Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One: "New Beginnings, New Love?"

"Fujioka kōkū C - 8900-bin no subete no jōkyaku ni chūi o mukete, anata no kōkūki ga Tōkyō, Nihon ni tōchaku shimashita. Sonomama tōjō no oshirase o omachikudasai." (Attention to all passengers of Fujioka Airlines Flight C-8900, your aircraft bound to Japan has arrived. Please remain and wait for the boarding announcements.)

As I took off my earphones, napansin ko na wala na ako sa Pilipinas. Ibang iba ang ambiance dito sa Japan, nakikitaan ng disiplina ang bawat tao dito. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang dalawang bansa, pero isa lang ang nasisiguro ko— sobra kong mamimiss ang bayang kinalakihan ko.

Marahil sa ibang tao, kapag nasa ibang bansa sila, kitang kita sa mga labi nila ang ngiti. Pero sa sitwasyon ko kasi ngayon, hindi ko kayang maging masaya. Kamamatay lang ng Papa Yuta ko at kahapon lang no'ng nailibing siya. Kaya naman nagdesisyon si mama na kuhain ako mula sa Pilipinas para maalagaan daw niya ako.

Pero siyempre, aasa pa ba ako sa kanya?

"Anata wa Ichinose Harumi-sandesu ka? Watashi wa Shiga-ka no kazoku doraibādeari, anata o mukae ni kimashita." (Are you Ms. Ichinose Harumi? I'm the family driver of Shiga Family and I'm here to pick you up.)

Nandito na pala ang sundo ko. Well, nag expect ako siyempre na nasa loob si mama. Pero gaya ng laging nangyayari, wala na naman siya. Nginitian ko nalang ito sabay yuko.

"Hai,-sōdesu. Go fuben o okake shite mōshiwake arimasen." (Yes, I am. Thank you and sorry for the inconvinience.)

I can speak three languanges: Filipino, English and Japanese. Kung hindi niyo kasi naitatanong, half filipino and half japanese ako. Hapon ang papa ko at siya ang kasama ko sa Pilipinas habang nagtatrabaho si mama bilang kasambahay sa Japan.

"Tsuini kimashita. Shiga rejidensu e yōkoso." (We are finally here. Welcome to Shiga Residence.)

Bumaba na ako mula sa kotse at napatingin sa ganda ng paligid. Sobrang yaman nga pala talaga ng amo ng mama ko, kaya siguro kahit anong sabi namin sa kanya na umuwi na sa Pilipinas, ay hindi niya magawa. Sino nga ba naman ang pipiliin na mamuhay sa hirap at ipagpalit ang buhay na puno ng karangyaan?

Para sa akin, mga mababaw lang na tao ang handang piliin ang magandang buhay kaysa makasama ang sarili niyang pamilya.

Sinamahan ako ng mga iba pang yaya do'n para pumasok na sa loob ng mansion. Abala si mama sa pagluluto pero agad niyang itinigil ang ginagawa niya nang makita ako.

"Harumi, anak!" salubong niya sa akin at niyakap ako. Ginantihan ko na lamang ito ng yakap at pilit na ngumiti.

"Ma, pagod po ako."

Agad naman ako nitong binitawan. Sana naman makaramdam siya na puno ng poot at pagkamuhi ang nararamdaman ko sa kanya.

"Ay sorry anak, namiss ka lang talaga ng mama. Halika rito, ipapakilala kita sa amo ko." Hinila niya ako kaya wala na akong nagawa. Kumatok siya sa isang kwarto at lumabas do'n ang babaeng medyo may edad na.

"Yarano okusama, watashi no yuiitsu no musume, Ichinose Harumidesu." (Ma'am Yarano, here's my one and only daughter, Ichinose Harumi.)

Agad naman akong yumuko para magbigay galang. "Ohayō, yarano okusama. Koko de watashi o ukeirete kurete arigatō. Kaji o tetsudau koto o yakusoku shimasu." (Good morning, Ma'am Yarano. Thank you for accepting me here. I promise to help with the housework.)

Bakas naman ang ngiti nito sa'kin. "So totoo pala ang sinasabi nitong si Mae? Na magaling ka mag-Japanese? You impressed me, Harumi."

Hindi ko alam paano ako magrereact. So marunong pala siya mag tagalog? Nakakamangha naman. "Hala, opo ma'am."

"Tita Yarano nalang. Oh siya, alam kong pagod ka galing sa biyahe. Tara, may ipapakita ako sa'yo."

Naunang maglakad si Tita Yarano. Akala ko ay bababa kami kasi ang expect ko, nasa baba ang kwarto ko kasama si mama. Pero laking gulat ko na nandito pa rin kami sa second floor. Kulay pink ang kulay ng pinto at nang buksan niya 'yon, nanlaki ng sobra ang mga mata ko.

Ba't ang bongga naman yata ng kwarto ko? Shems, ang ganda!

"Do you like it, Harumi?"

"Yes po, tita. Maraming salamat po talaga."

"Kwarto ito dapat ng anak kong babae. Pero sa kasamaang palad, namatay siya. Okay lang ba sa'yo na dito ka?"

Kaloka ha. Kahit patay na 'yong anak niya, gora lang kung ganito naman kaganda ang kwarto ko. Wala na akong pakialam kung may multo man dito o wala. Shet, ang saya saya ko!

"Okay lang po. Maraming salamat po ulit," nakangiti kong sambit sa kanya. After no'n, nagpaalam na sa'kin si mama at Tita Yarano. Sasarhan ko na sana ang pintuan para makapagpahinga nang biglang magbukas ng pintuan ang katapat kong kwarto. Kulay blue naman ang sa kanya.

"Ohayōgozaimasu, anata no namae wa nandesuka?" (Goodmorning, what's your name?)

Medyo natagalan ako na magrespond sa tanong niya. Paano ba naman, tinitigan ko talaga siya. Blonde ang color ng hair niya, pero bagay naman sa kanya. Ang tangos ng ilong at super gwapo!

Ito pala ang inaalagaan ng mama ko kaysa sa'kin. Nakalimutan ko, dapat pala galit ako sa kanya.

"Ichinose Harumidesu. Anata wa Shiga Yui hitodesu ka?" (I'm Ichinose Harumi. You are Shiga Yuito right?)

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. "Teka, paano mo nalaman? Atsaka, marunong ka pala mag-Japanese? Astig!"

Psh, pinahirapan pa ako. Marunong naman pala siya mag tagalog. "Paano ba naman na hindi ko malalaman? Ikaw lang naman ang pinili ng sarili kong magulang."

Magsasalita pa sana siya pero pinagsarhan ko na siya ng pinto. Malakas ang pakiramdam ko na hindi kami magkakasundo ng Yuito na 'yon.

🧡🧡🧡

Maaga akong nagising para tulungan si mama na magluto ng almusal. Well, galit pa din ako sa kanya, pero hindi 'yon sapat na dahilan para hindi siya respetuhin. Besides, nanay ko pa rin siya kahit bali-baliktarin man ang mundo.

Malaki ang utang na loob ko kay Tita Yarano kasi napagdesisyunan niya na pag-aralin ako gaya ng pinapasukan na school ni Yuito. No'ng una, siyempre tumanggi ako. Kasi wala naman sa isip ko ang pag-aaral nang tumuntong ako sa Japan— trabaho agad ang sa tingin ko na kailangan ko.

Pero dahil mabait si Tita Yarano, ang sinabi niya nalang sa'kin ay ituring ko nalang na trabaho ang pag-aaral ko dito sa Japan. Ang dahilan? Bantayan ko daw ang anak niyang si Yuito. Nababahala kasi siya sa anak niya dahil malapit na ito magkolehiyo, pero hindi man lang nito sineseryoso ang pag-aaral. Mabababa ang marka nito sa halos lahat ng subjects niya.

Kaya 'yon, kahit labag sa loob ko ay gagawin ko nalang para kay Tita. At heto na nga, katabi ko ngayon si Yuito sa kotse. Ihahatid kami ni Manong Ranmaru (siya din 'yong sumundo sa'kin no'ng nasa airport ako) sa paaralan.

"Is this love? And if you feel the same. Is this the beginning? My heart keeps saying it loves you!" Nakaheadphones si Yuito habang walang pakialam sa paligid na kumakanta. Aba, at fan din pala siya ng Gigabytes? Umaabot pala dito ang kasikatan ng paborito kong banda?

"It screams for the whole world to hear it, why does it takes so long for me to hear it? We've finally met, hope it's not a mismatched feelings!" pagdugtong ko sa kanta niya. Tinanggal niya naman ang headphones at humarap sa'kin.

"Fan ka rin ng Gigabytes? Nice!" comment niya.

"Fave ko 'yang kinakanta mo, Mismatched Feelings. Pero try mo pakinggan 'yong japanese version niyan, mas masakit 'yong dating kaysa sa english version."

"Woah! Ano namang title?" interesadong tanong ni Yuito.

"Fuitchi No Kanjō."

"Okay, noted. Papakinggan ko talaga 'yan, ni-recommend mo e."

Sinalpak niya na ulit 'yong headphones niya. Hindi ko naman maiwasan na mapatingin sa kanya, kahit sulyap man lang. Wala e, first time na makakita ako ng gwapo. Hmm, may girlfriend na kaya itong si Yuito?

E ba't ka ba interesado kung may jowa siya? Ano bang pakialam mo, Harumi?

Sinampal sampal ko naman ang pisngi ko para magising naman ako sa katotohanan. Gawa lang ito siguro nang pagpupuyat ko. Paano ba naman kasi, masyado akong excited at hindi ako makatulog.

Nang makarating na kami sa Yamizawa High, expected ko na may general assembly muna sa gymnasium. Aba, kahit paano ay may idea ako kung paano ang kalakaran dito sa Japan 'no.

"Nasa'n na 'yon?"

Napatingin ako sa paligid kasi kanina lang ay kasama ko si Yuito. Kaloka ang lalaking 'yon! Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi siya makakatakas sa paningin ko gawa ng ako ang bantay niya.

Hmp, bahala na nga siya sa buhay niya. Malaki na siya 'no!

Nagtanong tanong ako sa ibang students nang matapos ang assembly. Mababait ang tao dito at tinulungan pa ako maghanap ng classroom ko. And as my surprise, nandito na pala si Yuito na subsob ang mukha sa desk niya. Dahil siya lang din naman ang kilala ko, sa kanya na ako tumabi.

Hindi ko alam ba't parang big deal ang ginawa ko, pero halos lahat ng babae kong classmates ay masama ang titig sa'kin. Pakialam ko ba sa kanila?

"Hoy gising!" sinipa ko 'yong upuan niya. Nagtataka na 'yong iba dahil sa mga sinasabi ko. Napapangisi na nga lang ako kasi feeling ko ang talino ko, chour!

"Dōshite? Watashi wa nemui." (Why? I'm sleepy.)

Aba, at wala na talaga siyang ibang gagawin kung hindi matulog? Kaya siguro mababa ang marka niya.

"Hay nako, napakaantukin."

Napaikot tuloy ako ng eyeballs. Okay Harumi, dahil kabilang siya sa trabaho mo, kargo mo siya. Malalagot ka kay Tita Yarano. Kaya kahit labag sa loob ko, nilapagan ko siya ng lollipop para 'di siya antukin.

Habang nakalagay ang noo niya sa kamay niya, napalingon siya sa'kin. Kain niya na 'yong lollipop na binigay ko. "Tenchu, Harumi!"

Hindi agad ako nakareact nang sabihin niya 'yon. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na effective sa'kin ang pagkain ng lollipop para 'di antukin, pero 'di ko magawa. Basta ang alam ko, namumula ang mukha ko. Ang cute lang kasi ng reaction niya.

🧡🧡🧡

Buong oras kong pinilit ang sarili ko na hindi na pansinin pa ulit si Yuito. Hindi kasi healthy para sa puso ko ang gano'ng pakiramdam. Kaya habang may umuusbong, pigilan na agad.

Nang dumating na ang lunch break, agad akong tumayo para umalis na sa room. Ayaw ko rin naman kasi makihalubilo sa iba, kasi may kanya kanyang group na 'yong mga classmates ko. Nakakahiya makisali.

"Sa'n ka pupunta?" Kaloka, ba't bigla nalang 'to nagising? Parang kanina lang, tinulugan niya lahat ng discussions ha.

"Lunch break na po kasi Mr. Shiga Yuito," pagtataray ko sa kanya. Nagulat naman ako nang akbayan niya ako. "Sama ako."

Mas lalong namula ang mukha ko dahil sa paglapit niya sa'kin. Agad ko naman siyang tinulak. Mahirap na at baka ma-issue.

Sa ngayon, kasama ko si Yuito. Saktong sakto dahil 'di ko rin naman alam sa'n ang cafeteria kaya mabuti na rin na sumama siya sa'kin. Pero ang nakakaintriga, bakit ang daming babaeng nagtsi-tsismisan? Ang sasama pa ng titig sa'kin no'ng iba at marami ding tumitili.

"Ganito ba talaga ang mga babae sa Japan? May mga sapak?" bulong ko kay Yuito. Binatukan naman ako nito, pero 'di naman masyadong malakas.

"Iba din talaga pag-iisip mo 'no?" natatawang sabi niya. Tinarayan ko nalang siya. Nagtatanong ako sa kanya, tanong ba naman din ang isagot sa'kin.

Amats din 'tong si Yuito e.

~~~

Pink's Note:

Dedicated to JustCallMeSpongebob.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro