Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixteen: "Yuito's True Feelings"

Mabilis nagdaan ang mga araw, hindi ko namalayan na magpapasko na. Kakatapos lang namin kanina sa examinations, sana maging maayos ang scores ko kahit 'di ako tinulungan ni Harumi sa pagrereview.

Nakakapanibago nitong mga araw, dati wala naman akong pakialam kung iwasan o hindi ako pansinin ni Harumi. Pero ngayon, naapektuhan ako. Sinusubukan ko naman siya kausapin o asarin, pero ang plain lang ng mga sagot niya sa'kin.

"Saan ka pupunta? May date ka?"

Napansin ko kasi na nakaayos siya ngayon. Nakakapagtaka, hindi naman kasi palaayos 'tong babaeng 'to e.

"Oo, bakit selos ka?"

Pilit naman akong tumawa. Ako? Selos? Ewan ko. "Okay sige, ingat!"

Bumaba nalang ako ng hagdan at hindi na siya pinansin. Kaya ba parang wala na siyang atensyon sa'kin? Kasi may iba na siyang nagugustuhan? Naiinis ako.

Nagpaalam na si Harumi sa mama niya, samantalang ako hindi man lang siya tinitignan. Nang makaalis na si Harumi, kinausap ako ni Nay Mae.

"Hindi masarap kumain kung nakasambakol ang mukha mo, Yuito." Anong magagawa ko? Naiinis ako sa 'di malamang dahilan.

"Naiinis ako Nay Mae. Ba't gano'n 'yong anak niyo?" pagsusumbong ko sa kanya. "Bakit ano ba ginawa ni Harumi sa'yo?"

"Wala naman po, pero ginugulo niya 'yong buong sistema ko."

Ngumiti naman ng makahulugan si Nay Mae, at hindi ko nagugustuhan 'yon. Kung ano man ang naiisip niya, ayoko 'yong maramdaman sa kanya. Mas magandang magkaibigan lang kami ni Harumi.

"Alam mo Yuito, parehas ko kayong mahal ni Harumi. Pero sa pagkakataong 'to, gusto kong linawin kung ano ba talagang tunay mong nararamdaman para sa anak ko. Gusto mo ba siya o hindi?"

Tunay kong nararamdaman? Ano nga ba Yuito ang sagot?

"Sa totoo po niyan, naguguluhan din po ako."

"Aba, mahirap 'yan Yuito. Hindi sa lahat ng pagkakataon, maghihintay si Harumi para sa'yo. Kung naiinis ka man sa kanya dahil biglang wala na siyang atensyon sa'yo, bakit hindi ka muna mainis sa sarili mo dahil naging kampante ka masyado?"

With that, lalong gumulo 'yong isip ko dahil sa sinabi ni Nay Mae. Totoo naman kasi, masyado akong naging kampante. Siyempre, si Harumi 'yon e. Ako lang 'yong lalaking magugustuhan no'n. Sa'kin lang 'yon kikiligin. Kahit masaktan ko man siya, sa'kin pa din 'yon babagsak.

Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Gusto ko ngayong pumunta sa park para naman mabawasan 'tong iniisip ko. Habang naglalakad, napatitig ako sa babaeng tumatakbo at halos hingalin na.

Wait, parang pamilyar siya?

Bago pa man ako makalapit sa kanya, napatid na siya sa mga bato. Hindi ko man nakikita kung anong itsura niya ngayon pero sigurado ako na naiyak na naman siya.

Harumi, kailan ka ba mag iingat?

"Wala ka na bang balak bumangon diyan?" Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Naglahad ako ng palad sa kanya para tulungan siyang makatayo. Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin.

"Uy, anong-" Agad naman niya akong inunahang magsalita. "Please, kahit two minutes lang."

Sa gitna ng kalsada at sa harap ng malaking christmas tree, yakap ako ngayon ni Harumi. Hindi ko naman mapigilang tumugon sa yakap niya.

Harumi, ano ba 'tong ginawa mo sa'kin? Unti-unti na ba akong nagkakagusto sa'yo? Pero bakit?

---

"Bakit ka umiiwas?" diretso kong tanong sa kanya. Nasa ice cream shop kami ngayon, dinala ko siya dito para makapag-usap kami.

"Miss mo ako?" pabiro niyang sabi pero sineryoso ko 'yon. "Paano kung oo?"

"Joker ka talaga 'no? Hahaha!"

Tumawa si Harumi na parang isang malaking joke ang sinabi ko. Now I know how it feels no'ng nag-confess siya sa'kin at tinawanan ko lang siya. Ganito pala kasakit 'yon.

"Oo nga e, hahaha." Tumawa nalang din ako para hindi niya mahalata. Kung nagugustuhan ko man ngayon si Harumi, hindi pa ako handa para sabihin 'yon sa kanya. Ano naman kasi ang iisipin ni Harumi? Na matapos ko siyang i-reject noon, bigla kong sasabihin na gusto ko pala siya?

Nakakahiya kaya 'yon.

Habang kumakain, nakita ko siyang may kinakalkal sa loob ng bag niya. Inabot niya sa'kin 'yong regalo niya. "Gift? Para sa'kin?"

Tumango siya. Pakiramdam ko, biglang namula ang mukha ko.

"Advance gift ko na 'yan sa'yo for Christmas hehe."

Napangiti ako. May pakialam pa rin pala siya sa'kin. Akala ko, hindi na ako ang gusto niya e. "Thank you. Sa new year ko nalang ibibigay 'yong christmas gift ko sa'yo ha. Ay teka, may party na gaganapin sa Sports Gymnasium. Sasama ka?"

"Oo naman sasama ako."

---

Sa lahat ng pasko na naranasan ko, ito na yata 'yong pinakaespesyal sa lahat. Hindi ko maitatanggi na sobrang saya ko. Sama-sama kaming kumain sa hapag-kainan para sa Noche Buena at nandito pa ngayon ang mama ko.

Ang sabi ni Nay Mae sa'kin, ang pasko ay panahon ng pagpapatawad. Dito nagkakatipon-tipon ang isang pamilya para salubungin ang pagsilang ni Hesus. Gano'n daw sa Pilipinas kapag nagce-celebrate. Kung papalarin, balang araw gusto kong dumayo sa bansang 'yon.

Gusto kong makilala ang bansang kinalakihan ni Harumi, nang sa gano'n ay mas lalo ko siyang maintindihan.

Ilang araw din ang nagdaan bago mag-New Year. Hinatid kami ni Manong Ranmaru sa Yamizawa High. Nang makarating kami sa Sports Gymnasium, agad naman kaming nagkahiwalay dahil sinalubong na kami ng kanya-kanya naming team mates.

"Osoku natte gomen'nasai!" (I'm sorry I'm late!)

Isang malambing na tinig ang narinig ko mula sa pinto. Nagsipuntahan naman ang mga teammates ko sa kanya, mukhang namiss nila si Sakura. Tutal nando'n na rin naman silang lahat, lumapit na ako sa kinaroroonan nila.

"Oi, oide! Kanojo ni ima sugu onegaishimasu!" (Come on Yuito! Ask her out now!)

"Sakura to yuito ga kachimashita!" (Sakura and Yuito for the win!)

"Futatabime no chansu! Futatabime no chansu!!" (Second chance! Second chance!)

Pinagka-kantsawan na kami, pilit akong tinutulak sa tabi ni Sakura. Napakamot na lamang ako ng batok dahil sa hiya, ewan ko hindi ako komportable. Wala naman na akong nagawa nang pagtulungan kami ni Sakura na ikulong sa Storage Room.

Gantong-ganto din ang nangyari dati, ang kaibahan nga lang hindi na siya ang gusto ko.

Pilit ko mang kalampagin 'yong pintuan, hindi naman ako pinapansin ng mga 'yon. Napaupo nalang ako dahil sa pagod. Hindi ko mapigilang isipin si Harumi, panigurado nasasaktan na naman 'yon.

"Jitsuwa, yui to.. Watashi wa mada anata o aishiteimasu." (Actually, Yuito.. I still love you.)

Unti-unti itong lumapit sa tabi ko. Gusto kong kiligin, pero wala talaga e. Kung ako siguro 'yong dating Yuito na patay na patay pa sa kanya, panigurado hinalikan ko na 'to.

Hinawakan na nito ang mukha ko, nagsimula na ding pumikit ang mata niya. Agad naman akong tumayo na siyang ikinagulat niya. "Mō anata no kimochi wa nai yo, sakura." (I don't have feelings for you anymore, Sakura.)

Hindi maipaliwanag ang reaksyon niya ngayon. Gigil itong tumayo at sinamaan ako ng tingin. "Anata wa watashi ni kore o okonau koto wa dekimasen, yuito! Anata wa watashi o aishite ite, anata wa tada nanika o shite iru to kakushin shite imasu!" (You can't do this to me, Yuito! You're inlove with me and I'm sure you're just up to something!)

Galit na galit si Sakura. Dahil sa sigaw niya, mukhang nag-alala ang lahat. Agad nilang binuksan ang pintuan. Hindi naman ako nagsayang ng oras para lumabas. Tinatawag ni Sakura ang pangalan ko, pero hindi ko magawang lumingon.

"Akira, Harumi wa doko?" (Akira, where's Harumi?) Hingal na hingal ako. Mukhang nagulat si Akira sa ginawa ko at hindi na nito nagawang makasagot.

"Kanojo wa sū-bu mae ni sudeni satte imashita." (She already left a few minutes ago.) Si Nasami ang sumagot sa tanong ko. Hindi pa naman siguro nakakalayo si Harumi, kaya nagmadali akong tumakbo. Umaasa akong maabutan ko pa siya.

Nakayuko ito habang naglalakad. Wala siya sa sarili kaya nagsalita ako para makuha ang atensyon niya. "Bakit ka aalis?"

Napahinto siya sa paglalakad. Unti unti naman akong lumapit papunta sa kanya. "A-Ah, b-bigla kasing su-sumama ang pakiramdam ko e," nauutal na pahayag niya. Balak niya pa sanang tumakas sa'kin, pero agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Teka saglit, 'wag ka munang umalis."

Mukhang wala itong balak na harapin ako, kaya ako na mismo ang gumawa no'n sa kanya. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang regalo. Inabot ko sa kanya 'yon.

"Bakit, Yuito?"

Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Nagpatay malisya na lamang ako. "Buksan mo 'yong regalo ko sa'yo."

Kahit naguguluhan, mas pinili niya na lamang sundin ang sinabi ko. Nanginginig ang mga kamay ni Harumi nang buksan ang regalo ko para sa kanya. Isang necklace 'yon na may cat pendant tutal mahilig siya sa pusa.

Kinuha ko mula sa kanya ang kwintas at isinuot sa kanya.

"Salamat Yuito."

Inayos ko ang buhok niya. Ang bilis ng pintig ng puso ko nang magkalapit kami. Nasa likod niya ako ngayon, tuwang tuwa siya sa ni-regalo ko sa kanya.

"Gusto ni Sakura na magbalikan kami, pero hindi ako pumayag."

Nanatili siyang tahimik. Gusto kong sabihin sa kanya na nagugustuhan ko na siya, pero natotorpe ako bigla. Paano ko ba ipapaalam ang nararamdaman ko?

"Siguro kailangan ko nalang tanggapin. Na hindi ako magiging si Yuito, kung hindi ikaw ang kasama ko Harumi."

---

"Anata wa kore o yaru koto ga dekimasu! 1Tsu no chīmu, 1tsu no mokuhyō!" (You can do this Yuito! One team, one aim!)

Hindi ko naman mapigilang ngumiti nang makita si Harumi na todo ang suporta sa'kin. May hawak siyang banner na mas malaki pa kaysa sa kanya, natawa tuloy ako sa mga pakulo niya.

Ngayon gaganapin ang eliminations ng basketball. Matagal ko 'tong pinaghandaan kaya hindi ako makakapayag na matalo ang team namin. Nang magsimula na ang laro, nagsimula kaming magsukatan ng tingin ni Shin.

Paano ko siya nakilala? Siya lang naman ang matinik kong kalaban pagdating sa basketball.

Wala pa din siyang pinagbago, napakayabang niya pa din. Tignan lang natin Shin, sisiguraduhin kong ang team niyo ang uuwing luhaan.

Okay naman no'ng una, team namin ang lamang sa score. Tumingin pa nga ako kay Harumi e, umaasang na sa akin ang atensyon niya. Labis na lamang ang inis ko nang makita siya na nakatingin kay Shin. Nawala ako sa focus.

Sa sobrang inis ko ay unti-unting lumalamang ang team ni Shin. Sinamaan ko pa nga ito ng tingin nang masanggi ko 'yong bandang braso niya. Foul 'yon kaya nagka free throw tuloy siya.

Naiirita ako, nawalan ako ng gana maglaro. Pero may pinuntahan din naman pala 'yong inis ko, dikit ang scores namin at last quarter na. Na sa akin ang bola at dini-dribble ko ito. Inuubos ko na lamang ang oras bago ko i-shoot ang last point namin. Kaso isang malakas na boses ang umalingawngaw sa court. "Kaya mo 'yan, Yuito!"

Napatingin ako kay Harumi. Halos mapaos siya nang isigaw niya 'yon. Hindi ko namalayan na naagaw na ni Shin sa'kin ang bola, kaya imbes na team namin ang manalo.. natalo pa tuloy kami.

Maloko namang ngumisi si Shin sa'kin. Napakunot ang noo ko, nakakabadtrip ng sobra! Tutal nagkakasiyahan na ang lahat sa pagkapanalo ng Konogawa High, minabuti ko na lang na maglakad na papuntang shower room. Humarang pa nga si Harumi sa dadaanan ko, may hawak siyang tubig. "Yuito tubig-"

Tinabig ko lamang 'yon. "Tumabi ka, dadaan ako."

Sisiguraduhin ko Shin, sa susunod na paghaharap namin ay matatalo ko na siya.

---

Pagod akong sumalampak sa kama ko. Nakakapanghina sa katawan ang mag training, pero alam ko namang balang araw magbubunga din 'to. Konting tiis lang Yuito, mas mahihigitan mo din ang Shin na 'yon. Nang makapagbihis at nakaligo na ako, bumaba ako sa hagdan para kumuha ng makakain. Kaso, nakita ko si Harumi kasama si Shin.

Gabi na ah? Bakit magkasama silang dalawa?

Napayukom na lamang ako ng kamao. Anong problema ng Shin na 'yon? Tapos ito namang si Harumi, kailan pa sila nagkakilala ng lalaking 'yon?

"Yuito, sorry talaga kasi natalo ang team dahil-" Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya nang magkasalubong kami.

"Bakit kasama mo 'yong lalaking 'yon?" seryosong tanong ko.

"Ah, si Tomato ba?"

"At may tawagan pa kayo ha?"

Ano 'yon, close na agad sila?

"Natural lang naman 'yon sa magkaibigan ah."

Napahinga na lang ako ng malalim. Ano ba Yuito ang ikinagagalit mo? Kung umasta ka, para kang nagseselos na boyfriend niya.

Pero aaminin ko, nagseselos ako.

"Kung wala ka ng sasabihin, magpapahinga na ako."

Ginulo ko na lamang ang buhok ko out of frustration. Kailangan kong kumalma, baka sa ginagawa ko lalong lumayo ang loob ni Harumi sa'kin.

Bakit ba kasi ganito ang nangyayari?

Parang no'ng new year lang, masaya pa naman kami ah? Wala masyadong problema, walang hassle. Tapos ngayon, aish! Nakakainis lang.

---

Kagaya nang lagi kong ginagawa, hindi ako pumapasok sa klase at diretso ako agad sa Sports Gymnasium. Nagtataka na nga ang mga teammates ko sa'kin bakit todo training ako, e hindi naman pasok ang team namin sa eliminations.

"Naze anata wa koko ni iru nodesu ka?" (Why are you here?)

May ipapakilala ang basketball coach na bago naming miyembro, hindi ko naman inakala na si Shin ang taong 'yon. Makita ko pa lamang ang mukha niya, sobra na akong naiinis.

"Chīmu no shin menbādearu basukettobōrukyaputen Shiga Yui hito o kangei suru no wa soredesu ka?" (Is that the way you welcome a new member of the team, Basketball Captain Shiga Yuito?)

Napakayabang ng asta niya. Tignan lang natin Shin kung hanggang saan ang yabang mo. "Hai. Soshite sonotame ni, watashi wa anata ni ame Kami Shin Rin ni chōsen shimasu. Basukettobōru de ichitaiichi no shiai o shimashou." (Yes. And because of that, I challenge you Amekagi Shinrin. Let's have a one on one match in basketball.)

"Omoshiro-sōdesu ne." (Sounds interesting for me.)

Halos ilang araw ko din ginugol ang oras ko sa pagte-training, siguro sapat na 'yon para matalo siya. Hinagis ni coach ang bola sa ere, kaso mas mabilis talaga kumilos si Shin kaysa sa'kin kaya nasalo niya 'yon at na-shoot ang bola sa ring ng walang kahirap-hirap.

Habang tumatagal ang laro, hindi ko maiwasan na mapikon. Ang sakit sa ego ko na tanggapin na mas magaling talaga siya sa'kin. Kahit anong gawin kong pagte-training, hindi ko siya kailanman matatalo.

Wala ako sa focus kaya 'di ko namalayan na nakasalampak na ako sa sahig. Napadaing naman ako sa sakit nang maramdaman kong parang may bali ang paa ko. Nakita ko na lamang ang ang nag aalalang mukha ni Harumi sa harapan ko.

"Yuito, tara na sa clinic!"

Tinulungan niya akong makatayo. Akay ako ngayon ni Harumi. Sa mga ginagawa niya, mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. Siya lagi ang naaasahan ko sa mga bagay na hindi ko kaya, siya lang ang babaeng kaya akong patawanin at siya lang ang kayang magtiis sa pag-uugaling meron ako.

Pansamantala muna niya akong iniwan sa Sports Clinic, hahanapin niya lang daw muna ang nurse. Habang naghihintay, maangas namang pumunta si Shin sa kinaroroonan ko.

"Haisha no kyaputen bōru Shiga yuito wa dō kanjite imasu ka?" (So what does it feels to be a loser, Basketball Captain Shiga Yuito?)

Hindi ko siya pinansin. Kapag ginawa ko 'yon, mas lalo ko lang siya binigyan ng dahilan para mag-angas pa sa'kin.

"Kore ga watashi no keikaku no hajimaridesu, yuito. Watashi wa anata kara subete o nusumimasu. Soshite anata no Harumi? Kanojo ga watashi ni koi o suru koto o kakunin shimasu." (This is just the start of my plan, Yuito. I'm going to steal everything from you. And your Harumi? I will make sure that she'll fall inlove with me.)

Kung nakakatayo siguro ako ngayon, malamang kanina ko pa siya sinapak. Bakit kailangan niya pang idamay si Harumi sa gulo naming dalawa? Tangina, hanggang ngayon si Ayako pa din ba ang issue niya?

Ilang beses ko bang dapat sabihin sa kanya na hindi ko nilandi ang girlfriend niya dati? Sa totoo lang, si Ayako ang todo lingkis sa'kin. Wala akong inaagaw sa kanya kailanman.

"Sore wa anata no keikakudesu ka? Fuku ven o eru tame ni." (So that is your plan huh? To get revenge.) Sinamaan ako nito ng tingin. Mukhang pinipigilan nito ang sarili na suntukin ako, kaya mas lalo akong napangisi.

"Sate, anata no keikaku ni kōun o. Shikashi, hitotsu ohanashi shimasu. Harumi wa watashi o fukaku itoshite irunode, kanojo o nusumu koto wa dekimasen." (Well, goodluck to your plan Shin. But I will tell you one thing. You can't steal her, because Harumi is deeply inlove with me.)

"Harumi wa anata o tabun sukidarou." (Harumi probably likes you a lot.)

Nagtaka naman ako sa inasal niya. Naging kalmado yata siya bigla? Hindi ko nalang pinansin 'yon, sa halip ngumisi nalang ako. "Sō? Sore wa dōdesu ka?" (So? What about it?)

"Watashi wa anata ga kanojo ni tsuite dō kanjite iru nodarou to omotte imashita." (I was wondering how you feel about her.)

Tinitigan ko naman siya ng masama. Kung sasabihin ko ang totoo, panigurado idadamay niya si Harumi. Ayokong mangyari 'yon, kaya tinatagan ko na lamang ang loob ko.

"Sore wa anata no shigoto no dore demonai." (It's none of your fuckin' business.)

"Harumi ga anata o dorehodo itoshite iru ka shitte imasu ka? Kekkyoku anata ga kanoj ni hikiokoshita itami wa, kanojo wa mada anata o aishiteimasu. Shikashi, tonikaku kanojo o matte yorokonde iru, kanojo wa sono yōna chiryō o chiryō suru ni ataishinai." (Do you know how Harumi loves you so much? Afterall the pain you've caused her, she still loves you. But I'm willing to wait for her anyway, she doesn't deserve to treat that kind of treatment.)

Sinusubukan niya ako kung bibigay ako sa plano niya, pero hindi ako tanga. Kapag nalaman niyang may gusto ako kay Harumi, dito siya babawi sa'kin. Sa malamang, papaibigin niya ito at sasaktan.

"Sukinakoto o shite kudasai. Watashi wa Harumi ka nanika ga sukide wa arimasen." (Do whatever you want. I don't like Harumi or anything.)

May kung anong nag-udyok sa'kin para mapatingin sa pintuan. Do'n ko nakita si Harumi na nakatayo, kasama ang nurse. Kitang kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya, pero wala akong magawa kung hindi titigan lang 'yon.

"Harumi.." Pagtawag ko sa kanya. Pilit naman siyang ngumiti, gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa dahil sa pilay na 'to.

"A-Ano, nandiyan na 'yong n-nurse. S-Sige a-alis na ako, bye!"

Tuluyan nang umalis si Harumi. Si Shin naman, sinundan siya. Pero bago siya umalis, nginisian niya ako. Sa sobrang inis ko, sinuntok ko ang pader. Tinatawag ng nurse ang pangalan ko, pero wala akong ibang naririnig kung hindi ang mga hikbi ni Harumi.

Magagawa pa kaya ako nitong mahalin sa kabila ng mga narinig niya ngayon? Panigurado, makukuha na siya ni Shin sa'kin.

Dumudugo na ang mga kamao ko, pero wala akong pakialam. Huli ko na lamang naramdaman nang may iturok ang nurse sa'kin. Nakaramdam ako ng hilo at nakatulog na lang ako bigla.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro