Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three: "Her Savior In Times Of Troubles"

Inis kong pinindot ang alarm clock ko. Potek na 'yan, kanina pa kasi tunog ng tunog. Ang tanga ko din naman kasi para makalimutan na wala din palang pasok ngayon kasi Sabado. So it means, makakasama ko na naman ang mama ko buong araw.

Nagtupi na ako ng higaan at sakto namang nakasalubong ko si Tita Yarano. "Goodmorning po, Tita." Magiliw na pagbati ko sa kanya.

"Goodmorning din Harumi. Kamusta naman si Yuito sa school? Natututukan niya ba ang studies niya?"

Napakamot nalang ako ng ulo. Shemay, anong sasabihin ko sa kanya? Kapag naman sinabi ko 'yong totoo, baka hindi na ako nito pag-aralin at sinasayang ko lang ang pera na pinampapaaral nila sa'kin.

"Ahm, okay naman po siya Tita. Actually active nga po siya sa class e." Pilit na ngiti na pahayag ko dito. Mukhang satisfy naman ito sa naging sagot ko.

"Gano'n ba? Hindi pala ako nagkamali sa pagpili sa'yo. Report me kung may ginagawa na namang kabalastugan si Yuito, okay? Sayonara."

Mukhang nagmamadali si Tita kaya hindi niya na ako masyadong tinanong. Sakto namang kakalabas lang ni Yuito sa kwarto niya. I admit na kapag nakikita ko siya, naalala ko 'yong paghawak niya sa kamay ko.

"Goodmorning," bati nito sa'kin. Binati ko nalang din siya para naman hindi siya pahiya. "Goodmorning din hehe."

Nag unat unat pa ito habang bumababa sa hagdan. Siyempre, nakasunod lang ako sa kanya. Dumiretso siya agad sa mesa. Ako naman, pumuntang kusina para tulungan si mama sa paghahanda ng pagkain.

"Kaya ko na 'to Harumi, samahan mo nalang si Yuito do'n." Utos ni mama sa'kin. Pero matigas ang ulo ko, kinuha ko ang mga plato na kailangan at dadalhin na sa mesa. Ang kaso, bigla akong nadulas. Nabasag tuloy 'yong mga pinggan.

Nakalikha 'yon ng malakas na kalampag sa sahig. 'Yong mga tao tuloy dito sa mansion ay napapunta sa kusina. Hindi naman ako makatingin kay mama kasi nahihiya ako sa kapalpkan ko.

Tangina, ang tanga tanga mo talaga kahit kailan Harumi.

"Ang kulit mo kasi! Sabing ako na dito e! Tignan mo, nabasag 'yong mga pinggan!" galit na sigaw nito sa'kin. Pinipigilan kong hindi umiyak sa pamamagitan ng pagpupulot ng mga nabasag kong pinggan. Kaso mas lalo lang yata akong maiiyak kasi nasugatan pa 'tong daliri ko.

Kukuha sana ako ng walis para linisin ang kalat pero naunahan na ako ni mama na gawin 'yon. Hindi nalang ako nagsalita at umalis nalang sa kusina. Hays, nawalan tuloy ako ng ganang kumain.

Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nagkulong. Hays, sana kasi buhay pa din si Papa Yuta ko. Grabe 'yong iniyak ko no'n nang mamatay siya. Ang pinakamasaklap pa nga no'n, hindi ko man lang nahalata na may nararamdaman siyang hindi maganda sa katawan niya. Pinili niya kasing ilihim ang kondisyon niya sa'kin sa sakit niya sa puso para lang hindi ako mag-alala.

Kung alam ko lang, edi sana mas pinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya. Siya na nga lang ang kakampi ko, tapos kinuha pa siya ni Lord sa'kin hays.

"Harumi.." Narinig kong may kumakatok sa pintuan ko. Alam kong si Yuito 'yon kaya binuksan ko.

"Pinadalhan ka ng mama mo ng almusal. Kain ka na daw," sabi niya habang may hawak na tray. May sandwich at gatas do'n. Itataboy ko na sana siya, kaso sinalpakan niya ako ng sandwich sa bibig at dire-diretso pa siyang pumasok sa kwarto ko.

Wow, attitude siya ha.

Pinagmamasdan ko lang siya sa mga kilos niya. Binaba niya 'yong tray sa may table at nagawa pang umupo sa kama ko.

"Wala akong gana kumain, kaya umalis ka na dito." Pagtataboy ko sa kanya. Pero sa halip na makinig siya sa'kin, tinuro niya ang space sa kama ko. Sinisignalan niya siguro ako na umupo ako sa tabi niya, kaya 'yon nalang din ang ginawa ko tutal wala ako sa mood na makipagtalo sa kanya.

"Pwede ako magtanong?" Medyo malambing ang tono niya ngayon. Mukha ding ninenerbyos siya kasi hindi mapakali ang kamay niya.

"Ano 'yon?" sabi ko.

"Galit ka ba sa mama mo dahil sa'kin?"

Hindi ko nagawang makapagsalita. Paano niya nalaman? Atsaka, paano niya nasabi 'yong tunay kong nararamdaman sa mama ko?

"Naisip ko lang na baka dahil sa'kin kaya malayo ang loob mo sa kanya. Simula kasi nang tumira ka dito sa Japan, pansin ko na hindi kayo close na dalawa. Kung galit ka man, I'm sorry."

Wala akong masabi. Basta ang alam ko, pumatak na 'yong luha na kanina ko pa pinipigilan. Bakit kasi kailangan pa niyang sabihin 'yon?

"Uy, 'wag ka nga'ng umiyak diyan. Baka akalain nila pinapaiyak kita," natataranta nitong pahayag. Pinunasan ko naman 'yong luha sa mga mata ko.

"Okay na, Yuito. Sapat na sa'kin na nagsorry ka. Atleast, aware ka na nasaktan mo 'yong damdamin ko."

"No'ng araw na ililibing ang papa mo, may sakit ang papa ko no'n. Ang mama ko, nasa business meeting at ako lang ang maiiwan dito sa mansion. Hindi naman payagan ang mama mo na pumunta sa Pilipinas kasi inutusan siya ni mama na alagaan ako at si papa habang wala siya." Pagkukwento niya.

"Mahal ka ng mama mo Harumi. Saksi ako sa pag-iyak niya sa pangungulila sa inyo. Sa t'wing binibida ka niya sa'kin 'pag may naalala siya tungkol sa'yo. Kaya sana, maintindihan mo 'yong sitwasyon. Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan siya. Nawalan ka lang ng ama, Harumi. Pero siya? Hindi lang asawa ang nawala sa kanya, pati ikaw."

Ang bigat sa pakiramdam. Bakit kailangan ko pang marinig 'to sa'yo, Yuito? Napakaselfish ko din kasi e. Sariling damdamin ko lang ang iniiisip ko. Tangina, anong klase kang anak Harumi?

"Sorry, hindi ako perfect na anak. 'Yong naiisip ko lang kasi no'ng mga panahon na 'yon, kinalimutan niya na ako. Na mas gusto niya pa sa Japan kaysa sa makasama kami sa Pilipinas. Hindi ko naman alam na gano'n pala.." Hindi na ako halos makahinga kakaiyak. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Napakalma ako no'n. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.

"Sshh, tahan na. Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako."

🧡🧡🧡

Hindi ko mapagkakaila na sobra akong natouch sa ginawa ni Yuito. And from now on, friends na daw kami. Pero siyempre, iwas siya sa'kin 'pag nasa school. Naiintindihan ko naman 'yon kasi tangina, baka mapatay ako ng mga fangirls niya 'pag nagkataon.

Papasok palang ako sa room namin, pero hinarang na ako ng prof. Sinabi nito sa'kin na pumunta daw akong guidance office, nando'n na din daw si Akira. Siyempre, kinabahan ako. Iniisip ko kung may kinalaman ba 'yong grupo ng mga lalaki ba't bigla nalang ako pinatawag.

Pagdating ko sa guidance office, nagulat ako kasi tama ang hinala ko. May mga pasa silang lahat sa mukha, sobrang lala nga no'ng itsura nila e. Gusto ko tuloy matawa, pero dapat pigilan ko dahil mahirap na.

Agad naman akong tumabi kay Akira. "Nani ga okotte imasu ka?" (What's happening?) Tanong ko sa kanya. Pero hindi naman ako nito pinapansin.

"Kore de kanryōdesunode, kono giron o kaiketsu shimashou." (Since we are complete, let's settle this arguement.) Pahayag no'ng guidance counselor. Masama naman ang titig no'ng mga lalaki sa'kin kaya tinarayan ko nalang sila.

"Ryōsha ni totte, dono bājon no dekigoto ga shinjitsudearu ka o kakunin shitai to omoimasu. Kanzaki nado wa, Ichinose Harumi ni yotte tokubetsuna bekkan ni yoba re, kōgeki sa reta to shuchō shimasu. Akira wa kore o hitei shimasu. Kare wa Kanzaki ga kare o soko ni yonda hitodeari, kanojo ga konakereba Akira o kizutsukeru kamo shirenai to odosa rete iru to shuchō shite iru. Shikashi, jōkyō o miru to, Kanzaki to hoka no hitobito wa gisei-sha no yōdesu." (To the both sides, I wish to ascertain which version of the events is the truth. Kanzaki and the others, insist that they were called to special annex by Ichonose Harumi and then attacked by her. Akira denies this. He insist that Kanzaki is the one who called him there, being threatened that if she'll not come, they might hurt Akira. But upon seeing the situation, it seems that Kanzaki and the others are victims.)

Tangina, anong kasinungalingan 'to? Ang totoo nga niyan, si Akira ang biktima! Ba't pinapalabas nila na kami pa 'yong masama?! Sa inis ko, kinalampag ko ang mesa at nagsalita.

"Watashi wa hontōni kare o ponchirimasuga, subetede wa arimasen! Watashi wa zen no tame no on'nanokodesu! Akira o ijimete iru no o mitanode, watashi wa jiko bōei o shiyō shite imasu." (I admit that I really punch him, but not all of them! I'm a girl for goodness sake! I'm just using self defense because I saw them bullying Akira!)

Nakakagigil sa totoo lang. Lalo na no'ng makita ko pa sila na nginingisian ako. Talagang pinagplanuhan nila 'to ha?

"Chinmoku! Atarashī shōgen ya shōko ga nakereba, kono katei no shita de susumemasu. Kujō ga shinjitsudearu to shōmei sa reta baai, Ichinose Harumi wa 2-shūkan-go ni teishi sa remasu." (Silence! Without new testimony or evidence, we will proceed under this assumptions. Ichinose Harumi will be suspended in two weeks if the complaints are proven to be true.)

Tinignan ko si Akira. Hindi ko man masabi sa kanya, pero sana maintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. Na sana sabihin niya ang totoo. Na inosente ako at wala akong kinalaman sa pambubugbog sa mga 'yon. Pero, iniwasan niya lang ako ng tingin. Mas pinili niyang manahimik.

Tangina, naaawa ako para sa sarili ko. Kahit ano naman kasing sabihin ko, hindi nila ako papaniwalaan dahil wala naman akong matibay na ebidensiya laban sa kanila.

Maybe, I should really accept this punishment sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Akmang magsasalita na ako nang biglang lumagabog ang pintuan. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Yuito 'yon. Hingal na hingal ito suot ang basketball uniform niya. Mukhang busy siya sa practice pero pumunta pa rin siya dito.

"'Shiga Yui hito, koko de nanishiteruno?" (Shiga Yuito, what are you doing here?) Nagtatakang tanong ng guidance counselor.

"Watashi wa mokugeki-sha ni shitsumon suru tame ni koko ni imasu. Īdesu ka?" (I'm here to question the witnesses. May I?) Seryosong saad nito at napatingin sa grupo nila Kanzaki. Kita naman sa mga mata nila ang takot. Bakit naman kaya?

"Kyoka shimasu." (I allow it.) Sagot nito. Pumunta si Yuito sa harapan at malakas na kinalampag ang mesa. Nagulat naman sila sa ginawa niya.

"Ichinose Harumi ga anata o yonda jōkyō wa nanideshita ka? Watashi no shiru kagiri, Harumi wa koko ya mi-kō no tenkōseidesu. Kanojo wa watashinokazoku no yūjindesu. Anata ga jūbun ni manzoku shite inai baai wa, gakkō no kiroku o kakunin dekimasu." (What were the circumstances under which Ichinose Harumi called you out? As far as I know, Harumi is a transferee student here in Yamizawa High. She's a family friend of mine, we can check the school records if you're not satisfied enough.)

Hindi naman sila makapagsalita. Nagulat pa ako nang tumayo din si Akira. "Kanzaki wa shinjitsu o shitte imasu. Koko ni Harumi o fukumenaide kudasai. Mae ni, watashi wa tatakau yūki o motte imasen. Ima, watashi wa yūjin o mamoru tame ni koko ni tatte imasu." (We all know the truth, Kanzaki. Don't include Harumi here. Before, I don't have the courage to fight. Now, I'm standing here to defend a friend.)

Halos manlumo ako sa katapangan na ginawa ni Akira. Alam ko naman na takot siya sa kanila, pero para sa'kin naging matapang siya. Tumingin siya sa'kin and I mouthed her thank you. Taas noo namang pumunta si Akira sa guidance counselor. May ipapakita yata siya sa phone niya at ang pagkakaalam ko, 'yon ang mga death threats ni Kanzaki sa kanya.

"Matsu!" (Wait!) Pagpigil ni Kanzaki sa kanya. Bakas sa mukha niya 'yong kaba. Tinitigan din ako nito ng masama kaya nginisian ko siya para mas lalo siyang mainis sa'kin.

"Monku o tekkai shimasu." (We will withdraw our complain.)

For real? Iaatras na nila 'yong reklamo? Bakit parang out of the sudden naman yata?

Inis itong tumayo kasama ang mga kagrupo niya. Nakipagsukatan ito ng tingin kay Yuito na hindi rin naman sila inatrasan. Wala na rin namang nagawa 'yong guidance counselor kung hindi umalis na rin dahil wala ring saysay ang pagpunta niya dito.

Nakita kong aalis na din sana si Yuito pero hinawakan ko ang kamay niya. Nakakahiya man sabihin pero, "Thank you so much, Yuito."

Sinuklian lang naman ako nito ng isang ngiti. Isang ngiti na naging dahilan para mahulog ang loob ko sa kanya.

~~

Pink's Note:

This chapter is dedicated to skywinoma. Hope you read this and I would love to hear your thoughts. 🧡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro