Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twelve: "The Time To Forget"

Hindi ko alam kung tama ba 'tong desisyon ko na pumayag makipagdate dito kay Shin. Kaloka kasi 'tong tomato na 'to, ako pa 'yong napagtripan. Konti nalang talaga, uuntog ko na ang ulo nito e para maalala niya si Akira.

Yes, gaya ng instinct ko e nagka-amnesia siya. Siyempre, pinaalam ko kaagad kay Akira 'yong sitwasyon ng bestfriend niya. Buti na nga lang, pinakinggan niya 'yong explanations ko at hindi nagpadalos-dalos sa emosyon niya. Kasi panigurado, baka hindi na ako pinansin no'n.

Napag-usapan na rin naman namin ni Akira 'yong about sa date na 'to. Minsan lang naman kasi humingi ng pabor 'tong si Akira kaya napilit niya ako. Base sa pagkakakwento niya sa'kin, noong mga bata pa lamang ay close na talaga sila. Graduation day no'ng araw na 'yon, balak ni Akira na umamin kay Shin. Ang usapan nila, magkikita sila sa waiting shed. Akira waited for him, pero hindi na ito dumating. Hindi alam ni Akira na habang naghihintay siya, naaksidente si Shin at 'yon, nagka-amnesia.

Dinala ako ni Shin sa isang ice cream shop. Hindi ko maiwasang malungkot kasi naalala ko si Yuito sa lugar na 'to e. Siyempre, nalulungkot ako kasi pinagsisiksikan ko 'yong sarili ko sa kanya, kahit halata namang kahit anong gawin ko.. hindi niya talaga ako magugustuhan.

"Yoku waratte kudasai, Harumi." (You should smile often, Harumi.)

Napakain naman ako bigla ng ice cream dahil sa sinabi niya. Nakakahiya naman, si Tomato 'tong kasama ko tapos si Yuito ang iniisip ko.

"Itsumo egao no tomato. Watashi wa, anata ga hinpan ni, tokuni Akira-san ni egao o hitsuyō to suru hitoda to omoimasu." (I always smile Tomato. I think, you're the one who needs to smile often, especially to Akira-san.)

Todo push pa rin talaga ako kay Tomato para kay Akira. Siyempre, sinusuportahan nga ni Akira 'yong katangahan ko kay Yuito e. Kailangan gano'n din ang gawin ko.

"Naze Akirana no ka? Watashi wa kanojo yori anatagasukidesu. Jitsuwa, anata ga watashi ga koko ni iru riyūna nodesu." (Why Akira? I prefer you more than her. Actually, you're the reason why I'm here at Yamizawa High.)

"Onsha?" (Pardon?)

"Harumi ga sukide, yorokonde anata o matteimasu. Ano Ni~Tsu anata ga naita no o mita shunkan, sono otoko no tame ni, anata no kokoronouchi ni anata ga toraeta nanika ga arimasu. Anata no kokoro no itami o yawaragetai, anata ga watashi ni shita yō ni anata o genkidzuketai." (I like you Harumi and I'm willing to wait for you. The moment I saw you cry that day because of that guy, there's something in my heart that you captured. I want to lessen the pain in your heart, I want to cheer you up just like what you did to me.)

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Sanay kasi ako na ako 'yong umaamin ng nararamdaman ko, never ko pa naranasan na may mag-confess sa'kin. Ano bang gagawin ko? Wala akong idea, huhu.

"Honkidesu ka?" (Are you sure?) Napakamot ako ng ulo. Anong klaseng respond 'yon Harumi? Kaloka ka talaga, pinagtawanan ka tuloy ng tomato na 'to ngayon.

"Watashi wa anata kara kuru to wa omotte imasendeshita." (I didn't expect that coming from you.) Natatawa pa rin nitong sambit sa'kin. Nagpout naman ako and unexpectedly, pinat niya 'yong ulo ko at tinitigan ako ng mabuti.

"Tonikaku, tonikaku anata ga suki yo, watashi no nakimushi yo." (But I still like you anyway, my crybaby.)

Okay, paano ko 'to sasabihin kay Akira ngayon?

🧡🧡🧡

Hinatid ako ni Shin sa bahay, hindi ko kasi namalayan ang oras kasama siya. Aaminin ko, nag-enjoy ako sa mga ginawa namin. Gumala kami sa park, kumain tapos nagmall. At ang nakakatuwa do'n? Siyempre wala akong ginastos. Libre niya 'yon sa'kin lahat.

"Oyasuminasai." (Take care and goodnight.) I waved him a goodbye at pagkatapos, pumasok na sa bahay. Nagmano ako kay mama, buti nalang good mood siya kaya hindi ako pinagalitan.

Aakyat na sana ako ng hagdan para pumasok na sa kwarto ko, nang biglang makasalubong ko si Yuito. Magkasalubong ang kilay niya at masama ang titig niya sa'kin.

Shet, galit pa rin ba siya dahil natalo ang team nila sa basketball?

"Yuito, sorry talaga kasi natalo ang team dahil—" Hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko.

"Bakit kasama mo 'yong lalaking 'yon?" seryosong tanong niya. Don't tell me, nakita niya si Shin na hinatid ako?

"Ah, si Tomato ba?" paninigurado ko. Inismiran lang naman ako nito. "At may tawagan pa kayo ha?"

Potek, anong ikinagagalit nito? Ano naman sa kanya kung tomato ang tawag ko kay Shin? Siya nga may Sakura, nagreklamo ba ako? Hmp.

"Natural lang naman 'yon sa magkaibigan ah."

Hindi ko siya maintindihan. Parang may gusto siyang sabihin sa'kin, pero hindi niya naman masabi. Hay nako Yuito, bakit hindi mo nalang sabihin na nagseselos ka?

Char, siyempre 'wag ganon. Assuming talaga ako kahit kailan e.

"Kung wala ka ng sasabihin, magpapahinga na ako."

Hindi ko na siya nagawang lingunin at diretso na pumasok sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw na 'to, hindi lang physically pati mentally. Hanggang ngayon kasi, hindi rumehistro sa utak ko 'yong pagconfess ni Shin sa'kin.

I mean, seryoso ba siya do'n? Hindi niya pa naman ako gano'ng kakilala, parang ang bilis naman yata na bigla siyang magkakagusto sa'kin?

Sabagay, hindi ko rin naman masisisi ang tomato na 'yon. Kung ako nga, hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ako kay Yuito. Hindi rin impossible na gano'n din ang nararamdaman ni Shin para sa akin.

Hays, okay naman sana si Shin. I mean, kung gusto ko talaga kalimutan na si Yuito, pwedeng sa kanya ko nalang ibaling ang atensyon ko. Kaso, siya kasi ang lalaking gusto ng kaibigan ko. They both deserve second chance, kahit bilang friends nalang. Ang kaso malabo 'yon sa case ni Akira, malala kasi ang tama sa ulo ni Shin e.

Pero 'di ba? Makalimot man ang utak, hindi kailanman makakalimot ang puso?

Imbes na magmukmok si Akira at umiyak, why not pursue Shin instead? Ipaalala niya kay Tomato 'yong mga dati nilang ginagawa, that way maalala siya nito at baka magbago ang isip niya na gusto niya ako?

Hakhak, what a brilliant idea Harumi.

🧡🧡🧡

Kagaya ng plano ko, agad namang sumang ayon si Akira sa balak ko. Natauhan siya na tama ang naisip ko and knowing her, sobrang positive niya. Bilib din talaga ako sa babaeng 'to, ibang klase ang pagiging determinado.

Well, wala akong kaibigan na basta basta nalang sumusuko! Fight kung kinakailangan! Para sa pag-ibig!

Back to basics na ulit kami ni Akira sa pagpa-practice. So it means, wala kami sa klase at nandito kami ngayon sa Sports Gymnasium. Nakakapagtaka nga din dahil simula no'ng new year's eve party, hindi ko na rin nakita ang anino ni Sakura sa lugar na 'to.

Hehe, so it means sumuko na siya kay Yuito?

Okay speaking of Yuito, pinapanood ko siya ngayong matapos sa pagpapractice ng basketball niya. No doubt, mas lalo siyang gumaling simula no'ng nangyari sa eliminations.

Hays, bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking 'to?

"Minasan, chūi o yobimasu yō ni." (Everyone, may I call your attention.)

Dumating ang coach ng basketball team kaya naman tumigil ang lahat sa pinagkakaabalahan nila, including Yuito. Sa mukha palang ng coach, good news yata ang sasabihin niya.

"Kotoshi no mottomo kichōna senshu no hitori wa, koko Ni iseki shimashita. Chīmu no atarashī menbā, ame Kami Shin Rin-san o kangei shite kudasai!" (One of the most valuable player of the year transferred here in Yamizawa High. I want you to welcome the new member of the team, Mr. Amekagi Shinrin!)

Suot ni Tomato ang jersey ng Yamizawa High. Confident itong naglakad sa harap ng lahat. Bakas ang gulat ng team, lalo na si Yuito na magkasalubong na ang kilay. Shet, ito na naman ang intense na atmosphere.

"Naze anata wa koko ni iru nodesu ka?" (Why are you here?) Seryoso na tanong ni Yuito na ikinangisi ni Shin.

"Chīmu no shin menbādearu basukettobōrukyaputen Shiga Yui hito o kangei suru no wa soredesu ka?" (Is that the way you welcome a new member of the team, Basketball Captain Shiga Yuito?)

Kinakabahan ako sa mga sagutan nilang dalawa. Walang nagtatangka na umawat kahit may nangangamoy gulo na mangyayari. Ito namang si Akira, tuluyan ng nawala sa sarili nang makita si Shin.

"Hai. Soshite sonotame ni, watashi wa anata ni ame Kami Shin Rin ni chōsen shimasu. Basukettobōru de ichitaiichi no shiai o shimashou." (Yes. And because of that, I challenge you Amekagi Shinrin. Let's have a one on one match in basketball.)

"Omoshiro-sōdesu ne." (Sounds interesting for me.)

At tuluyan na nga silang pumwesto na dalawa. Dapat ngayong oras na 'to, nagtetraining na kami. Pero pati 'yong coach namin, interesado din sa laban nilang dalawa. So, wala kaming choice kung hindi panoorin sila.

Hinagis na ng basketball coach 'yong bola sa ere, agad naman itong nasalo ni Shin at nakapuntos. Halata sa mukha ni Yuito na nahihirapan siyang agawin kay Shin 'yong bola, pero kahit gano'n ay hindi siya sumusuko. Kahit tumumba na siya sa sahig, patuloy pa din siyang lumalaban.

Malaki ang agwat ng score ni Yuito kumpara kay tomato. Kitang kita naman na mas magaling si Shin kay Yuito pagdating sa basketball. Ewan ko, pero nasasaktan ako na makita si Yuito sa gano'ng kalagayan. Saksi ako sa pagpapractice niya nitong mga nakaraang araw, pero mukhang hindi 'yon sapat para mapantayan ang husay ni Shin sa paglalaro.

Hindi ko na napigilang tumayo sa kinauupuan ko nang makita si Yuito na napasalampak sa sahig, hawak hawak ang paa niyang sa tingin ko ay nabalian. May mali sa pagkakabagsak niya, mukhang masama ang tama nito sa paa.

"Fuck!" rinig kong daing nito.

"Yuito, tara na sa clinic!" Inakay ko siya papuntang clinic, wala na akong pakialam kung anong reaksyon nilang lahat.

Pipigilan pa nga sana ako ni Tomato, pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko kasi nagustuhan ang asal niya, sinaktan niya ang mahal ko.

Ilang saglit lamang, nakarating na kami sa Sports Clinic. Walang imik si Yuito sa'kin, tahimik lang siyang nakaupo ngayon sa kama habang hawak ang paa niyang kumikirot.

Natataranta na ako, sinubukan kong hanapin 'yong nurse pero wala ito. Shemay, nasaan naman kaya 'yon? Bakit kung kailan kailangan siya, biglang wala siya?

"Yuito sandali lang ah, hintayin mo ako hahanapin ko lang ang nurse."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, sa halip ay tumakbo na ako. Una kong pinuntahan ang cafeteria, baka kasi lunch break nito ngayon kaya wala ito. At tama nga ako, nakita ko na siya!

"Kon'nichiwa, Harumi-san o ochitsuka sete kudasai. Dō shimashita ka?" (Hey, please calm down Harumi-san. What's wrong?)

"Nāsu, yuito wa anata o hitsuyō to shite imasu! Purei-chū ni ashikubi o hine rain shite iru to omoimasu. Watashi wa sudeni kare o shinryōsho ni okurimashita!" (Nurse, Yuito needs you! I think, he sprain his ankle while playing. I already sent him at the clinic!)

Without second thoughts, tumakbo na din ang nurse kasama ko pabalik sa Sports Clinic. Hinihingal pa ako, magsasalita na sana ako pero nabigla ako sa narinig ko. Pati ang nurse na kasama ko, napahinto din.

"Harumi wa anata o tabun sukidarou." (Harumi probably likes you a lot.)

Bakit nandito si Shin? Anong ginagawa niya dito sa Sports Clinic?

"Sō? Sore wa dōdesu ka?" (So? What about it?) Maangas na sagot ni Yuito.

"Watashi wa anata ga kanojo ni tsuite dō kanjite iru nodarou to omotte imashita." (I was wondering how you feel about her.) Shin, seryoso? Bakit ka ganyan? Akmang aawatin ko sila, pero pinigilan ako no'ng nurse.

"Sore wa anata no shigoto no dore demonai." (It's none of your fuckin' business.) Sagot naman ni Yuito.

"Harumi ga anata o dorehodo itoshite iru ka shitte imasu ka? Kekkyoku anata ga kanoj ni hikiokoshita itami wa, kanojo wa mada anata o aishiteimasu. Shikashi, tonikaku kanojo o matte yorokonde iru, kanojo wa sono yōna chiryō o chiryō suru ni ataishinai." (Do you know how Harumi loves you so much? Afterall the pain you've caused her, she still loves you. But I'm willing to wait for her anyway, she doesn't deserve to treat that kind of treatment.)

Nanatili akong tahimik. Kitang kita ko kung paano ngisian ni Yuito si Shin. Reaksyon niya palang, nasasaktan na ang puso ko. Paano pa kaya sa mga sasabihin niya?

"Sukinakoto o shite kudasai. Watashi wa Harumi ka nanika ga sukide wa arimasen." (Do whatever you want. I don't like Harumi or anything.)

Nagsisimula nang tumulo ang luha ko, pero pinigilan ko lang 'yon. Nagsalubong ang mata namin ni Yuito, pero iniwasan ko lamang 'yon.

Ganito pala kasakit ma-reject ng taong mahal mo ng dalawang beses? At ang masakit, sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya ako magugustuhan.

"Harumi.." Pagtawag ni Yuito sa pangalan ko. Napalunok ako para pigilan na maluha.

"A-Ano, nandiyan na 'yong n-nurse. S-Sige a-alis na ako, bye!"

Narinig ko ang pagtawag ni Yuito sa pangalan ko, pero wala na akong lakas para lumingon sa kanya. Tumakbo ako palayo sa lugar na 'yon, sobrang sakit ng mga pangyayari. Pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong ko, pero anong magagawa ko? Hindi matigil ang mata ko sa pag-iyak.

This time, ito 'yong pinakamasakit na nangyari sa amin ni Yuito. Makakaya ko pa naman na lumandi siya sa iba, na maging cold ang pakikitungo niya sa'kin, 'yong hindi niya ma-appreciate 'yong effort ko para sa kanya, 'yong kahit anong gawin ko hindi niya ako magugustuhan.

Pero 'yong sabihin niya mismo na hindi niya ako gusto?

Tangina, hindi naman ako masokista! Sobra-sobra na 'yon, malinaw na malinaw 'yong pagkakarinig ko e. Wala nga siyang pakialam kahit sinabi 'yon ni Shin, tangina bakit wala siyang pakilam?

Pota, bakit Yuito? Bakit ganyan ka? Bakit ang sakit mo mahalin? Bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa ako tinamaan ng ganito?

Yuito, I've had enough. This time, totoo na 'to. Kung ayaw mo talaga sa'kin, pwes kakalimutan na kita.

~~
Pink's Note:

Finally after a tough week ng letseng research at long quizzes, nakapag update rin! Hays, kawawa naman si Harumi. Mukhang seryoso na talaga siya sa pagmu-move on kay Yuito.

By the way, this chapter is dedicated to this two readers who are close to my heart, Love8wensheSMILES and SilentNoize.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro