Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventeen: "Through With Loving You"

Gaano na ba ako nagpakatanga sa lalaking 'yon, at hindi ko man lang napansin na hindi talaga niya ako magugustuhan? Matalino naman akong tao, ha. Noong elementary ako, naging class valedictorian naman ako. Pero bakit sa pag-ibig, napakabobo ko?

Sino ba talaga ang may problema, si Yuito o ako?

Wala akong karapatang magalit sa kanya, dahil unang-una hindi kailanman naging kami. Ang sa'kin lang naman, ang sakit sakit na ginawa mo naman lahat pero napunta pa din sa wala. Gano'n siguro talaga, kapag hindi ka gusto, hindi ka sapat.

Pero paano 'yong pinaramdam niya sa'kin?

Ilusyon ko lang ba ang lahat? Lahat ba ng sinabi niya, totoo ba 'yon? Sa t'wing binabalikan ko kasi 'yong araw na sinasabi niya sa'kin 'yon, hindi mapigilan ng puso ko na umasa sa kakaunting chance na baka lang naman.

Baka may gusto na din si Yuito sa'kin.

Napapunas nalang ako ng luha. Kailan ba titigil ang mga matang 'to sa pag-iyak? Kailan ba mararanasan ng mga matang 'to na lumigaya? Bakit ba kasi ganito ako?

Buti na lamang, hindi nakakahiyang humagulgol sa pwesto ko ngayon. Nasa ilalim ako ng puno, nakaupo habang humahampas sa balat ko ang malamig na hangin. Medyo gumaan 'yong pakiramdam ko, nakakabawas din pala ng sakit kapag sobrang tahimik at ikaw lang mag-isa.

Hindi nalang siguro ako papasok sa mga susunod na araw. Nakakapanghina ng puso, atsaka ayaw ko rin na mag-alala pa si Akira sa'kin. Nako, grabe pa naman 'yong reaction no'n pag makita akong ganito ka-devastated.

Tutal malapit na rin naman ang uwian, tumayo na ako. Balak ko kasing mag-commute, ayaw kong sumabay kay Manong Ranmaru.

Gaano man kasakit ang nangyari ngayon, kailangan ko pa ding magpakatatag. Ano naman ngayon kung hindi niya ako gusto? Edi hindi. Ayaw ko nang ipilit 'yong sarili ko. Sapat na 'yon Harumi para ipadama kung gaano mo siya kamahal, pero kung sobra na. Aba, awat na.

Hindi naman ako robot para hindi mapagod at masaktan. Hindi ko siya kawalan, ako ang kawalan niya.

"Nē, nakimushi! Watashi o mattete kudasai!" (Hey, crybaby! Wait for me!)

Napatigil naman ako sa paglalakad. Si Tomato ba 'yon? Lumingon ako at tama nga ako. Mukhang hinihingal siya at parang kanina pa ako hinahabol. Seriously, gano'n ka-occupied ni Yuito ang isip ko?

"Doko ka ni ikimashou, o yatsu." (Let's go somewhere, my treat.)

Well, ugali ko talaga na sumama 'pag may nanlilibre sa'kin. Pero as of now? It's not the right time for this. Gusto ko nalang magpahinga at humilata sa kama ko buong magdamag.

"Mōshiwakegozaimasen ga, sukoshi o yasumi itadakitai to omoimasu." (I'm sorry Shin, but I want to take some rest.)

Nagpumilit pa ito lalo. Inakbayan pa nga ako. "Shinpaishinaide, kawarini-ka ni tsurete ikimasu." (No worries, I'll take you home instead.)

Hindi nalang ako umangal pa, parehas lang naman kasi kami ng station na sasakyan. Hindi rin naman gano'n kalayo 'yong bahay nila Yuito sa subdivision nila.

"Sayōnara Harumi! Ki o tsukete." (Goodbye Harumi! Take care.)

I waved him a goodbye. Hindi na ako nagsalita pa at nginitian nalang din siya. Nagmano ako kay mama, aakyat na sana ako sa taas para pumunta sa kwarto ko pero inutusan niya ako.

"Anak, kanina pa hindi kumakain 'yon simula nang dalhin siya dito ng clinic staff. Dinadalhan ko naman siya, pero ayaw naman niya. Baka naman pilitin mo si Yuito na kumain, para makainom na din siya ng gamot."

Gusto ko sanang tumanggi, pero hindi muna sa ngayon. Kahit gano'n ang sinabi niya, hindi ko naman makayanan na hindi mag-alala sa lagay niya. Kailangan niyang kumain at uminom ng gamot, kung hindi baka lalong lumala 'yong pilay niya at hindi na siya makapag basketball kahit kailan.

"Okay po mama, ako na po ang bahala."

Kinuha ko ang tray at huminga muna ng malalim bago kumatok. Bukas naman ang pintuan kaya pumasok na ako. Nakita ko namang lumingon agad si Yuito at napatingin sa'kin.

Iniwasan ko naman ang mga tingin niya at nilapag ang pagkain sa lamesa. Hindi ko pa kaya na kumilos na parang wala lang, kaya malamang nahihirapan ako paano siya i-approach.

"Inutusan lang ako ni mama na dalhin 'yan. Kung ayaw mo kumain, 'di ka makakainom ng gamot. Malaki ka na, alam mo na siguro ang dapat mong gawin."

Hindi na ako nag atubili na magpaalam pa sa kanya, sa halip ay tinalikuran ko na siya. Balak ko na sanang umalis, pero tinawag niya ang pangalan ko.

"Harumi, 'yong sa kanina-"

"Okay lang, Yuito." Pinipilit kong pigilan 'yong sarili ko. Harumi, 'wag kang iiyak.

'Wag kang iiyak. 'Wag kang iiyak.

"No, hindi naman totoo 'yong kanina. It's just a misunderstanding-"

"Sabi ko nga 'di ba okay nga lang!"

Napaharap ako sa kanya. Nagsisimula na ding tumulo 'yong luha ko. "Hindi mo naman kailangan mag explain, at lalong lalo na hindi mo na kailangan i-deny! Narinig ko na mismo Yuito at nakita ko pa! Anong misunderstanding do'n?!"

Hindi naman siya nakapagsalita. Tangina, iyak ako ng iyak. Hindi na rin ako makahinga ng maayos, pero pinipilit kong sabihin sa kanya lahat. Kasi tangina, sasabog na 'tong puso ko dahil sa sakit kung hindi ko ilalabas 'to.

"Hindi ba ako maganda? Am I really no good, Yuito?" tanong ko. Hindi naman siya makapagsalita, at hindi niya rin naman kailangan magsalita. Gusto ko lang sabihin 'yong side ko. Kasi ang sakit sakit e.

"I've been trying so h-hard.."

Napahagulgol na lang ako. Ang tanga tanga mo Harumi. Nakakainis ka!!

"Even though you rejected me, I've been t-trying my best.."

Pinunasan ko 'yong luha ko. "But if I go on liking you like this? Nothing will change."

"Harumi.."

"Alam mo Yuito? I'm through with loving you! This time, I've had enough!!"

Tumakbo ako papalayo at dumiretso na sa kwarto ko. Bahala na kung anong isipin niya, basta ako? Seryoso na akong kakalimutan ko na siya. Pero sa ngayon? Let me cry for one last time.

Sisiguraduhin kong ito na ang huling beses na iiyakan kita Yuito and I'll make sure to be the best version of myself again.

🧡🧡🧡

Lumipas ang weekends na puro lang hilata sa kama. Lalabas lang ako 'pag kakain tapos tulog nalang ulit para makalimutan 'yong sakit. Monday ngayon, hindi ko na hinintay pa si Yuito gaya ng pagsabay ko sa kanya 'pag hinahatid kami ni Manong Ranmaru sa Yamizawa High. Nag-usap na rin naman kasi kami nila Akira and Shin through chat na from now on sabay sabay na kami papasok sa school through commute. Nakakatuwa nga e at okay na silang dalawa ni Tomato.

Nagchat kasi sa'kin si Akira, humihingi siya ng advice kung okay lang ba na maging part si Shin ng barkada namin. Nagsorry daw kasi ito sa kanya at gusto daw ni Tomato na makilala siya dahil kaibigan ko kasi si Akira. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Tomato, pero okay na din 'yon para mas magkakilala si Akira at Shin.

Pinayuhan ko nalang si Akira na gawin niya ang best niya para maalala siya ni Shin, that this is her chance to be close to him at ipaalala kay Shin ang mga nawalang memories nilang dalawa.

"Harumi-san! Koko ni ita!" (Harumi-san! We're here!)

Kumaway kaway pa si Akira sa'kin. At wow, ang aga nila ni Shin ha. Hindi pa naman ako late lol.

"Akira-san!" I hugged her tightly. Hindi ko alam, pero nakagaan naman ng pakiramdam 'yong yakap na 'yon. Siyempre, that's my friend Akira.

"Watashi wa dō? Anata mo watashi o dakishimerubekidesu!" (How about me? You should hug me too!) Nagpout pa si Shin na parang bata. Nakipag asaran naman si Akira sa kanya.

"Harumi-san wa anata o dakishimeru koto wa dekimasen, anata wa kanojo ni totte amarini mo mijukudesu." (Harumi-san can't hug you, you're too immature for her.)

"Nazena no? Soshite, watashi wa mijukuna hmpde wa arimasen!" (Why not? And I'm not immature hmp!)

"Hai, anata wa Shindesu, bure!" (Yes you are Shin, bleh!)

At 'yon na nga, hindi na nila namalayang dalawa na nandito ako. Aba, nauna pa silang dalawang maglakad! Ginawa ba naman akong third wheel kaloka. Pero okay lang, atleast masaya si Akira. Makita ko lang siyang masaya, masaya na din ako yieee! Support for them!

Sabay sabay kaming naglakad papasok sa Yamizawa High. Mamayang lunch break nalang kami pupunta sa training, for a change lang siguro dahil namiss naman naming makinig sa klase haha.

Magkatabi sina Akira and Shin ng upuan. Nasa tapat naman ako ni Shin nakaupo, habang bakante naman ang upuan sa tabi ko. As usual, ano pa bang aasahan mo kay Yuito? Kailan ba pumasok ng klase 'yon, e puro basketball lang ang inaatupag niya.

Speaking of him, napatahimik naman ang lahat nang makita siya. Siyempre, himala na pumasok siya ng klase. Kung dati siguro, sobrang titig na ako sa bawat kilos niya. Pero iba na ngayon, hindi ko ito pinansin at nagcellphone nalang.

"Harumi nahulog-" May kinuha siya sa sahig, inabot niya sa'kin 'yong panyo ko. Siyempre, kinuha ko nalang sa kanya at tumalikod para makipag usap kina Akira and Shin.

Mukhang nakaramdam naman ang Yuito na 'to na ayaw ko siyang kausapin, kaya wala na siyang nagawa kung hindi umupo nalang at isubsob ang mukha sa desk.

Nice, pumasok para matulog. Sana nagtraining na lang siya, hindi niya naman kailangan pilitin ang sarili niya psh.

As usual, binati namin ang teacher namin nang dumating ito. Nagturo lang ito saglit, then pinartner na kami. Something about dance kasi ang lesson namin, so malamang girls to boys ang pagpapartner.

Mukha ngang pinapaburan ako ng tadhana, paano ba naman si Shin ang nakapartner ko. While si Akira naman ang kay Yuito. Basics pa lang naman ang itinuro sa'min, buti naman gets ni Shin 'yong step kaya hindi kami nahihirapang dalawa.

Habang nagsasayaw kami ni Shin, hindi naman maalis sa kanya 'yong atensyon ko. Hindi ito nakatingin sa'kin kagaya ng lagi niyang ginagawa. Nakakapagtaka lang dahil nag-oopen naman ako ng topic na mapag-uusapan, but it seems he's not interested. Napadako ang tingin ko sa tinitignan niya and it's Akira.

Hmm, I smell something fishy.

Kinalabit ko ito at ngumiti ng nakakaloko. Nako, push ko talaga 'tong si Tomato kay Akira! Hahaha!

"Kanojo wa anata no gyōshi kara tokete imasu, Shin." (She's melting from your stares, Shin.)

"Ittai nanidesu ka? Arienai." (What the heck? No way.)

"Anata wa sekimen shite imasu, tomato." (You're blushing, Tomato.)

Kinurot naman ni Shin ang pisngi ko. Aba, ganito pala ang gusto nito! Hindi naman ako nagpatalo at mas madiin kong kinurot ang pisngi niya. Natatawa na nga lang kami sa pinagagawa namin, hanggang sa 'di namin namalayan na kanina pa pala nakahinto ang music tapos ang lahat ay nakatingin sa'min including si Yuito na ang sama ng titig sa'ming dalawa.

Nagsisimula na din kaming asaring dalawa ni Shin, nagulat pa nga ako ng hapitin niya ang bewang ko. Si Akira naman, hindi makatingin sa'kin ngayon. Hala, mygosh! Hindi 'to pwede!

Pasimple naman akong kumawala sa pagkakahawak ni Shin sa bewang ko. Sakto nga dahil sinabi na ng teacher namin na need namin mag-switch ng partners for the next music. This time, si Akira and Shin na ang magpartner. Habang ako, heto. Nakatayo lang. Ba't ako 'yong lalapit? Kaya ko naman kahit wala akong partner 'no.

Habang nagsasayawan na ang lahat, kami ni Yuito walang imik sa isa't isa. Ang awkward naman kasi 'no! Halos ilang minutes din kaming gano'n lang kaya pinuna na kami ng teacher.

"Ugoke! Yui,-te to koshi o tsukanda!" (Move! Yuito, held her hand and hips!)

Wala namang nagawa si Yuito kung hindi hawakan ang kamay ko. Ito namang puso ko, sobrang bilis na naman ng tibok. Tangina, ba't ba kasi kailangan may switch partners pa!

Sunod namang hinawakan ni Yuito ang bewang ko. Para kaming timang na dalawa kasi sobrang lawak ng space sa pagitan namin. 'Yong tipong ayaw namin magdikit, gano'n!

"Kurōzā! Harumi, yuito no kata ni te o kakete!" (Closer! Harumi, lean your hand on Yuito's shoulders!)

Nilapit naman ako ni Yuito sa kanya, sobrang lapit na halos mapahawak ako sa balikat niya. Dahan dahan naman akong dumistansya at napatingin sa kanya.

"Otagai no me o mite, aishiau yō ni ongaku no rizumu o kanjite kudasai!" (See each other's eyes, feel the rhythm of music as if you love each other!)

Wala kaming choice ni Yuito. Kami lang talaga ang tinutukan ng teacher namin, habang 'yong iba tumigil sa pagsasayaw para panoorin kaming dalawa. Namumula na ang pisngi ko, pero alam kong hindi dapat ganito.

Tapos badtrip pa, nananadya pa 'yong music. 'Yong Fuitchi No Kanjo pa talaga ang pinatugtog, 'yong favorite song pa naming dalawa.

"Pag-ibig na kaya? Pareho ang nadarama, ito ba ang simula?" Habang nagsasayaw kami, naririnig ko ang boses niya sa tainga ko. Teka, kumakanta ba siya? Pero bakit tagalog version 'yong sa kanya?

"'Di na mapipigilan, pag-ibig na ito. Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito.." Napalunok na lamang ako. Heto na naman tayo Yuito e, palibhasa alam na alam mo kung pa'no ako kunin. Balak ko na sanang itulak siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.

"Dito ka lang." Bulong niya. Hindi ko alam kung sayaw pa ba 'tong ginagawa namin, dahil kung titignan mo ang posisyon namin ay parang niyayakap niya na ako.

"'Wag kang aalis, 'wag kang pupunta sa kanya.."

No Harumi, 'wag kang papaapekto sa kanya. Ganyan lang talaga siya, walang malisya 'to.

"'Di mo ako pag-aari, Yuito." Matigas na pagkakasabi ko. Totoo naman e, wala naman kaming relasyon.

"I'm fuckin' jealous, please stay Harumi. Don't do this to me."

Magbingi-bingihan ka Harumi. Magiging marupok ka na naman ba? Awat na, wasak na wasak na 'yong puso mo oh. Buong lakas ko naman siyang tinulak.

"I told you, I'm done. Sorry for bothering you for so long, pero this time wala ka ng iintindihin."

Tumalikod ako. Nagtataka na ang mga kaklase ko sa mga kinikilos at sinasabi namin, pero wala akong pakialam. "Gagawin ko nalang ang bagay na magpapasaya sa'kin, hope you'll do the same Yuito."

And with that, umalis ako sa klase. Sakto namang nag-ring ang bell hudyat na lunch break na.

---

Pink's Note:

The following chapters ay POV na ulit ni Harumi. Well, nakakaproud ang ating gurl because she's doing her best to forget Yuito, little by little. Pero hindi rin naman tumitigil si Yuito to pursue her. Let me know your thoughts about this chapter? By the way, this is dedicated to JustCallMeSpongebob.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro