusunod sa kanya. Aba, mahal ko pa ang buhay ko 'no! Kung lalakad ako sa tabi niya, panigurado na kakalbuhin ako ng sandamakmak na fans niya.

"Ba't ka nasa likod ko? Ano ka, buntot ko?" Potek na lalaki talaga 'to e.

"Sikat ka e. Patay ako sa mga fans mo." Nginisian niya lang naman ako at pagkatapos, hinawakan ang kamay ko.

"Dito ka lang dapat sa tabi ko."

Paniguradong sobrang pula na ng mukha ko. Tangina, ba't ba siya ganyan? Pwede bang lagi nalang siyang may amats gano'n? 'Pag ganyan ang asal niya, kinakabahan akong ewan e.

~~

Pink's Note:

Dedicated to Love8wensheSMILES. By the way, every two days ang update ng story. I would love to hear your thoughts about this story. Arigato!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro